Share

Kabanata 10: Pagtuklas ng katotohanan

Callea POV,

Nakadungaw ako sa bintana kung saan ako kinulong ni Lero. Di ko mapagtanto kong anong nangyayari. Tela wala akong kaalam-alam sa mga nagaganap. May maliit na liwanag akong natanaw at papalapit sa akin ang bagay na yun. 

"Teka, Si Fairy nandito." Pagtataka ko.

Binuksan ko ang bintana at iginilid ang puting kurtina. 

Nakalapit na siya sa akin at dumiretso ito papasok ng silid kung saan ako naroroon. 

"Prinsesa, sorry umalis ako sa tabi mo."Paghingi niya ng tawad.

"It's ok fairy di naman ako napahamak." Sagot ko sa kanya.

Inilahad ko ang kaliwang palad ko at dumapo siya dito.

"Pero bihag ka nila mahal na prinsesa." Pag aalala niya.

Pumunta ako sa upuan at dun umupo. Nilapag ko siya sa tabi ng higaan. Tela inosente ako na walang kaalam-alam sa nangyayari.

"Ahh..fairy ano nga pala ang pangalan mo.? Tanong ko sa kanya. 

"Gusto ko lang malaman kasi... fairy ang tanging pangalan na tawag ko sayo."

Napaupo siya sa kama at nagsimula sagutin ang mga tanong ko.

"Ako si Lila ang iyo tagapangalaga. Nagsimula ang lahat mula ng isinilang ka sa mundong ito. Nabuhay din sa mga oras na iyon ang matagal ng natutulog na itim na mahika." Pagsasalaysay  niya.

Tahimik lang ako at nakinig sa mga kwento niya.

"Nung sumapit ang una mong kaarawan. Nagkakasiyahan ang lahat ng gabing yun. Pinagdiriwang ng lahat ang iyong pagdating sa kaharian ng gardenya. Ikaw ang kaisa-isang anak ng hari at reyna ng gardenya. Ang iyong ama ay isang engkanto at diwata naman ang iyong ina kaya nanalaytay sayo ang lakas ng kapangyarihan ng mga magulang mo kaya gusto ni Heira na mawala ka. Dumating si Heira ng gabing yun at nagdilim ang kalangitan gawa ng hawak niyang baston. Lahat ay ginawa niyang ginto maging ang kanyang sarili ay nabalot na rin ng ginto kaya tinawag siyang Gold Queen. Di na siya mapipigilan ng hari at reyna sa lakas ng itim na mahika kaya napagpasyahan ng magulang mo na ipaubaya ka sa akin. Inilayo kita sa lugar na yun habang nagkakagulo sa kaharian. Dinala kita sa mundo ng mga tao at pinaalaga sa tapat naming dating diwata na si kala.., ang tinuturi mo ngayon na iyong ina. Ang iyong ama ay asawa ni Kala na isang ordinaryong tao lamang." Pagpatuloy niya. 

"Sino si Heira?" Tanong ko.

Napasandal ako sa kinauupuan ko.

"Si Heira ay kapatid ng iyong ina. Labis ang inggit nito sa mahal na reyna lalo na hindi siya ang naging reyna ng gardenya. Pinalayas siya sa palasyo nung binalak niyang patayin ang iyong ina. Sinasabi sa propesiya na si Heira ang maghahasik ng lagim sa buong kaharian. Matatagpuan niya ang mahiwagang baston na may taglay na itim na mahika at unti-unti ng mapapasailalim ng itim na mahika si Heira dahil sa nabulag ito ng kanyang galit. Nagkatotoo ang lahat ng yun. Sinasabi din sa propesiya na dadating ang makapangyarihang nilalang at walang sino man ang makapipigil sa kanyang paghari at ikaw ang tinutukoy ng propesiya." Pagpapatuloy niya.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtungo sa harap ng salamin sa gilid ng upuan.

"Paano mangyayari yun eh wala naman akong naramdamang kakaiba maliban sa napaamo ko ang isang ligaw na hayop na balak akong atakihin.!" Malakas kung pagkakasabi.

" Sshhhh.....baka marinig tayo prinsesa." Pagpigil niya sa akin.

Nagulat ako sa aking mga nasaksihan. Lumipad siya papunta sa harap ko.

"Ito ba ang gardenya na tinutukoy mo at ang nasa larawan na sanggol na hawak ng Reyna ay...ay ako." Pag uulit ko. Tinuro ko ang larawan na tinutukoy ko.

"Opo mahal na Prinsesa." Sagot niya.

"Tama po ang nasa isip nyo." Pagpatuloy niya.

" Kung ganon ang itim na mahika din ang may kagagawan ng lahat kung bakit nabalot ng ginto ang buong gardenya." Sabi ko habang nilalaro ko ang dulo ng aking buhok.

"Kailangan niya magbayad sa lahat ng kasamaan na ginawa niya!" Pagalit kung sinabi.

Nagulat ako sa aking nasaksihan. Di ko alam kung ano ang aking maramdaman ngayon na alam ko na kung sino ako at ano ang tunay kong pagkatao.

"Pero Prinsesa lalabas lamang ang iyong buong kapangyarihan sa pagsapit ng iyong ikalabing-walong kaarawan." Paalala niya.

Ilang araw na lang bago sumapit ang aking kaarawan. Nagtungo muli ako sa tapat ng bintana. 

"Ngayon alam ko na ang lahat ng di pangkaraniwang nangyayari ay kagagawan ng Gold Queen." Sabi ko kay Lila at napalingon ako sa kanya mula sa bintana. Nasa likuran ko siya na lumilipad- lipad.

"Kaya dapat alerto po kayo Prinsesa." Bulong niya sa tenga ko ng lumapit siya sa akin.

Bigla ko naalala si Lero. 

"Paano si Lero? Napasailalim din siya ng itim na mahika.

Nagtungo ako sa may pintuan at sinubukan ko muli itong buksan ngunit nabigo ako.

May bigla akong naramdaman na yabag. 

"May paparating..magtago ka Lila." pabulong kong sigaw kay Lila. 

Tumakbo ako sa kama at umupo. Bumukas ang pinto, bumungad sa akin si Lero. May hawak itong mga prutas at gatas na inumin na nakalagay sa gintong lalagyan nito. Nilagay niya yun sa mesa na nasa gilid ng pintuan. Tiningnan niya lang ako at umalis na rin. Bago pa niya maisara ang pintuan ay pinigilan ko ito. Niyakap ko siya bigla at tumitig sa mga mata niya. 

"Lero si Callea to, gumising ka please....." Pagmamakaawa ko.

May feelings ako para kay Lero kaya ganon na lamang ang pag aalala ko sa kanya. Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso bago pa ako makabitaw.

"Tumingin ka sa mga mata ko Lero please..." Pagmamakaawa ko ulit sa kanya.

Di ko na napigilan ng bigla ko siya hinalikan sa labi. Nagkadikit ang aming mga labi ng mga oras na yun at tumagal ng ilang minuto. 

"Callea...Prinsesa!" Pagtataka niya. Habang nakatingin sa akin at napabitaw sa pagkakahalik ko sa kanya.

"Salamat naman at nagising ka na sa ilalim ng kapangyarihan ng Gold Queen." Sabi ko sa kanya at mahina lamang ang pagkakasabi ko sa kanya.

" Pero babalikan ko muna ang Gold Queen para di siya manghinala na wala na ako sa ilalim ng kanyang kapangyarihan." Sabi ni Lero sa akin. 

"Mag ingat ka!" Sigaw ko ng bahagya lamang.

Umalis na siya sa silid na kinaroroonan ko at kinandado niya ulit ang pinto.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status