“I think he is right.” Napataas ang kilay ni Arniya, doon niya lang din napansin na napigilan nito ang kaniyang sarili.
Hindi niya agad napansin na lumawag na ang pagkakayakap nito, tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Suot niya ang isang itim na damit na may mahabang manggas, medyo maluwang, na waring sinadyang itago ang hubog ng katawan niya. Makapal at luma ang kaniyang suot na salamin na halos matakpan ng kanyang bangs. Hindi kita ang makapal niyang kilay, at ang kaniyang balat ay maitim at naninilaw, hindi kaakit-akit sa mata ng karamihan.
Magsasalita pa sana si David nang bigla siyang pigilan ni Arniya sa pamamagitan ng pagtakip ng palad sa labi nito. Hindi siya interesado sa opinyon ng lalaki sa sandaling iyon; mas gusto niyang marinig ang pinag-uusapan nina Nathan at Kaira.
Nang alisin niya ang kamay sa labi ni David, dumiretso ito sa kanyang leeg at muling sininghot ang pabango niya. Hindi na lang niya ito pinansin. Mas importante ang usapan ni Kaira at fiancé niya.
“I don’t want to wait for another four years,” mariing sabi ni Kaira. “Bakit hindi na lang natin madaliin ang inyong paghihiwalay?”
“What do you mean? Do you have a plan?” tanong ni Nathan.
“What if we set her up?” sabay ang pagkunot ng noo ni Nathan. “I know someone who’s known for playing girls. He doesn’t want any serious relationship.”
“Who’s that guy?”
“Si Killian Sanchez, ang pangalawang tagapagmana ng pamilya Sanchez. Mahilig siyang tumambay sa mga bar. What if we create a scene where they end up in the same room—same bed, rather? Then, we call reporters. Ipapaabot natin ang balita. In that way, lalabas na siya ang taksil. You’ll be the victim. You’ll be free.”
May lambing at pananabik sa tinig ni Kaira. Parang excited siya sa gulo.
Ngunit bigla namang nag-iba ang ekspresyon ni Nathan. Agad niyang inalis ang kamay ni Kaira mula sa kanyang dibdib.
“Why? I thought you wanted to get away from her? So why are you looking mad?”
“Maybe I don’t want her, but it doesn’t mean I can do that to her. Masasaktan siya kung mangyari ‘yon. You know what, let’s talk about this next time. I’ll think of a better way. Let’s go back there, baka hinahanap na ako nila mommy.”
“Okay, sige! I trust you naman e.” malanding sambit ni Kaira, na parang wala lang ang lahat.
Nakahinga nang maluwag si Arniya. Unti-unting lumalayo ang mga yabag ng dalawa. Ngunit nang maalala niya ang lalaking nakayakap pa rin sa kaniya, agad siyang uminit ang ulo. Tinulak niya ito nang mariin at mabilis na sinampal.
“Let’s pretend na hindi tayo nagkita rito! Kalimutan natin ang nangyari. Ayokong maging isyu pa ito,” mariing wika niya.
Hindi sa gusto niyang itago ang assault na ginawa ni David pero mas gusto niyang walang malaman si Nathan na magagamit nito para kumawala sa kaniya.
Wala namang naintindihan si David. Sa totoo lang, hindi niya maramdaman ang sakit ng likod niya, mas iniinda niya ang sakit ng ulo niya. Umangat ang mga ugat sa gilid ng ulo niya, para bang sasabog.
Napaatras si Arniya sa takot. Hindi man nagsasalita si David, kita niya sa katawan nito ang panginginig at paghihirap. Lalayo na sana siya, ngunit bigla siyang hinatak ni David palapit. Sumubsob ito sa dibdib niya, saka siya mahigpit na niyakap.
“Anong pabango ang gamit mo?” tanong ni David. Nakaramdam kasi siya ng ginhawa nang maamoy ang pabango ni Arniya.Natakot si Arniya sa todo ng boses ng binata. Napaatras siya ng kaunti dahil dito. Lumayo din ng bahagya si David dahil sa sakit ng ulo. “W-Wala! Hindi ako nagpapabango.”
“Liar!” matigas na sabi ni David. “I smell something on you like a medicine. Don’t tell me, medicine angpabango mo kaya ayaw mong sabihin?” “Wala naman talaga akong ginagamit na pabango. Amoy gamot ako dahil sa mga inihanda kong gamot ni Nathan. Baka iyon ang inaamoy mo.” pilit niyang paliwanag, bagaman may kaba sa tinig niya.Hindi matukoy ni David kung ano ang nangyayari sa kaniya. Ang nararamdaman niyang sakit ng ulo at matinding init sa katawan ay nagbibigay sa kaniya ng dahilan para lalong lumapit kay Arniya.
Nang hindi na makayanan ni David ang sakit, naiisip niyang lumapit kay Arniya pero hindi pa niya nagagawang makahakbang pa.
Matapang siyang sinampal ni Arniya. Sampal na halos magpadouble ng sakit na nararamdaman ni David. Kanina, takot siyang gumawa ng ingay dahil sa dalawang naglalampungan sa hardin, ayaw niyang mahuli ng mga ito. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Matapos niyang sampalin si David, nagmamadali naman siyang tumakbo palabas sa kanilang tinataguan. Iniwan niya si David na namimilipit sa sakit ng ulo at sa sakit ng sampal niya.
Dahan-dahan namang umalis sa tinataguan niya si David. Nang hindi kalayuan, agad niyang nakasalubong ang isang gwapong binatilyo.“Bakit ang tagal mo? Where’s the medicine?”
“Pasensya na po sir.” Hinging paumanhin ni Helbert- ang personal assistant ni David. “Heto po ang pain reliever para sa sakit ng ulo. Ito naman ang lunas sa drugs na pinainom sa inyo.”
Walang inaksayang oras si David. Ininom niya agad ang gamot, sabay tagilid ng ulo. Tahimik silang dalawa. Maya-maya, tinapunan niya ng tingin si Helbert.“W-Wala naman po akong nakita. Pangako!”
“Just Shut up!!” natahimik naman si Helbert. At tumayo ng parang bata.
“Nalaman mo ba kung sino ang naglagay ng drugs sa inumin ko?” tanong ni Helbert.
“Opo! Si Mrs. Nadine Verano po.”
“Ano? Are you sure about that?” “Yes Sir! Gusto ka niyang maging asawa ng kaniyang anak na si Ms. Reign Verano. Inaasahan niyang lalandiin ka ni Ms. Reign kaya naman para matupad na may mangyari sa iyo, nangialam siya.”Napakagat labi na lang si David dahil sa narinig. Naalala niyang si Nadine Verano ang punong abala ng engagement party, kaya naman madali para dito ang lagyan ng droga ang inumin niya. Hindi niya akalain na nalinlang siya nito ng ganoon kadali.
Kanin, sobrang lakas ng droga na kaniyang nainom pero nasa tamang pag-iisip pa naman siya para lumayo sa mga tao at gumawa ng eksena. Kaya naman napunta siya sa likod ng garden at hindi niya inaasahan na masaksihan.
Napa-smirk si David ng makaisiip siya ng isang plano. Unti-unti siyang napangiti ng maganda nang maiisip niyang magiging makatotohanan ang kaniyang plano. Nakita naman ni Helbert na may masamang plano ang kaniyang amo.
“Ginawa nila ang kalokohang ito sa akin. so, they should pay for it,” bulong niya.
“Pero Sir, si Arniya Belle Santillan ay fiannce ng anak ni Mrs. Nadine. Hindi ba quits na kayo sa nangyari sa inyo?”
“Paanong quits? Wala naman silang alam sa nangyari sa amin ni Arniya. And I’m sure she won’t tell anyone.” Natawa si David. “Saka sa tingin mo ba? Matutuloy ang engagement nila?”
“Bakit sir? Anong binabalak niyo?” kinakabahang tanong ni Helbert.
Nagkbit balikat lang si David saka itinaas ang kaniyang daliri. “Let just say that, I will get what I wanted.”
Napakamot na lang sa ulo si Helbert habang nakayuko. Napansin niya ang pursilas na dapat suot ni David.
“Sir, ang purselas mo? Hindi ba espesyal itong ginagawa para lamang sa iyo? Iisa lang ito sa buong mundo. Paano kung magpatuloy ang sakit ng ulo kung wala ito, anong gagawin ko?” nag-aalalang tanong ni Helbert sa kaniyang amo.
“Hindi mo na kailangang alalahanin ang bagay na iyan. May nakita na akong lunas para mawala ang sakit ng ulo ko.” Itinaas naman ni Helbert ang kaniyang kamay at binuksan ang flashlight sa kaniyang cellphone. Balak niya sanang pulutin isa-isa ang beads ng purselas.
“Hindi mo kailangang pulutin iyan!”
“Pero boss!” saktong naitapat ni Helbert ang flashlight sa kaniyang amo. “S-Sir ang labi mo?!!”
Agad namang hinawakan ni David ang kaniyang labi. Doon niya nakita ang dilaw na pulbos at natahimik siya. Nang marealize niya ang bagay na iyon, agad siyang natawa ng malakas.
“What a nice game,” bulong niya habang kumikislap ang mga mata. “I didn’t expect this to happen… but now that it did, I’m going to enjoy every bit of it.”
Ipinakita ni Lia ang sirang cellphone at humarap sa staff nang seryoso."Bulag ka ba? Sira ang telepono ko! Paano ako tatawag? Guest ako ng second young master n’yo. Kung matalino ka, alam mo na ang dapat gawin."Napakamot sa ulo ang staff. Halatang nahirapan.Pero biglang may boses na lalaki ang sumabat."Ako na. Alam ko kung nasaan siya. Ako na ang maghahatid sa’yo."Paglingon ni Lia, nakita niya ang isang lalaking lumalabas mula sa dilim.Si Nathaniel iyon.Sandaling natigilan si Lia. Pakiramdam niya ay pamilyar pero may pagkailang ang lalaking kaharap niya.Dahil kina David at Harold, nakilala ni Lia ang maraming tao sa kanilang sirkulo.Marami na rin siyang beses na nakita si Nathaniel. Bago ang aksidente, maganda ang tindig nito, masayahin at malakas ang dating. Pero matapos ang aksidente, tila nawalan ito ng buhay—palaging tahimik, parang wala nang pag-asa.Ngunit ngayong gabi, ibang-iba si Nathaniel.Hindi maipaliwanag ni Lia kung ano mismong nagbago rito. Basta ang nararamdam
Buong lakas na binuhat ni David si Arniya pabalik sa kanilang silid—hindi man lang siya hinihingal o namumula. Pagkababa niya kay Arniya sa kama, napakunot siya ng noo habang sinipat ito."Ano bang karaniwang kinakain mo? Bakit ang gaan-gaan mo?""Inuumaga tayong magkasalo kumain, hindi mo ba alam kung anong kinakain ko?" Angal ni Arniya habang nakasiksik pa sa mga bisig nito. Kanina pa niya iniiyuko ang ulo niya, at ang pisngi niya ay pulang-pula—kasing-ganda ng bulaklak ng mansanilya.Napaisip si David at lalo pang lumalim ang kunot sa kanyang noo.Maliit lang talaga ang kain ni Arniya. Parang pusa—konti lang sa bawat kain. Kaya siguro napakapayat niya. Ang baywang nito ay kasinlaki lang halos ng palad niya."Kumain ka na nang mas marami simula ngayon." sabi niya habang dahan-dahang inilalapag si Arniya sa kama at yumuko para tingnan siya.Nagliliwanag ang mga mata niyang parang batong obsidian. May bahagyang ngiti sa gilid ng kanyang labi, at bahagya ring paos ang kanyang boses. "H
Patuloy si Arniya, kumpiyansang nagsalita. “Pareho kayong malalaki, higit 1.8 meters ang taas, at siguradong marunong makipaglaban. Kung may mag-aaway, tiyak na mapapahamak ang sino mang sasali. Ako pa ba na maliit na babae lang? Siyempre, lalayo na lang ako.”Habang nagsasalita siya, sinipat-sipat niya si David mula ulo hanggang paa gamit ang mga mata niyang parang bulaklak na peach: “O baka naman wala kang tiwala sa sarili mo?”David: …Hindi na dapat umaasa pa si David ng matinong sagot mula kay Arniya. Iba talaga mag-isip ang babaeng ito.“Eh kung ako naman ang nakipagtalo kay Irvin?”Sumandal si Arniya sa dibdib ni David, tinitigan siya. “So totoo nga, nakipagtalo ka kay Irvin?”Nanatiling tikom ang labi ni David, pero halatang nahihiya at bahagyang tumikhim.“Bakit kayo nagtalo?”Siyempre, hindi sasabihin ni David ang totoo. Dahil kung gagawin niya 'yon, parang tinutulungan niya si Irvin.Mahigit sampung taon ng lihim na pagmamahal, punung-puno ng damdamin. Pati mukha ni Irvin,
Pag-alis ni David, halata sa likod niya ang galit.Sa wakas ay nakahinga nang maluwag si Lawrence. Napakabigat ng hangin kanina, halos hindi siya makagalaw sa kaba.Tinapunan niya ng tingin si Irvin na nakapikit habang nakababad sa hot spring."Irvin, ikaw... tsk... ah..."Sunod-sunod ang lumabas na interjection kay Lawrence, sabay kunot-noo: "Si Arniya at si Kuya David... parang sila na...""Hindi sila magkasintahan," biglang iminulat ni Irvin ang mga mata at seryosong itinama: "Siguro nagkasundo lang sila sa isang kasunduan."Kahit hindi pa ito sabihin ni Irvin, halata na rin ni Lawrence sa kanilang pag-uusap."Pakiramdam ko gusto ni Kuya David si Arniya, pero hindi pa niya alam iyon," sabi ni Lawrence, nakakunot ang noo. "Kaibigan mo siya, at ang asawa ng kaibigan ay hindi dapat inaagawan."Napangiti si Irvin at umiling: "Ilang beses ko na siyang tinanong nitong mga nakaraang araw. Malinaw at mahinahon ang sagot niya—hindi raw sila magtatagal ni Arniya, maghihiwalay din balang araw
Nagkamot ng baba si Lawrence at biglang nagtanong:"Irvin, ‘yung lalaking kasama niya... mabigat bang kalaban?"Sa narinig niya mula kay Irvin, malinaw na may iniingatang dahilan ang pag-aalinlangan nito.Kaya’t naging matapang sa hula si Lawrence.At nang makita niyang nagbago ang ekspresyon ni Irvin—nanghula siyang tama siya.Dinilaan ni Lawrence ang labi at dahan-dahang nagtanong:"Sino siya?"Biglang may napagtanto si David at matalim na tumingin kay Irvin."Ayokong magsinungaling sa'yo," ani Irvin habang pinipigil ang kanyang emosyon. "Ang babaeng gusto ko ay si Arniya. Si Belle."Napahinto ang paghinga ni Lawrence at nanlaki ang mga mata sa gulat."Huwag kang magbiro ng ganyan! Hindi ‘yan nakakatuwa!"Bahagyang ngumisi si Irvin."Sa tingin mo ba, magbibiro ako sa ganitong bagay?"Napatahimik si Lawrence. Parang biglang naging mabigat ang paligid. Rinig pa rin ang mahinang tawanan nina Arniya at Sarah sa kabilang bahagi, pero mas lalo lang nitong pinakiramdam na mas kakaiba ang s
Naalala niyang noong umaakyat sila ng bundok, pinag-uusapan pa ni Arniya kung paano gamitin ang mga insekto at ahas bilang gamot. Kahit mukhang mahina, napaka-wild pala.Kaya’t bumalik sa pagkakaupo si David sa pool. Tinakpan ng tubig ang kanyang matitikas na dibdib, abs, at mahahabang hita. Nakahinga ng maluwag si Lawrence.“Grabe ang ganda ng katawan ni Kuya David. Ang lalaking-lalaki talaga. Nakaka-pressure katabi siya.”Kaya’t gumilid si Lawrence at hindi sinasadyang nadikit sa braso ni Irvin—at napahinto siya.Hmm, hindi rin naman nalalayo ito.May mukha itong parang iskolar, bihira niyang makita itong nag-eehersisyo, pero bakit parang ang laki ng katawan?Napatingala si Lawrence at napabuntong-hininga. Hindi ko na dapat pinasok ‘tong trip na ‘to.Habang iniisip niya iyon, biglang narinig ang tili ni Sarah mula sa kabilang bakod:“Belle! Anong kinakain mo at ganyan ang katawan mo? Ang sexy mo sobra! Ang nipis ng baywang, ang laki ng dibdib, at ang tambok ng puwet! Pa-share naman!