Beranda / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 102 Fight for Love

Share

Kabanata 102 Fight for Love

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-05 16:35:34
Dumating ang isang guro, kasunod ang guard.

“Guidance office. Ngayon din,” utos nito.

Habang hinihila sila palayo, humihikbi si Liana, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa galit at panghihinayang.

Hindi siya palaban.

Pero sa araw na iyon, natutunan niyang ipagtanggol ang sarili niya.

At ang lalaking kanyang mahal.

Tahimik ang guidance office. Nakaupo si Liana sa harap ng mesa, magkapatong ang kamay sa tuhod, pilit pinapakalma ang panginginig.

“Liana,” mahinahong sabi ng guidance counselor, pero may lamig sa boses, “naiintindihan naming stressed ka. Pero base sa nangyari kanina… may history ka ba ng emotional episodes?”

Parang sinampal siya ng tanong.

“Wala po,” mahinang sagot ni Liana. “Napuno lang po ako. May sinabi po siyang hindi maganda kaya ko po siya pinatulan. Noon pa po siya ganyan.”

“Marami kasing sinasabi online. At kapag may ganitong exposure, minsan… nagiging overwhelming sa mga kabataang kagaya mo.”

Bumukas ang pinto.

“Excuse me po,” sabay-sabay na pumasok sina Sofia, Fait
Maria Bonifacia

To my dear readers, thank you for your continuous support and for always being there through every chapter. Your love gives meaning to every word I write. Mahal ko kayo!

| 16
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Ai Cell
wait lang kanina Kay Sofia ako para Kay Zack!! author Kay Stacey nalang Pala si Sir Zack alam kung babalik din Yung dating Stacey na minahal si Sir Zack..
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
meron po. babawi po sa mga susunod na araw. dami pong ganap,huhuhu. Thanks much po.
goodnovel comment avatar
Brook Lee Deldoc Mante
no update for today?????why?????
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 109 Heartbreaking Goodbye

    Ramdam ni Rafael ang bigat na parang may nakapatong sa dibdib niya.Dumating sina Stella at Stacey, may kasamang abogado.Nagsi-upo ang mga ito sa malaking table.“Rafael,” mahinahong sabi ng isa sa mga abogado, “kung pipirma ka sa kasunduan, agad naming iu-urong ang kaso. Walang kulong. Walang eskandalo. Isang kasal lang.”Tumayo si Rafael. Hindi siya nagtaas ng boses. Hindi rin siya nagmakaawa. Diretso lang ang tingin niya sa lahat.“Hindi ko papakasalan si Stacey,” malinaw niyang sabi. “Hindi ko siya minahal. At hindi ko gagamitin ang kasal para takasan ang isang kasalanang hindi ko ginawa.”Napaangat ang kilay ni Stella. Bahagyang ngumiti.“Rafael,” singit ni Donya Eleanor, nanginginig ang boses, “anak, isipin mo ang pamilya natin. Isang desisyon lang ito na dapat mong gawin tapos makakalaya ka na.”Huminga nang malalim si Rafael. “Kung kailangan kong magpakulong para lumabas ang totoo,” sabi niya, mababa pero matatag, “handa ako.”May katahimikang bumagsak. Si Stacey napahagulgol

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 108 Vanished Without a Trace

    Nagmamadaling lumabas si Rafael.Tahimik ang lobby ng condo pero parang may sumisigaw sa bawat sulok.Nakatayo siya sa harap ng guard desk, hawak ang susi ni Liana na parang ebidensiyang ayaw tanggapin ng puso niya.“Sir,” sabi ng guard, maingat ang tono, “lumabas po si Miss Liana kahapon ng bandang hapon. M-may sumundo pong lalaki.”“Anong oras eksakto?” mariing tanong ni Rafael.“Bandang three thirty po.”Tumango si Rafael. “May CCTV? Patingin.”Tumuro ang guard sa monitor room. Ilang minuto lang, nakatitig na si Rafael sa screen. Nakita niya si Liana, nakasuot ng hoodie niya, may hawak na bag, bahagyang nakayuko ang ulo. Huminto pa ito sandali sa may pinto, parang nagdalawang-isip. Tapos, tuloy-tuloy na lumabas.Walang sumunod na footage. Walang sasakyan. Walang kasama. Parang… naglaho.“Sabi mo may kasama? Wala naman sa CCTV.”“Sir, kung mapapansin po ninyo naglakad siya palayo hanggang sa hindi na tanaw ng CCTV natin. Pero nakita ko po siya sumakay ng taxi na may lalaki sa loob.”

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 107 The Choice

    Naputol ang linya.“Hello?” nanginginig na tawag ni Liana, pero wala nang sumagot.Napatingin siya sa paligid. Biglang naging masyadong maingay ang kalsada, mga busina, yabag, tawanan, lahat parang sabay-sabay sumalakay sa pandinig niya. Pilit niyang nilunok ang takot at nagmamadaling naglakad patungo sa sakayan ng dyip sa kanto.Biglang may humintong puting van sa harap niya.Mabilis. Walang busina. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan.Bumukas ang pinto. Hindi niya makita ang mukha sa loob, puro mga nakatakip ang mukha ng mga lalaki.Parang may pumutok sa dibdib niya. Hindi na siya nag-isip. Tumakbo siya.Humampas ang malamig na hangin sa mukha niya habang nilalampasan niya ang isang saradong tindahan, saka kumabig pakaliwa, papasok sa makitid na eskinita. Humingal siya, ramdam ang bigat sa tiyan, ang takot na parang kumakain sa bawat hakbang.Luminga siya at naghanap ng taong pwedeng tumulong. Mga kidnapper yata ang humahabol sa kanya. Baka totoo ang sinasabi tungkol sa itim na

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 106 A Letter

    Tahimik ang loob ng sasakyan ni Atty. Karl habang nakatitig siya sa windshield. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang ilaw ng city. Ilang beses niyang hinawakan ang manibela, saka muling binitiwan parang ganoon din ang isip niya, paulit-ulit na kumakawala sa kontrol.Tumunog ang phone niya.Tumatawag si Stella.Huminga siya nang malalim bago sinagot.“Anong oras na, Karl,” malamig na bungad ng babae. “May progress na ba?”“Stella,” mabigat ang boses ni Karl. “Hindi ako kriminal. Hindi ko kaya ’yang pinapagawa mo. Kidnapping ‘yun baka makulong ako.”Isang maikling mapanlibak na tawa ang narinig niya. “Bobo ka ba? Hindi natin papatayin. Tatakutin lang. Kidnapin mo, tapos ako na ang kakausap. Matagal na akong nabubwisit sa babaeng ’yan. Hindi siya ang hahadlang sa mga plano ko.”Napapikit si Karl. “Stella, baka mapahamak ka sa ginagawa mo. Pati kapatid mo, ginagamit mo sa kasamaan mo.”“Wow,” sarkastikong sagot niya. “Nangaral ang traydor na kaibigan.”Tahimik si Karl sandali, saka nagsalita

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 105 First Heartbeat

    “Misis, kailangan po ng ultrasound para makita ang heartbeat ng baby,” anang duktor na pumukaw sa malalim niyang iniisip.Tumango na lamang siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at humiga, nakataas nang bahagya ang damit. Nanginginig ang mga kamay niya kahit pinipilit niyang huminga nang maayos. Sa tabi niya si Sofia, mahigpit ang kapit sa palad niya.“Okay ka lang?” pabulong na tanong ni Sofia.Tumango si Liana, pero hindi sigurado kung totoo. Parang may bumabara sa lalamunan niya. Parang bawat segundo ay may dalang bigat.Pumasok ang sonologist.“Relax lang po,” sabi nito. “Makikinig lang tayo ng heartbeat ni baby.”Naramdaman niya ang malamig na gel sa tiyan. Napapikit siya sa unang dampi. Hindi niya alam kung handa siya. Hindi niya alam kung kaya niya.Huminga siya nang malalim.Sa monitor, una ay malabo. Mga aninong hindi niya maunawaan. Pinipigilan niya ang sarili na matakot at mag-isip.Tapos, may tunog.Mahina sa una. Parang malayong tibok. Parang alon na dumadampi sa baybayin,

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 104 Two Lines

    “Salamat po sa paalala,” mahinang sabi ni Liana. “Pero hindi ko po iwan ang taong mahal ko lalo sa ganitong pagkakataon.”“Pag-isipan mo nang mabuti,” sabi ni Atty. Miguel Roxas. “Hindi lahat ng laban, dapat ipinaglalaban.”“Miss Liana, hindi ito simpleng kaso. Hindi lang ito tungkol sa paratang. May reputasyon, pangalan, at kapangyarihang nakataya.”Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa papel na inabot sa kanya na parang mga kutsilyong bumabaon.“Gusto lang naming maiwasan na madamay ka,” dugtong ng abogado, bahagyang ngumiti. “May mga gulong hindi mo kailangang harapin. May mga digmaang hindi mo kailangang salihan. Bata ka pa at madami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo.”“Kagaya po ng sabi ko, hindi po ako aalis,” malinaw niyang sabi.“Mas ligtas ang lumayo para sa’yo,” sagot nito. “At sa totoo lang, kung ipipilit mo ang pananatili, handa si Miss Stella na gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Lahat.”May diin ang huling salita. Lahat. Parang babala, hindi payo.Huminga s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status