Callea POV,
"Malapit na gumabi Lila at baka hinahanap na nila ako." Pag aalala ko. Nakaupo kami pareho sa malaking kama.
"Prinsesa may alam ako para makaalis dito." Sabi ni Lila habang may dinudukot sa kanyang bulsa.
" Paano? May alam ka?" Tanong ko sa kanya.
Pinakita niya sa akin ang bagay na kinuha niya sa bulsa niya. Isang kaperasong bato na kumikinang. Maliit lamang ito ngunit napakagandang tingnan.
"Ano yan?" Tanong ko ulit. Tumayo ako at bigla rin siyang tumayo.
"Hindi po ito simpleng bato lamang. Ito po ay nakakagawa ng lagusan. Isipin mo lamang kung saan ka patungo at ibibigay ng batong ito ang lagusan sa gusto mo puntahan." paliwanag niya.
" Itago mo muna yan, dahil hindi ko pa nakikita ang Gold Queen." Sabi ko sa kanya.
Di na siya nakapagsalita at binalik niya ang bato sa kanyang maliit na bulsa.
"Kamahalan may nagbubukas ng pinto." Bulong ni Lila sa akin.
"Halika ka magtago tayo." Mabilis kung sabi.
Nagtago kami sa ilalim ng kama. Unti -unting nabubuksn ng pinto at nakita ko si Lero. Napabuntong hininga ako ngunit di muna kami lumabas sa pinagtataguan namin ni Lila.
"Prinsesa........Prinsesa...." Tawag ni Lero sa akin sa mahinang boses.
Maya-maya ay nagpakita na ako. Gumapang ako palabas sa ilalim ng kama.
"Ara....y ano ba yan.?" Nauntog yung ulo ko. Nakita agad ako ni Lero ng marinig ang kunting ingay galing sa kinaroroonan ko.
"Oh, bakit ka nandyan?" Tanong niya sa akin habang inalalayan ako tumayo.
Nakatayo na ako ng tuwid sa harap niya. Si Lila ay di ko muna pinalabas para di makita ni Lero.
"Ah..eh kasi kala ko yung bruha yung parating." Sagot ko sa kanya. Napatingin ako sa mga mata niya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin.
Bigla akong nakadama ng katahimikan sa sandaling yun ng natigilan si Lero at umiwas sa akin. Lumayo siya ng kunti at pumunta sa bintana. Nakatalikod siya sa akin at tiningnan ko lamang siya.
"Lero, may problema ba?" Nagulat siya sa tanong ko at napalingon.
Humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ang dalawa kong mga kamay.
"Di ko alam kung paano sasabihin sayo." Sabi niya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Ano ba yun?" Tanong ko.
Binitawan na niya ang mga kamay ko.
" Nasaksihan ko ang mga nangyari kanina sa mundo ng mga tao. Nakita ko winawasak ng Gold Queen ang mundo kung saan ka nananatili at napamahal." Pagsasalaysay niya.
"Ang sama talaga niya." Galit kong sinabi.
Napansin ko sumisilip si Lila sa gilid ng kama kaya suminyas ako sa kanya. Baka makita siya ni Lero.
" Ano tinitingnan mo?" Napalingon ako kay Lero. Nawala kasi saglit ang paningin ko sa kanya habang sumisinyas ako kay Lila.
" huh, Wala" Sabi ko. Napabuntong hininga ako.
" Ano ba yun?" Tanong niya ulit.
Tiningnan niya kung saan ako nakatingin kanina. Sinilip niya ang ilalim ng kama. Kinakabahan ako at baka makita niya si Lila. Habol ko ang paghinga ko habang sinisilip niya ang ilalim ng kama. Tinaas niya ang kaperasong tela sa gilid ng kama.
" Ano meron dito?" Tanong niya sa akin habang nakayuko at tumingin sa akin. Tumayo na siya at biglang napaupo sa gilid ng kama.
" Saan nagpunta si Lila?" Tanong ko ng pabulong. Nakatayo ako sa harap ni Lero at napaupo na rin ng nakaramdam ako ng pangangalay.
Di ko alam kung saan nagtago ang munting fairy kaya hinayaan ko na lang. Nakaupo kami dalawa ni Lero habang nakatingin sa bintana. Umiihip ang hangin at natatangay nito ang mga kurtina.
"Lero, kailangan kong makaalis dito. please.....help me." Pagmakaawa ko sa kanya.
Tumayo siya bigla at hinawakan ang kamay aking kamay.
"Halika ka na at baka dumating pa ang Gold Queen." Sabi ni Lero na nagmamadali ng umalis.
Nakalabas na kami ng kwarto at mabilis na nagtungo sa pintuan ng palasyo.
" Teka, baka makita tayo pag dyan tayo dadaan." Biglang naisip ni Lero na baka mahuli kami.
Wala pa akong kakayahan na labanan ang bruha hanggat di sumasapit ang itinakdang araw ng aking kaarawan.
"Eh saan tayo dadaan?" Tanong ko sa kanya habang hawak niya ng mahigpit ang kaliwang kamay ko.
"Basta sumunod ka lang, ako bahala sayo." Sagot niya sa akin.
Patakbo na sana kami ng biglang lumitaw ang bruha sa aming harapan na ikinagulat naming dalawa.
" Ka....kamahalan.." Gulat na sabi ni Lero.
Naramdaman ko ang takot sa mga mata niya. Di tulad ko na kalmado lang. Tahimik lang ako sa sandaling pinagmasdan ko ang Gold Queen.
" At saan naman kayo pupunta? Ha, Lero." Tanong ng bruha.
Tiningnan ko ng mabuti ang Gold Queen. Tama nga ang kwento tungkol sa kanya at ngayon nakita ko na siya ng harapan. Nababalot siya ng mga ginto at nakakasilaw siya tingnan. Napansin ko ang hawak niyang gintong basto sa kanyang kanang kamay.
" Ah.. ka...kasi po kamahalan, nakita ko siyang tumatakas at hinabol ko." Paliwanag ni Lero.
Tahimik lang ako na nakatingin sa kanila.
"Hindi mo na siya ibabalik sa kanyang silid." Malakas na sabi ng Gold Queen.
Lumingon sa akin si Lero at makikita sa kanyang mga mata ang lungkot.
" Bakit po kamahalan?" Tanong ni Lero sa bruha.
" Malalaman mo rin." Sagot sa kanya ng bruha.
Biglang nagpakawala ng kapangyarihan ang Gold Queen sa loob ng palasyo.
"Simula ngayon ang buong palasyo ay nasa ilalim ng aking mahika. Tanging ang prinsesa lamang ang hindi na muling makakalabas sa palasyong ito. Nilagyan ko ng harang ang buong paligid at kapag sinubukan mo lumabas...ikaw ay tuluyang maging ginto." Nanlilisik ang mga mata ng bruha habang sinasabi sa akin ang nais niya.
Tiningnan ko lang ng masama ang Gold Queen. Binitawan na ako ni Lero sa mga oras na yun at tahimik na pumunta sa tabi ng bruha.
"Ano na ang gagawin mo ngayon my dear...? Tanong niya at napatawa ito ng malakas habang patalikod papalayo sa akin.
Di na lumingon si Lero at sumunod ito sa bruha. Kailangan niyang mapaniwala ang bruha na nasa panig siya nito. Wala na akong magawa sa mga oras na yun. Naupo ako sa sahig at nadala sa aking pagkatalo hanggang sa nagsimulang pumatak ang aking mga luha.
"Prinsesa....Prinsesa...." pamilyar ang boses.
Nilibot ko ang aking paningin. Nakita ko si Lila na nagtatago sa isa sa gintong bagay na hugis tao. Tiningnan ko muna sila Lero kung nakalayo na. Nang nakalayo na sila dahil sa kahabaan ng palasyo ay sinamantala ko ang pagkakataon na lapitan si Lila.
"Prinsesa, pumunta ka sa iyong silid at susunod ako. Doon na tayo mag usap." Sabi sa akin ng fairy.
"Sige Lila at hintayin kita dun. Mag ingat ka ha." Sabi ko sa kanya.
Nagtungo ako sa hagdan at pumunta sa silid kung saan ako kinulong. Pagpasok ko sa silid na yun ay bigla ko kinandado ang pinto.
" Prinsesa....dito." Sigaw ni Lila.
Nasa bintana siya na lumilipad at sumasabay sa hangin. Mabilis akong nagtungo sa kinaroroonan niya. May binulong siya sa akin tungkol sa bato na nasa bulsa niya. Sa pamamagitan ng batong yun ay makakatakas na ako sa Gold Queen. Kakaiba ang batong yun at sadyang mahiwaga. Kaya nito gumawa ng daan papunta sa kung saan mo naisin.
" Gusto ko makita kung ano nangyari sa mundo ng mga tao Lila." Sabi ko kay Lila.
" Sasamahan kita mahal Prinsesa." Bigla hinagis ni Lila ang bato sa kung saan at naging lagusan ito.
" Sige na mahal na Prinsesa pumasok ka na sa lagusan dahil hindi ito tumatagal at nagsasara ito bigla." Mabilis niyang sinabi sa akin.
Di na ako nagdalawang isip pa. Pumasok na ako sa lagusan at sumunod na rin sa akin si Lila.
" Lumabas na tayo, wala na sila." Wika ni Lero na pinapawisan sa init sa loob ng butas ng malaking puno. Nasa loob pa rin sila ng isang malaking puno ng mga oras na yun. Tumingin sa butas si Robert para siguraduhin na wala na ang mga mangkukulam sa paligid. " Ano Robert? Did you see them?" Tanong ni Tin. "Ssshhhh......!!!! Ani Robert na tila pinapatahimik niya si Tin. Nag aabang naman ng sagot ni Robert ang prinsesa at si Lero na kung safe na ba sa labas. " I think their gone." Sagot ni Robert sa kanila. " Are you sure ha,? baka mamaya meron pa pala nakaabang dyan sa tabi at naghihintay na lumabas tayo." Wika ni Tin na natatakot lumabas. " Yeah, i'm sure guys don't worry." Sabi ni Robert. "Mukhang safe na nga tayo this time but hindi pa rin titigil ang bruha sa paghahanap sa prinsesa." Marahan na wika ni Lero habang malungkot na nakatingin sa prinsesa at sa mga kaibigan nito. "Kay
Bago sumikat ang araw ay nagsimula ng magpaalam ang prinsesa at mga kasama nito sa matanda upang di sila madamay o mapahamak dahil sa masamang dulot ng gold queen. "Maraming salamat sa pagpapatuloy nyo po sa amin sa inyong munting tahanan. Tatanawin naming utang na loob ang pagtulong nyo sa amin. " Pagpapasalamat ng prinsesa sa matanda na katabi naman nito ang dalawang babae na umaalalay sa kanya. "W*....walang anuman, naway gabayan kayo ng nakatataas sa inyong paruruunan. Lalo na ikaw binibini na sadyang nabubukod tangi nawa'y ingatan mo rin ang iyong sarili lalo na sa paparating na kapahamakan." Wika ng matanda sa prinsesa. Nasa bakuran na sila ng bahay at isa-isang nagpaalam sa matanda at sa mga kasama nito. Lumapit si Tin at Robert sa matanda at nagmano ang mga ito. " Lola, aalis na po kami at maraming salamat po sa lahat." Wika ni Tin pagkatapos magmano. Napangiti naman ang matanda. Kasun
Sumapit ang gabi at laganap na naman ang kadiliman sa paligid. Isang grupo ng kampon ng dilim ang pinakawalan ng gold queen upang hanapin ang prinsesa at ang mga kasama nito. Isang nakakatakot na grupo ng mga nilalang na may mga malalaking pakpak. Nagkalat sila sa buong lugar at nakarating sa kung saan. Sa bahaging kinaroroonan ng prinsesa ay napadpad sa lugar din yun ang mga nilalang na may malaking pakpak. Nakakatakot ang kanilang wangis na parang kalahating tao at kalahating hayop. Ang mukha ay kulubot na di maintindihan at may matulis na mga ilong at taenga. Parang mga mangkukulam na may mga pakpak. Habang nasa hapagkainan ang prinsesa/ Cal at ang mga kasama nito ay bigla silang nakarinig ng ingay galing sa labas at maging sa taas ng kanilang bubong. Natigilan sa pagkain ang lahat at pinakinggan ang ingay na kanilang naririnig. Nagsitayo ang silang lahat... "Naririnig nyo ba yun? Ano yun?" Tanong ni Tin at napatingin ito sa paligid.
"Guys, i think kailangan na nating magpatuloy sa paglalakad kasi magdidilim na." Sabi ni Tin. "Magdidilim na nga." Wika naman ni Cal. Nasa kakahuyan pa rin sila ng mga oras na yun at nagpatuloy na sa paglalakad. Tinahak nila ang daan kung saan maraming puno ang makikita lalo ng unti-unti ng nilalamon ng dilim ang paligid ng gubat. " Sana may makita manlang tayong matutuluyan." Wika ni Robert na nababahala sa kung ano ang mangyari sa kanila sa kakahuyan ng mga oras na yun. "Magtiwala lang kayo at may makikita din tayo." Wika ni Cal. " Meron akong alam na matutuluyan pero medyo may kalayuan kaya bilisan natin ang paglalakad." Seryosong sabi ni Lero. Nagmadali sa paglalakad ang lahat habang tinatahak ang masukal na gubat. Maya-maya ay lumitaw ang mga nag-iilawan na mga alitaptap sa paligid. Parami ito ng parami hanggang sa nabigyan liwanag ang paligid na kanilang kinatatayuan. Napahinto sila at namangha sa mga maliliit na insekto na nagli
"Kamusta po kayo prinsesa nung nawala ako sa tabi mo?" Tanong ng fairy. "Hmmm....Mahirap sabihin ang buong pangayayari pero hindi maganda ang nangyari sa amin sa loob ng palasyo. Naabutan kasi kami ng gold queen at ginawa niyang ginto ang dalawa kong kaibigan. Maging si Lero ay muntik ng tuluyang maging ginto ngunit biglang nawala ang gintong bumalot sa kanya at hindi namin alam kung paano nangyari yun. Wala ni Isa man sa amin ang nakaalam o nakasaksi. Nakita na lang namin na unti-unting nawala ang mga ginto sa katawan ni Lero." kwento ng prinsesa. " Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyong mga kaibigan mahal na prinsesa." Wika ng fairy at dumapo ito sa balikat ng prinsesa at inilapat niya ang kanyang pisngi sa malambot na pisngi ng prinsesa. Sa mga oras na yun ay nagsisimula na silang maglakbay at tahakin ang daan patungo sa kanilang pupuntahan. Lumapit si Lero kay Cal/prinsesa bago magsalita ito. " Sa tingin ko may nagbabadyang panganib na na
Sa isang kweba kung saan nagtungo ang gold queen pagkatapos ng paghaharap nila ng prinsesa. "Isang kalapastanganan ang ginawa mo Lero. Isang hangal para saluhin ang bagsik ng aking kapangyarihan." Galit na galit na wika ng gold queen. Nagkakagulo at nag-iingay ang mga alagad ng bruha sa isang kweba na kanilang kinaroroonan kaya lalong nainis ang bruha. " Magsitahimik kayo..!" Sigaw ng gold queen. Sumunod naman ang kanyang mga alagad at nagsitahimik ang mga ito. " Hindi ako papayag na napahiya ako sa araw na ito. Babalikan ko kayo!" Wika ng bruha. Nanghihina pa rin ang bruha dahil sa tindi ng tama ng kapangyarihan ng prinsesa/Callea sa kanya. Sa loob ng palasyo ng gardenya ay naroon pa rin ang prinsesa na luhaan habang kayakap si Lero. "Patawad mahal na prinsesa." Malungkot na wika ni Lero. "Huwag ka magsalita ng ganyan." Sabi ng prinsesa kay Lero. Tuluyan ng nabalot ng ginto ang katawan ni Le