Share

2. David Sev Calderon

Author: JMG XXVIII
last update Last Updated: 2025-05-15 20:23:20

Nanlamig sa takot si Arniya. Rinig niya ang papalapit na mga yabag ni Nathaniel sa likod ng mansyon. Para siyang batang nahuli sa kasalanan—mabigat ang dibdib, nanlalambot ang tuhod, at basang-basa ng pawis ang kanyang noo. Kung mahuli siya ngayon, wala siyang maihahandang dahilan, lalo pa't may isang estrangherong lalaki ang mahigpit na yumakap sa kanya mula sa dilim.

Mabilis ang pintig ng puso ni Arniya. Napapikit na lamang siya at taimtim na nagdasal. Sa isip-isip niya, kahit pa tumalon siya mula sa ikatlong palapag ng mansyon, wala pa rin maniniwala sa kanyang paliwanag. Lalo na kung mahuli siya sa ganitong ayos.

"Nathan, I think no one is here! Look at the branches—they were blown by the wind. So baka may bumagsak lang na sanga," sigaw ni Kaira sa malapit. Malapit na sila.

Muntik nang mapahinga nang malalim si Arniya. Para siyang tinanggalan ng tinik sa dibdib. Sa wakas, dininig ng Diyos ang kanyang dasal.

"Come here, babe! I'm not satisfied yet!" bulalas ni Kaira sa mapanuksong tinig.

Napatawa si Nathan. "You're so naughty, baby," sagot nito, paos ang boses, puno ng lambing at pagnanasa.

Nanikip ang dibdib ni Arniya sa narinig. Napaiyak siya, hindi sa takot kundi sa mas matinding sakit—sakit na galing sa puso. Pakiramdam niya, nilapastangan siya hindi lamang ng sitwasyon kundi ng realidad na hindi siya kailanman pinili.

Ngunit bago pa siya tuluyang malugmok, nagulat siya nang bigla siyang halikan ng lalaking nakayakap sa kanya. Napasinghap siya. Hindi siya makagalaw, hindi makapalag. Ang tanging magawa niya ay kagatin ang labi ng lalaki sa sobrang takot. Pero wala itong naging reaksyon. Nanatili ang yakap nito sa kanyang baywang—mahigpit, parang bakal na gapos.

 Dahil sa patuloy na pag-iyak, nanlabo ang kanyang paningin. Nang medyo lumuwag ang pagkakayakap sa kanya, sinamantala niya ang pagkakataong silipin ang mukha ng lalaki. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, unti-unti niyang nakita ang itsura nito.

Maputi ang balat. Pulido ang mga facial features—matangos ang ilong, makisig ang panga. Ngunit ang matalim nitong mga kilay at malamig na mga mata ang nagpanginig sa kanya. May aurang mataas, mayabang, at delikado. Isa lang ang taong ganito.

"David... Sev... Calderon?" bulong niya sa sarili.

Hindi siya makapaniwala. Ang anak ng pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa bansa ay nasa likod ng mansyon sa kalagitnaan ng gabi, yakap siya na parang ayaw siyang pakawalan.

"What are you doing here? Can you let me go?" tanong ni Arniya, pilit pinapalakas ang loob.

Hindi sumagot si David. Yumuko si David, bahagyang idinampi ang kanyang ilong sa leeg ni Arniya. Para siyang may inaamoy na hindi mabigyang pangalan—isang bagay na tila nagpapabaliw sa kanya.

Maya-maya pa, hinalikan siya nito sa leeg, pababa sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong gagawin. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya kayang makalikha ng tunog. Pakiramdam niya, mawawala siya sa sarili sa sandaling iyon.

"Ano... anong balak mong gawin?" tanong niya, nanginginig ang boses.

Ngunit hindi pa rin nagsalita si David. Sa halip, mas lalo nitong idiniin ang katawan niya sa kanya, parang hayok na hayop na gutom sa init at balat.

Mainit ang hininga ni David, at sa bawat dampi nito sa kanyang balat ay para siyang tinutusok ng libo-libong karayom. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa takot, o sa kung anong kakaibang pakiramdam na gumugulo sa kanyang isipan.

Pakiramdam niya ay may mali. Hindi normal ang ikinikilos ni David. Para bang uminom ito ng gamot o alak, o baka naman... sadyang delikado talaga ang lalaking ito.

"Ikaw ba ay nagd—" Hindi na natuloy ni Arniya ang kanyang tanong nang marinig niyang tumigil ang ingay mula sa kabilang bahagi ng hardin. Nanatili siyang walang galaw. Natatakot siyang marinig, makita, mahuli. Si David naman, parang wala sa sarili. Patuloy lang ito sa ginagawa, walang pakialam kung sino man ang dumaan.

Napakagat si Arniya sa labi. Nanginginig siya hindi lang sa takot kundi sa kung anong kakaibang sensasyon.

Maya-maya, narinig niya ang pag-uusap ng dalawang taong naglalakad.

"Babe, naiisip ko lang. Do you really need to marry her?" tanong ni Kaira, puno ng pangamba ang tinig. "How about me? How can you marry me if you marry her? Well, hindi naman kita masisisi kung ito ang paraan mo para gumanti sa nagawa ko. Pero pangako, hindi kita iniwan. Wala lang akong nagawa. Tinakot ako ng mga magulang ko. Magpapakamatay daw sila kung hindi ako umalis papunta sa ibang bansa. Huwag mo sanang isipin na hindi kita kayang alagaan. Kaya ko din ang ginawa ni Arniya."

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman ang lahat," malamig na sagot ni Nathaniel. "Saka sa tingin mo ba hahatakin kita sa hirap? Syempre hindi."

Parang tinusok ng kutsilyo ang puso ni Arniya. Sa bawat salitang naririnig niya mula kay Nathaniel, lalo siyang nanlulumo. Parang sinadya talaga ng tadhana na masaksihan niya ang ganitong tagpo.

Pinikit niya ang mga mata, umaasang hindi niya naririnig ang totoo. Pero bawat salita, bawat pag-amin, parang martilyong paulit-ulit na tumatama sa puso niya.

"You have nothing to worry," dagdag pa ni Nathaniel. "Hindi ko papakasalan si Arniya. Hahanap ako ng paraan para ma-cancel ang engagement namin nang hindi ako ang lalabas na masama. Alam ng buong bansa na siya ang nag-alaga sa akin. Huhusgahan tayo kung bigla ko na lang siyang iiwan."

Hindi na mapigil ni Arniya ang pagpatak ng kanyang luha. Nakagat niya ang kanyang labi sa sobrang sakit. Akala niya, kahit papaano ay may saysay ang ginawa niyang pag-aalaga. Pero sa huli, isa rin pala siyang paraan lang para sa mas malaking plano ni Nathan.

"That’s why I love you. Akala ko naman sa loob ng apat na taon, nahulog ka na sa kaniya," ani Kaira.

Napangisi si Nathan. "How do you think of that? She’s so ugly, boring, and old-fashioned. She’s lifeless, dull. Parang kahoy na marunong lang huminga.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   178

    Nagkamot ng baba si Lawrence at biglang nagtanong:"Irvin, ‘yung lalaking kasama niya... mabigat bang kalaban?"Sa narinig niya mula kay Irvin, malinaw na may iniingatang dahilan ang pag-aalinlangan nito.Kaya’t naging matapang sa hula si Lawrence.At nang makita niyang nagbago ang ekspresyon ni Irvin—nanghula siyang tama siya.Dinilaan ni Lawrence ang labi at dahan-dahang nagtanong:"Sino siya?"Biglang may napagtanto si David at matalim na tumingin kay Irvin."Ayokong magsinungaling sa'yo," ani Irvin habang pinipigil ang kanyang emosyon. "Ang babaeng gusto ko ay si Arniya. Si Belle."Napahinto ang paghinga ni Lawrence at nanlaki ang mga mata sa gulat."Huwag kang magbiro ng ganyan! Hindi ‘yan nakakatuwa!"Bahagyang ngumisi si Irvin."Sa tingin mo ba, magbibiro ako sa ganitong bagay?"Napatahimik si Lawrence. Parang biglang naging mabigat ang paligid. Rinig pa rin ang mahinang tawanan nina Arniya at Sarah sa kabilang bahagi, pero mas lalo lang nitong pinakiramdam na mas kakaiba ang s

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   177

    Naalala niyang noong umaakyat sila ng bundok, pinag-uusapan pa ni Arniya kung paano gamitin ang mga insekto at ahas bilang gamot. Kahit mukhang mahina, napaka-wild pala.Kaya’t bumalik sa pagkakaupo si David sa pool. Tinakpan ng tubig ang kanyang matitikas na dibdib, abs, at mahahabang hita. Nakahinga ng maluwag si Lawrence.“Grabe ang ganda ng katawan ni Kuya David. Ang lalaking-lalaki talaga. Nakaka-pressure katabi siya.”Kaya’t gumilid si Lawrence at hindi sinasadyang nadikit sa braso ni Irvin—at napahinto siya.Hmm, hindi rin naman nalalayo ito.May mukha itong parang iskolar, bihira niyang makita itong nag-eehersisyo, pero bakit parang ang laki ng katawan?Napatingala si Lawrence at napabuntong-hininga. Hindi ko na dapat pinasok ‘tong trip na ‘to.Habang iniisip niya iyon, biglang narinig ang tili ni Sarah mula sa kabilang bakod:“Belle! Anong kinakain mo at ganyan ang katawan mo? Ang sexy mo sobra! Ang nipis ng baywang, ang laki ng dibdib, at ang tambok ng puwet! Pa-share naman!

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   176

    Hindi naramdaman ni Lia ang ganitong uri ng panganib nang kaharap niya si Arniya.Kahit pa alam niyang may kakaibang trato si David kay Arniya, hindi siya gaanong nabahala. Naiinggit lang siya paminsan-minsan.Dahil sa itsura ni Arniya—hindi mo nga masasabing maganda, mukhang matamlay at boring pa. Hindi siya naniniwalang kayang mahalin ni David ang ganoong babae.Pero iba ang babae sa litrato.Kahit siya, aminadong maganda ito—paano pa kaya ang mga lalaki?At si David… pinapakain pa ito ng orange?Naramdaman ni Lia ang kirot sa dibdib niya, para bang may maasim na gumugulo sa puso niya.Isang lalaking malamig at may dignidad, pero handang magpakita ng lambing at pag-aalaga sa isang babae? Nakakabigla iyon para kay Lia—at sapat na para magtaas siya ng depensa.Tinitigan niyang mabuti ang larawan. Pero wala roon si Arniya, kaya’t nalito siya.Hindi ba’t personal assistant ni David si Arniya? Bakit wala siya sa tabi nito? At sino ang babaeng nakadikit ngayon kay David?Agad siyang nagpa

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   172

    Sa loob ng chess and card room, sa harap ng lamesang may mahjong, may isang lalaki at isang babae — ang lalaki ay nakatayo nang maluwag, mukhang tamad pero may dating, habang nakayuko siyang pinapakain ng orange ang babaeng nasa harap niya.Nakapaling ang mukha ng babae habang nakanganga para kainin ang hiwa ng orange, kaya hindi masyadong kita ang buong itsura niya. Pero dahil sanay na si Harold sa pakikisalamuha sa magagandang babae, alam niya agad — maganda ang babaeng ito.Bagay na bagay ang dalawa sa litrato. Para silang bida sa isang pelikula. Lahat ng tao sa paligid ay parang background lang.Napanganga si Harold habang tinitingnan ito, at kahit papaano, may halong inggit sa puso niya.“Ganung ka-istrikto at walang kalambing-lambing, pero may ganyang kagandang babae? Bulag na talaga ang langit,” bulong niya sa sarili.Habang naiinggit pa siya, bigla siyang nakatanggap ulit ng mensahe mula sa kaibigan niya.“Hindi ako nakakuha ng malinaw na kuha kanina kasi baka makita ako ni Da

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   174

    Naglaro ng mahjong ang apat na magkakaibigan sa loob ng halos dalawang oras. Nang sa wakas ay nagsawa na sila, nagsimula na ring magsialisan ang ibang tao sa kwarto.Nag-inat si Sarah at nagsabing, “Tama na, tama na, padilim na.”Tumayo si Arniya at tumingin sa labas ng bintana. May mga luntiang puno at mga burol sa malayo. Ang kulay ng langit sa paglubog ng araw ay napakaganda—matapang ang pulang kulay, na parang binigyang buhay ang kalangitan.Itinaas niya ang mukha niya at ipinikit ng bahagya ang mga mata, habang ninanamnam ang malamig at banayad na simoy ng hangin sa gabi.“Ang panahon ngayon…”Hindi pa siya tapos magsalita, nang biglang sabik na sabik na sumabat si Sarah, “Ang natural na hot spring dito, perfect na perfect!”“Ha?”Hawak ni Sarah ang cellphone niya at iniwagayway ito kay Arniya. “Sabi ng isa kong ate, may open-air hot spring pala dito sa villa. Nakakatulong daw ito para mahimbing ang tulog sa gabi, at nakakaganda rin ng balat.”“Buong araw tayong nag-akyat bundok.

  • Scumbag Fiancée:Claimed by the Coldhearted Multimillionaire   173.

    Umalis na si Nathan sa chess at card room, halatang tuliro at hiyang-hiya.Tahimik lang si Arniya habang pinagmamasdan ang papalayong likod niya.Tuso ka nga. Pero mas tuso ako.Ipinakita ni Arniya ang palad niya. Nandoon ang isang maliit na bote ng gamot—isang anti-allergy na inihanda niya talaga para sa ganitong sitwasyon.Noong bata pa si Arniya, muntik na siyang mamatay matapos aksidenteng makakain ng mango cake na dinala ni Nathan.Simula noon, palagi na siyang may dalang anti-allergy medicine na akma para sa sarili niya, sakaling may emergency.Ngayong pagkakataon, may dala ulit siyang maliit na bote ng gamot. Akala niya'y hindi niya ito kakailanganin, pero mukhang napakinabangan din.Habang nagtatalo sina Sarah at Nathan kanina, mabilis na lumunok si Arniya ng isang tableta kaya niya nakayanan ang isang lagok ng mango juice.Dinilaan ni Arniya ang kaniyang labi at bahagyang napangiwi ang mukha.Napakapait ng gamot kapag tuyo itong nilulunok, at hindi rin nawala ang lasa kahit m

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status