Share

Chapter 5

5

Pagkatapos kumain ay naglinis na rin ako ng katawan.

Matapos makapaglinis ay ibinaba ko na ang aking pinagkainan.

"Hija, hindi mo na sana iyan ibinaba. Paakyat na rin sana ako sa kwarto mo." Bungad sa akin ni Manang Lucing.

Umismid naman ang ibang katulong na nasa kusina.

"Ano kaba manang? Hayaan mo siya, hindi na niya tayo pwedeng artehan ngayon ano? Kita mo bang halos isuka na siya ni Sir Xavien." Sabi ng isang katulong, sa tingin ko ay mas matanda lamang siya sa akin ng ilang taon.

"Kaya nga manang, tapos na ang pagrereyna reynahan niyan dito. " Sabi pa ng isa.

"Magsitahimik kayo. Kahit ano pang sabihin ninyo ay siya pa rin ang asawa ni Sir Xavien. May mas karapatan siya kaysa sainyo. Naiintindihan niyo ba? " Napapitlag ako dahil maotoridad na tono ni Manang Lucing. Miski ang ibang katulong ay nagulat rin.

"Naiintindihan niyo ba? " Striktong dagdag pa nito.

Napayuko naman ng ulo ang dalawa bago sumagot.

"Opo manang."

"Mabuti kung ganon, kuhanin niyo ang dala niya at hugasan na ninyo."

Pagkatapos niyon ay umalis na si Manang, samantalang kinuha naman nung dalawa ang hawak ko.

"Akin na yan, bwisit." Irap niya at padaskol na linuha ang hawak ko.

"Ikaw kasi Shiela."

"Tigilan mo nga ako Sabel, bakit pa kasi bumalik balik ang babaeng iyan." Sabi nung Shiela habang padabog na naghuhugas ng pinggan.

"Sus, akala mo naman kasi papatulan ka ni Sir Xavien." Biro nito sa kasama. Kung mag usap ang dalawa ay akala mo ay hangin akong naririto.

Pinabayaan ko na lamang ang dalawa at umalis sa kusina. Naisipan kong libutin ang mansion, maaga pa naman at mamaya pa uuwi ang mag ama.

Napapunta ako sa likod bahay, mayroon akong nakitang swimming pool dito.Tahimik ang lugar at may iilang puno din, wala namang tao kaya naisipan ko na lamang ilubog ang aking mga paa sa tubig.

Ginhawa.

Iyan ang una kong naramdaman ng maupo ako sa tabi ng pool at ilubog ang paa doon.

Napatingin ako sa aking repleksiyon sa tubig. Napahawak ako sa aking mukha. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako sa aking mukha.

Napatingala ako sa mga puno ng biglang humangin. Nagalaw pati ang tubig sa pool, pagtingin kong muli sa repleksiyon ko ay ibang mukha ang aking nakita.

FLASHBACK

"Erin, bilisan mo. Kailangan na nating makaalis agad. Hindi tayo pwedeng abutin ng tatay Iryong mo."

Tumatakbo ang dalawang babae sa gilid ng kalsada.

"Inay, sandali lamang. Nagdurugo pa rin ang sugat mo." Nag aalang sabi ni Erin sa ina.

"Huwag mong intindihin 'yan, ang mahalaga ay makaalis tayo rito. Bakit ba kasi walang dumadaang sasakyan rito? " Natatarantang sabi ng ina ni Erin.

"Inay..." Umiiyak na sabi ni Erin.

"Hindi ito ang panahon para umiyak ka. Bilisan mo."

Patuloy na binagtas ng mag ina ang madilim na kalsada. Kahit na parehong nakayapak ay walang pakialam ang kanyang ina.

Habang naglalakad ay may narinig silang ugong ng mga sasakyan.

"Bilisan mo Erin, baka iyan ang tatay Iryong mo. Tumakbo kana. Bilisan mo! "

"Hindi kita iiwan 'nay. "

"Umalis kana! Magtago ka! Kapag iyan ang tatay Iryong mo ay hindi na tayo makakawala. Ibinenta ka niya sa kaibigan niya. Bilisan mo! Parang awa mo na anak." Umiiyak na sabi ng nanay ni Erin.

"Hindi kita iiwan nay, halika na." Umiiyak na rin si Erin.

Sinampal siya ng kanyang ina.

"Umalis kana, ito lang ang magagawa ko para sa iyo. Hanapin mo ang tatay mo sa Maynila! "

Nagulat si Erin sa narinig. Buhay ang totoong tatay niya?

"Umalis kana! Sundin mo ako anak, parqng awa mo na. Mahal na mahal kita anak, patawarin mo ang nanay." Umiiyak na sabi nito.

Litong lito ay tumakbo siya palayo sa kanyang ina.

Nagtungo siya sa matataas na talahib. Upang" doon magtago.

Habang tumatakbo sa matataas na damo ay narinig niyang tumigil ang mga sasakyan. Rinig niya ang galit na galit na sigaw ng kanyang Tatay Iryong.

"PUTANGINA KA! NASAAN ANG WALANG KWENTA MONG ANAK? HAYOP KA TALAGA INEZ! NAUBOS KO NA ANG PERANG IBINAYAD SA KANYA! MAMATAY TAYONG PARE PAREHO DAHIL SA KATANGAHAN MO! NASAAN SI ERIN?! * Galit na galit na sabi nito.

Gustuhin man niyang bumalik ay hindi na niya magawa. Kahit nanlalabo ang paningin dahil sa pagod at pag iyak ay ipinagpatuloy niya ang pagtakbo, palayo sa kanyang inay.

Pangako inay, babalik ako. Babalikan kita...

END OF FLASHBACK

"ANDRINA SHIT! KRAIG, TAWAGAN MO SI ROWAN! "

Rinig ko ang boses ni Xavien, buhat niya ba ako? Masyadong malabo at mahina ang boses niya.

"Sisirain mo talaga ang ulo ko Andrina."

Pahina na ng pahina ang boses niya...

"Xavien, I told you huwag mong bigyan ng stress si Andrina. Alam kong galit ka sa kanya pero hindi makakabuti sa kanya ang ginagawa mo. " Seryosong sabi ni Rowan kay Xavien.

"Wala akong ginawa, nakita ko na lamang siyang nakalubog sa pool pagkarating ko."

"Sa dami ng tauhan mo rito ay wala man lang nakapansin sa kanya."

"I know, pagsasabihan ko sila mamaya." Napabuntong hiningang sabi ni Xavien sa doktor.

"Anong plano mo ngayon? "

"Katulad pa rin ng unang plano, I'll lock her here." Galit na naman ito.

"Just take care of her. Alam mo ang sitwasyon niya." Malamig na sabi ng Doktor kay Xavien. Pumasok namang bigla si Manang Lucing upang usisain ang babae.

Maya maya pa ay nagising na si Andrina.

"Anong nangyari? " Mahina man ay napalingon ang dalawang lalaki sa kanya.

"You tried to kill yourself you witch." Galit na lumapit si Xavien kay Andrina.

"Ha? " Napatanga si Andrina at pilit inaalala ang nangyari.

"Huwag ka ng magmaang maangan Andrina. Ipapahamak mo ba talaga yang sarili mo para mapaniwala akong nakalimot ka? Anong katarantaduhan pa ba ang gagawin mo?" Galit na sabi niya.

"Hindi ko alam kung anong nangyari..." Napahawak ako sa ulo ko at napailing, nakaramdam na naman ako ng kirot dahil doon.

"Sir Xavien, hinahanap po kayo ni Pixie." Bigla namang pumasok si Shiela sa aking silid.

"Hindi ka ba marunong kumatok? " Galit na baling naman ni Xavien kay Shiela.

"Pa... Pasensiya na po Sir." Napatungo naman sa takot si Shiela.

"Puntahan mo na si Pixie, ako na ang bahala rito." Sabi naman ni Dr. Rowan.

Lumabas na sila at naiwan kami ni Dr.Rowan.

"Ano bang nangyari? "

"Nakita ka ni Xavien sa pool Andrina. Are you really trying to harm yourself? "

"Hi... Hindi... Wala akong maalala." Naguguluhang sabi ko.

"Do you remember anything? " Tanong niya.

Naalala ko ang sinabi ni Manang Lucing... Ngunit hindi ko kayang pagkatiwalaan ang mga taong ito.

"Wala..." Yumuko ako at ikinuyom ang aking kamao.

Mukhang napansin ito ni Doktor Rowan at napabuntong hininga na lamang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status