CHAPTER 2
Alas tres ng madaling araw ay gumising na ako, para maglinis ng buong bahay, baka mapagalitan na naman ako ni Madame Agnes kapag may nakita siya na konting dumi rito sa bahay. Mabilis akong nagtungo sa labas at inumpisahan ng magwalis at mag map ng sahig. Ng matapos ko itong malinis ay nagtungo agad ako sa pool at ito naman ang nilinis ko. Hindi ko napansin na alas sais na kaya nagmamadali akong nagtungo sa kusina para makapag-luto na ng almusal. Hotdog at itlog ang aking unang niluto bago ang sinangag na paborito ni Ma'am Ava. Nakaramdam naman ako ng gutom, dahil kanina pa ako gising, kaya nag timpla ako ng kape habang nagluluto."Anne!" bigla akong napalingon kay Madame Agnes na nasa likod ko na."Sinong nagsabi sa'yo na pwede kang uminom ng kape?" tanong niya sa akin habang nakatitig sa tasang hawak ko."P-po p-pasensya ka na p-po Madame nagugutom po kasi- arayyyy!" napasigaw ako ng binuhos ni Madame sa akin ang kape na inagaw niya sa aking kamay. "Ang kapal ng mukha mo? Diba sinabihan na kita na 'wag kang mangingi-alam sa mga nakalagay tito sa kusina? Napakatigas talaga ng ulo mo?" napadaing ako ng malakas dahil sa pag sabunot ni Madame sa aking buhok at pinag-hahampas pa niya ako sa aking katawan. "P-patawad p-po M-Madame Agnes hindi ko na po uulitin maawa po kayo t-tama na po!" iyak kong pag-mamakaawa sa kanya habang hawak pa rin niya ang aking buhok."Subukan mo lang ulit nangingialam. Talagang malilintikan ka sa akin. Sinabihan na kita na ayaw na ayaw ko iyong paulit-ulit na sasabihin sayo maliwanag ba?" asik sa akin ni Madame habang patuloy pa rin sa paghampas sa aking katawan."O-opo Madame," sagot ko sa kanya habang nakaupo sa sulok ng upuan."Tumayo ka na diyan at 'wag kang tamad sinasabi ko sayo Anne 'wag na 'wag mo akong aartihan!" Tumango ako kay Madame bago siya lumabas ng kusina, unti-unti naman akong tumayo at ramdam ko pa rin ang hapdi ng aking balat na natapunan ng mainit na kape, kaya mabilis akong nagtungo sa lababo at nilagyan ito ng tubig habang umiiyak.Mas mabuti pa sa ampunan hindi ko naman nararanasan ang ganitong kalupitan akala ko magiging masaya ako kapag may kumuha na sa amin doon, hindi naman pala. Naglandas ng husto ang aking luha sa aking iniisip, kaya pinunasan ko agad ito at nagmamadaling ihanda ang pagkain sa mesa. Nakatayo lamang ako habang naghihintay na matapos sila sa kanilang pagkain. Ilang minuto pa ay tumayo na si Ma'am Ava at sumunod naman si Madame Agnes. Napatingin ako sa kanilang pinagkainan at wala ng natira roon. Ramdam ko naman ang sakit ng aking tiyan sa gutom na kanina ko pa tinitiis, pero wala na akong makain dahil wala naman silang tirang pagkain sa plato. Kaya kumuha na lang ako ng tubig at inimon ito para maibsan ng konti ang gutom na aking nararamdaman. Inumpisahan ko ng ligpitin ang kanilang pinag kainan at mabilis na hinugasan. Nagmamadali akong pumunta sa sala upang umpisahan na itong linisin."Anne, pagkatapos mo diyab palitan mo ang bed sheet sa isang guest room dahil may darating akong bisita." sabi ni Madame sa akin bago siya lumabas ng bahay kaya tumango na lang ako.Gabi ng umuwi sina Madame at Ma'am Ava. Mabilis naman silang natapos sa kanilang hapunan, tuwang-tuwa naman ako dahil maraming tirang kanin at ulam sa plato ni Ma'am Ava makakakain na rin ako dahil simula pa kaninang umaga ay hindi nag-kalaman ang aking tiyan.Agad kong niligpit ang kanilang ping-kainan, at mabilis kong binukod ang tira ni lang pagkain. Pumunta agad ako sa likod at inumpisahan na itong kainin. Mabilis kong nilinisan ang kusina at papasok na sana para makapag-pahinga dahil alas onse na ng gabi. Pero tinawag ako ni Ma'am Ava, kaya agad akong pumunta sa kanya. "Anne, umakyat ka rito sa kwarto ko at ihanda mo ang bathtub!" sigaw ni Ma'am Ava kaya nagmamadali akong umakyat. Pagpasok ko sa kanyang silid ay nagtungo agad ako sa banyo, at hinanda ang kanyang paliguan. Nang matapos ko itong ihanda ay agad ko ng tinawag si Ma'am Ava. Lalabas na sana ako pero tinawag niya ulit ako. "Anne masahiin mo iyong paa ko." utos niya sa akin. Agad naman akong umupo sa sahig at kinuha ang kanyang paa, at dahil sa antok na aking nararamdaman ay bigla akong napasubsob sa kanyang paa."Ang tamad mo! Iyan na nga lang ginagawa mo inaantok kapa!" sigaw ni Ma'am Ava habang hinahampas ang aking likod. Napapadaing naman ako sa lakas ng kanyang paghampas sa akin. Alas dose na nang hating gabi ng matapos ang paghilot ko sa paa ni Ma'am Ava, kaya mabilis akong nagtungo sa aking silid at agad ng humiga. Ang sakit ng katawan ko sa mga hampas nila pero kailangan kong tiisin wala na akong magagawa dahil sila ang nagmamay-ari sa akin. Pinunasan ko ang aking luha, dahil hindi ko mapigilan umiyak. Unti-unti naman akong hinihila na ng antok dahil sa pagod. Mabilis akong nag-mulat ng mata ng nakaramdam ako ng lamig basang-basa na pala ang aking damit pati ang aking higaan dahil sa tubig na binuhos ni Madame sa akin."Mabuti naman at nagising kapa!" sigaw niya sa akin sabay sampal."Tingnan mo kung anong oras na masyado ka naman yatang nag i-enjoy sa iyong pagtulog?" sabay hampas niya pa sa akin."P-pasensya na po kayo Madame hin-." Hindi ko natapos ang aking sasabihin ng mabilis bumaling sa kanan ang aking mukha dahil sa malakas na sampal ni Madame sa akin. "Bilisan mo na diyan at 'wag ka nang sumagot pa!" asik niya sabay labas. Tumayo naman ako at magpapalit na sana ng damit, pero nabasa rin ang iba kong damit kaya lumabas na lang ako kahit basa.Mabilis kong hinanda ang pagkain sa mesa pero napadaing ako ng hampasin ako ni Ma'am Ava."Anong pinag-gagawa mo at basa ang sahig ha! Hindi mo ba ito nilinis? Alam mo bang muntik na akong madulas!" sigaw niya sa akin habang dinuduro niya ang aking ulo. "B-basa po kasi ak-.""Basa ka pala, bakit ka pakalat-kalat ha?" sigaw ni Ma'am Ava habang hawak ng mahigpit ang aking braso. Napapikit ako sa sobrang sakit, dahil ang kanyang kuko ay bumaon sa aking balat."A-aray po Ma'am w-wala po akong damit. B-basa po ang mga d-damit ko Ma'am," sagot ko kay Ma'am Ava habang yumuko. Binitawan naman niya ako at itinulak."Magbilad ka sa labas para matuyo ka ang bobo mo!" sigaw niya pa sa akin."O-opo Ma'am," sagot ko sa kanya at mabilis lumabas. Nakatayo lamang ako sa may pool para matuyo ang aking damit. Napansin ko naman ang isang sasakyan na pumasok, lumabas si Ma'am Ava at si Madame."Anne! lumapit ka rito, salubungin mo ang Sir mo bilisan mo!" sigaw ni Madame Agnes sa akin, kaya mabilis akong lumapit sa kanila at nakita ko ang isang may edad na lalaking bumaba at isang gwapong lalaki. Ang gwapo niya at ang tangos ng kanyang ilong, ang kanyang mga mata ay singkit at matangkad rin siya. "Bakit tinitigan mo ang Kuya ko malandi ka!" asik ni Ma'am Ava sa akin sabay batok kaya yumuko na lang ako."Huwag ka ng tatanga-tanga Anne, hakutin mo na ang mga gamit sa loob." utos ni Madame sa akin at agad ko namang kinuha ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Halos hindi ko mabuhat ang iba dahil mabigat ang mga ito. Napatingin naman ako sa gwapong lalaki na lumapit sa akin."Ako na, you can stay there," nakangiti niyang sabi sa akin."No Kuya! you can't help her, she's our maid kaya hayaan mo siya." sabi ni Ma'am Ava sa lalaki. Kuya niya pala ito, kaya pala magkatulad sila na maganda at gwapo. "It's ok Baby, it's heavy baka di niya kayang buhatin." Hinaplos naman nito ang buhok ni Ma'am Ava."No Kuya, let's go inside please," sabi ni Ma'am Ava sa kanyang Kuya, sabay hila sa kanya, kaya mabilis ko na lang ibinaba ang mga gamit nila kahit sobrang bigat. Napatingin naman ulit ako sa lalaki kanina dahil ang gwapo niya at mukha siyang mabait. Para rin siyang katulad sa mga lalaking nakikita ko sa magazine rati noong nasa ampunan pa ako.C31 ENDSPGRED POV“Tito magpapali-.” hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng pasimple akong sinikmutahan ni tito Albert. Pinipigilan ko rin ang dumaing ng malakas, dahil baka matakot na naman ang asawa ko.“Why you do that Red?” madiin niyang tanong sa akin.“T-tito asawa ko.” “Pakasalan mo ang anak ko Red. Gusto ko ‘yong formal.” madiin niya pa ring sabi sa akin. Kaya tumango ako sa kanya.“Daddy Red, ano po ang ginagawa n ‘yo?” tanong ni Anne sa amin kaya ngumiti sa kanya si tito.“Pinag-usapan lang namin ang kasal n ‘yo anak.” wika ni tito habang papalapit ito sa asawa ko.“Daddy ikinasal na po kami, diba Red kasal na tayo?” wika niya habang nakatingin sa akin, kaya tinanguan ko siya.“Yes baby but we need to get married again, kasi wala sila mommy at tito no ‘n.” paliwanag ko naman sa kanya.“Kailangan pa ba ‘yon?” “Yes, anak kailangan.” Tumango naman siya kay tito.“Anne, anak let’s go home.” sabi ni tito kay Anne at tumingin naman siya sa akin.“Daddy dito na lang po ako kay
C30 RED POVSPG“Red iho, tawagin mo na si Anne at Ava.” sabi ni mommy Monica sa akin habang nilalagay nito ang mga pagkain niluto namin sa mesa.“Okay po mommy,” ani ko at lumabas ng kusina para tawagin ang asawa ko at si Ava. Pero nang marating ko ang sala ay hindi ko sila nakita kaya pumunta ako sa kanilang kwarto at kinatok ko ang pinto.Pero walang sumasagot at napansin ko naman na bukas pala ito kaya pumasok na ako. Tinatawag ko si Anne at Ava pero walang sumasagot kahit ang banyo ay napuntahan ko na rin, ngunit wala rin sila doon.“Tito, did you see Anne and Ava?” tanong ko kay tito ng makalapit ako sa kanya.“No, Red. Are they not in their room?” aniya.“No tito. Tiningnan ko na pati sa banyo wala rin sila.” wika ko sa nag-aalalang boses.“Red, baka lumabas.” Napatingin naman ako kay mommy habang lumalapit sa amin.“Pero bakit hindi po nag-paalam.” sagot ko naman kay mommy.“Red, you know Ava that doesn’t do that.” sagot naman ni tito sa akin. Kahit sinasabi na ni tito na ta
C29RED POVNagulat ako ng makita si Ava na umiiyak habang nakayuko sa may pinto ng aking condo, kaya mabilis ko siyang nilapitan at niyakap.“Baby! What are you doing here?” wika ko habang nag-angat siya ng tingin at lalo naman itong umiyak.“Kuya,” sambit niya sa akin habang humagolhol ng iyak. Inalalayan ko naman siyang tumayo at ipinasok sa loob ng aking condo.“Baby, why are you here? And why are you crying?” tanong ko ulit sa kanya habang pinupunasan ang kanyang luha.“Kuya, I no longer knew where I was going. I don’t like him.”“Him? Who baby?” takang tanong ko sa kanya, dahil naguguluhan ako sa kanyang sinabi.“Mr. Lorenzo told me and dad na siya ang totoo kung daddy kuya,” halos hindi naman ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Ibig niya bang sabihin hindi siya anak ni tito.“B-baby, are you telling the truth? P-paano mo nasabi na siya ang tatay mo? Baka nagsisinungaling lang siya sayo.”“No, kuya mom told me too! I don’t like him kuya, si daddy lang ang gusto kung maging daddy
C28 RED POV“Sumunod ka sa akin Red. Kailangan nating mag-usap.” Kinabahan akong tumayo sa aking upuan, dahil alam kong pagagalitan ako ni tito. Pero wala na naman siyang magagawa dahil kasal na kami ni Anne.Hahalikan ko na nasa ang asawa ko, pero mabilis akong hinila ni tito. Tsk.“Red? What went into your brain? And you married my daughter?” Asik niya agad sa akin ng makarating kami sa labas.“I love her tito.”“Love?! Have you ever forgotten that she is your cousin! She’s my daughter Red.” Madiing sabi pa ni tito sa akin.“But we are not really cousins tito.”“Bullshit Red! Hindi mo na ba talaga ako ginagalang?”“No tito i respect you, but please intindihin mo naman ako, mahal ko si Anne tito at ipaglaban ko siya dahil asaw-.” Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng hinampas ni tito ang sasakyan.“You know she was naive, especially at that wedding!”“Alam niya ‘yon tito pinapaintindi ko naman ‘yon sa kanya.” Paliwanag ko pa kay tito.“You know we can only be with her now, Red. Sana
C27ANNE POV“Baby she’s your mom, patawarin mo na siya mabait naman si tita Monica diba?” sabi ni Red sa akin habang yakap niya pa rin ako. Tama naman si Red mabait sa akin si ma’am Monica pero baka makita ako ni madame Agnes at sasaktan niya ako.“Baka magalit si madame Agnes Red,” Ani ko sa kanya habang nilingon ko si ma’am Monica na umiiyak pa rin.“No, baby hindi siya magagalit. Bakit naman siya magagalit, pamangkin ka niya.”“Pamangkin? Ano ang pamangkin Red?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pamangkin.“Pamangkin, example. Ako at si tito Albert, pamangkin niya ako.” Tumango ako sa kanya , dahil ganyan pala ang pamangkin.“Red, bakit mo sinabi na tatay ko siya?” hindi ko mapigilang itanong ito sa kanya, dahil nagtataka ako kung bakit niya sinabi na tatay ko si sir Albert.“Because he’s your father baby,” Napa-angat ako ng tingin sa kanya, dahil sa kanyang sinabi.“Pero ayoko siyang maging tatay Red,” ani ko sa kanya dahil natatakot talaga ako
C26ANNE POV“Red kumain ka na.” aniko sa kanya ng pumasok siya sa kusina.“Ikaw ang nagluto baby?”“Oo Red kanina pa kasi ako nagising gusto mo ba ng kape?” tanong ko sa kanya habang umupo na siya.“Sige baby whose coffee it is?” “Kay Margie iyan Red.”“Why did she not exhaust?”“Kasi tiningnan namin kung may dick ka.” sagot naman ni Margie kay Red habang pumasok na sila dito.“Honey can you be quiet.” sabi naman ng asawa niya habang pinaghila siya nito ng upuan.“Bakit mo naman inakala na wala ako no-. tsk aray kuya!” Napatingin ako sa asawa ni Margie ng dahil binato niya si Red ng kutsara. Kaya nakaramdam ako ng takot dahil baka sasaktan niya ng husto si Red.“Baby come here! Kakain na tayo,” Napatingin lang ako kay Red habang nilalaro ko ang aking mga daliri.“Baby are you okay?” tanong niya sa akin habang nilalapitan niya ako.“Sasaktan niya tayo,” bulong ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin.“Baby kuya never hurt us. Tingnan mo sinasaktan ba niya si Margie?” Napatingin ako