Beranda / Romance / Secret Affair with My Hot Ninong / Kabanata 41 In a Situationship

Share

Kabanata 41 In a Situationship

Penulis: Maria Bonifacia
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-29 12:07:55
Pagbalik nila sa classroom, parang iba ang tingin ng ilan sa kanya. May bumubulong, may nagchi-chismisan sa sulok.

Pero wala siyang magawa kundi magpanggap na wala siyang naririnig. Kapag nag-react siya magmukha siyang defensive.

Hanggang biglang may kumatok sa pinto.

“Excuse me,” boses ng guard. “Sino po si… Liana Mariano?”

Napatayo siya agad, kinabahan.

“P-po, ako po. Bakit po?”

Lumapit ang guard, may dala-dalang paper bags, tatlo, galing sa mamahaling restaurant sa bayan.

“May nagpa-deliver po. Pangalan ninyo po ang nakalagay sa resibo. Tatlong set po ng meal.”

Nag-ingay ang buong klase.

“Wooooow!”

“Grabe, sosyal!”

“Sino nagpadala?”

“Baka anonymous sponsor, char!”

Namula si Liana.

“P-po… sigurado po kayo para sa akin ‘yan?” nanginginig niyang tanong.

“Opo, ma’am. Full name niyo po. Paid na rin. Sabi sa note, ibigay daw sa inyo before lunch.”

“May note?” singit ni Faith, halos tumayo sa upuan.

Hindi na nakapagpigil ang mga kaklase.

“Buksan mo na!”

“Tingnan mo, baka love letter!”

“Sug
Maria Bonifacia

Maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na nagbabasa, nagmamahal, at sumusuporta sa mga kwento ko. You are the reason I keep writing with all my heart.

| 15
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks so much po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
aphroditecuevas
ano ba itong character ni rafael dito.siya lng din ang nagpapahamak kay liana.masyado siyan PDA.hiwalayan mo mna si stacey.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 84 Fake Concern

    Tahimik ang umaga sa condo. Nakatanggap ng message si Liana mula kay Sofia.“Bes, nakita mo na ba ang kumakalat na engagement party ng Ninong mo at ni Ms. Stacey?”Nanlamig siya sa balita at agad na binuksan ang link na ipinadala ng kaibigan.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang nakatitig sa screen. Hindi siya umiiyak. Parang manhid ang kanyang pakiramdam.Engagement party? Coming soon?Biglang nag-vibrate ang cellphone niyang hawak.Rafael calling…Saglit siyang nagdalawang-isip. Pero sinagot din niya.“Babe?” agad na bungad ni Rafael, may halong pagod. “Nasaan ka?”“Sa condo,” sagot niya, pilit pinapantay ang boses. “Rafael… nakita mo na ba ‘yung kumakalat online?”“Anong kumakalat?” tanong nito.Lalong kumirot ang dibdib niya.“‘Yung… engagement announcement,” mahina niyang sabi. “Ikaw at si Stacey.”Biglang bumigat ang hinga ni Rafael. “What?” marahang sabi nito, halatang nagulat. “Wala akong alam diyan.”Tumayo si Liana, lumapit sa bintana. Kita niya ang sariling repleksyo

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 83 Shadow and Whisper

    Pagbalik nila Liana at Rafael sa city, ramdam agad ni Liana ang bigat ng realidad na unti-unting sumisingit sa saya ng birthday trip nila. Hindi na amoy dagat, hindi na hangin ang sumasalubong, ingay na ng siyudad, ilaw ng kalsada, at ang pakiramdam na may mga mata ulit na nakamasid.Huminto ang sasakyan sa harap ng condo niya.“Babe,” sabi ni Rafael habang pinapatay ang makina. May kakaibang lambot sa boses niya, parang ayaw pang bumitaw. “May aasikasuhin lang ako saglit. Babalik din ako agad.”Tumango si Liana, kahit may konting kirot sa dibdib. “Okay lang. Ingat ka.”Bumaba si Rafael at sinamahan siya hanggang sa pinto ng building. Bago pa siya tuluyang makapasok, bigla siyang hinila ng binata palapit. Mula sa likod, niyakap siya nang mahigpit, ‘yung yakap na parang gustong ipaalala na nandiyan lang ito kahit magulo ang mundo.“Babe,” bulong ni Rafael sa tenga niya, “Kung pwede lang hindi umalis sa tabi mo, ginawa ko na.”Hinalikan siya nito sa noo, saka sa labi. marahan, pero puno

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 82 Obsession

    Parang pinipili ni Rafael ang tamang salita.“May mga bagay lang na kailangan kong ayusin,” sagot nitong mailap ang mga mata.Sa unang pagkakataon matapos ang masayang birthday, bumalik ang pangamba.“Don’t worry, everything will be alright. Atty. Karl Manalo is my friend.”Tumayo ito, lumabas ng room at sinagot ang tawag.“Hello.”Hindi sinasadyang bukas pa rin ang pinto ng balkonahe. Hindi niya balak makinig. Pero may isang pangalang tumagos sa katahimikan.Hindi niya masyadong nauulinigan ngunit malinaw ang pagbannggit ni Rafael sa pangalan ni Stacey.Nanlaki ang mga mata niya.Hindi malinaw ang kasunod na mga salita. Pabulong ang mga salita ni Rafael. Narinig lang niya ang putol-putol na linya, documents, not now, I told you I’ll handle it.Pero sapat na ang isang pangalan.Stacey.Ang kamay ni Liana ay kusang napunta sa singsing sa daliri niya. Ang simpleng ginto na kanina lang ay nagpapagaan ng puso niya, ngayon, parang biglang naging mabigat. Mahigpit niyang hinawakan iyon, par

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 81 Unforgettable Experience

    Napaawang ang labi ni Liana nang banggitin ni Rafael ang salitang kasal. Hindi niya maarok ng utak niya na niyayaya siya nitong magpakasal.Parang nayanig ang kanyang buong pagkatao. Ilang segundo siyang hindi nakapagsalita. Ang kaya lang niyang gawin ay tumango. Sunod-sunod. Parang takot siyang magsalita at baka maglaho ang sandali.“Rafael…” mahina niyang tawag, pero nalunod ang boses niya sa paraan ng paglapit ng binata.Hindi na naghintay si Rafael ng sagot na salita. Muling sinakop nito ang labi niya, mas mabagal, mas sigurado, mas puno ng pangako. Isang halik na hindi nagmamadali. Puno ng pagsuyo. Naramdaman niya ang muling paggalaw ni Rafael sa kanyang ibabaw.Hindi na niya alam kung anong oras sila nakatulog o kung natulog pa ba sila. Ang alam lang niya, magkayap sila, walang takot at handang harapin ang bukas.Isang hindi malilimutang karanasan, isa na siyang ganap na babae.***Nagising si Liana sa init ng araw at sa mas pamilyar na init ng mga braso ni Rafael sa tabi niya.

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 80 First Time

    “Sandali lang,” hingal na sabi ni Liana. “Maliligo muna ako.”Hindi na niya hinintay ang sagot. Tumakbo siya papunta sa banyo, isinara ang pinto, saka sumandal. Mabilis ang tibok ng puso niya. Huminga siya nang malalim, binuksan ang shower, hinayaang dumaloy ang tubig sa balat. Parang gusto niyang alisin ang kaba.Lumipas ang ilang minuto. Tapos na siyang maligo pero naninigas ang katawan niya.Hanggang may marahang katok.“Babe?” boses ni Rafael. “Okay ka lang?”Huminga si Liana, kinuha ang tuwalya, at naglakad palabas. Nakatapis siya, basa pa ang buhok, ang pisngi namumula.Nadatnan niyang nakatayo si Rafael sa may bintana, may hawak na baso ng wine. Sa mesa, may isa pang baso, para sa kanya. Lumapit siya at kinuha ang baso.“Relax, babe,” sabi nito, may ngiting hindi nanunukso kundi umaalo. “Nervous?”Umiling si Liana, kahit nanginginig ang kamay na humawak sa baso. Tinungga niya ang laman na parang tubig, walang natira.“Medyo kabado lang,” amin niya, pilit na tumatawa.Napangiti

  • Secret Affair with My Hot Ninong   Kabanata 79 Memorable Celebration

    “Lifetime contract,” bulong ni Rafael. “Ikaw at ako, habangbuhay.”Parang huminto ang mundo.“Napakabolero mo talaga. Huwag mo akong biruin ng ganyan, baka maniwala ako,” mahina niyang sabi, pero nangingiti na ang labi niya.“Hindi,” sagot ni Rafael, seryoso na. “Masaya lang talaga ako… kasi ikaw ang kasama ko. “Ikaw lang ang may kakayahang mapasaya ako ng ganito.”“Ikaw lang din ang nakakapagpasaya at gaan sa lahat ng bigat na nararamdaman ko.”“Mas palagay ang loob ko ngayon na twenty ka na. Hindi na teen.”“Bakit masaya ka na hindi na ako teen?” aniyang nakalabi.“Babe, sa totoo lang nakukunsensya ako na nasa teen years ka pa. Feeling ko dapat akong kasuhan.”“Sus, nasa tamang edad na ako. Kaya huwag kang mag-alala. Tsaka sabi nila mas mabilis tumanda ang babae kaysa sa lalaki. Tsaka halos ten years lang ang pagitan natin.”Dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay niya. Ramdam sa init ng palad, sa lalim ng tingin.At habang tuluyang lumulubog ang araw, isang bagay lang ang malinaw sa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status