3
"You're Pixie? ""Opo mommy, namiss po kita. Saan po ba kayo nagpunta? " Maluha luha niyang sabi."Uhm... Pasensya kana kung umalis si Mommy." Iyo lamang ang nasabi ko at hinimas ang buhok niya.Parang bago sa akin ang ganito ngunit magaan sa pakiramdam."Maupo na kayo." Malamig na sabi ni Xavien.Sinunod ko naman agad siya at inalalayan sa tabi ko si Pixie.Nagsimula na kaming kumain, ipinagsandok ko si Pixie ng kanin at ulam. Mukha ngang namiss niya ako at tuwang tuwa pa siya habang ipinagsasandok ko siya."Salamat po mommy." Ngiti niya sa akin. Ang kaninang napansin kong takot sa mga mata niya ay nawala na."Kumain ka ng kumain Pixie, ito gulay. Mainam ito sa katawan mo." Sabi ko sa kanya, sabay lagay ng sitaw at kalabasa sa pinggan niya."Mommy, hindi po ako kumakain niyan." Simangot niya. Napangiti ako dahil sa cute niyang reaksiyon."Ah, pasensya na nakalimutan ko. Pero mas mabuti kung kakain ka ng gulay. Gusto mo bang tikman? Kahit kaunti lang? " Magiliw na sabi ko."Sige mommy, pero konti lang po ha? "Tumango ako at ngumiti sa kanya."Kumain ka na rin Andrina."Agad naman akong sumunod at kumain na.Napansin ko ang pinggan niya."Hindi ka rin kumakain ng gulay? "Napatingin siya sa akin at tinitigan ako."Bakit? May problema ba doon? " Matalim siyang nakatingin sa akin."Wala, pasensiya na.""Daddy, tikman mo rin po itong kalabasa oh. Ang sarap po pala." Magiliw na sabi ni Pixie, napangiti naman ako dahil doon."Hayan, tama yan Pixie! Kumain ka lamang ng kumain ha? ""Okay lang po Mommy? Kasi diba sabi mo po, bawasan ko po ang pagkain ko. Ayaw mo pong makita na tumataba ako." Nakatungo niyang sabi."Uhm, sinabi ko ba iyon Pixie? Pasensiya kana, hayaan mo na. Simula ngayon pupwede ka ng kumain ng kahit gaano karami basta iyong kaya mong ubusin.""Opo mommy." Masaya niyang sabi.Napansin ko namang matalim na nakatitig sa akin si Xavien. Agad naman akong nagtungo ng aking ulo. Ipinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain at inasikaso ko na rin si Pixie."Mommy? Pwedeng tabi tayo matulog? Miss na miss po kasi kita Mommy.""Ha? Ah, itanong mo sa daddy mo kung pwede Pixie." Nakangiting sabi ko sa kanya."Sige anak, tabi kayo matulog ng mommy mo." Napabuntong hiningang sabi ni Xavien."Hindi ka tatabi sa amin daddy? " Inosenteng tanong ni Pixie. Kabado naman akong napatingin kay Xavien."No anak, may trabaho pang aasikasuhin si Daddy. Sa susunod na lamang, okay? ""Okay po." Yun lamang ang sinabi ni Pixie at hindi na kinulit ang ama.Tahimik kaming natapos kumain at nag aya na si Pixie sa kwarto niya."Kakausapin ko lamang ang mommy mo anak, umuna kana sa taas. Manang, pakiakyat na ho si Pixie."Nakatayo lamang ako ngayon sa harap ng hapag , pansin ko namang inintay lamang ni Xavien na umalis si Pixie at manang.Nang wala na sila sa aming paningin ay agad niya akong nilapitan.Hinawakan niya ako ng mahigpit sa braso at hinila papalapit sa kanya."So, this is your plan huh? " Galit na sabi niya sa akin."Aray ko, nasasaktan ako. " Pilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko."Sagutin mo na lamang ako Andrina. Talagang pati ang anak ko ay idadamay mo sa kahayupan mo! Ganyan ka na ba talaga kahayop huh? " Gigil na gigil na sabi niya sa akin at pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa akin. Dama ko rin sa boses niya ang pandidiri.Mas lalo naman akong naiyak dahil sa takot at sakit."Please, tama na." Iyak ko sa kanya.Pabalibag naman niyang binitiwan ang braso ko.Mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa.Lumagitik ang malakas niyang sampal sa pisngi ko.Dahil sa lakas ng sampal niya ay napasubsob ako sa ibabaw ng lamesa, nalasahan ko rin ang dugo sa loob ng aking bibig.Wala naman akong ibang magawa kundi ang umiyak dahil sa sakit.Lumapit naman siya sa akin at hinila ako sa buhok. Iniharap niya ako sa kanya, sumalubong sa akin ang nagbabaga niyang mga mata."Napakapeke mo Andrina! Hinding hindi mo na ulit ako maloloko. Sa bawat iyak mo? Itong palad ko ang tatama diyan sa mukha mo. Naiintindihan mo ba huh? Sisiguraduhin kong pagdudusahan mo ang lahat ng ginawa mo sa akin. " Galit na galit na sabi niya.Pabalibag niya ring binitawan ang buhok ko na siyang dahilan kung bakit ako natumba at tumama ang ulo ko sa kantuhan ng lamesa.Noon din ay naramdaman ko ang sakit at sobrang pagkahilo.May narinig pa akong sigaw bago ako tuluyang mawalan ng malay.FLASHBACK"Erin! Tumakbo kana, iwan mo na ako rito. Mamamatay tayong pareho kapag hindi ka pa umalis.""Hindi kita iiwan inay. " Umiiyak na sabi ng dalag.Sino sila? Bakit nandito ako?"Umalis kana anak, parang awa mo na." Umiiyak ring sabi ng tinawag niyang inay.Napasigaw naman ang dalaga dahil may humawak sa kanyang likod."Sa tingin niyo ba ay matatakasan ninyo ako? " Nakakapangilabot nitong sabi sa dalaga."Iryong, parang awa mo na. Paalisin mo na ang anak ko. Gagawin ko lahat ang gusto mo, huwag mo lamang siyang idamay. Parang awa mo na." Umiiyak na sabi ng may kaedarang babae."Wala pa naman akong gagawin sa anak mo Inez. Huwag kang mag alala, pinapahinog ko pa itong anak mo. Marami ang naghihintay sa kanya alam mo ba? " Nakakatakot pa nitong sabi, habang hinihimas ang likod ng dalaga pababa sa pang upo nito."Tatay Iryong, pakawalan niyo na po kami ni inay. Parang awa niyo na po." Takot na takot na sabi ng dalaga.Nakakaawang panoorin ang mag ina. Kahit ako ay natatakot sa aking nakikita.Nakakulong sa isang kwarto ang kanyang inay samantalang ang dalaga ay gumagawa ng paraan para mabuksan ang pintuan."Hindi niyo ako matatakasan Erin, iyan ang itatak mo sa kokote mo. Akin ka lang, akin lamang kayo ng inay mo." Bulong pa nito sa tenga ng dalaga.Napabalikwas naman ako ng bangon. Nakaramdam ako ng hilo at sakit sa aking ulo."Andrina.""Sino ka? " Naliliyong sabi ko pa."Si Dr.Rowan ito. ""Doktor, sobrang sakit ho ng ulo ko. Tulungan mo ako parang awa mo na..."Special Chapter"Mom! " Nakangiting lumapit kay Erin si Pixie. Pagkalapit nito sa kanya ay agad itong napatitig sa kanyang mukha. Disi otso anyos na ngayon si Pixie at kahit kailan ay hindi nito dinalaw si Andrina. "Why? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin sanay sa mukha ni mommy? " malumanay na tanong ni Erin sa dalaga.Tatlong taon na si Xavine Rage ng mapagpasyahan ni Erin na ibalik ang kanyang totoong mukha. Sa tulong ng isang magaling na surgeon ay naisakatuparan ito. Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Xavien at ng kanyang ina na si Inez.Noon pa sana ito gusto ni Xavien kaya lamang ay tumanggi siya dahil mas inuna niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak."Sorry, mom. May mga pagkakataon lang din kasi talaga na naaalala ko si mommy Andrina. Hindi naman po masamang maalala ko siya, hindi po ba ? "" Oo naman, anak. Nakasama mo rin ang mommy Andrina mo ng matagal na panahon kaya naman hindi rin agad agad siya maaalis sa isipan mo. Hindi ka namin pipigilan ng da
Lumipas ang mga taon at masayang nagsama si Erin at Xavien. Limang taon na si Eron at maglalabing isang taon na si Pixie. Ngayong araw ang ikalimang anibersaryo ng kasal ni erin at Xavien. "Pixie? Nasaan ang daddy mo? " Takang tanong ni Erin sa kanilang panganay ng makalabas siya ng kanilang kwarto. "Po? Nakaalis na po si Daddy. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? " Nakakunot noong tanong ni Pixie kay Erin. Nagdadalaga na rin si Pixie at mas lalo itong napalapit sa kanya sa ilang taon na lumipas. Isang beses lamang itong dumalaw kay Andrina at simula noon ay ayaw na niya itong makita. Nirespeto nilang mag asawa ang desisyon ng bata dahil nakita nilang mas naging maayos si Pixie nang malayo ito kay Andrina. "Baka nalimutan lang ng daddy mo, anak. May problema daw kasi sa kompanya."Malumanay na sabi ni Erin dito. "Si Eron? " "Kasama mo ni Mama Inez at Papa Miguel. Nasa kusina na po sila. Tara na, mommy. Kumain na lang tayo ng breakfast, hayaan mo papagalitan ko mamaya si D
"It's done! Babe, I'm free! Nanalo tayo sa kaso! " Tuwang tuwa na sabi ni Xavien ng makabalik siya sa kanilang tahanan. Malaki na ang tiyan ni Erin dahil ito ay pitong buwan ng buntis. "Masaya ako para sayo, Xavien. Sa wakas ay nakalaya ka na." Masayang sabi ni Erin dito. "Careful, babe. " Inalalayan ni Xavien si Erin. "Si nanay? Nasaan? " Tanong ni Xavien sa kanyang nobya. "Nasa taas, sinasamahan niya si Pixie. " Malumanay na sabi ni Erin. Nang makilala nito ang bata at nang malaman ang sitwasyon nito ay mas lalong naging malapit ang Ina ni Erin kay Pixie. Si Mayor Reyes naman ay palaging dumadalaw sa kanila at minsan pa ay isinasama pauwi sa kanila ang kanyang ina. Wala naman itong problema kay Erin dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina. "Thank you so much, babe. " Masuyong hinalikan ni Xavien sa noo si Erin. mo "Huwag kang magpasalamat sa akin, Babe. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sa iyo." Malumanay na sabi ni Erin. "Thank you for accepting me, Raze. Alam
"Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso
Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada
34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin