เข้าสู่ระบบBinigyan ni Warren ng senyales ang kanyang mga bodyguard. Agad na kumilos ang mga ito at pinalibutan si Vanessa upang pigilan."Bitawan ninyo ako..."Nagpumiglas si Vanessa sa matinding takot.Pero pwersahang kinaladkad siya ng mga ito patungo sa nag-aabang na mamahaling kotse ni Warren."Amanda, tulungan mo ako! Iligtas mo ako!" Sigaw ni Vanessa..Sa tindi ng gulat at kawalan ng pag-asa, kay Amanda na lamang humingi ng saklolo si Vanessa.Naguluhan si Amanda sa nasaksihan.Pakiramdam niya ay may pinagdadaanan na namang kakaibang palabas ang kanyang kapatid. Bakit ito humihingi ng tulong sa gitna ng away nila ng lalaki? Hindi ba't silang dalawa naman ang may relasyon?Walang kinalaman si Amanda sa kanilang dalawa, kaya wala siyang balak na manghimasok sa gulo ng mga ito.Sino ba ang may oras para problemahin ang mga paandar ni Vanessa?"May ginawa ba siya sayo kanina?" Tanong ni Warren sa kanya..Bigla itong lumapit sa kanya at nagtanong nang may pag-aalala.Tumingin si Amanda sa direks
Kahit kailan ay hindi nagsawa si Warren sa paghahanap dito nitong mga nakaraang taon, ginawa pa nga nito ang lahat para mahanap lamang siya, ang babaeng may-ari ng panyo... Minsan pa nga ay ginusto nitong itulad ang iba kay Amanda dahil sa labis na pagnanais.Pero ang totoo, ang babaeng pilit nitong hinahanap—si Amanda—ay isa lang palang traydor sa paningin nito. Lihim pa itong nakikipag-relasyon sa ibang mayamang lalaki sa likod nito..Marahas na nagpumiglas si Amanda at malamig na sinamaan ng tingin ang kapatid…"Anong pakialam mo? Naghahanap na ang pamilya natin sa iyo, bakit ka nandito para magwala?""Ikaw!" Puno ng inggit at poot ang mga mata ni Vanessa.."Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!"Napakunot ang noo ni Amanda.. "Paano naman na ako naging may kasalanan?"Laging bida sa pamilya si Vanessa—pinakamamahal ng ama, ina, at lalo na ng mga magulang nila—kaya imposibleng siya ang maging dahilan ng pagkasira nito.Galit na galit na sumigaw si Vanessa.. "Mayaman na ang lalaking
Nakatitig si Jonathan sa kanyang mga mata…."Kayong dalawa ay?"Halos masambit na ni Amanda ang totoo. Na matagal na silang hiwalay ni Warren. Pero nang nasa dulo na ng kanyang dila ang mga salitang iyon, binawi niya ito at sinabing. "Kami ay... nag-a-apply na para sa annulment," ani niya.Nalaman din naman ni Jonathan iyon noon kaya mabilis itong naniwala. At sa totoo lang, natuwa pa ito nang husto. Basta't magpatuloy lang ang pag-aayos nila ng kanilang hiwalayan, hindi na magtatagal at tuluyan na silang mapapawalang-bisa sa mata ng batas.Agad na lumitaw ang ngiti sa mukha nito habang binibigyan siya ng isa pang banayad at matamis na halik.Namula ang mga mata at pisngi ni Amanda sa hiya. Hindi pa ba sapat ang ginawa nitong paghalik sa kanya kanina?Nang iangat niya ang kanyang paningin, sinalubong siya ng itim at malalim na mga mata ng lalaki. Punong-puno iyon ng possessiveness at init na nagpabilis muli ng kabog ng kanyang dibdib.Kahit gustuhin niya mang itulak palayo, wala na siy
Mahigpit na hinawakan ni Amanda ang buhok nito habang malalim na humihinga, pinipilit pigilan ang sarili na huwag mapasigaw. Hindi niya sigurado kung nakaalis na ba si Warren sa labas.Kung sakaling madiskubre nitong magkasama sila sa loob ng cubicle… Tiyak na magiging malaking disaster iyon.Itinaas ni Amanda ang kanyang baba at idinilat ang mga mata na parang isda na nauuhaw sa hangin. Pagkaraan ng ilang sandali, binitawan din siya ni Jonathan.Halos mawalan na ng lakas ang mga binti ni Amanda at hindi na halos makatayo nang maayos. Agad siyang binuhat ni Jonathan palabas ng restroom nang walang pasubali. Hindi na alam ni Amanda kung saan siya dinadala nito dahil wala na siyang natitirang enerhiya para pumalag. Madilim na ang paligid sa labas.Tapos na ang funeral.Ang ibang miyembro ng pamilya Aguirre ay umalis na upang ihatid ang mga abo ni Frederick sa sementeryo.Nang maisakay na ni Jonathan si Amanda sa kotse, biglang tumunog ang phone niya.Si Warren ang tumatawag."Amanda, nas
Nang makita ni Amanda ang madilim at seryosong mga mata ni Jonathan na nakatutok sa kanya, para bang may marahas na bagyong bumalot sa buong paligid.Lumapit si Jonathan at bumulong sa kanyang tainga.. "Hindi ba't ang pinakamahalaga rito ay ang katotohanan na magkasama tayo sa likod ng asawa mo?"Nanigas ang buong katawan ni Amanda. Totoo namang nagtatago sila sa likod ni Warren habang magkasama sila ngayon. Pero ang totoo, hiwalay na sila ni Warren, kaya malaya siyang makasama ang kahit sino nang walang pumipigil!"Ako—"Bago pa man siya makapagsalita para depensahan ang sarili, hinawakan na ni Jonathan ang kanyang baba at muling sinakop ang kanyang mga labi para patahimikin siya. Sa pagkakataong ito, naging banayad at puno ng pasensya ang kanyang mga halik.Walang pagmamadali. Wala siyang pakialam kung ilang piye lamang ang layo nila sa taong tinatawag niyang "asawa" sa harap ng publiko.Nanlaki ang mga mata ni Amanda sa matinding gulat.Nanginginig siyang nagpumiglas. Hinding-hindi
Hinawakan nito nang mahigpit ang kanyang baywang para ilapit nang lubusan sa sarili. Hindi pa nagtatagal nang marinig nila ang mga yapak ng mga taong papalapit sa restroom, tila may gustong umihi o mag-ayos.Lalo tulong nataranta si Amanda sa narinig.Mas lumala ang kanyang panic nang may marinig siyang tumawag sa pangalan ng kararating lang…"Warren!"Nanlaki ang mga mata niya sa matinding gulat. Hindi nga ba siya nagkakamali?Si Warren nga! Ito ang papasok ng banyo..Habang papalapit nang papalapit ang mga yapak, mas lalo ring lumalala ang kaba sa dibdib ni Amanda. Wala na siyang ibang nais kundi ang itulak ang lalaki at magmamadaling lumabas.Pero bago pa man dumampi ang kanyang mga dalari sa doorknob, mabilis siyang hinila pabalik ni Jonathan."Nagmamadali ka bang batiin ang asawa mo?" tanong nito habang nakangiti nang may halong panunuya.Namula sa inis ang noo ni Amanda. Hindi niya maintindihan si Jonathan..Anong pagbati ang sinasabi nito? Hinding-hindi niya gagawin 'yon!"Magul
HALATANG hindi inaasahan ni Dr. Jonathan Ramirez ang sitwasyon. Pero pareho naman silang adults, some needs don’t need to be said. At alam din niyang may kondisyon si Amanda.“Sir…” ani niyang pabulong. Nanigas si Amanda. Parang nag-hang ang utak niya nang narinig ang boses ng lalaki sa kabilang lin
NAKAKUNOT ang noo ni Amanda. He actually promoted her to executive assistant?Hindi kaya pinapahamak lang siya nito?“Sir… I’ve never worked as an assistant before. Baka hindi ko kayanin…” agad niyang sagot dito bilang pagtanggi sa promotion nito. Sa totoo lang, ang laman ng isip niya…was something
MAHIGPIT siyang tinitigan ni Manager Reyes.“Ano bang kasalanan ang ginawa mo?” tanong pa nito sa kanya.Bigla siyang tinawag ng Big Boss, hindi lang si Amanda ang nagulat, pati ang manager niyang si Reyes.Kumindat si Amanda ng inosente. “I… I don’t know either…”Pinagpapawisan ang palad niya. Ang
HALOS hindi nakatulog si Amanda. The emptiness in her body at ang sakit sa puso niya ay hindi siya pinatulog nang maayos. Buti na lang, hindi siya na-late kinabukasan. Habang humihikab si Amanda papasok sa office ay napansin niya agad may kakaibang atmosphere sa paligid.“May bagong CEO na darating







