Beranda / Romance / Scars From The Past / Chapter One- Her Simple Life

Share

Scars From The Past
Scars From The Past
Penulis: Sweety Elle

Chapter One- Her Simple Life

Penulis: Sweety Elle
last update Terakhir Diperbarui: 2023-04-16 12:43:42

Eliza POV

Maaga pa lamang ay gising na si Eliza upang gumayak papunta sa palengke. Ito na ang nakagisnan niyang buhay mula sa trahedyang naganap sa kanyang tunay na mga magulang.

“O, Liza, anak, gising ka na pala,” bungad ni nanay mula sa kanyang silid na nakapagpamulat sa aking ulirat.

“Opo, nay, handa na po ang inyong agahan, may tinipla po akong kape para sa inyo, inumin n’yo na po baka lumamig,” tugon ko kay nanay na may halong paglalambing.

“Wow, ang bait talaga ng anak ko. Salamat ‘nak ha at swerte talaga kami ng tatay Fidel mo sa iyo. Ang bait na ang ganda-ganda pa,” sabi ni nanay na may ngiti sa labi.

“Asus, si nanay binobola na naman ako, hayaan n’yo nay malapit na ako makapagtapos maihahaon na kita sa hirap. Tiyak saan man si tatay ngayon masaya na siya nay.”

“Totoo yan ‘nak, proud na proud si tatay sa’yo. Ako rin nak. Napalaki ka naming mabuti,” maiyak-iyak na sabi ni nanay.

"Oh, 'nay, iiyak na naman kayo niyan? ang puso n'yo nay, naku! naku! makaalis na nga at ng makarami ng benta. Kayo ng bahala dito nay ha, tapos na ang labada at nakapaglinis na rin ako. Magpahinga kayo nay at ako ng bahala sa palengke.Bye, nay!," sabay sabi at halik sa pisngi ni nanay.

Dalawang buwan na lang at magtatapos na ako sa kursong kinuha ko na BS Accountancy. Sabay ginapang ng nakagisnan kung magulang ang aking pag-aaral. Kaya lang maagang kinuha ni Lord si tatay Fidel dalawang taon na ang nakakalipas. Naaksidente siya habang nagmamaneho ng truck lulan ang mga gulay at prutas na pinamili pa niya sa ibang probinsiya.

Masipag sa trabaho si tatay Fidel at ulirang maybahay si nanay Linda ngunit sa loob ng mahabang panahon ng kanilang pagsasama, wala sila nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sariling anak. Kung kaya't ng mapulot siya ni tatay Fidel sa daan sampung taon na nakakalilipas, tuwang-tuwa ang mag-asawa at tinuring siyang tunay na anak. Binusog siya ng pagmamahal at lahat ng bagay na gusto niya ay binibigay sa kanya.

Pasado alas kuwatro ng umaga ng makarating siya sa pwesto nila sa palengke. Marami-marami na rin ang mga tao at sakto naman na natapos na pagbubukas ng kanilang tindanan si Diding, ang kanyang katulong sa pagtitinda. Matandang dalaga ito at wala ng kasama sa buhay. Kaya naman ng tinanggap niya ito sa trabaho upang patigilin na ang kanyang nanay Linda sa pagtitinda dahil na rin na may iniinda na itong arthritis at sakit sa katawan.

Isang taon na si Aling Diding na kasama-kasama ko sa pagtitinda. Maasahan at mapagkakatiwalaan, kaya naman inahahabilin ko sa kanya ang tindahan kung pumapasok ako sa unibersidad. Pagsapit ng hapon naman galing sa eskwela ay deretso ako sa palengke para ligpitin at maginbentaryo na rin sa kinita namin sa buong araw.

Awa ng Diyos, nakakaraos naman kami ni nanay sa buhay. Nakakabayad ng mga bills at renta sa palengke at naigagapang ang mga gastusin sa araw-araw lalo na sa eskwela at pati na rin ang capital ng tinda naming sa palengke. Mahirap pero kinakaya. “Laban lang sa buhay,” yan ang parating naririnig ko kay tatay sa tuwing napaghihinaan ako ng loob. Masakit at wala na siya, pilit kong pinapatatag ang aking sarili para sa amin ni nanay.

“Aling Ding, ang aga yata natin at ang blooming mo yata ngayon?” masiglang bati ko sa kanya.

“Hi, Liza, good morning! Saan parte ang blooming day? Kumuha siya ng salamin sa bulsa at iniharap sa kanyang mukha. “Wala naman ah, tingnan mo nga, tuyong-tuyo na aking pislak, paano ba naman wala pa rin dumarating si Mr. Right. Buti pa itong benta nating gulay at prutas, fresh na fresh,” maarteng sabi niya sa akin.

“Huwag kayong mag-alala Aling Ding, darating din yon, basta ang ganda n’yo ngayon maskin walang Mr. Right…hehehe,” pagkukumbense ko sa kanya.

“Naku, Liza palagi mo na lang akong pinagtritripan. Maiba nga tayo, wala ka bang pasok ngayon?.”

“Mamaya pa pong hapon ang pasok ko. Minor subjects na lang naman. Mamaya pang alas nuwebe ako uuwi ng bahay para makapaghanda. So, marami pa akong oras dito.”

Pinabayaan ko na si Aling Diding sa pagasikaso sa mga bagong dating na mamili at ako naman ay pumuwesto na sa upuan sa loob ng maliit na tindahan namin dito sa palengke. Binilang ang pera at sabay ayos sa lalagyan. Kung may bibili, inaabot ni Aling Diding ang bayad at susuklian ko naman kong mayroong sukli. Pagsapit ng alas nuwebe ng umaga ay nagpaalam na ako sa kanya.

Inihanda ko na ang aking kasuotan kanina bago pumunta sa palengke kaya’t may oras pa akong magpahinga at matulog. Pagdating ko sa aming bahay, nabungaran ko si nanay na nanonood ng paborito niyang palabas sa TV, nakaupo sa kanyang paboritong silya na kawayan na pang-isahan.

“Mano po ‘nay,” sabay abot ng kamay ni nanay.

“Kawaan ka ng Diyos anak.Kumusta ang palengke ‘nak?.”

“Mabuti naman ‘nay, marami marami rin tayong kita ngayong umaga.”

“Mabuti kung ganun anak. O siya magpahinga ka muna at maaga pa naman para sa tanghalian.”

“Opo, ‘nay, matutulog muna ako ‘nay medyo napagod ako. Dito muna kayo ‘nay,” paalam ko kay nanay.

Pagkapasok ko sa aking munting silid na napapalibutan ng pink na wall paper. Paborito ko kasi ang pink. Pink din ang aking kurtina, pati na rin ang bed sheet at punda ng aking dalawang unan ay pink din. Nahiga ako sa aking pang-isahan na kama, di naman ako magalaw matulog kaya ayos lang ang liit nito sa akin. Minabuti kong pumikit at umidlip ng sandali para naman fresh ako mamaya pagpasok sa aking klase.

“Nak, gising na at kakain na tayo,” tinig ni nanay na nagpagising sa akin. Haist, anong oras na kaya? Papungas-pungas pa akong lumabas ng silid.

“Halika ka na Liza at kain na tayo, anong oras ka ba naggising kanina at naluto mo itong lahat? Ininit ko na lang at nang mainitan iyang sikmura mo.”

Tiningnan ko si nanay na nakaupo na sa aming pang-apat na lamesa, nakahain na ang mga luto kung ulam. May pritong isda, tinolang manok at cucumber salad.

“Ay, alas tres po ako naggising ‘nay. Habang nagluluto pinaikot ko na ang washing machine para mapadali ang labada. Oh, di ba ang dali ‘nay?” yakap-yakap ko si nanay sa kanyang likod.

“Oh, siya, kain na at may isang oras ka pa para di mahuli sa klase mo. Kumain ka ng marami para may sigla ka sa pagsagot mamaya, at di puro hangin laman ng tiyan mo,” paalala ni nanay.

Magana ang pinagsaluhang tanghalian naming ni nanay. Simpeng pagkain basta puno ng pagmamahal at kwentuhan, ay talagang busog na busog ako. Pagkatapos kung kumain ay nagpahinga lang ng saglit at tinungo ang maliit na CR upang maligo. Nagbihis lang ako ng simpleng skinny jeans na faded at crop top na paborito kong kulay na pink. Pinasadahan ko ng tingin ang aking kabubuan sa salamin at sinuklay ang aking mahabang buhok na basa pa ng konti. Naglagay na rin ng manipis na lipstick na bigay pa sa akin ng aking best friend na si Rica. Nagpolbo na rin at nagwisik ng cologne sa aking leeg at magkabilang pulso.

Sinukbit ko na ang aking sling bag na may lamang maliit na note pad, ballpen at suklay at aking mini wallet. Hindi ako nagbabaon ng mga kolorote sa bag dahil hindi naman ako mahilig magpaganda oras-oras. Isang pasadahan lang sa buong araw ay okay na iyon sa akin. Hindi rin ako gumagamit ng android cellphone, isang keypad lang pwede na para may maggamit ako sa pagtext o pagtawag.

Nagpaalam na ako kay nanay. Nagbilin na inumin ang kanyang gamot sa Arthritis at high blood pressure. Magiisang taon na itong may maintenance sa kanyang sakit. Sa loob-loob niya, pagnakatapos na siya at makahanap ng maayos na trabaho ay ipasusuri niya ito sa espesyalista.

Nagjeep lang siya papunta sa kanilang unibersidad. Isang sakayan lang naman,kaya medyo nakatipid siya sa pasahe. Pagbungad pa lang niya sa labas ng matayog na gate ng university ay mapapansin na agad ang mga estudyanteng papalabas at papasok. Tila ba walang katapusang hilera ng mga estudyanteng walang kapaguran.

Masuwerte siyang nakapasok dito. Bukod sa isa siyang academic scholar dahil nakapagtapos siya ng Valedictorian sa high school. Ngayon nga at dalawang buwan na lang ay matatapos na siya bilang Magna cum Laude. Sa hirap ng buhay, ay napagtagumpayan niya ang lahat ng pagsubok sa pag-aaral. Mayroon araw noon na hirap na hirap siya sa pagpasok at pagpasa ng mga requirements dahil na rin sa kapos sa pera dahil bago pa lamang namatay ang kanyang tatay Fidel. At nagsisimula pa lamang sila sa pagbangon ng kanilang tindahan sa palengke. Dahil na rin sa kanyang diskarte at tibay ng loob lahat ng iyon ay naggawa niyang lutasan.

Nagsisimula pa lamang siya sa paglalakad papunta sa building ng kanyang klase ay may tumapik sa kanyang balikat. “Huli ka friend,” si Rica, ang aking nag-iisang best friend, sabay sundot sa aking tagiliran.

“Ano ba, Rica, umayos ka nga, nakakagulat ka naman,” inis na sabi ko sa kanya.

“Oi, ito naman hindi na mabiro. Friend, my chika ako sa iyo, guest what?”, pabitin na sabi niya.

“Hay naku, Rica wala akong panahon sa mga chika mo. Nagmamadali ako at may klase pa ako. Diyan ka na,” nagwalk-out na ako sa kanya baka matagalan pa ang usapan naming at talagang mahuhuli na ako sa klase.

“Oi, sandali lang, oh etu, tingnan mo,” sabay pakita ng larawan sa kanyang android phone na kinikilig.

“Eh, anu naman iyan?”

“Hello, hindi mo siya kilala. My geeeed friend. Si Lorenzo Aragon iyan ang super hunk, yummylicious na business tycoon ng bansa yan friend. Ang nag-iisang tagapagmana ng mga Aragon group of companies sa bansa. Maliban pa diyan may sarili na siyang business aside sa mga namana n’ya. Oh, di ba bongga?”

“Eh, ano naman ngayon, kilala kaba n’ya, ano naman tungkol sa kanya na kinikilig ka diyan?”

“Hindi. Pero friend pamatay sa kagwapuhan friend at balita pa dyan friend, uuwi na daw siya dito sa bansa. At bibisita daw dito sa ating lugar, may mga negosyo pala dito yan friend. Magkikita na rin kami sa wakas. Hi, my ultimate crush,” nangangarap na sabi ni Rica.

“Ambot sa imuha Rica,” yan ang salitang bisaya na binitawan ko sa kanya.

Education ang course ni Rica at magtatapos na rin ito ngayong taon. Classmate ko si Rica noong elementary at high school. Magkasama kami palagi sa mga lakaran at mga gimik. Kaya lang noong namatay si tatay, dumalang na ang aming bonding dahil na rin naging abala ako sa palengke at pag-asikaso kay nanay.

Nagpasya na akong lumakad ng matulin habang nakatulala pa rin si Rica sa pag-iisip sa kanyang ultimate crush. Nakarating naman ako sa aking klase ng matiwasay. Madali lang naman natapos dahil review lessons lang naman para sa nalalapit naming final exam.

Bago umuwi ay dumaan muna ako sa registrar at admin office para kunin ang mga requirements sa aking nalalapit na graduation. Mabuti ng paunti-unti ay naisayos ko na iyon, para mabawasan naman ang aking iintindihin.

Naglakad na lang ako papunta sa palengke dahil malapit lang din naman. Ganyan ako katipid at kawais. Hindi naman ako mapapagod dahil malilibang ako sa paglalakad sa baywalk papunta sa palengke. Mahaba-habang baywalk kung saan madalas ang mga estudyante nagtatambay, magsyota na naglalakad na magkaholding hands, magpamilya na kumakain nga barbecue at isaw sa hilerang sementadong upuan.

Mahangin dahil na rin sa hampas ng alon sa karagatan at mga palm trees na nakalinya mula sa pagtuntong sa baywalk hanggang sa huling daan. At isa pa na gustong-gusto niya doon dahil malaya niyang napagmamasdan ang papalubog na araw.

Isang araw na naman ang natapos sa kanyang simpleng buhay. Naupo siya sa sementong upuan at pinagmasdan ang papalubog na araw. Sa tuwing pinagmamasdan niya ito ay may sumasagi sa kanyang isipan, ang nakaraan na pilit niyang kinakalimutan ngunit palagi itong pinaalala sa kanya. Kinapa niya ang kanyang dibdib. Tila ba kahapon lamang ang krimen na naganap na kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang.

Natagil siya sa kanyang pagmumuni-muni ng may magsalita sa kanyang likod.

“Yes, Ma, I will look for her. Don’t worry I will move heaven and earth just to find her for you. Don’t worry okay? Just promise me Ma, to never give up to live. Okay, take care. Love you,’ isang baritonong boses ang aking naulinigan na may kausap sa cellphone netu.

Umikot ako at nakita ang matipunong likod ng lalaki ang naglalakad at naupo sa bakanteng upuan sa aking kaliwa. Medyo patagilid ang lalaki mula kung saan ako. Nakasuot ito ng faded jeans at fitted shirt na hakab na hakab sa mamuscle nitong katawan. Nakasuot din ito ng cap at shade kaya hindi masyado kita ang hitsura nito. Napakatangos at mapula-pula ang labi nito.

Nadarang ako sa pagmamasid sa lalaki sa aking harapan. Nakapamaywang na pala ito at nakatitig din sa akin.

“Miss, are you okay? Are you done checking me out? Buti na lang, I am not an ice cream, kung sa mga titig mo lang siguro tunaw na ako,” preskong sabi ng gwapong lalaki.

“Naku, ang yabang mo naman!! hoy, lalaki for your information, hindi ka gwapo at hindi kita pinagpapantasyahan,” sigaw ko sa kanya at dali-daling iwas at takbo ang ginawa ko makaalis lang sa lugar na iyon.

Hiningal ako sa pagtakbo, mabuti na lang at agad ako nakarating sa palengke. Umiwas ako sa mga tanong ni Aling Diding kung bakit ako parang sinakluban ng langit at lupa, busangos ang itsura at di mapakali.

Kung bakit pa kasi di maalis-alis sa aking isipan ang encounter namin ng gwapong lalake kanina. I find him intriguing. Tila kilala siya ng aking puso at isipan. Para bang kaytagal ko na siyang kilala kaya di siya mawaglit sa aking isipan.

“Hay, naku, Liza, umandar na naman iyang paglokaret mo,” sabi ng aking isipan. Lokaret talaga!!! Ngayon ko lang nga siya nakilala, paano ko nasabi na kilala ko siya. Hayssst! Erase! Erase! Di ko siya type! Mayabang at I’m sure isa din siyang playboy dahil sa kanyang maharot na hirit sa akin kanina.

Imbis pa mag-isip lalo, inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtulong kay Ate Diding. Nang wala na masyadong tao at namimili, nagkwenta na ako ng aming benta at nagpasyang magligpit na kami.

“Te Ding mauna na po ako sa inyo, hetu na po ang inyong sweldo,” sabi ko sa kanya ng matapos kami sa pagliligpit ng aming pwesto.

“Salamat Liza, cge, bukas naman ulit.”

“Ok, po, cge po bye!”

Araw-araw ito ang mga nakasanayang ganapan sa aking simpleng buhay. Mahirap man ngunit pilit nilalabanan at mga pagsubok. Basta kasama ko si nanay, go lang ng go para kay nanay at sa aking mga pangarap. Sa susunod ko na lang iisipin ang bangungot ng nakaraan kung kaya ko na itong harapin at bigyan ng hustisya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Scars From The Past   Chapter Sixty-Eight -Masugid Na Manliligaw

    THIRD PERSON POV Napangiti ako ng pagak habang binabaybay ko ang daan pauwi sa aking tinutuluyang apartment. Ang nirentahan kong matutuluyan ni Eliza habang naririto siya sa siyudad. Gamit ang aking Yamaha Aerox 155 na palagi kong kasakasama sa aking ekspidisyon saang panig ng bansa o lugar. Pakiwari ko ay hari ako ng kalsada sa tuwing pinapatakbo ko itong motorsiklo. Sa mundong ginagagalawan ko na bawat kilos ay alerto at maliksi. Hindi puwede ang papatay- patay at palamya-lamya. Hindi ko man ninais ang ganitong buhay pero wala akong pagpipilian pa. Kailangan kong mabuhay at panagutin ang mga taong naging dahilan ng aking kasawian at kalungkutan. Isa akong putok sa buho. Walang nagmamahal, walang pamilya. Nag-iisa sa buhay ngunit dahil kay Eliza nagkaroon ng saysay ang buhay ko. Katorse anyos lamang ako ng lisanin ng aking ina ang mundong mapanakit at puno ng pagdurusa. Mapagmahal at mapag-alaga sa akin si inay ngunit dahil sa labis na kahirapan ay hindi man lang niya naip

  • Scars From The Past   Chapter Sixty-Seven- Anton Dela Vega

    THIRD PERSON POV Napangiti ako ng pagak habang binabaybay ko ang daan pauwi sa aking tinutuluyang apartment. Ang nirentahan kong matutuluyan ni Eliza habang naririto siya sa siyudad. Gamit ang aking Yamaha Aerox 155 na palagi kong kasakasama sa aking ekspidisyon saang panig ng bansa o lugar. Pakiwari ko ay hari ako ng kalsada sa tuwing pinapatakbo ko itong motorsiklo. Sa mundong ginagagalawan ko na bawat kilos ay alerto at maliksi. Hindi puwede ang papatay- patay at palamya-lamya. Hindi ko man ninais ang ganitong buhay pero wala akong pagpipilian pa. Kailangan kong mabuhay at panagutin ang mga taong naging dahilan ng aking kasawian at kalungkutan. Isa akong putok sa buho. Walang nagmamahal, walang pamilya. Nag-iisa sa buhay ngunit dahil kay Eliza nagkaroon ng saysay ang buhay ko. Katorse anyos lamang ako ng lisanin ng aking ina ang mundong mapanakit at puno ng pagdurusa. Mapagmahal at mapag-alaga sa akin si inay ngunit dahil sa labis na kahirapan ay hindi man lang niya naip

  • Scars From The Past   Chapter Sixty-Six- GOOD FIGHT

    Eliza POV “Kahit kailan talaga Anton hindi ka mananalo sa akin!,” gigil na saad ko matapos kung paduguin at paputukin ang labi niya sa magkakasunod na upper cut na pinakawalan ko. Tila bangag na humandusay ito sa sahig. Marahil siguro ay nakainum si Anton kung kaya’t mas malakas ako sa kanya o hindi kaya ay pinagbibigyan lamang niya ako. Inuwestra ko ang aking paa upang tadyakan siya dahil hindi pa ako nakokontento sa sakit na idinulot ko sa kanya. Kulang pa iyan sa pagtatangka niya sa akin. Subalit ang akala ko ay wala na itong lakas upang umabanse sa akin ay akala ko lang pala iyon dahil bigla niyang hinila ang paa ko at sabay hawak din sa balakang ko pahiga sa ibabaw niya. “Hindi bale ng mabugbog mo ako ng paulit- ulit at matalo ako sa iyo dito sa loob ng boxing ring basta’t hindi lang diyan sa puso mo,” madamdaming saad pa nito sa akin. “Ano ba Anton, pakawalan mo nga ako, isa!,” pilit akong kumakawala sa kanya ngunit mahigpit ang yapos niya sa akin at pilit nitong pina

  • Scars From The Past   Chapter Sixty-Five- Second Chance

    "Liza, kausapin muna man si Anton, kanina pa iyang nagpapahiwatig na gusto kang lapitan pero mukhang takot at nahihiya sa iyo baka pagalitan at pagtaasan mo ng boses," sabi pa sa akin ni Inay Linda. "Nay, nakauwi na ba ang lahat ng bisita?," pag- iiba ko ng usapan kasalukuyan akong nasa aking study room at nakatutok sa aking laptap at abala sa pagbabasa at pagsasagot ng mga emails. Kahit ang laki-laki na nga screen tv sa aking harapan na may footages ng surveillance camera ng bawat silid at sulok ng mansion ay gusto ko lang talagang ibahin ang usapan. Isang iling lamang ang sinagot ko kay inay. "Ano nga ba ang dahilan ng hindi mo pagkausap kay Anton anak? Kung ano man ang hindi ninyo pagkakaintindihan, sana ay pag-usapan ninyo ng maayos at magkasundo na kayo," untag ni inay sa akin. "Nay....," isang tikhim ang aking pinakawalan at napatingin ako sa tv screen kung saan naroroon si Anton sa loob pa rin ng party hall at nakaupo sa mesa nag-iisa at umiinom ng beer. "Hindi sa n

  • Scars From The Past   Chapter Sixty-Four- THE INTRUDER

    "Ayieh, Liza... hindi ako makapaniwala.. yes, ang bongga talaga ng party mo, ikaw na talaga ang perfect princess of all time... graveh, hindi ka na talaga mareach!," kinikilig na wika ni Rica habang nilalantakan ang pagkain sa kanyang plato. "Heh, ano ka ba Ric, puwede bang kumain ka na lang muna, aasikasuhin ko pa ang mga bisita... by the way, thanks to you, kung hindi mo ako tinulungan sa pag-aayos ng mansion party ngayon hindi ganito ka successful 'to," balik ko sa kanya. "You are very much, welcome friend, sige na asikasuhin muna ang mga bisita, tatapusin ko lang itong pagkain ko dahil tum-gots na talaga itong mga alaga ko," kwelang sabi pa ni Rica. Iniwan ko na siya sa kanyang lamesa na kumakain. Abala ang lahat sa pagkukuwentuhan sa kanya-kanyang lamesa nila. Nasa isang daan ding mga bisita ang inimbita ko karamihan ay mga tauhan ko sa kumpanya. Masaya akong naisakatuparan ko na ang lahat ng aking mga pangarap. Pero deep inside my heart, may kulang pa rin iyon ay mabigyan

  • Scars From The Past   Chapter Sixty-Three- The Mansion

    HER POV “Wow, fren, hindi ka na talaga mareach.. kahit pa siguro buong araw na libutin ko itong mansiyon mo ay hindi ko matatapos!,” anas pa ni Rica sa akin na hindi mapigilang mamangha sa paglilibot sa bagong tapos na mansiyon na pinaggawa ko. "Sobra ka naman Ric! Hindi naman sobrang laki nito na hindi na tayo magkikita- kita. Sakto lang ito para sa atin nila Inay Linda," komento ko pa na nangingiti na rin sa reaksiyon nito. "Haler sakto lang, sobra- sobra na ito para sa atin. Iyon lang nga bahay ninyo sa probinsiya ay hindi na nga tayo naririnig ni nay Linda sa mga harutan at tsismisan sa maliit mong silid, ito pa kaya!," paliwanag pa nito. "Haist, fren, siyempre level-up na tayo ngayon iba na ang buhay natin ngayon at kasama ka sa pag-asenso ko!," tinapik- tapik ko si Rica sa kanyang balikat na sakto namang paglabas ni Inay Linda sa sasakyan na bagong dating. Pinasundo ko si Inay Linda sa probinsiya sa aking company driver. Wala na akong balita kay Mang Damian at kay Manan

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status