Umupo sa tabi ni Julliane si Alora at bahagya niya ito na hinaplos sa likod.“Julliane tahan na, hindi na muling makakabalik pa ang taong iyon dito pangako.“ Bulong ni Alora kay Julliane na nagpunas ng luha sa mga mata.“Salamat po Miss Alora.“ Mahinang turan ni Julliane na napatingin sa dalawang lalaki.Ang mga ito ay ang lihim na kinuha ni Ismael na nagbabantay sa kanya, hindi siya makapaniwala na magagawa ito ni Ismael pero napakalaking bagay na nandito ang mga ito ngayon.“Anong pangalan niyo? Gusto kong magpasalamat sa inyo.“ Sabi ni Julliane dito na napatingin sa kanya.“Ako si Rio, at ito ang kasama ko si Axel. Miss Julliane.“ Pakilala ng mga ito kaya napatango lang si Julliane.Nagpaalam na siya sa mga ito kaya tumango lang ito, si Alora ay inalalayan na siya na makabalik na sila sa department nila.“Julliane, wag mong masyadong isipin ang bagay na iyon. Tandaan mo ang masamang tao ay kailanman ay hindi nagtatagumpay sa mga kasamaan nila.“ Ito ang malumanay na turan sa kanya n
Nagising si Julliane na malat ang lalamunan, kaya naman bumangon siya at nakita na nakahiga sa tabi niya si Ismael.Nakadapa ito at hubad baro, napailing siya dahil nandito pa rin pala ito.Napatingin siya sa orasan na nasa side table niya at nakita na alas sais na ng gabi.Dito nagising na rin si Ismael at nagkatitigan silang dalawa.“Gising ka na pala, how are you?“ Tanong nito kaya napangiti lang siya.“Wag mo akong ngitian lang sweetheart, sagutin mo ako.“ Medyo inis na sabi ni Ismael kaya napahinga ng malalim si Julliane.“Nauuhaw ako at bukod sa masakit ang mga mata ko ay maayos na ang pakiramdam ko.“ Sagot niya kay Ismael na tumayo na at binigay ang kamay sa kanya.Kinuha niya ito at napabangon na siya.“Maghilamos ka muna at saka ka ns bumaba, ihahanda ko ang hapunan natin.“ Sabi ni Ismael habang nagbibihis ng t-shirt nito kaya napatango na lang si Julliane dito.Naghimalos ng mabilis si Julliane at suot pa rin pala niya ang pang-opisina niya na damit.Nagbihis siya ng pangbah
Sinundo ni Ismael si Julliane sa hapon at pinapauwi sila ng mga magulang niya sa kanilang bahay.Hindi naman nagsalita si Julliane at tumango lang ito, pero alam ni Ismael na kinakabahan ito.“Bakit ka kabado? As if naman na may kasalanan ka kina mama at papa.“ Sabi nito sa asawa kaya napatingin si Julliane dito.“Pero tiyak ako na magtatanong sila sa nangyari Ismael.“ Sabi ni Julliane dito kaya napatawa lang siya.“Bago tayo umuwi ay bibili muna tayo ng paboritong carrot cake nina mama.“ Sabi ni Ismael kaya tumango lang ulit si Julliane.Nang makapag-parking si Ismael ay na itong lumabas at pumunta sa side ni Julliane.Nakaupo pa rin roon si Julliane at nagtanong siya dito ng may pagtataka. "Anong problema?" "Well..." Biglang naisip ni Julliane, na lalabas sila sa mataong lugar na ito at tiyak na mayroong makakakilala sa kanila.Biglang nakaisip ng plano Julliane.Binuksan ni Julliane ang kanyang bag saka kumuha ng isang liraso ng mask, at saka ito napatingin kay Ismael na nagtataka
Busog na busog si Julliane matapos ang kanilang tanghalian ni Ismael, pero naalala niya na kailangan niyang makabalik agad sa kanyang trabaho.May trenta minuto pa naman siya bago makabalik sa opisina kaya inayos na niya ang sarili.“Babalik na pala ako sa trabaho ko Ismael.“ Sabi niya sa asawa na napatingin sa kanya.“Ipapahatid kita sa sekretaryo ko, at wag ka nang tumutol pa.“ Sabi ni Ismael kaya napatango na lang siya.Nakabalik si Julliane sa opisina at agad siyang tinanong ng dalawang kaibigan kung saan siya galing kaya sinagot niya ang dalawa na kilig na kilig na naman, nagpaalam siya ng maayos kanina kay Alora kaya alam nito na may importante siyang pinuntahan.Buti na lang ay hindi sila gaanong abala kaninang umaga kaya nakalabas siya.Sabi ni Ismael kanina ay ito ang susundo sa kanya at nagyaya itong maglaro ng tennis.Oo nga pala naalala niya na nong nasa highschool siya ay naglalaro siya ng tennis at nananalo siya sa mga school competition.Matagal na rin na hindi nakakapa
Samantala ay si Allen at Mirko ay pawang nakangiti dahil nakita nila na masayang nag-uusap si Ismael at Julliane.Napaka-pambihira ng ganitong tagpo, dahil magkasundo ang mag-asawang ito.“Tara na nga.“ Niyaya na ni Allen si Mirko na pumunta na kina Ismael.“Bibili lang kami ng miryenda ni Julliane, hintayin niyo kami.“ Sabi ni Ismael sa dalawa na tumango lang.Ayaw niyang iwan ang asawa sa dalaaang kaibigan dahil tiyak na bibiruin lang ito ng dalawang iyon."Ayaw niya talagang iwan dito sa atin ang asawa niya.“ Sabi ni Allen na nakatawa lang habang nagpupunas ng pawis."Bakit sa tingin mo?" Tanong ni Mirko dito kaya napailing lang ito.“Ibang-iba na talaga siya, naaalala mo noon ni ayaw niyang pag-usapan natin si Julliane sa harap niya dahil galit pa rin siya dito.“ Sabi ni Allen kaya napailing na lang si Mirko na napatango na lang.“Oo, grabe ang paglalasing niya nong gabi ng kanilang kasal. Tapos ilang araw lang pinatapon niya si Julie sa Amerika para hindi makarating sa ibang tao
“Ako na ang magbubukas.“ Prisinta ni Allen kaya tumango lang si Ismael.Hinihintay kung sino ang nasa labas.Pero nang marinig nito ang boses ni Crissia ay sumama ang buska ng mukha ni Ismael.Pagpasok pa lang niya, nag-iba agad ang atmosphere sa paligid!“Ismael hindi ka sumasagot sa tawag ko, kaya naisipan ko na puntahan na lang kita dito.“ Nakangiti na sabi ni Crissia na lumapit sa kanya akma siya nitong hahalikan pero umiwas siya.Si Crissia ay nakaramdam ng kakaiba at bumigat agad ang pakiramdam nito.“Gabi na bakit nandito ka pa?“ Tanong na lang ni Ismael na pigil ang galit sa boses.Ang napakalaking apartment ay biglang tila medyo sumikip.Limang tao, limang pag-iisip!Gusto na lang umalis nina Allen at Mirko.Pareho silang mahilig manood ng mga drama, pero hindi sila naglakas loob na panoorin ang dramang ito.“Sagutin mo ang tanong ko!?“ Madiin pa rin na tanong dito ni Ismael na nawawalan na naman ng paensya sa babae.“Bakit hindi? Bawal na ba kitang bisitahin? At saka galing
"Siya ay mananatili sa akin para sa ilang sandali." Biglang hinawakan ni Ismael ang kamay ni Julliane. At gustong matawa na lang ni Allen at Mirko sa paraan ng pagkakasabi ni Ismael. Tila ba balewala dito na nandito ang nobya nito na naghihingalo, pero tinawag nitong asawa si Julliane. Kahit medyo malamig ang kamay nito ay hindi niya binitawan. Napatingin si Julliane sa kanya nang may pagtataka. Wala na sa panganib si Crissia, at talagang hindi na siya kailangang manatili rito. Mabilis na naunawaan nina Allen at Mirko ang intensiyon ni Ismael at naunang umalis ang dalawa. Nagtatakang tinanong siya ni Julliane. "Bakit ako mananatili rito?" "Gusto kong manatili ka sa akin!" Hinawakan ni Ismael ang kanyang kamay, tumingin sa ibaba, at nagtanong. "Bakit ang lamig?" Nakita ni Julliane na hinawakan din niya ang kabilang kamay niya, at agad na gustong alisin ito sa hawak nito. Hinawakan siya ni Ismael ng mahigpit. "Kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal, mananatili ka ba sa
Habang kumakain ng agahan si Julliane ay nakatangap ito ng mensahe sa hindi nito kilalang numero.Nang buksan ito ni Julliane ay alam na niya agad kung sino ang taong malakas ang loob na padalhan siya ng mensahe.Ang nakasulat ay ang pagbabanta na, kapag hindi niya sinunod ang sinabi nito sa kanya noong nakaraan ay masisira ang iniingatan niyang trabaho.Ang ama ni Crissia ay napakalakas talaga ng loob na magbanta sa kanya ng ganito, hindi niya binura ang mensahe nito at ipapakita niya ito kay Ismael.Tiningnan muli ni Julliane ang numero at tinabi ang cellphone, nawalan siya ng gana pero kailangan niyang kumain ng marami.Pagkatapos kumain ni Julliane umakyat na siya sa kwarto ulang maghanda sa pagpasok sa trabaho.Nang matapos ay umalis na siya at bago ito ni-lock niya ang gate niya, at saka naglakad palabas ng subdivision.Napaka-busy rin ng publising house noong araw na iyon, at nakakarinig na naman siya ng tsismis tungkol sa kanya kahit na nagpunta siya sa banyo.“Lahat na ng bal
Tumawag si Ismael ngayong araw para kumustahin ang banquet hall na inaasikaso niya.Naka-videl call ito para makita kung ano na ang nagawa, kaya tinapat niya ang camera sa harap."Inihanda na nila ang birthday banquet..." Sabi niya dito, abala ang mga tauhan nila at may kanya-kanyang ginagawa.Ang mga upuan ay maayos na rin na nakakalat sa hall area."Napakaganda ng night view dito!" Si Julliane ay nakangiti habang pinapakita ang labas sa kanya, ngunit biglang nagambala si Ismael.May sinasabi kasi ang sekretaryo nito kaya tumapat sa mukha nito ang camera.Natigilan si Julliane ay napalunok, napakagwapo nito. Pero tila wala itong maayos na tulog.Sa pagkakaalam niya ay lagi itong nasa labas ng bansa, upang umatend ng mga meeting.Ito ang dahilan kung bakit wala ito ngayon dito, ilang araw na."Oo!" Sabi nito sa lalaki at napatingin ito sa kanya."Pasensya ka na abala ako ngayong araw." Paghingi nito ng paumanhin.Saglit na natigilan si Julliane, at nag-aalangan na sumang-ayon."Sasam
Si Julliane ay lumapit kay Analou na nakangiti pa rin.Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito, ang sustento at bills ni Crissia ay tinangal na rin pala ni Ismael dito."Hindi dapat manggaling sa akin ang salitang ito, pero matagal nang tinangal ni Ismael ang sustento niya sa babaeng iyon hija." Sabi ni Analou na nakatitig sa kanya.Si Julliane ay hindi na nagsalita pa at napatango na lang dito.Talaga nga na wala nang pakialam si Ismael kay Crissia, dahil sa nalaman niya ngayon.Bandang alas-diyes, lumabas sina Anlou at Julliane. Sumakay si Analou sa kotse ng pamilya at hinintay siya na makapasok."Mama, mauna ka na po. Makikipagkita pa ako sa kaibigan ko." Sabi ni Julliane dito."Ganon ba anak? Sige pero umuwi ka sa bahay para sa hapunan okay." Sabi nito sa kanya kaya napangiti si Julliane at agad na tumango.Alas tres pa lang naman ng hapon, may dalawang oras pa siya at nag-text kasi sina Mayi na mag-milktea sila kaya agad naman siyang pumayag dito.Pero kailangan muna niyang umuwi
Napatitig si Julliane kay Ismael at saka napailing."O gusto mo ng ibang klase ng bulaklak? O chocolate kaya? Ano ba ang gusto mo? Teddy bear?" Magkakasunod nitong tanong na hindi alam kung tama ba ang sinasabi nito o ano.Nag-iinit ang mga mata ni Julliane, ibinaba niya ang kanyang ulo at nag-isip sandali, pagkatapos ay sumagot. "Hindi ko gusto ang alinman sa kanila!""Then what do you like? I'll give it to you? You can continue to sue me." Niyakap siya nito at muling isinubsob ang mukha sa leeg niya.Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane, at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam siya ng bahagyang basa sa kanyang leeg.Siya...umiiyak? Hindi makapaniwala si Julliane sa kanyang natuklasan.Natakot si Julliane sa sarili niyang iniisip, lumingon siya at tumingin dito, ngunit wala siyang nakita, at pagkatapos ay hindi siya nangahas na kumilos.Sa sumunod na mga minuto, ang buong bahay ay tahimik, ang tanging naririnig lang ni Julliane ay ang mahinang tunong ng aircon dito sa kanyang sala.
Pero si Isagani ay tumawa na naman."Mali mahal ko, pumayag siya dahil mahal na mahal ni Ismael si Julliane noon pa man. Ayaw lang niyang aminin kaya nga binaling niya ang pagtingin kay Crissia noon." Sabi ni Isagani sa asawa na napatanga sa sinabi niya.Tumawa na lang si Analou at napailing.Totoo ang sinabi ng asawa niya, talaga lang na ma-pride ang kanilang anak kaya ngayon nahihirapan ito na paamuhin si Julliane."Kaya tignan mo ngayon, siya ang nahihirapan na kinin ang tiwala ni Julliane." Sabi ulit ni Isagani na napatawa habang inaalala ang huling pag-uusap nila ng anak.Talagang hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal nito kay Julliane Dangan nga lang ay nagkamali talaga siya na ibaling ang pagtingin sa ibang babae.Alam naman niya na minahal rin ni Ismael si Crissia, pero ang babae mismo ang sumira sa kanilang dalawa."At ngayon magdusa siya. Kapag talagang umiyak si Julliane dahil sa kanya naku mapipingot ko talaga ang batang iyon." Inis na sabi ni Analou na naiinis sa anak."
Matapos itong sabihin ni Ismael ay hindi agad nakapagsalita si Julliane, iniisip pa rin ang sinabi ni nito."Kung ako rin ang magiging writer, pahihirapan kita sa kwento ko. Para kahit man lang doon ay makabawi ako sa'yo!" Inis na sabi niya rin dito na ikinatawa nito ng malakas."Is that counterattack?" Tanong nito sabay iling at nakatawa pa rin."Ismael Sandoval, isa kang demonyo!" Bumilis ang tibok ng puso ni Julliane pagkatapos marinig ito, pagkatapos ay tumayo siya at pinagalitan siya.Ang kalmadong aura sa mga mata ni Ismael ay nagparamdam sa kanya na kahit saan niya ito hampasin, babalik ito sa kanya. Nagsimula siyang gumala sa harap ng mesa, at pagkatapos ay pinandilatan siya ng galit gamit ang kanyang malinaw na mga mata.Nakaupo pa rin doon si Ismael na kasing-tatag ng bundok, na may payat at magandang pigura na walang kapintasan.Kahit na sa sandaling ito, ang kanyang malamig na mga mata ay nakapagtataka sa mga tao kung paano magkakaroon ng ganoon kagandang mga mata sa mun
Nahawakan na lang ni Julliane ang kanyang malamig na noo sa galit, pagkatapos ay tumingin sa kanya at nagtanong, "Ang ginawa mo ay isang counterattack, tama ba?""Oo!" Walang paligoy-ligoy na sagot sa kanya ni Ismael, habang nakalagay sa baywang nito ang isang kamay."Ano ngayon? Paano ang mga siomai na ito?" Wala sa loob na tanong sa kanya ni Julliane."Nilagyan ko ito ng gamot, at pagkatapos mong kainin, ihahagis kita sa kama, at pagkatapos..."Ang malaki at matayog na katawan ni Ismael ay nakasandal, ang kanyang magandang kaliwang kamay ay nakadikit sa gilid ng marble counter, ang kanyang itim na mga mata ay nakatitig ng diretso sa kanya.Parang kulog ang tibok ng puso ni Julliane, at hindi niya maiwasang tumingin sa kanya nang nagtatanggol."Maghugas ka na ng kamay at maghanda para sa hapunan!" Nasabi na lang niya.Alam naman niya na nagbibiro ito, at hindi ugali ni Ismael ang pwersahin siya.Sa mga nakalipas na buwan ay oo, hinahalikan, niyayakap sa gabi pero ni minsan hindi siya
Sa bahay ng mga Montes, nakikipagtalo si Crissia sa kanyang ama na halos lumabas na ang mga ugat sa sentido dahil sa galit."Hindi mo ba talaga mapapaamong muli ang Sandoval na iyan!" Galit nitong sigaw sa anak nito na hindi rin nagpapatalo sa kanya."Anong magagawa ko kung hindi na tumatalab ang mga drama ko!?" Sigaw rin ni Crissia sa ama."Napakahina mo talaga! Dapat talaga na mawala na sa landas nila ang babaeng iyon!" Sigaw pa rin ni Armando sa anak."So talagang dinaan mo sa pisikal ang pagbabanta kay Julliane!? Sa ginawa mo tignan mo ang ginawa nila daddy! Nawalan ka ng investor at malulugi ang kumpanya mo dahil sa padalos-dalos kang kumikilos!" Hindi na napigilan ni Crissia ang mapasigaw at halos mawalan siya ng hangin sa dibdib dahil sa galit sa ama.Ang mukha ni Armando ay biglang nandilim at bigla na lang sinampal si Crissia, si Cornelia ay nagulat sa ginawa nito sa anak.Habang sapo naman ni Crissia ang nasaktan nitong pisngi."This is the last time you will slap me! Wag na
"Nakwento ko na ba sa'yo na noon pa man ay gawain na niya ang magbigay ng bulaklak sa akin?" Tanong ni Julliane kay Evelyn na nakaupo na at humihigop ng milktea at napatingin sa kanya. Mabilis na naunawaan ni Evelyn ang ibig niyang sabihin at binaba ang hawak na baso at napatitig sa kanya. "Ito ba ay isang paalala para sa iyo na isipin siya araw-araw? Kung galit siya sa iyo ngunit hindi niya kayang saktan ka, hahayaan ka lang niyang mahulog sa bitag ng pag-ibig na itinakda niya?" Si Evelyn mismo ay medyo nalilito nang sabihin niya ang teoryang ito, ngunit sa wakas ay tumango sa sarili. Walang magawa si Julliane kundi ang mapabuntong hininga na lang, "Kahapon, humiling ang mga elder na bumalik at hiniling sa akin na bawiin ang demanda, na nagsasabing maaari lang kaming maghiwalay pagkatapos lumabas ang resulta ng DNA test ng anak ni Crissia Montes." "Uh!" Tanging nasambit sa kanya ni Evelyn. "Ngunit ito ay para lamang maantala ang oras. Anak ni Crissia iyon, sino pa kaya ito kung
Hindi alam ni Ismael kung ano ang binulong ng kanyang ina sa kanyang asawa, pero nang tumingin ito sa kanya ay nakangiti ito sa kanya.Ang damit nito ay bagay talaga dito, ang kanyang ina ay siyang bumili ng ilan sa mga damit nito na maayos na nakalagay sa kanyang closet.Pero kapag siya ang bumili ng damit dito ay hindi nito sinusuot, kaya ang kanyang ina ang pinapakiusapan niya na mamili ng damit para dito.Tungkol naman sa pagbili ng damit para sa kanya, hindi niya alam kung ilan na ang nabili niya.Sa dalawang palapag ng Seaview Apartment, ang lahat ng mga silid para sa mga damit ay puno ng mga damit, sapat na para sa kanya upang masuot ng ilang taon.Ngunit sinuot ba niya ang mga ito?Maging ang pares ng maliit na asul na sapatos na binigay niya ay minsan lang nasuot dahil pinilit niya ito.Ang alam kasi niya ay hindi nito gusto ang masyadong mamahalin na mga damit, napakasimple lang kasi nito.Ibang-iba talaga ito kay Crissia, ang babae ay nagpapabili pa sa kanya mismo ng mga de