Share

Chapter 2

Penulis: Luna Marie
last update Terakhir Diperbarui: 2024-04-25 14:44:31

2

Inalisan na nila ako ng tali pero hindi pa rin ako nakakalabas ng kwarto. Palagi pa rin akong dinadalhan ng pagkain. Tanging si Manang Lucing ang kumakausap sa akin.

Naglibot libot ako sa kwarto at may nabuksan akong isang pinto. Pagkapasok ay bumungad saakin ang napakaraming damit, bag, alahas at kolorete sa mukha. Nilibot ko ang buong kwarto at puro mamahaling gamit ang nakikita ko. Lahat ng iyon ay hindi naaayon sa aking mga gusto. Kung ako nga si Andrina, bakit ayaw ko sa mga ito?

Napadako ang tingin ko sa napakalaking salamin kaya lumapit ako dito. Nakikita ko ngayon ang aking repleksiyon, nakasuot ako ng isang bestidang puti na pantulog. Mugtong mugto ang aking mata, maputla ang maputi kong balat at magulo ang aking buhok. Pinagmasdan ko ang aking mukha sa salamin, pilit kong pinagtatanto kung sino ba talaga ako. Ako ba talaga ang asawa ng Xavien na iyon?

"Namimiss mo na bang magsuot ng magagarang damit? Hindi mo na ba kayang panindigan ang pag arte mo? " Kinilabutan ako ng marinig ang boses na iyon. Ni hindi ko kayang lingunin ito.

"Bakit hindi ka makasagot? " Lalong lumamig ang paligid dahil sa lamig ng boses niya.

"Pasensiya na, iniisip ko lamang na baka sakaling may maalala ako kung naglilibot ako. Huwag mo akong sasaktan please." Nanginginig na sagot ko sa kanya.

"Talagang paninindigan mo iyan? " Lumapit siya sa akin at mariin akong hinawakan sa braso. Sa higpit ng pagkakahawak niya ay paniguradong magkakaroon ng pasa ito.

Galit siyang nakatingin sa akin.

"Nasasaktan ako..." Takot man ay pinilit ko pa ring pumiglas.

"Talagang masasaktan ka! Kulang na kulang pa iyan sa lahat ng kahayupang ginawa mo sa akin Andrina." Mabagsik na sabi niya.

"Sir Xavien, nandyan na po si Sir Rowan." Bungad ni Manang Lucing. Marahas naman akong binitiwan ng lalaki at lumabas ng silid.

Naiwan naman kami ni Manang Lucing, nakatingin lamang ito sa akin. Waring hinahanapan ako ng reaksiyon sa mukha.

"Lalabas na ho ako Ma'am. Anong gusto ninyong kainin? " Malumanay na sabi niya sa akin.

"Kahit ano po manang..." Masigla siglang sabi ko.

Sa pagkain lamang ako ngayon naeenganyo, lalo na at ang sasarap ng dinadala sa akin ni Manang Lucing. Kung iisipin man nila ay para akong isang palamuning patay gutom ay wala na akong pakiealam. Basta ang mahalaga ay ang makakain ako. Kailangan kong maging malakas para makaalis na ako rito.

Tumango na lamang siya bago lumabas.

Naisipan kong maligo dahil sa panlalagkit sa aking sarili. Sabi ni Manang kahit ano ay maaari kong isuot dahil sa akin raw ang mga ito.

Pagkapasok sa banyo ay agad kong hinubad ang ang suot.

Pagkatapos maligo ay inintay ko na lamang si Manang Lucing dahil dadalhan raw niya ako ng pagkain. Habang naghihintay ay dumungaw na lamang ako sa bintana. Nakikita ko mula sa bintanang ito ang isang batang babae na naglalaro, may kalaro siyang isang katulong. Maaaring siya na si Pixie, sa wari ko rin ay siya ay limang taong gulang na.

Nakakatuwa siyang pagmasdan. Baka nga ako si Andrina... Kung ganito ang pakiramdam ko sa batang si Pixie. Sana ay makaalala na ako.

"Ma'am ito na po ang pagkain ninyo." Napatingin naman ako sa bagong dating.

Hindi siya si Manang Lucing, mukha siyang may galit sa akin.

"Ah, salamat." Basta lamang siya tumango at medyo padabog na ibinagsak ang pagkain.

Hindi na lamang ako umimik at lumapit na lamang sa pagkain dinala niya. Agad naman akong natakam sa aking nakita. Mayroon siyang dalang tinolang manok at maraming kanin, mayroon pang hiniwang pinya at ubas. Magana akong kumain at hindi na pinansin ang babae.

"Iiwan ko na ho kayo Ma'am. Babalikan ko na lamang po ang pinagkainan ninyo mamaya."

Tumango lamang ako dahil puno ang aking bibig ng pagkain.

Napatitig na lamang sa akin ang katulong animo'y hindi makapaniwala sa nakikita.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay sakto ring may nagbukas ng pintuan.

"Andrina." Malamig na sabi sa akin ni Dr. Rowan

Napatuwid naman ako ng upo dahil sa kanyang pagdating.

"Dr. Rowan..."

"Kumusta ang pakiramdam mo? "

"Maayos naman po, kaso palagi akong binabangungot sa gabi... Katulad pa rin noong sinabi ko sainyo noong nakaraan." Napatango na lamang siya at naupo sa harap ko.

"Napaano ang braso mo? " Nakakunot ang kanyang noo at sinusuri ito.

Napatingin ako sa aking braso, namamaga na nga ito at may parte na nangingitim.

"Wala." Iyon lamang ang sinabi ko at baka isipin ni Xavien na nagsusumbong ako.

Napabuntong hininga naman ang lalaki.

"Andrina, sinabihan na kita. Huwag kang gagawa ng mas ikagagalit pa ng asawa mo. "

"Wala naman akong ginawa. Nilibot ko lamang ang kwartong ito, baka sakaling may maalala ako. Sa tuwing makikita niya ako ay galit siya at sinasaktan ako." Nakatungong sabi ko.

"I'll talk to him, hindi maaaring ganyan ang gagawin niya saiyo lalo na't kakagising mo pa lang."

"Ilang araw ba akong tulog? Ano bang nangyari sa akin ? Maaari ko bang malaman? "

"Tatlong buwan kang walang malay Andrina. Hindi ka ipinadala ng asawa mo sa ospital dahil baka makatakas ka. Naaksidente ka sa kotse, nahulog ang sinasakyan mo sa isang bangin sa batangas. "

Pinilit kong halukayin ang utak ko, sumasakit lamang ito...

"Huwag mong piliting alalahanin ang nangyari. Baka kung mapaano ka pa. "

"Iniisip ko kung ayun ba talaga ang nangyari sa akin. Paano niya ako natagpuan?" Wala sa sariling sabi ko.

"May tumawag kay Xavien at sinabing nasa pangangalaga ka nila. Mangingisda ang mga ito sa may parteng Batangas. " Yun lamang ang sinabi niya at sinimulan akong suriin.

"Sabi ni Manang Lucing ay marami kang nakakakain kapag dinadalhan ka nila. Mabuti iyon para bumalik ang sigla at lakas ng katawan mo. " Dagdag niya matapos akong suriin.

Napabuntong hininga siya.

"Lalabas na ako. Huwag kang gagawa ng ikagagalit ni Xavien. " Muling paalala niya at umalis na.

Sumapit ang gabi at wala pa ring nabalik sa kwartong tinutuluyan ko. Itinuon ko na lamang ang sarili sa nakita kong libro sa kwartong ito.

Maganda ang istorya kaya kahit paano ay naengganyo ako at hindi namalayan ang oras.

Maya maya pa ay pumasok si Manang Lucing.

"Hija, sumabay ka raw ng pagkain sa mag ama."

"Ho? Makakalabas ako ng kwartong ito?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

"Oo hija, basta ay huwag kang gagawa ng hindi maganda. Hinahanap kana ni Pixie. " Iyon lamang ang sinabi niya.

Bumaba naman ako agad sa aking higaan at sumunod kay Manang Lucing.

Napatingin siya sa akin.

"Hindi mo man lamang ba aayusin ang sarili mo? " Takang tanong niya.

"Maayos naman po ang itsura ko Manang Lucing."

Napatingin rin ako sa suot ko, bestidang puti at nakalugay lamang ang mahaba kong maalon na buhok.

"O siya, halika na."

Sumunod lamang ako sa kanya. Paglabas ng pinto ay napatingin ako sa lalaking nandoon, sa tingin ko ay siya ang nagbabantay sa kwartong tinutulugan ko.

Napakalaki pala ng bahay na ito, moderno at napakalinis. Maraming bantay sa paligid, siguro ay sobrang yaman nga ng pamilya ni Xavien.

Pagkababa namin ng hagdan ay dumiretso na kami sa kusina at doon nakaupo ang mag ama.

Nang makita ako ng batang babaeng nakaupo sa kanyang upuan ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Ang ipinagtaka ko ay parang napipilitan ang kanyang paglapit, nanginginig pati ang kanyang mga kamay.

"Mommy..." Yun lamang ang sinabi niya at yumakap sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Scream Your Name   SPECIAL CHAPTER

    Special Chapter"Mom! " Nakangiting lumapit kay Erin si Pixie. Pagkalapit nito sa kanya ay agad itong napatitig sa kanyang mukha. Disi otso anyos na ngayon si Pixie at kahit kailan ay hindi nito dinalaw si Andrina. "Why? Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin sanay sa mukha ni mommy? " malumanay na tanong ni Erin sa dalaga.Tatlong taon na si Xavine Rage ng mapagpasyahan ni Erin na ibalik ang kanyang totoong mukha. Sa tulong ng isang magaling na surgeon ay naisakatuparan ito. Suportado naman siya ng kanyang asawa na si Xavien at ng kanyang ina na si Inez.Noon pa sana ito gusto ni Xavien kaya lamang ay tumanggi siya dahil mas inuna niyang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga anak."Sorry, mom. May mga pagkakataon lang din kasi talaga na naaalala ko si mommy Andrina. Hindi naman po masamang maalala ko siya, hindi po ba ? "" Oo naman, anak. Nakasama mo rin ang mommy Andrina mo ng matagal na panahon kaya naman hindi rin agad agad siya maaalis sa isipan mo. Hindi ka namin pipigilan ng da

  • Scream Your Name   EPILOGUE

    Lumipas ang mga taon at masayang nagsama si Erin at Xavien. Limang taon na si Eron at maglalabing isang taon na si Pixie. Ngayong araw ang ikalimang anibersaryo ng kasal ni erin at Xavien. "Pixie? Nasaan ang daddy mo? " Takang tanong ni Erin sa kanilang panganay ng makalabas siya ng kanilang kwarto. "Po? Nakaalis na po si Daddy. Hindi po ba siya nagpaalam sa inyo? " Nakakunot noong tanong ni Pixie kay Erin. Nagdadalaga na rin si Pixie at mas lalo itong napalapit sa kanya sa ilang taon na lumipas. Isang beses lamang itong dumalaw kay Andrina at simula noon ay ayaw na niya itong makita. Nirespeto nilang mag asawa ang desisyon ng bata dahil nakita nilang mas naging maayos si Pixie nang malayo ito kay Andrina. "Baka nalimutan lang ng daddy mo, anak. May problema daw kasi sa kompanya."Malumanay na sabi ni Erin dito. "Si Eron? " "Kasama mo ni Mama Inez at Papa Miguel. Nasa kusina na po sila. Tara na, mommy. Kumain na lang tayo ng breakfast, hayaan mo papagalitan ko mamaya si D

  • Scream Your Name   Chapter 37

    "It's done! Babe, I'm free! Nanalo tayo sa kaso! " Tuwang tuwa na sabi ni Xavien ng makabalik siya sa kanilang tahanan. Malaki na ang tiyan ni Erin dahil ito ay pitong buwan ng buntis. "Masaya ako para sayo, Xavien. Sa wakas ay nakalaya ka na." Masayang sabi ni Erin dito. "Careful, babe. " Inalalayan ni Xavien si Erin. "Si nanay? Nasaan? " Tanong ni Xavien sa kanyang nobya. "Nasa taas, sinasamahan niya si Pixie. " Malumanay na sabi ni Erin. Nang makilala nito ang bata at nang malaman ang sitwasyon nito ay mas lalong naging malapit ang Ina ni Erin kay Pixie. Si Mayor Reyes naman ay palaging dumadalaw sa kanila at minsan pa ay isinasama pauwi sa kanila ang kanyang ina. Wala naman itong problema kay Erin dahil nakikita niyang masaya ang kanyang ina. "Thank you so much, babe. " Masuyong hinalikan ni Xavien sa noo si Erin. mo "Huwag kang magpasalamat sa akin, Babe. Ako nga dapat ang nagpapasalamat sa iyo." Malumanay na sabi ni Erin. "Thank you for accepting me, Raze. Alam

  • Scream Your Name   Chapter 36

    "Stay calm, Erin. " Paala ni Rowan sa dalaga. "Paano kung ayaw na akong makita ni Nanay? Paano kung mas lalong hindi niya ako maalala dahil nag iba ang mukha ko? " Naiiyak na sabi nito, agad naman siyang dinaluhan ni Xavien. "Don't say that, babe. Kung nakalimot ang nanay mo ay tutulungan natin siya, okay? I'm here, babe. We're here for you. Tutulungan ka namin." Pag aalo ni Xavien kay Erin. Nasa byahe na sila ngayon patungo sa bahay ng Mayor Reyes. Maayos namang kausap ang dalawa nilang kasama. "Nagustuhan ni Mayor kung paano magtrabaho si Miriam kaya naman hindi na niya ito pinaalis sa bahay niya. " Sabi ng isa sa mga kasama nila. "Miriam? " nagtatakang sabi ni Kyros. "Ah. Opo , Sir. Iyon po ang ipinangalan sa kanya ni Mayor. Katunog ng pangalan ng namatay niyang asawa." Dagdag pa ng isa. "Malayo pa po ba tayo? " Malumanay na tanong ni Erin sa dalawa. "Malapit na po tayo, Ma'am. Mabuti na lang po at hindi gaanong busy ngayon si Mayor. Nais niya rin daw kasing perso

  • Scream Your Name   Chapter 35

    Matapos magpacheck up sa ob-gyne ay umuwi na rin si Xavien at Erin."Babe, tatawagan ko na si Everett para makapunta na tayo sa islang sinasabi niya."Tumango lamang si Erin ngunit nanatili itong tahimik."Babe, sigurado akong mahahanap natin ang nanay mo. Don't stress yourself too much, okay? Hindi ba at sabi ni Dra.Nieves ay huwag ka masyadong magpakastress, makakasama daw iyon sa inyo ni baby. Nandito lang ako, Erin. Hindi ko kayo iiwan ng baby natin."Napatango lamang si Erin."Salamat, Xavien. Sana ay makita na talaga natin si nanay. Gusto kong kasama ko rin siya sa bagong yugto ng buhay ko." Nakangiting sabi ni Erin.Kinabukasan ay maagang umalis ang dalawa. Iniwan na nila si Pixie sa pangangalaga ni Rica. Ipinagtapat ni Xavien kay Erin na si Rica ay kinuha ni Xavien upang bantayan silang dalawa ni Pixie. Ito rin ang nagmanman sa bawat kilos ni Manang Lucing noong ito ay nasa mansion pa ni Xavien.Lulan ng kanilang sasakyan ay narating nila ang port sa Batangas, doon nakaraparada

  • Scream Your Name   Chapter 34

    34"Xavien, kumusta ang araw mo? Halika, nagluto na ako." Malumanay na sabi ni Erin kay Xavien."Si Pixie?""Ah. Nasa kwarto pa niya, babe. Bakit? " Nag alala naman bigla si Erin dahil sa itsura ni Xavien. Mukhang may malaking bagay na bumabagabag dito."Puntahan ko muna siya." Hindi na nakaimik si Erin at sinundan na lamang si Xavien. Hindi rin maganda ang kutob niya at hindi siya mapakali."Daddy! Nakauwi ka na po pala. Kumusta po ang work niyo? Napagod po ba kayo? " Bigla namang napatigil si Xavien ng marinig ang masayang boses ng anak niy moa. Masaya itong makita siyang umuwi.Niyakap ni Xavien si Pixie at saka napahagulhol ng iyak."Baby... Baby ko..." "Xav..." Nag aalala ring lumapit si Erin sa mag ama."Daddy, why? May masakit ba sayo? ""No, baby. I'm just so happy..." Umiiling na sabi ni Xavien sa bata."Sorry kung umiiyak si daddy, okay? Mahal na mahal kita anak." Hindi pa din tumitigil si Xavien sa pag iyak, yakap yakap niya ang bata na nagtataka."Daddy, why are you cryin

  • Scream Your Name   Chapter 33

    33"Nasa taas si Erin. Hindi niya alam na ngayon ang uwi niyo." Sabi lamang ni Emir sa kanyang kaibigan.Mabilis na nagtungo si Xavien sa kwarto ng dalaga."Babe? ""Xav...ien." natigilang sabi naman ni Erin. Nagulat ito dahil ang alam niya ay sa isang linggo pa uuwi ang lalaki."Xav! Salamat! Akala ko ay hindi mo ako makikilala." Umiiyak na sabi ni Erin at yumakap kay Xavien"Erin, I know you. I know you too well." Inalo ni Xavien ang dalagang umiiyak at saka hinalikan ito sa noo."Andrina's in jail right now. Sa dami ng ebidensiya natin sigurado akong hindi na siya makakalabas. Hindi mo na kailangang mag alala pa. It's over, babe. I love you" Dagdag pa na sabi ni Xavien sa dalaga."Mahal din kita, Xavien. Alam kong mali dahil kasal ka pa kay Andrina pero mahal na mahal kita, Xavien." Sinserong sabi ni Erin sa lalaki."May... May good news ako sayo, Xav." Sumisinghot na dagdag pa ni Erin."Ano iyon? " Malumanay na tanong sa kanya ni Xavien at kita rin ang pagiging excited nito."Ito

  • Scream Your Name   Chapter 32

    32"Daddy, umuwi na po tayo agad..." Malungkot na sabi ni Pixie sa kanyang daddy Xavien."I'm so sorry anak, hayaan mo at babawi ako sayo... Sa inyo ng mommy mo. " Malumanay na sabi ni Xavien. Pababa na ang eroplanong sinasakyan nila at excited na ring bumalik sa mansion niya si Andrina."We're here! " Patiling sabi ni Andrina kaya naman napatingin sa kanya si Xavien."Uh, sorry babe. Gustong gusto ko na kasing magpahinga ." Pagdadahilan ni Xavien."Don't worry, babe. Makakapagpahinga ka na ng maayos mamaya." Matamis na ngiti sa kanya ni Xavien."Thank you, Xav."Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng airport. Walang kaalam alam si Andrina na may naghihintay na sa kanilang pulis."Hi, Rowan! Balita ko ay mayroon ka ng babae na kinababaliwan." Nasabi na ni Xavien kay Andrina na susunduin sila ni Rowan ngayon dahil pupunta sila sa check up ni Andrina."Huh? You're being weird, Erin." Kunot noong tanong ni Rowan sa kanya.Natigilan naman si Andrina dahil sa sinabi ni Rowan, ngayon niya

  • Scream Your Name   Chapter 31

    31"Xav, pansinin mo naman ako. Kanina pang masakit ang mga paa ko." Pagmamaktol ni Andrina, simula ng dumating sila sa disneyland ay hindi na siya halos kinakausap ni Xavien. "Sorry babe, halika maupo ka muna rito. Hihilutin ko iyang binti mo." Malumanay na sabi ni Xavien sa asawa."Alam mo naman kasing dito tayo pupunta, may takong pa ang isinuot mo." Napabuntong hininga pang dagdag ni Xavien."Sorry, nawala kasi sa isip ko." Nakangiwing sabi ni Andrina dahil sa masakit niyang paa."Hindi na kita masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa munting prinsesa natin. Sobrang saya niya ngayon." Natatawang sabi ni Xavien. Napairap na lamang sa hangin si Andrina dahil sa sinabi ng kanyang asawa.Napansin ito ni Pixie kaya naman natigilan siya. Napangiti na lamang si Andrina, alam niyang mauuto pa niya ang bata."Nag eenjoy ka ba, anak? " Malamunay na tanong niya kay Pixie habang hinihimas ang buhok nito. "Yes po, mommy! Sobrang saya ko po. Salamat po sa inyo ni daddy! " Yumakap si Pixie sa

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status