Share

Save Me
Save Me
Author: Darkshin0415

Chapter 1

CHAPTER 1

“Anne, ito si Mr. Lorenzo siya ang nakabili sayo,” sabi ni ma’am Lila sabay tingin ko sa lalaking nakaupo.

“Magandang umaga po sir, masaya po ako at ako po ang napili ninyong bilhin,” masayang bati ko sa kanya. Tumango lamang ito at agad na akong pinalabas ni ma’am Lila upang ligpitin ang aking mga gamit.

“Margie!" Tawag ko sa kaibigan ko habang tumatakbo ako.

“Bakit Anne, anong nangyari sayo?” napansin ko namang nag-aalala siya sa akin siguro akala niya napagalitan ako.

“May bumili na sa sa akin Margie!” Tuwang sabi ko sa kanya at hindi ko maiwasang mapatalon sa tuwa. Sa wakas makakalabas na ako at masisilayan ko na ang mga magagandang tanawin sa labas katulad sa mga larawan na nandoon sa magazine na palagi kong tinitingnan sa tuwing papasok kami sa opisina ni ma’am Lila.

“M-masaya ako para sayo Anne,” Nakangiting sabi ni Margie sa akin pero alam kong nalulungkot siya. 

“Salamat Margie mag-ingat ka dito ha,” sabay yakap ko sa kanya. Kahit hindi kami madalas magkasama dati ay magaan ang aking loob kay Margie dahil mabait siya katulad ni Carla, pero hindi talaga ako lumalapit kay Carla dahil magagalit sa akin si Amy.

“Oo naman magpakabait ka doon ha!” Nakangiti akong tumingin kay Margie, ngumiti naman siya, pero umiiyak na siya.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya, kahit alam kong malungkot ito dahil siya nalang ang maiiwan dito, dahil halos iyong mga kasabayan namin ay nabili na. 

“K-kasi iniwan niyo na ako dito,” umiyak pa rin siya kaya ningitian ko nalang siya, dahil naawa ako sa kanya. 

“Wag kang mag-alala Margie makakaalis ka rin dito,” sabi ko naman sa kanya at tumango lang naman siya sa akin. 

“Oh sige na aalis na ako ha, hinihintay na kasi ako ng amo ko sa baba pumunta lang ako dito para magpaalam sayo.” 

“Oo Anne mag-ingat ka doon ha?” sabi niya sa akin at tumango naman ako. 

Binilisan ko ang aking pagtakbo upang makarating kaagad sa baba habang hawak ko ang aking mga damit na nakalagay sa supot. 

Mabilis naman akong pinag buksan nang pinto ng sasakyan ni sir Larenzo. 

Napapangiti akong nagmamasid sa loob ng sasakyan ang ganda dito at ang bango ganito pala ang pakiramdam kapag nakasakay ng sasakyan. Lagi ko naman itong nakikita sa mga magazine pero iba pala talaga kapag naranasan mo na, halos hindi ko mapigilang mamangha sa nagtataasang mga building na aming nadadaanan, totoo nga pala nakikita namin sa picture, ang taas-taas nila. Nakikita ko pa sa magazine na may swimming pool sa itaas nito. Mabuti na lang talaga at pumasok ako sa opisina ni ma’am Lila kaya meron akong alam sa labas, napangiti naman ako sa aking isipan.

halos dumaan ang isang oras bago huminto ang sasakyan ni Sir Lorenzo sa isang itim na gate at pumasok sa isang malaking bahay, ang alam ko mansion ang tawag nila sa ganitong bahay.

Pinagbuksan ako ng pinto ni sir Lorenzo at may lumabas na ginang at sumalubong ito sa amin. 

“Oh ito na ba ang pinabili ko sayo?” tanong niya kay sir Lorenzo habang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Napalunok naman ako dahil kapansin-pansin ang kanyang katarayan.

‘’Magandang umaga po ma’am,” bati ko  sa kanya habang nakayuko.

“Agnes call me Madame Agnes.” mataray niyang sabi sa akin at tumango naman ako, nagulat ako ng bigla niyang hilahin ang aking buhok.

“Hindi ka ba marunong sumagot?” asik niya sa akin habang hawak ang aking buhok.

“O-opo madame Agnes,” nauutal kong sagot sa kanya at halos babagsak na ang aking luha dahil sa sakit ng paghawak niya. Binitawan niya ako at pumasok kami sa loob namamagha naman akong napatingin sa paligid. Ang ganda rin  ng mga disenyo sa loob ng kanyang bahay.

“Kailangan mong matutunan lahat ng gagawin dito sa bahay, dahil kaya ako bumili ng alipin dahil ayaw ko nang maghanap pa ng ibang katulong tama na sa akin ang isa at ikaw iyon.”  sabi niya sa akin habang nakapamewang.

“O-opo madame Agnes.” sagot ko naman sa kanya habang nakayuko natatakot kasi akong tingnan siya baka masasaktan na naman ako.

“Isa pa, ayaw na ayaw kung lumabas ka dito o kahit ang lumapit sa gate. Mapaparusahan kita oras na sumuway ka.” 

“Opo madame,” mahinang sagot ko sa kanya.

“Ayaw na ayaw ko ring pakialaman mo ang mga pagkain kahit ang mga natira. Ang kakainin mo lang ay iyong natitira sa aming pinggan at wag na wag kang magluto na para sayo kailangan iyong nasa tira lang namin ang kakainin mo nagkakaintindihan ba tayo?” 

“Opo madame.” sagot ko sa kanya at hindi makatingin dahil ang talim ng kanyang mga mata na tumitig sa akin kaya yumuko nalang ako. May binuksan naman siyang pinto at pumasok kami.

“Ito ang tutulungan mo. May banig na diyan wag ka nalang mag kumot at unan at dito ka rin maglalaba dahil ito ang aming laundry room. 

Naintindihan mo ba? At ayaw na ayaw kung magtatanong ka ulit maliwanag.”

“Opo madame,”

“Good o bilisan mo na ipagluto mo na kami marunong kabang magluto?”

“O-opo isda po?”

“Ano? Ang mahal ng bili ko sayo tapos isda lang ang alam mo!”  Napapikit ako sa lakas ng pagkasabi niya sa akin.

“P-pasensya na po madame iyon lang po kasi a-.” hindi ko natapos ang aking pagsasalita ng sampalin ako ni madame Agnes. Hindi ko naman napigilan ang aking mga luha sa pagbagsak.

“Alam mo ang tanga mo naman at ang pinaka-ayaw ko ay sasagutin ako!” sigaw niya sa akin at napahikbi naman ako, dahil sa sakit ng pagkahawak niya sa aking panga.

“P-patawad po madame,” iyak kong sagot sa kanya. 

“Here! Gamitin mo ang cellphone na ito at panoorin mo diyan kung paano magluto naintindihan mo ba?” 

“O-opo madame.” mabilis naman siyang umalis at iniwan akong umiyak habang pinapanood sa YouTube ang pagluluto. 

“Mommy i’m hungry, wala pa bang pagkain.” narinig ko namang sigaw ng isang babae kaya nagmamadali na akong magtungo sa kusina. Tiningnan niya naman ako mula ulo hanggang paa.

“You are a new maid here?” tanong niya  sa akin. 

“O-opo ma’am.” sagot ko sa kanya pero sinampal niya rin ako.

“You know what It’s almost one pm tapos hindi ka pa naka pagluto! anong pinaggagawa mo at hindi mo nagawa ang mga obligasyon mo bilang katulong?” asik niya sa akin.

“Pasensya na po ma’am hindi na po mauulit,” Nakayuko kong sagot sa kanya.

“Bilisan mo na at wag kang patanga-tanga!” sigaw niya sakin habang umupo. Mabilis naman akong nagtungo sa kusina at nagluto pinapanood ko rin sa YouTube app kung paano buksan ang gas stove. 

Ilang minuto lang ay natapos na akong magluto ng adobo at luto na rin ang kanin sa rice cooker. 

Mabilis akong naghanda sa mesa ng pagkain, tinawag ko na rin sila madame Agnes at ang kanyang anak na si ma’am Ava. 

Nakatayo lamang ako sa kanilang likod habang naghihintay na matapos silang kumain. 

“Mommy kailan ba uuwi si daddy?” tanong naman ni ma’am Ava.

“Don’t worry anak baka next month kasama si Kuya Red mo.” 

“Really mom I miss him and marami akong ipapabili kay kuya,” sabi ulit ni ma’am Ava kay Madame. 

Mayamaya pa ay tumayo na sila. Agad ko nang kinuha ang platong pinagkainan nila at isinalin lahat ng natirang laman para kainin ko, dahil gutom na gutom na rin ako kaya pagkatapos kong iligpit ang pinagkainan ay pumunta ako sa likod, para kainin ang pagkaing natira nila. Halos buto nalang rin ng manok ang natira at konti lang ang kanin kaya s******p ko nalang ang mga buto.

“Anne where are you!” mabilis kong nilagay ang platong pinagkainan ko, nang marinig ko si ma’am Ava at mabilis na lumapit sa kanya. 

“Ano po iyon ma’am?” 

“Here laundry this pagkatapos I plansya mo.” utos niya sabay abot ng damit mabilis ko itong kinuha at nagtungo sa laundry room na aking silid. Mabilis ko ulit binuksan ang cellphone at pinapanood kung paano paandarin ang washing machine. Ginagaya ko lamang ito sa cellphone at gumana naman. 

Inilipat ko naman ito sa drayer at agad binuhay. Nanunuod pa rin ako sa YouTube habang naghihintay na matapos ang ito. 

Nilagay ko naman ang damit sa may plansyahan at isinaksak ko naman ang wire ng plansya, pero laking gulat ko ng umusok ito at nakita ko ang damit ni ma’am Ava na nasusunog. Natataranta akong hinugot ang wire.

“Anne ano iyong nangangamoy?” tanong ni madame Agnes na nasa pintuan na.

“Ma’am i-iyong d-damit po n-nasusu-." hindi ko natapos ang ating sasabihin  ng dumating si ma’am Ava at pinagsasampal ako. 

“Ang tanga mo! alam mo bang ang mahal ng damit ko?” ani niya habang sinasaktan ako.

“T-tama na po ma’am, hindi ko po sinasadya maawa na po kayo.” halos hindi ko na mararamdaman ang ating katawan  sa pananakit ni ma’am Ava kung saan-saan niya naman ako pinapalo sobrang namamanhid na rin ang aking pisngi dahil sa pagsampal niya sa akin. 

“Dapat lang iyan sayo tanga ka!” sigaw niya pa bago ako iniwan na nakaupo sa sahig. 

“Bilisan mo na diyan Anne! lilinisin mo pa ang kwarto ko.” utos naman ni madame Agnes. 

“O-opo madame.” sagot ko sa kanya habang tumayo kahit sobrang sakit ng aking katawan pinilit ko pa ring tumayo at sumunod kay madame.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status