Patikim ng Asawa Mo

Patikim ng Asawa Mo

last updateLast Updated : 2026-10-22
By:  Author RainUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Anong gagawin mo kapag nalaman mong ang isang empleyado mo sa kumpanya ay siya ring lihim na sumisira sa kasal mo at ikinakama pala ang asawa mo? Si Alexander Perez, CEO ng Perez Industries, ay hindi naniniwala sa pangalawang pagkakataon pagdating sa pagtataksil. Nang matuklasan niyang ang asawa niyang si Stacy ay may relasyon sa ambisyosong empleyado niyang si Kiefer, hindi siya nagalit. Bagkus ay napangiti pa siya. At naghanda ng mas malupit na ganti. Sa gabi ng silver anniversary ng Perez Industries, inalok niya si Kiefer ng isang bagay na hindi niya matatanggihan. Promotion, kapalit ng pagtikim niya sa asawa nitong si Willa. Ngunit paano kung ang babaeng gusto lamang gawing bahagi ng paghihiganti ay may sariling mga sugat at lihim na hindi alam ni Alexander? *** Si Willa, na walang kamalay-malay sa pagtataksil ng sarili niyang asawa, ay hindi kailanman inakalang magagawa ito sa kanya ni Kiefer. Ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ay siya palang maglalagay ng pampatulog sa kanyang inumin at gagamitin siyang kabayaran kapalit ng inaasam nitong promotion. Ang mas masakit? Ang lalaking nais ipagamit sa kanya ni Kiefer ay walang iba kundi ang sarili nitong boss, si Alexander Perez. Akala ni Kiefer ay nagtagumpay na siya sa plano niyang makuha ang posisyong matagal na niyang pinapangarap. Ngunit hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng sarili niyang pagbagsak. Sa halip na maging magkalaban, sina Willa at Alexander ay magkakampi sa isang planong hindi kailanman inakala ni Kiefer at ng kabit nitong si Stacy, na best friend ni Willa. Sa likod ng mga ngiti at pagpapanggap ay unti-unting binubuo nina Willa at Alexander ang kanilang paghihiganti. Bawat kasinungalingan ay may katumbas na kaparusahan, at bawat pagtataksil ay may presyong kailangang bayaran. Ngunit sa larong ito ng paghihiganti, sino ang unang mawawasak?

View More

Chapter 1

Chapter 01

-Alexander-

“Patikim ng asawa mo,” bulong ko kay Kiefer Sullivan habang magkatabi kaming nakatayo sa isang sulok ng ballroom kung saan ginaganap ang selebrasyon para sa silver anniversary ng kumpanya kong Perez Industries.

Sandali siyang natigilan sa sinabi ko, na para bang hindi niya agad naunawaan ang ibig kong sabihin. Pero nang magtama ang aming mga mata, unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Matagal nang inaasam ni Kiefer ang posisyon bilang Executive Vice President sa kumpanya ko. Sa kasalukuyan, isa siyang General Manager, at ilang beses na rin siyang lumapit sa akin upang hilingin ang promotion na iyon.

At ngayong gabi, sa mismong selebrasyon ng ika-dalawampu't limang anibersaryo ng Perez Industries, muli na naman siyang naglakas-loob na lapitan ako para kulitin tungkol sa inaasam niyang posisyon.

Ang hindi niya alam, may kapalit ang pabor na hinihingi niya sa akin. At ang kapalit na iyon ay ang sarili niyang asawa.

I smirked as I watched him struggle to process my words.

Kitang-kita ko ang pamumuo ng pawis sa noo niya, pati ang paulit-ulit niyang paglunok habang pilit na pinag-iisipan kung pagbibigyan ba niya ang gusto ko na maikama ang asawa niya ng isang gabi, o tuluyang isasakripisyo ang promotion na matagal na niyang pinapangarap.

To be fair, Kiefer wasn't entirely incompetent. May kakayahan naman siya sa trabaho, at may mga pagkakataong naipapakita niyang kaya niyang gampanan ang mga responsibilidad bilang Senior Manager.

Pero hindi pa sapat ang kakayahan niya para pagkatiwalaan ko ng mas mataas na posisyon.

He was still too inexperienced for the role, and his performance had been far from impressive. Ilang beses na rin siyang nagkamali sa mga proyektong hawak niya, at ako pa mismo ang kailangang gumawa ng paraan upang maitama ang mga pagkukulang niya bago pa lumala ang sitwasyon.

So in short, hindi pa niya napapatunayan na karapat-dapat siyang maging Executive Vice President.

Pero dahil mapilit siya at tila handang gawin ang lahat para makuha ang gusto niya, naisip kong bigyan siya ng isang alok na hindi niya basta-basta matatanggihan.

“Sir...” kinakabahan niyang tawag sa akin. “Paano naman ang asawa niyo? Baka malaman niya 'to, malalagot tayo pareho.”

Napangisi ako bago marahang itinaas ang hawak kong wine glass at uminom. “Why would I care?”

Kahit malaman pa ni Stacy ang gagawin ko, wala akong pakialam. Hindi ko naman ito gagawin kung hindi ko alam ang lihim na matagal nang itinatago ni Kiefer.

Dahil ang totoo, hindi lang naman ako ang niloloko niya. May relasyon si Kiefer at si Stacy.

Yes, you heard that right.

Ang lalaking ilang beses nang lumapit sa akin upang humingi ng promotion ay siya ring lalaking lihim na nakikipagtalik sa asawa ko.

At dahil alam ko ang tungkol sa kanilang pagtataksil, naisip kong panahon na para maranasan din niya ang sakit na matagal na nilang idinudulot sa akin.

Kung kaya niyang makipagrelasyon sa asawa ng ibang lalaki, bakit hindi ko rin tikman ang sarili niyang asawa?

His wife's name was Willa. At sa lahat ng babaeng nakilala ko, masasabi kong isa siya sa pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

Maganda, elegante, mabait, at masipag. Hindi lamang iyon, mayroon din siyang katawan na tila hinubog para sa isang beauty queen. 

Sa tuwing nakikita ko si Willa sa mga okasyong dinadaluhan nila bilang mag-asawa, hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit nagawa pa siyang lokohin ng asawa niya.

What more could a man possibly ask for?

Nasa kanya na ang lahat ng katangiang hinahanap ng maraming lalaki sa isang babae, pero parang hindi pa rin iyon sapat para kay Kiefer.

Hindi ko rin maintindihan kung ano ang nakita niya kay Stacy, ang babaeng pinakasalan ko.

Sa paningin ng ibang tao, isa siyang kagalang-galang na abogado. Matalino, mahusay magsalita, at may reputasyong pinaghirapan niyang binuo sa loob ng maraming taon.

Pero sa likod ng maayos niyang imahe ay may isang babaeng walang pag-aalinlangang sirain ang sarili niyang pamilya para lamang masunod ang gusto niya.

Perhaps, it was nothing more than lust.

Baka nagsawa si Kiefer sa iisang babae at naghanap ng panibagong karanasang magbibigay sa kanya ng kakaibang kilig. O baka naman sadyang hindi siya marunong makuntento sa kung anong mayroon siya ngayon.

Whatever his reason was, he would soon learn that every action had consequences.

At kung ang kapalit ng pagtataksil niya ay ang pagkawala ng kanyang asawa at ng pamilyang pinagsikapan niyang buuin, kasama na ang kanyang trabaho, wala akong balak na maawa sa kanya.

“Stacy will never find out,” sagot ko sa tanong ni Kiefer. “Tayong dalawa lang naman ang makakaalam nito.”

Muli akong uminom ng wine hanggang sa maubos ang laman ng kopita ko.

Samantala, nanatiling tahimik si Kiefer. Ilang beses pa siyang napalunok habang pasulyap-sulyap sa akin, tila umaasang magbabago ang isip ko at babawiin ko ang alok ko sa kanya.

Pero wala na akong balak bawiin ito.

Napailing na lamang ako sa kawalanghiyaan niya. Seriously, kailangan pa ba niyang pag-isipan kung ipapatikim niya sa ibang lalaki ang sarili niyang asawa?

Kung matinong asawa siya, dapat ay hindi na niya kailangang pag-isipan ang sagot. He should have rejected my offer immediately, no questions asked.

Pero heto siya ngayon, nakatayo sa harapan ko at pinag-iisipan kung alin ang mas mahalaga sa kanya, ang katapatan niya sa asawa o ang posisyong matagal na niyang inaasam.

And that alone told me everything I needed to know about him.

Hindi ko na hinintay na tuluyan siyang makapagdesisyon. Sa halip, dahan-dahan akong lumapit sa kanya at ipinasok ang isang maliit na pakete sa bulsa ng suit niya.

“I'll wait for you at my penthouse upstairs,” bulong ko at saka bahagyang tinapik ang balikat niya.

Pagkatapos ay tumalikod na ako at naglakad patungo sa elevator, iniwan siyang nakatayo doon habang patuloy na nilalabanan ang sarili niyang pag-aalinlangan.

Hindi na ako lumingon pa. At anuman ang maging desisyon niya, siguradong may isang bagay na magbabago sa buhay naming lahat pagkatapos ng gabing ito.

Pagpasok ko sa elevator, agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Binuksan ko ang application na nakakonekta sa CCTV system ng hotel at sinimulang panoorin ang live footage mula sa ballroom.

Nakita ko si Kiefer na nanatiling nakatayo sa parehong pwesto, at tila hindi pa rin makapaniwala sa naging pag-uusap namin.

Napangisi ako. “Let's see what you're willing to sacrifice for that promotion, Kiefer.”

Pagdating sa penthouse, lumabas ako ng elevator at dumiretso sa malawak na sala. Inilapag ko ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa habang patuloy na pinagmamasdan ang mga galaw niya sa screen.

For years, I had watched him enjoy the benefits of being married to Willa while secretly sleeping with my wife.

Ngayon, gusto kong malaman kung hanggang saan siya handang lumubog para lamang makuha ang gusto niya.

At sa pagkakataong ito, hindi ko na balak na ako lamang ang magdurusa sa pagtataksil nila.

They had made a fool out of me for long enough. It was time for someone else to pay the price.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status