LOGIN“Mag-aral ka lang mabuti. ‘Yon lang ang hinihingi ko,” anang Ninong Rafael.
“Ah, opo,” sagot ni Liana, pilit na kinakalma ang sarili.
Pag-alis ni Rafael, napaupo siya sa kama. Napasapo sa mukha. Ano ba ‘tong nararamdaman niya?
Hindi siya dapat matuwa. Hindi siya dapat kiligin. Pero sa tuwing naaalala niya ang paraan ng pag-ayos nito ng kanyang zipper, ang bawat galaw na maingat at maalalahanin, hindi niya mapigilang kabahan.
Gabi na nang bumalik siya sa hallway. Tahimik ang buong bahay. Sa dulong bahagi, natanaw niya si Rafael sa veranda, kausap muli si Stella. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan, pero mula sa distansiya, kita niya kung paano dahan-dahang humawak sa balikat nito ang babae.
May kung anong kurot sa dibdib niya.
May karapatan ba siyang mainggit?
Nang makapasok si Stella pabalik ng silid, naiwan si Rafael sa labas, hawak ang baso ng alak. Tumingin ito sa langit, para bang may kinakausap na hindi niya nakikita.
“Bakit parang ang lungkot mo, Ninong…” mahina niyang bulong mula sa likod ng kurtina.
Ngunit bago pa siya makaalis, bumaling ito. Magtama ang kanilang mga mata.
“Liana?” tawag nito, mababa ang boses. “Ano’ng ginagawa mo diyan?”
Napatigil siya, hindi makasagot.
“Come here,” utos ni Rafael, mabagal ngunit walang puwang ang pagtanggi. “We need to set new rules.”
At sa bawat hakbang niyang papalapit, naramdaman niya ang pabilis nang pabilis na tibok ng kanyang puso, hindi dahil sa takot, kundi sa kung anong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag.
“Sit down.”
Tahimik ang veranda. Malamig ang hangin, malamlam ang ilaw sa kisame, at sa pagitan nila ni Rafael ay isang kahoy na lamesa.
“From now on,” aniya, “may malinaw tayong patakaran.”
Tumango ako, pinipigil ang kaba. “Opo.”
“Una, curfew.” Ibinaba niya ang baso ng tubig. “Alas-otso ng gabi, nasa kwarto ka na. Walang pagala-gala sa hallway lalo sa labas.”
“Opo.”
“Pangalawa, ‘pag lalabas ka ng hacieda, kailangan may kasamang staff. Magpaalam kay Yaya Lucy o sa akin.”
“Noted po,” mahina kong sagot.
“Pangatlo,” tumitig siya, halos kumunot ang noo, “bawal kang pumasok sa mga kuwartong naka-lock. Lalo na ‘yung nasa dulo ng hallway.”
Napalunok siya. Ngunit hindi na nagtanong.
“Pang-apat,” dugtong niya, “kapag may tanong ang mga tao tungkol sa loob ng bahay, wala kang sasabihin. Confidential lahat.”
“Opo.”
“Panghuli,” mas mabagal ang boses niya ngayon, mas mabigat, “Liana, bawal magkagusto lalo ang umibig sa akin.”
Napatigil siya. “Po?”
“Kung gusto mong manatili rito… never fall in love with me “Naintindihan mo?” tanong niya.
“H—ho-opo,” pautal niyang sagot.
“Good. We’re done.” Tumayo ito at naglakad papalayo. Ramdam niya ang pader na itinayo sa pagitan nila.
Kinahapunan, bitbit niya ang walis at pamunas, nag-ikot siya sa hallway. Sa gitna, huminto siya sa harap ng larawan.
Sabi ni Yaya Lucy kahapon, ito ang girlfriend ng ninong niya. Pero habang tinitigan niya, may kakaiba, bahagyang mas matangos ang ilong ni Stella, iba ang hugis ng labi. Si Stella ba talaga ang nasa larawan?
“Uy,” bulong ng boses sa likod niya. “Wag mong tinititigan nang ganyan. Baka multuhin ka.”
Napalingon siya. Nakatayo roon ang kasambahay na ka-edad niya, maiksi ang buhok at may masayahing mukha. “Ako si Missy,” anito sabay lahad ng kamay.
“Ah, ako naman si Liana. Ang ganda lang kasi ng picture,” sagot niyang ngumiti. “Si Ma’am Stella ba ‘to?”
“Naku, hindi.” Umirap si Missy. “Si Ma’am Stacey ‘yan.”
“Ha? Akala ko si Ma’am Stella ang girlfriend ni Ninong Rafael.”
“Hindi.” Napalapit siya at bumulong. “Kapatid lang ni Ma’am Stacey si Ma’am Stella.”
Parang may tumamang bato sa loob ng dibdib niya. “Teka… bakit si Ma’am Stella ang nandito, hindi si Stacey?”
Luminga-linga si Missy, saka mas inilapit ang bibig. “Kasi nasa mental hospital si Ma’am Stacey.”
Napatakip siya ng bibig. “Mental? May sakit po siya sa isip?”
Tumango si Missy, mariin. “Simula pa noong mangyari ang trahedya. Pero huwag ka ngang maingay, please. Baka ako mapagalitan. At ingat ka kay Ma’am Stella, kahit posteng nakapalda, pinagseselosan niyan. Feeling reyna dito.”
“Ha? Bakit siya magseselos? Hindi naman pala siya ang girlfriend…” Hindi niya natapos ang pangungusap dahil biglang bumigat ang hangin.
“Binabayaran kayo dito para maglinis, hindi para magtsismisan.”
Napalingon sila ni Missy nang sabay. Nakatayo si Stella ilang hakbang sa likod, naka-make up, mahabang dress, at matalim ang tingin na parang kutsilyong dumadampi sa balat niya.
“Ke bago-bago mo,” tinaasan siya nito ng kilay, “matigas na agad ang ulo mo. Kung gusto mong tumagal dito, umayos ka.”
“Pasensiya na po,” halos pabulong niyang sagot. Si Missy naman ay mabilis na tumalilis, kunwari’y may pinupunasan sa kabilang dulo ng hall.
***
Kinagabihan, ipinatawag siya ni Ninong Rafael sa study. Tahimik ang silid, amoy kahoy, libro, at mabangong cologne. Nakaupo ito at nakasubsob ang noo sa dalawang daliri.
“Umm, ninong?” mahina kong bati.
Inabot nito ang isang kahon. “Para sa’yo.”
Pagbukas niya, isang bagong cellphone ang bumungad. May case, may charger, may sim. “Nakita kong naka-tape na ang phone mo. Mahalaga ang cellphone. Kung may mangyari, kailangan kita matawagan.”
“Salamat po.” Nilagay niya sa dibdib ang kahon. “Hindi ko po alam kung paano makakabayad.”
Hindi ito sumagot. Napansin niya ang bahagyang pagsalubong ng kilay at ang marahang pagpisil nito sa sentido.
“Masakit po ulo ninyo?” tanong niya. Tumango ito nang bahagya.
“Gusto ninyo pong… i-massage ko ang ulo at balikat n’yo? Marunong po ako. Nagtrabaho po ako bilang masahista.”
Tumingala ito, nagtagal ang tingin, parang sinusukat kung papayag ba o hindi.
“Five minutes,” sabi nito sa huli. “Then stop.”
Tumango siya. Lumapit sa likod nito. Nakaupo ito, medyo naka-recline, at siya naman ay nakapwesto sa likod, dahan-dahan niyang inilapat ang mga daliri sa sentido ng ninong niya. Mainit ang balat kahit malamig ang gabi. Una, marahan lang, pabilog sa sentido, pababa sa panga, paakyat sa gilid ng ulo.
“Dito po ba?” bulong ko.
“Hhhmmm.” Isang halos di marinig na tugon. Parang nawala ang pag-igting ng balikat nito.
Inilipat niya ang kamay sa batok, marahang pinisil ang mga masel. Bawat hininga nito ay mabagal, tila nare-relax sa ginagawa niya. Sa dulo, inunat niya ang daliri sa pagitan ng kanyang hairline at leeg, nilagyan niya ng mahinang pressure.
Nagtagal ang katahimikan. Ang marahang paggalaw ng mga kamay niya ay nagdudulot ang kakaibang kuryenteng dumadaloy sa pagitan nila.
“Time’s up,” anitong ngunit hindi gumalaw.
“Limang minuto pa po, para marelax po kayo lalo,” mahina niyang usal.
Wala itong sagot, kaya itinuloy lang niya ang ginagawa.
Huling paikot. Huling pindot. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay.
“Salamat,” sabi nito.
“Ninong Rafael, anytime po kapag gusto ninyong magpamasahe, magsabi lang po kayo.”
Napansin niyang magkalapit pala ang mga kamay nila sa gilid ng mesa. Isang pulgada. Parang gusto niyang hawakan ang maugat nitong kamay. At bumalik sa alaala ang nakita niyang pagpapaligaya nito sa sarili.
Isang iglap. Sumipol ang hangin sa labas. Kumalansing ang wind chime.
Sabay silang napalingon sa pinto. Unti-unti itong bumukas. Si Stella, nakamanipis na pantulog, hawak ang cellphone, nakakunot ang noo.
“Raf,” malamig niyang sabi, “may kailangan tayong pag-usapan.”
Tumingin sa kanya ang babae mula ulo hanggang paa. “At ikaw, Liana… makakaalis ka na.”
“Sir, huwag na po--” aniyang nahihiya.“Mahirap umuwi ng madilim at umuulan.”Wala siyang nagawa kundi tumango.Sa parking, may itim na sasakyan si Zack.Pag-upo ni Sofia, kumapit siya sa seatbelt.Si Zack pumasok sa driver seat at nagsindi ng makina.Habang umaandar sila, walang masyadong salita.Sinubukan niyang magsalita. “Sir, salamat po sa… sa shirt. Ibabalik ko po bukas.”Tumango lang ito.Umusad ang kotse ni Sir Zack sa makipot na kalsada ng barangay, mabagal dahil sa tubig na naipon kalsada.Nakaupo siya sa passenger seat, yakap ang bag.Pagdating sa kanto, ibinaba ni Zack ang bintana upang tignan kung kasyang ipasok sa loob ang sasakyan.Biglang may sumigaw.“Ay, si Sofia!”Nanlaki ang mata niya. Kitang-kita niya ang kapitbahay nilang si Aling Mercy, nakapayong, nakapamewang, at parang may hawak na megaphone kahit wala.“Anak, sino ’yang kasama mo?!” sigaw nito.Napatigil siya. “Sir, dito na lang po ako. Masikip na po ang daan.”Tumakbo si Aling Mercy papunta sa bahay nila, s
“Sir…” halos pabulong na sabi ni Sofia.“Your hair,” sabi ni Zack, saka dahan-dahang inayos ang hibla sa gilid ng pisngi niya, isiningit sa likod ng tenga. Isang iglap lang, pero parang huminto ang oras.Hindi sila nagsalita.Malamig pa rin ang office kahit nakasuot na siya ng coat ni Sir Zack. Sa labas, humahampas ang ulan sa bintana, parang may galit ang langit.“Parang nayakap ko na rin siya,” naisip niya, sabay higpit ng yakap sa sarili. Pero hindi niya puwedeng ipahalata.“Sir,” mahina niyang sabi habang sinusunod ang filing order, “itong evaluation forms, alphabetically po ba per program?”“By program first. Then alphabetically,” sagot nito, hindi tumitingin.Tumango si Sofia, saka tumayo para abutin ang folder sa itaas ng cabinet. Medyo mataas. Kailangan niyang umangat sa dulo ng toes. Dahil naka-coat siya, medyo maluwag, medyo mabigat.Pagkakuha niya ng folder, lumingon siya para bumalik sa mesa… at doon.“Naku!”Nadulas ang paa niya sa sahig. Bigla siyang nawalan ng balanse.
“Sir Zack, heto po ang approved campaign, paki-check and sign na din po after ninyo i-review. Salamat po,” tawag ni Dean Reyes at inabot ang isang folder.Si Zack lumakad sa tabi ni Sofia, pero parang may invisible shield. Pagdating nila sa clinic, ito ang nagbukas ng pinto.Pagpasok nila, malamig ang clinic, may nurse na nag-angat ng ulo.“Sir Zack?” gulat ng nurse. “May nangyari po ba?”“Please, check her arm,” maikli nitong sagot.Napatitig si Sofia sa sahig.Habang tinitingnan ng nurse ang pasa, napansin ni Sofia na si Zack nakatitig pa rin sa braso niya.Paglabas nila ng clinic, si Zack ang nag-ayos ng sleeve niya.“Sir…salamat po,” halos pabulong si Sofia.Bumalik sila sa Office 308. Pagpasok, trabaho agad. Papel. Folders. Schedules.Pero para kay Sofia, bawat segundo sa loob ng kwartong ’yon ay parang may sariling romantic suspense.Si Sir Zack naupo sa likod ng desk, tahimik, nakatutok sa laptop. May mga papel na nakahilera, evaluation forms, schedules, attendance sheet. Paran
Hindi agad sumagot si Sofia kay Faith.Nakatayo sila sa may gilid ng bulletin board, nakasandal si Faith na parang wala lang, pero siya… malakas ang kabog ng dibdib.“Bes,” hirit ni Faith, kinurot ang braso niya nang bahagya, “hindi ko sinasabing lumandi ka. Magpapakita ka lang ng motibo. Parang ipapaalam mo lang na available ka.”“Pero professor ko siya,” mahinang sagot ni Sofia. “At anak ng may-ari. At--”“At gwapo,” singit ni Faith, sabay tawa. “Saka ikaw? Alam mo bang maganda ka? Kulang ka lang sa ayos. Lagi kang nakapusod, may salamin ka pa. Parang lagi kang nagtatago.”Napatitig si Sofia sa sariling repleksyon sa salamin ng Bulletin.“Hindi ito tama,” bulong niya. “Pero… gusto ko rin namang mapansin. Kahit konti.”“’Yan!” tuwang-tuwang sabi ni Faith. “Ayan ang tamang spirit. Konting ayos lang. Hindi ka magpapaka-sexy, hindi ka magpapaka-cheap. Basta… noticeable.”“Paano?” napatitig si Sofia.Tinapik ni Faith ang balikat niya. “Simple. Hair down. Konting lipstick. Ayos ng kilay.
“You even offered marriage to me noon,” sabi ni Stacey, umiiyak na. “Para iligtas ako sa kahihiyan. Para hindi ako masira.”Nanikip ang dibdib ni Zack nang naalala ang panahong wala siyang ibang magawa kundi saluhin ang gulo ng ibang tao.Yumakap na ang babae sa kanya ng mahigpit. Parang kung bibitaw siya, guguho ito.“You were my safe place,” iyak ni Stacey. “Zack… I need you.”Hindi siya nakasagot.May kumatok sa pinto.Naghiwalay sila ni Stacey.Bumukas ang pinto. Isang guro ang sumilip. “Sir Zack, mag-start na po ang program for exchange students. Nasa auditorium na po sila. Kayo po ang welcome remarks.”Tumango siya. “I’m coming. Thanks, Sir Diaz.”Pinahid ni Stacey ang luha, saka tumingin sa kanya. “After that… we talk, okay?”Saglit na tiningnan niya ang babae. “Stacey, kailangan mo ng magpahinga, aalis lang ako saglit tapos, ihahatid kita.”“Huwag mo akong itaboy,” bulong nito.Hindi sumagot si Zack. Kinuha niya ang coat, inayos ang tie, at lumabas.“Babalik ako.”Iniwan si Sta
Si Stacey, ang napapabalitang first love nito. Long hair na perfect, red lipstick, high heels, at may dalang designer bag na halatang mahal.Tumayo siya automatically, out of respect pero natigilan siya nang makita ang reaksyon ni Sir Zack.Kasi si Sir Zack… tumayo rin.At hindi ito yung normal na professor mode nitong matigas.Iba ang tindig. Iba ang tingin.Mas… soft.“Zack,” sabi ng babae.“Stacey, may kailangan ka ba? Sana tumawag ka na lang at ako na ang nagpunta.” mahinang sabi ni Sir Zack.Nanikip ang dibdib ni Sofia. Kilala niya si Stacey, ang babaeng nawala sa sarili dahil kay Rafael ang boyfriend ng kaibigang si Liana.Si Stacey ngumiti, diretso kay Sir Zack, walang pakialam na may ibang tao sa opisina. “I’m back. Nakalabas na ako ng ospital. Magaling na ako.”At ang susunod na ginawa ni Sir Zack… mas lalong napukaw ang interes niya.Lumapit ito at hinawakan ang braso ni Stacey.“Kumusta ka?” tanong ni Sir Zack, mababa ang boses. Hindi na cold. Hindi na professor voice. Baki







