Share

Kabanata 11: Ang Galit ng Gold Queen at Paghihiganti

Lero POV,

"Bukangliwayway na...." Sambit ko at napangiti ako.

After kung umalis sa silid na kinaroroonan ng prinsesa ay pumunta ako sa tahimik na lugar na may taglay na mahika. Di ito alam ng Gold Queen dahil puno ng galit at paghihiganti nang puso niya at di nakakapasok sa lugar na yun ang mga masasama. Tahimik lang ako habang nagmamasid sa umaagos na tubig. May mga ibon din na lumilipad at yung iba naman ay nakadapo sa mga sanga. Nalaman ko ang lugar na yun dahil sa aking ina. Isa rin siyang diwata na tagapanglingkod sa palasyo. Ito ay pinakita niya sa akin kapag ako'y malungkot at kailangan kong mapag-isa.

"Anak halika, at may papakita ako sayo." Paanyaya ng aking ina. Naalala ko ang mga sandali na kasama ko ang aking ina.

Lumapit ako sa kanya at Napahawak sa kamay niya. 

"Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Napapatingala ako dahil sa maliit pa ako ng mga oras na yun.

 Nakarating kami sa isang malaking puno. Napapaligiran ito ng mga halaman na nakasabit. Hinawi ito ng akin ina at pumasok kami sa punong yun. Pagpasok namin ay nasilayan ko ang kakaibang liwanag. Naglakad kami patungo sa bagay na yun. Napatingin sa akin ang aking ina at napangiti. 

"Isang lagusan po ito ina." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at binitawan ang aking kamay.

"Tama ka mahal kong Lero." Sabi niya sa akin." Bumalik ang tingin niya sa lagusan na nasa aming harapan.

"Mas matutuwa ka sa kung ano meron sa likod ng lagusan na yan." Pagpatuloy niya. Hinawakan niya ulit ang mga kamay ko.

Pumasok na kami sa lagusan at nakita ko ang ganda ng paligid. Mala paraiso ang dating nito na mas maganda pa. Para kang nasa langit. Pinagmasdan ko ang kapaligiran at natuwa ako sa aking mga nakita. Napatingin ako sa aking ina na naglalakad patungo sa umaagos na tubig. Umupo siya at hinawi ang tubig.

"Ano po ginagawa nyo?" Tanong ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin.

"Ahhh pinapakiramdaman ko lang ang tubig?" Sagot niya sa akin.

"Lahat ng mga bagay na nandito o kung ano man, lahat sila ay may mga buhay. Kapag malungkot ka pwede mo sila kausapin para gumaan ang pakiramdam mo." Sabi niya sa akin. Tumayo siya at pumunta sa mga damuhan at dun naupo.

"Halika ka Lero." Tawag niya sa akin. Nilapitan ko siya at umupo na rin sa tabi niya.

"Ang lugar na ito ay nasa aking pangangalaga. Tatlo lang kami ng mahal na hari at reyna ang nakakaalam ng lugar na ito at ngayon ay pinapakita ko rin sayo. May taglay itong mahika at walang sino mang masama ang nakakapasok dito. Isisilang na ang bagong maghahari sa gardenya. Kapag may nangyaring masama ay ipaalam mo sa kanya ang lugar na ito dahil karapatan niyang malaman ang lahat ng sekreto ng kanyang nasasakupan." Sabi niya sa akin at malungkot ang mga mata nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Pero ina bakit mo po sinasabi ito sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Natigilan siya sandali at muling nagsalita.

"Sapagkat nakikita ko ang lakas mo upang pangalagaan ang bagong tagapangalaga ng buong kaharian. Kalahating diwata ka at kalahating lobo kaya may tiwala ako sa lakas mo. Balang araw malalaman mo din ang parating na kasamaan hindi lang sa gardenya kundi pati na rin sa buong mundo." Pagpatuloy niya. 

Bumalik sa akin ang mga alaala at mga sandali na kasama ko ang aking ina. Yung na ang huli naming pag uusap. Mula nun ay bigla na lang siya naglaho at walang bakas kung ano ang nangyari sa kanya. Ang aking ama ay isang lobo ngunit nasawi siya ng nahuli siya ng mga tao nangangaso sa gubat. Nagtatago ako sa isang malaking puno habang nag aagaw buhay ang aking ama. Nabaril siya ng mangangaso. Nilapitan pa siya nito at binaril ng paulit -ulit. Tumingin sa gawi ko ang aking ama at napapaluha na lang ito sa aking nakita. Walang tumulong sa kanya at maging ako ay walang magawa sapagkat ako'y musmos pa lang ng mga oras na yun. Umalis na ang mangangaso tsaka ako lumapit sa aking ama.

" Ama...! Ama.....ko!" Sigaw ko sa tahimik na kagubatan.

Yun ang alaala ng pagkawala ng aking ama na gawa ng tao.

Humiga ako sa damuhan, tanaw ko ang kalangitan. 

"Alam na ng Prinsesa ang lugar na ito ngunit di pa niya lubos malaman ang halaga nito." Nasa isip-isip ko.

Maya-maya bigla akong napatayo dahil kailangan kong bumalik sa palasyo. Napansin ko ang kinang ng tubig na parang nag uudyok sa akin na kumuha nito. May nakita ako maliit na lagayan at kumuha ako ng kaunti. After nun ay umalis na ako,inilagay ko ang bote na may tubig sa aking bulsa. 

"Narito na po ako kamahalan." Sabi ko sa Gold Queen. Yumuko ako bago tumayo ng tuwid. Nasa mesa siya at kumakain ng prutas. Mahaba ang mesa kaya may kalayuan ako sa kanya.

"Kamusta ang bihag.? Tanong niya. Hawak-hawak ang ubas.

Di ako nagpahalata na wala ng bisa ang itim na mahika sa akin. Seryoso at kalmado lang ako.

"Ma...mabuti naman kamahalan at kinandado ko ng husto ang kanyang silid upang di niya susubukang makatakas." Sagot ko sa kanya.

"Wala ng makakapigil sa aking paghahari....!" Sigaw niya ng di kalakasan. Tumayo siya sa kinauupuan niya at kinuha ang baston na nakasandal sa mesa.

" Bantayan mo ang bihag at baka pigilin niya ang aking mga gagawin." Bilin niya sa akin. 

Sinundan ko siya ng tingin ng biglang naglaho ito. 

"Ano ang balak niyang gawin?" Tanong ko sa sarili ko.

"Kailangan ko siyang sundan, siguradong maghahasik siya ng lagim sa mundo ng mga tao." Pagpatuloy ko.

Nagbagong anyo ako at tsaka ko nilisan ang palasyo. Nasa mundo na ako ng mga tao. At napalit na ako ng anyo bilang tao. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga tao. Naglakad ako hanggang sa nakita ko ang Gold Queen. Ginawa niyang ginto ang mga tao na nadadaanan niya. May ibang nakatakas at may mga bata pa. Kinuha ko ang mga bata at tinago ko ng di napapansin ng Queen.

"Dito lang kayo, huwag kayo maingay." Sabi ko sa kanila. Nasa gilid kami ng isang malaking puno sa gilid ng kalsada.

"Hahahaha....tikman niyo ang bagsik ng aking kapangyarihan."Sigaw ng Gold Queen at tumatawa pa ito ng malakas.

Kailangan masira ang baston na hawak niya dahil dun nanggagaling ang kanyang kapangyarihan. Nakita ko kung paano niya winasak ang mundo ng mga tao. Karamihan ay nabalot ng ginto. May ibang nakapagtago at nakatakas. Wala akong magawa ng mga oras na yun. 

"Heira...! Itigil mo yan! Sigaw ng isang babae. Nakatingin ito sa Queen.

May mga kasama ito sa kanyang likuran at pamilyar ang mga mukha nila maging ang isang babae.

"Ang ina ng prinsesa at mga kaibigan nito." Bulong ko. 

"Bakit sila nandito?" Tanong ko. 

Pinagmasdan ko lamang sila. Nabaling ang tingin ko sa Gold Queen ng magsalita ito.

" Ohhh... nandito pala ang isang diwata na namuhay bilang tao at may malasakit sa tao."Sabi nito sa ina ng prinsesa at tumawa pa ito.

"Nandito ka ba para iligtas sila? hahahaha..." pagpatuloy niya habang nakatawa.

"Itigil mo na ang kasamaan mo!" Hindi ikaw yan Heira." Sigaw ng ina ng prinsesa sa Gold Queen.

"Hindi! Walang sino man ang makakapigil sa akin!" Sigaw ng naman Queen sa kanya.

Nagpakawala ito ng kapangyayarihan na nanggagaling sa baston na hawak niya. Nagpakawala din ng kapangyarihan ang ina ng prinsesa. Nagkasalubong ang kanilang kapangyarihan.

"Umalis na kayo dito. Hanapin nyo si Callea." Sabi niya sa mga kaibigan ng prinsesa.

"Si...sige po at mag ingat po kayo tita." Sabi naman ng isa sa kanila.

Umalis na sila sa kinaroroonan nila at nakalayo sa lugar na yun. Tumakbo sila palayo at di na nagawang lumingon pa.

 Binalik ko ang tingin ko sa Queen at sa ina ng prinsesa. Unti-unting nanghihina ang kapangyarihan ng babae. Napansin ko nilalamon ng baston ang lakas ng kanyang kapangyayarihan at nanghihina na ito.

"Kala..!" Sigaw ng isang lalaki.

Naubos na ang kapangyarihan ng ina ng prinsesa. Kaya binaling ng gold queen ang kapangyarihan nito sa lalaki kaya ito naging ginto.

" Hindi......!" Sigaw ng babae sa lalaki. Nakaupo pa ito ng pinagmasdan ang lalaki na nabalot ng ginto ang buong katawan. Napahagolgol ito sa pag- iyak hanggang sa napatayo siya at nilapitan ang lalaki na nabalot ng ginto.

" Napakasama mo! Nabalot na ng itim na mahika ang puso mo.!" Pasigaw niyang sabi sa queen.

Tumawa lamang ang Gold Queen sa kanyang mga sinabi.

"Kasalanan nyo ang lahat ng nangyayari sa akin mula ng hindi ako ang pili niyo na maging reyna at nung araw na pinalayas niyo ako sa palasyo." Pagalit na sabi ng Queen.

"Ngayon ako na ang maghahari sa buong mundo at wala ng makakapigil pa sa akin maging ang inyong tagapagligtas "Sabi ng queen sa babae.

Tumawa ng malakas ang gold queen.

Nakita ko niyakap ng babae ang lalaki. Pumapatak pa ang mga luha nito habang nanghihina ang buo niyang katawan dahil sa nawala sa kanya ang kanyang lakas at kapangyarihan na gawa ng gintong baston.

" Magsama kayong dalawa!" Sabi ng Queen at ginawa niya rin ginto ang babae habang yakap -yakap ang lalaki. Bakas pa ang mga luha sa mga mata nito.

Wala na akong magawa ng mga oras na yun para tulungan sila. Umalis na ako sa kinaroroonan ko bago pa ako makita ng queen. Bumalik ako sa palasyo upang tingnan ang prinsesa. Nasa pintuan na ako at binubuksan ang nakakandadong pintuan ng silid kung saan naroon ang prinsesa. Pagpasok ko sa loob ay napansin kong wala ang prinsesa.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status