Share

Kabanata 104 Two Lines

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-07 11:56:28
“Salamat po sa paalala,” mahinang sabi ni Liana. “Pero hindi ko po iwan ang taong mahal ko lalo sa ganitong pagkakataon.”

“Pag-isipan mo nang mabuti,” sabi ni Atty. Miguel Roxas. “Hindi lahat ng laban, dapat ipinaglalaban.”

“Miss Liana, hindi ito simpleng kaso. Hindi lang ito tungkol sa paratang. May reputasyon, pangalan, at kapangyarihang nakataya.”

Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa papel na inabot sa kanya na parang mga kutsilyong bumabaon.

“Gusto lang naming maiwasan na madamay ka,” dugtong ng abogado, bahagyang ngumiti. “May mga gulong hindi mo kailangang harapin. May mga digmaang hindi mo kailangang salihan. Bata ka pa at madami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo.”

“Kagaya po ng sabi ko, hindi po ako aalis,” malinaw niyang sabi.

“Mas ligtas ang lumayo para sa’yo,” sagot nito. “At sa totoo lang, kung ipipilit mo ang pananatili, handa si Miss Stella na gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Lahat.”

May diin ang huling salita. Lahat. Parang babala, hindi payo.

Huminga s
Maria Bonifacia

Mula sa puso, maraming salamat sa patuloy na pagmamahal sa aking mga kwento. Pangako, mas pagbubutihan ko pa. Patuloy akong magsusulat para sa inyo!

| 10
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (3)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Flordeliza Agustin Dionesio
ayy... excited na ulit ako s a next episode..tnx po..
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
May new episode pa po mamaya. Thanks a lot!
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 108 Vanished Without a Trace

    Nagmamadaling lumabas si Rafael.Tahimik ang lobby ng condo pero parang may sumisigaw sa bawat sulok.Nakatayo siya sa harap ng guard desk, hawak ang susi ni Liana na parang ebidensiyang ayaw tanggapin ng puso niya.“Sir,” sabi ng guard, maingat ang tono, “lumabas po si Miss Liana kahapon ng bandang hapon. M-may sumundo pong lalaki.”“Anong oras eksakto?” mariing tanong ni Rafael.“Bandang three thirty po.”Tumango si Rafael. “May CCTV? Patingin.”Tumuro ang guard sa monitor room. Ilang minuto lang, nakatitig na si Rafael sa screen. Nakita niya si Liana, nakasuot ng hoodie niya, may hawak na bag, bahagyang nakayuko ang ulo. Huminto pa ito sandali sa may pinto, parang nagdalawang-isip. Tapos, tuloy-tuloy na lumabas.Walang sumunod na footage. Walang sasakyan. Walang kasama. Parang… naglaho.“Sabi mo may kasama? Wala naman sa CCTV.”“Sir, kung mapapansin po ninyo naglakad siya palayo hanggang sa hindi na tanaw ng CCTV natin. Pero nakita ko po siya sumakay ng taxi na may lalaki sa loob.”

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 107 The Choice

    Naputol ang linya.“Hello?” nanginginig na tawag ni Liana, pero wala nang sumagot.Napatingin siya sa paligid. Biglang naging masyadong maingay ang kalsada, mga busina, yabag, tawanan, lahat parang sabay-sabay sumalakay sa pandinig niya. Pilit niyang nilunok ang takot at nagmamadaling naglakad patungo sa sakayan ng dyip sa kanto.Biglang may humintong puting van sa harap niya.Mabilis. Walang busina. Gumapang ang kilabot sa kanyang katawan.Bumukas ang pinto. Hindi niya makita ang mukha sa loob, puro mga nakatakip ang mukha ng mga lalaki.Parang may pumutok sa dibdib niya. Hindi na siya nag-isip. Tumakbo siya.Humampas ang malamig na hangin sa mukha niya habang nilalampasan niya ang isang saradong tindahan, saka kumabig pakaliwa, papasok sa makitid na eskinita. Humingal siya, ramdam ang bigat sa tiyan, ang takot na parang kumakain sa bawat hakbang.Luminga siya at naghanap ng taong pwedeng tumulong. Mga kidnapper yata ang humahabol sa kanya. Baka totoo ang sinasabi tungkol sa itim na

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 106 A Letter

    Tahimik ang loob ng sasakyan ni Atty. Karl habang nakatitig siya sa windshield. Gabi na, pero maliwanag pa rin ang ilaw ng city. Ilang beses niyang hinawakan ang manibela, saka muling binitiwan parang ganoon din ang isip niya, paulit-ulit na kumakawala sa kontrol.Tumunog ang phone niya.Tumatawag si Stella.Huminga siya nang malalim bago sinagot.“Anong oras na, Karl,” malamig na bungad ng babae. “May progress na ba?”“Stella,” mabigat ang boses ni Karl. “Hindi ako kriminal. Hindi ko kaya ’yang pinapagawa mo. Kidnapping ‘yun baka makulong ako.”Isang maikling mapanlibak na tawa ang narinig niya. “Bobo ka ba? Hindi natin papatayin. Tatakutin lang. Kidnapin mo, tapos ako na ang kakausap. Matagal na akong nabubwisit sa babaeng ’yan. Hindi siya ang hahadlang sa mga plano ko.”Napapikit si Karl. “Stella, baka mapahamak ka sa ginagawa mo. Pati kapatid mo, ginagamit mo sa kasamaan mo.”“Wow,” sarkastikong sagot niya. “Nangaral ang traydor na kaibigan.”Tahimik si Karl sandali, saka nagsalita

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 105 First Heartbeat

    “Misis, kailangan po ng ultrasound para makita ang heartbeat ng baby,” anang duktor na pumukaw sa malalim niyang iniisip.Tumango na lamang siya. Nakaupo siya sa gilid ng kama at humiga, nakataas nang bahagya ang damit. Nanginginig ang mga kamay niya kahit pinipilit niyang huminga nang maayos. Sa tabi niya si Sofia, mahigpit ang kapit sa palad niya.“Okay ka lang?” pabulong na tanong ni Sofia.Tumango si Liana, pero hindi sigurado kung totoo. Parang may bumabara sa lalamunan niya. Parang bawat segundo ay may dalang bigat.Pumasok ang sonologist.“Relax lang po,” sabi nito. “Makikinig lang tayo ng heartbeat ni baby.”Naramdaman niya ang malamig na gel sa tiyan. Napapikit siya sa unang dampi. Hindi niya alam kung handa siya. Hindi niya alam kung kaya niya.Huminga siya nang malalim.Sa monitor, una ay malabo. Mga aninong hindi niya maunawaan. Pinipigilan niya ang sarili na matakot at mag-isip.Tapos, may tunog.Mahina sa una. Parang malayong tibok. Parang alon na dumadampi sa baybayin,

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 104 Two Lines

    “Salamat po sa paalala,” mahinang sabi ni Liana. “Pero hindi ko po iwan ang taong mahal ko lalo sa ganitong pagkakataon.”“Pag-isipan mo nang mabuti,” sabi ni Atty. Miguel Roxas. “Hindi lahat ng laban, dapat ipinaglalaban.”“Miss Liana, hindi ito simpleng kaso. Hindi lang ito tungkol sa paratang. May reputasyon, pangalan, at kapangyarihang nakataya.”Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa papel na inabot sa kanya na parang mga kutsilyong bumabaon.“Gusto lang naming maiwasan na madamay ka,” dugtong ng abogado, bahagyang ngumiti. “May mga gulong hindi mo kailangang harapin. May mga digmaang hindi mo kailangang salihan. Bata ka pa at madami ka pang pwedeng gawin sa buhay mo.”“Kagaya po ng sabi ko, hindi po ako aalis,” malinaw niyang sabi.“Mas ligtas ang lumayo para sa’yo,” sagot nito. “At sa totoo lang, kung ipipilit mo ang pananatili, handa si Miss Stella na gawin ang lahat para makuha ang gusto niya. Lahat.”May diin ang huling salita. Lahat. Parang babala, hindi payo.Huminga s

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 103 Promise to Keep

    Tinulungan si Liana ni Sir Zack na makadalaw. Tahimik ang pasilyo ng detention center. Amoy disinfectant at bakal. Mabagal ang bawat hakbang ni Liana, parang bawat tunog ng sapatos niya ay may kasamang kaba. Hawak niya ang maliit na paper bag, may lamang damit at paboritong pagkain ni Rafael, kahit alam niyang malamang hindi iyon ipapapasok.“Visiting hours are over at ayaw pong tumanggap ng bisita ni Mr. Vergara,” malamig na sabi ng guwardiya nang huminto siya sa harap ng salamin.“Please,” mahina niyang pakiusap. “Kahit saglit lang po. Kahit makita ko lang siya.”Tumingin ang guwardiya sa listahan, saka umiling. “Hindi po puwede.”Humigpit ang kapit ni Liana sa bag. “Kahit sa malayo lang po. Hindi ko siya kakausapin.”May sandaling katahimikan. Sa huli, bumuntong-hininga ang guwardiya at tumuro sa dulo ng pasilyo. “Sige, pero sandali lang.”Lumapit siya sa makapal na salamin. Sa kabilang panig, nakita niya si Rafael, nakaupo, diretso ang likod, nakapamewang ang mga kamay. May pasa s

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status