Share

Chapter 4.2: Alone Together

KAAGAD na sinagot ni Mathis ang tawag mula sa kanyang cellphone nang tumunog ito. Mabuti na lang ay tapos na siyang magligpit ng lamesa at kaagad siyang umakyat sa ikalawang palapag ng penthouse. He grabbed the keys and unlocked the sliding door towards the terrace. Doon niya kinausap ang tumawag sa kanya para siguradong hindi maririnig ito ni Venus.

"Negative, comrade." Sagot niya sa tanong ng lalaking kausap niya sa kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang pag-aksayahan ng panahon si Venus na dapat ay sa trabaho niya. He should be doing his job right now and he must make a move but his fucking mind was just focusing on how to get Venus back.

Dapat nasa Hongkong siya ngayon at hinahanap ang taong kailangan niyang hanapin kaso andito siya ngayon kasama si Venus sa isang penthouse na nasa isang malayong isla.

"I'll give you some updates when I have enough evidence and I'll sent you the confirmations." He said before he ended the line. Napagbugtong hininga naman siya at napahawak siya sa balkonahe ng terasa habang dinadama ang preskong hangin na tumatama sa kanyang morenong balat.

Damn. Kidnapping Venus was totally a bad idea and if someone will know about this whole thing, it will surely ruin his career.

"Mathis?" Natigilan siya nang marinig ang malamig na boses ni Venus. Kaagad siyang napalingon sa kanyang likuran at natagpuan si Venus na nakatayo malapit sa sliding door.

"K-kanina ka pa?" Nanuyo ang kanyang lalamunan nang tinanong niya ang babae. Baka kasi may narinig ito o may nalaman.

Napailing iling ito. "Ngayon lang, gusto ko kasing gamitin ang banyo subalit nakasirado ito."

Nakahinga ng maluwag si Mathis at kaagad na kinuha ang mga susi na nasa kanyang bulsa. Hinanap niya ang susi na para lang sa pintuan ng banyo at ibinigay ito kay Venus. "Return that key to me if you're done."

Tumango na lang si Venus at kinuha ang susi na ibinigay sa kanya ni Mathis. Kaagad siyang umalis sa harapan ng lalaki matapos makuha ang kailangan niya. Saglit lang siya sa banyo at pagkatapos ay ibinigay na niya ang susi kay Mathis.

Napansin niyang bigla nawala ang sigla ni Mathis, dahil siguro sa kung sino man ang tumawag sa cellphone nito. Naisip din ni Venus na baka isa din sa dahilan ang mga sinabi niya kanina dito kaya naman hindi na lang siya nagtanong o kinausap ang binata at bumalik ulit sa kwarto.

Hindi namalayan ni Venus na nakatulog pala siya at alas tres na ng hapon nang magising siya. Kumukulo na ang tiyan niya dahil sa pagtitiis niya ng gutom. Naalala niya ang sinabi ni Mathis kagabi, gusto pa niyang makauwi sa anak niya ng buhay kaya naman lumabas na siya sa kwarto at nagpapasalamat siya nang matagpuan si Mathis sa kusina na nagkakape at mukhang malalim ang iniisip.

Kaagad na napansin ni Mathis ang presensiya ni Venus kaya napalingon siya sa babae. "Hungry?"

Tumango lang ang babae at umupo sa tapat na upuan na nasa lamesa. Tumayo siya at kinuha ang mga pagkain na nilagay niya sa ref kanina at ipinuwesto ang mga ito ulit sa ibabaw ng lamesa.

"Salamat..." Wika ni Venus. Mukhang hindi na ito galit at naiinis sa kanya. Kalmado na kasi ang babae at nakahinga na ng maluwag si Mathis habang pinagmamasdan itong kumakain. "This is actually good..."

He smiled. "I'm glad you like it."

"Mathis..." Tinawag siya ng babae at napatingin naman siya ng diritso sa mga magaganda at nakakaakit nitong mga mata. "Pasensiya ka na kanina. Maybe I got too carried away. Let's just forget about the past, shall we?"

"If that's what you want." Nakangiting sagot niya. Pero bahagyang kumirot ang kanyang dibdib. Forget? He doesn't want Venus to forget him and what they had before. Even Mathis, he doesn’t want that memory to fade. Hindi niya hahayaan na mawala ang masasayang alaala nila noon, hindi na muli. "Papayagan kitang maglibot sa buong penthouse pati na din sa labas basta huwag mo lang iisipin na tumakas."

Namilog naman ang mga mata ni Venus habang nakatingin sa kanya. Halatang nagulat sa kanyang sinabi at hindi maipaliwanag ni Venus ang saya na bigla niyang naramdaman.

"Seryoso ka? Maybe you're just drunk." She spoke. Hindi pa siya kumbensido noong una hanggang sa ibinigay na lahat ni Mathis ang mga susi sa kanya at masigla itong tinanggap ni Venus.

Napansin niyang binilisan ni Venus ang bawat pagsubo ng pagkain hanggang sa maubos nito ang lahat ng mga hinanda niya. Talagang gutom na ito at mukhang masaya dahil hindi na niya ito ikukulong pa. Nakita naman niyang kaagad na umalis ang babae at sinundan niya na lang ito papunta sa labas.

Venus was glad and excited when he handed those keys to her. So, she swiftly run towards the main door and then unlocked it. Kaagad na sumalubong sa kanya ang preskong hangin at magandang paligid na halos lahat ay kulay berde. Paglabas na paglabas niya sa penthouse ay kaagad na naapakan niya ang buhangin, inilibot naman niya ang kanyang paningin sa paligid hanggang sa mapagtanto niya kung nasaan sila.

Then she felt that her blood boiled and rushed faster the way she expected it to be. Gusto niyang sumigaw sa inis at galit. Kaya naman pala pumayag ang lalaki na makalabas siya sa penthouse dahil wala naman talaga siyang ibang mapupuntahan.

They were in the middle of an island. Mathis had kidnapped her and trapped her along with him in this island. Damn! He's so wicked and such a good damn kidnapping planner.

Galit siyang napatingin sa lalaki na ngayon ay nakasandal lang sa pintuan ng penthouse habang masayang pinagmamasdan siya.

She can't believe how he smirked while looking at her fucking face with dismay written all over it. Damn, she wanted to ripped his freaking head and kicked it in the shore.

Bigla siyang nawalan ng lakas at pag-asa na makatakas pa. Dahan-dahan na lang siya umupo sa buhangin habang nakatingin sa mga maliliit na alon na humahampas sa dalampasigan. Mas pinili na lang niya pakalmahin ang sarili habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan at ang malalim na karagatan.

All she ever wanted was to go home but Mathis fucking tricked him. Kailangan niyang makahanap ng mabilisang paraan. Kaya naman nang makaisip siya, kaagad siyang naglakad palapit sa binata na may mga pilyong ngiti sa mga labi na parang inaasar siya.

Gusto niyang sabunutan ito dahil sa inis subalit alam niya na hindi yun makakatulong sa mga plano niya. Mga planong makalaya sa letseng isla na 'to.

"Mathis..." She called her name when she was close enough to him. So closed that she can even touched his nose in a one quick motion. Then she stared at his hypnotizing and lovely purple eyes with a playful looked. She grabbed his hands and putted it around her waist and seductively played the tip of his hair. "Can I tell you something?"

Naguguluhan si Mathis sa biglang pagbabago ng inaakto ng babae subalit gusto niya na sana ganito na lang palagi si Venus. Her tentalizing beauty and her curvy body can make men drooled over her.

"About what?" His perfectly thick eyebrows furrowed.

She bit her lower lip. "Let's make an agreement, Maddox."

And deep inside she wished that her plan will work. She doesn’t want to be alone in this freaking island of nowhere. She doesn’t want to be alone together with him.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status