Share

Secretly Loving You (Tagalog)
Secretly Loving You (Tagalog)
Author: Seera Mei

SLY: Chapter 1

EIZEL POV 

    Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa monitor ng laptop, Kanina pa ako naka-tambay sa wall ni My loves, Nag-babantay ng mga mahaharot na nag-lipana. Kahit madalang mag-online si Ivan myloves  ay ang dami pa ring babae ang lumalandi sa kanya sa comment box or pag-post sa wall nito. Tsk, Bakit kase naka-public ang account ni Myloves? Malaya tuloy sila na mang-bulabog sa kanya.

  Busy ako sa pag-tingin tingin baka meron ng pinupusuan o nila-like ang myloves ko na picture ng babae, abala ako sa pag-busisi ng mag-pop up ang message notif ko. Napangiwi ako ng si Kisha ang nag-chat, ang mabait kong bestfriend at kambal ni Ivan myloves. Alam nito ang kabaliwan ko sa kakambal niya. ang kaso ay lagi ako nitong sinesermunan o pinag-sasabihan, Minsan kase ay OA na daw ako. 

Binasa ko ang chat ni Beshie.

Markisha Ivy Barcelon: Huy, beshie bakit gising ka pa?

ME: Wala lang hehe, Ikaw bakit gising ka pa? 

Markisha Ivy Barcelon: Chineck ko lang kung nag-message sila mommy. Ikaw bakit gising kapa?

Natawa ako ng mahina paulit-ulit ang tanong? 

ME: Nagpapaantok lang ako beshie.

Markisha Ivy Barcelon: Talaga lang ha?

ME: Oo nga.

Markisha Ivy Barcelon: Sus, 'wag ako beshie, Sabihin mo ini-istalk mo na naman si kuya. 

Napanguso ako, kilalang kilala talaga ako ng bestfriend ko.

ME: Hehe alam na alam mo talaga beshie ah? Checking lang naman, Tinitignan ko lang naman kung may pinupusuan ba ang myloves ko. kailangan mabantayan.

Markisha Ivy Barcelon: Baliw ka talaga, so maiba tayo, anong balita? Nag-reply na ba sa'yo si kuya? Nag-kakatext na ba kayo? Hindi ko na-itatanong sa'yo kapag-nagkikita tayo 'e nawawala sa isip ko.

ME: Psh, ayon nga-nga, dalawang taon na ang lahat lahat beshie, At ang magaling mong kambal hindi man lang ako nirereplyan maski isa, Nakakainis nga e. 'yung sweet moment namin noong na-hospital kapa. tapos no'n wala na, Nakakainis nga. Akala ko talaga nung araw na 'yon mag-tutuloy tuloy na. akala ko mapapansin na din ako ni Myloves kaso Nga-nga. Umasa lang ako beshie.

ME: Araw araw ako nag-tetext kay Myloves, Walang palya beshie. Hays, Hindi ko alam kung Blinock na ba niya ako sa contacts niya eh.

Markisha Ivy Barcelon: Dalawang taon simula ng lagi mo siyang tinetext, Hindi pa rin talaga nag-rereply? Ibang klase din talaga ang kambal ko. H'wag ka mawalan ng pag-asa beshie, Hindi ka naka-block sa contacts niya, Noong isang araw hiniram ko phone niya 'e. Tapos na-isip ko icheck 'yung ginagamit mong number nandoon naman, Kaya for sure nababasa niya message mo kung araw araw ka nag-memessage sa kanya. Hindi ko lang nabanggit agad sa'yo sa sobrang busy at nakalimutan ko hehe,

ME: What?! seryoso beshie? nandoon ang number ko sa contacts niya? Hindi niya ako Blinock?? WAAAAAAAAAH bakit ngayon mo lang sinabi beshie? 

Markisha Ivy Barcelon: Ngayon ko lang din naalala sorry. hehe

ME: Sus, busy kase kayo ni papa sky 'e. Pero hayaan na apology accepted! waaaaah so hindi niya ako Blinock? Anong name ko sa contacts niya? Gosh! Nabuhayan ako ng loob beshie! Haha

Markisha Ivy Barcelon: hehe gusto mo talaga malaman kung anong name ang nakalagay doon? Sure ka? 

ME: Naman! importante sakin 'yun beshie. So ano? 

Kinikilig ako sa nalaman ko kay beshie, So araw araw nababasa ni myloves ang mga sweet message ko, Hindi lang talaga siya nag-rereply. Excited ako sa reply ni beshie, tutok na tutok ako sa screen ng laptop, nang mabasa ko ang sinabi niya ay napasimangot ako. Walanya talaga ang Ivan na'yon!

Markisha Ivy Barcelon: "Baliw" ayan 'yung nakalagay sa contacts niya.

ME: Tsk! Baliw talaga? sabagay hindi ko din naman masisisi si myloves kaso pinanindigan talaga niya 'yung baliw.

Markisha Ivy Barcelon: Hayaan mo na importante hindi ka naka-block sa contacts niya 'di ba?

ME: Sabagay, Bakit kase ang hirap abutin ng kambal mo? Ano bang gusto niya maging matandang binata? 

Markisha Ivy Barcelon: Haha ewan ko don kay kuya, Minsan napapansin namin ni kyle na badmood siya lagi.

ME: Hmmm, pero syempre hindi ako makakapayag na maging matandang binata siya no! Sayang ang genes naming dalawa, Tsaka hindi ko sasayangin ang ilang taong lihim kong pag-mamahal sa kanya. Ngayon pa ba ako susuko? Si papa sky nga Lumaban at nag-hintay kaya ko rin. Hindi lang lalaki ang kaya mag-effort. tayo ding mga babae!

ME:"Gagawin ko ang lahat upang sa huli sa huli sa huli ay tayo"  wahahaha kinanta ko pa yan beshie habang tinatype ah. gagawin ko talaga ang lahat para maging akin si Myloves. Hindi ako susuko.

Markisha Ivy Barcelon: Haha kanta ni Sarah G, 'yan ah? Kalokohan mo talaga beshie.

ME: Yap! favorite ko na 'yan ngayon, Haha bagay kase sakin para kay Myloves.

Markisha Ivy Barcelon: Jusme ka talagang babae ka, pero beshie sure kana 'ba talaga d'yan?

ME: Ha? anong ibig mong sabihin beshie?

Markisha Ivy Barcelon: Hays, Mahal kita Beshie, Alam mo din ayoko nasasaktan ka 'di ba? pero 'wag mo masyado ibigay ang lahat, 'wag mong ibuhos lahat ng pag-mamahal mo kay kuya. Wala pang-kasiguraduhan ang lahat. Mag-tira ka din ng para sa sarili mo.

Napangiti ako ng mabasa ko ang sinabi ni Beshie, Sabi na hindi talaga mawawala 'yung pangangaralan niya ako o sesermunan o papaalalahanan. Kaya mahal na mahal ko 'tong bestfriend ko 'e. 

ME: I know naman beshie, Handa na naman ako kung ano ang kalabasan ng ginagawa ko, Hindi ko na ititigil 'to, Matagal na panahon na din, Siya at siya lang talaga ang mahal ko. Iba talaga 'yung tama ko sa kambal mo 'e, Hindi ko nakikita 'yung sarili ko na mag-mamahal pa ako ng iba at ganito katindi. Thank you sa concern beshie, kaya lovelove kita 'e,

Markisha Ivy Barcelon: Fine, wala na rin naman akong magagawa dahil 'ayan ang gusto mo, Basta mag-tira ka ng para sa sarili mo ok? Hinay-hinay lang.

ME: Oo naman Beshie, Sige na, late na masyado, Sleep na tayo, I love you beshie. Thank you dahil nandyan ka for me.

Markisha Ivy Barcelon: Alright, Mag-pahinga na tayo. Tama na 'yang pang-iistalk mo kay kuya. tulog na'yon. haha

ME: Tsk, Oo na. Tapos na 'yung duty ko haha Goodnight beshie mhua!

Markisha Ivy Barcelon: Haha kabaliwan mo talaga, sige Goodnight.

Na-iiling nalang ako habang nangingiti, Umalis na ako sa wall ni Myloves. Goodboy naman siya dahil wala talaga siyang nireplyan sa mga comment. Wala din pinusuan. Tama lang 'yon, Ako lang dapat ang nag-iisa sa puso niya. Hihi

Hay, Nako Eizel Francine matulog kana, tama na ang kalandian. Nahiga na ako habang may ngiti sa labi, Sana si Ivan Myloves ko ang nasa panaginip ko. 

KINABUKASAN

Maaga ako gumising para mag-asikaso pumasok, May pratice ngayon si Myloves kailangan nandoon ako. Hindi man niya alam na ako ang palaging nag-tetext sa kanya dapat support pa rin ako. 

Oh, hindi pa pala ako nakakapag Goodmorning sa kanya. Kailangan ma-itext ko siya para kumpleto ang araw niya. 

To MyLoves : Goodmorning Handsome.

Nangingiti ako habang binabasa ang message ko sa kanya. Iniisip ko palang na nababasa niya pala lahat ng message ko ay kilig na kilig na ako.Hayyyy iba talaga ang tama ko sa kanya. Makapag asikaso na nga.

Nakapangalumbaba ako habang nakatingin sa Prof namin, kanina pa ako bored na bored hindi naman na siya nag-tuturo tapos na, Kaso nasimulan na naman niya mag-kwento sa mga karanasan niya noong bata pa siya, kanina pa rin ako tingin ng tingin sa relo ko. Malapit na mag-lunch break, Wala pa ba siyang balak I-dismiss kami?

Hello? halos lahat kami ay umay na umay na sa kwento niya. Lagi talagang ganito ang Prof namin na ito, Mabilis kami natatapos sa lesson n'ya, then 'yung natitirang oras nag-kwekwento siya ng kung ano ano.

Enjoy na enjoy siya sa pag-kwekwento, wala naman nakikinig sa kanya dahil sa labas na halos nakatingin at excited na mag-lunch. 

Finally! kung hindi pa siya dinaanan ng isang prof hindi pa niya kami palalabasin. Ibang klase din.

Malalaking hakbang ang ginawa ko para madaling makarating sa Cafeteria, Hindi kami sabay ni beshie na mag-Lunch, mag-kaiba kami ng oras ngayon. kaya mag-isa lang ako kakain. solo flight ganern. Kaya ako nag-mamadali para makita ko si Myloves, Sabay ang Lunch Break namin ngayon. Siguradong nandoon na ito sa cafeteria kasama ang team niya.

Hinihingal ako ng makarating sa Cafeteria, agad hinanap ng mga mata ko si Myloves. Hindi din nagtagal ang paghahanap ko dahil sa isang table hindi kalayuan sa kinatatayuan ko ay nakaupo ang buong team nito. Kasali si Myloves sa Varsity ng School. Siya ang Captain ng Basketball Team, Ang pambato ng Monlimar University.

Mabagal akong nag-lakad nang dumaan ako sa table nila, Hindi ako lumingon para hindi ako mapansin, Kunware ay talagang napadaan lang ako. P'wede naman kase ako dumaan don sa gitna 'e, kaso dahil gusto ko sumilay at mag-papansin dito ako dumaan sa gilid kung nasaan sila.

Bumili ako ng isang order ng carbonara at mango juice, eto lang muna ang kakainin ko ngayon. Habang kumakain pasimple akong tumitingin sa gawi ni Myloves, Kanina pa ito naka-tutok sa phone niya. Hmp! Sino ba ang katext nito? No, mali nakatingin lang pala ito sa phone niya na wari ay may hinihintay na text.

Don't tell me may ka-textmate siya? At hinihintay niya? Hindi pa niya kinakain ang pag-kain na nasa harap, Nakasimangot lang ito habang nakatingin sa Cellphone. Ma-itext nga. Nilabas ko ang cellphone ko sa bulsa ng Bag ko. Nag-type agad ko ng Text sa kanya.

To Myloves: Lunchtime na Myloves, Kumain ka ng marami ok? Isang smile naman d'yan.

Nang masend kona ang message ko ay agad akong tumingin sa gawi niya, kumunot ang noo nito habang titig na titig sa Cellphone niya. OH MY GOSH so totoo nga ang sinabi sakin ni beshie. Nababasa nga niya ang mga text ko pero hindi siya nag-rereply. 

Dahil natuwa ako sa nalaman ay pinadalhan ko ulit siya ng mensahe.

To Myloves: Why so serious? Bakit hindi mo kinakain ang pag-kain na nasa harap mo? 

Umayos ito ng upo ng mabasa na niya ang message ko, Palingon lingon pa ito. Gosh, hinahanap ba niya ako?

'I'm here myloves ready to wait for you to notice me'. Charr! kalandian mo na naman Eizel. pero ag-eenjoy ako haha

To Myloves: OMG! so nababasa mo pala talaga lahat ng message ko? hindi kalang talaga nag-rereply?

To Myloves: Eh? hinahanap mo ba ako? palingon lingon ka kanina pa 'e. Gusto mo ako makita?

To Myloves: Gwapo mo kahit nakakunot noo.

Oooppps, mukhang napikon ata. Binalik niya na 'yung phone sa bulsa niya. Kainis naman nag-eenjoy pa ako 'e. Pikon naman. Nag-last message ako bago binalik ang phone sa Bag.

To Myloves: Luh? bakit binalik mo 'yung phone mo? KJ mo naman. Sige na kain kana nga d'yan.

Bakit ngayon ko lang nalaman ang ganitong style? Dapat pala sa tuwing tinetext ko siya noon ay tinitignan ko lagi ang reaksyon niya. Malay ko naman kase na message ko 'yung nababasa niya 'di ba? Malay ko baka may ibang katext. Baka katext ang team niya o si beshie.

Pero ngayon na alam kong nababasa mo ang message ko.

Get ready myloves hindi kita tatantanan. Rawr! 

Comments (7)
goodnovel comment avatar
Bhie Rambonanza In
ang kulit lng
goodnovel comment avatar
Maricel Ambray
ito pala kina Ivan ang beshie heheheh .wala po ba gcash s GN?
goodnovel comment avatar
Melanie Morante
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status