Share

SLY: Chapter 7

EIZEL

  Hindi ako makapag-focus sa pakikinig sa prof namin, Nasa isip ko ang mga text ni beshie. 'yun ang gumugulo sa isip ko, Gusto na akong makilala ni myloves, pero paano niya gagawin 'yun? Bakit? Hindi pa ako handa. Natatakot pa rin ako sa totoo lang,

kailangan ko na mag-ingat sa bawat galaw ko, gumagawa na siya ng move para mahuli ako. Nagiging interesado na sa'kin si Mylovess.

Paano kung makilala niya ako? malaman niya na ako na bestfriend ni kisha ang nasa likod ng lahat? magagalit kaya siya sakin? lalayo kaya siya? Baka sa sobra niyang galit pag-layuin niya kami ni beshie? Hays, ginugulo na naman ni myloves ang isip ko, tsk, focus na muna ako sa pakikinig baka tawagin ako ng prof tapos wala akong maisagot nakakahiya. 

Natapos ang unang klase namin na hindi naman ako napatayo, Nakasagot din ako sa quiz na ibinigay, ngayon naman ay inanunsyo ng isa kong ka-klase na wala ang susunod na prof, Itetext ko muna si Myloves, Mamaya pa naman ang practice nila after lunch. 

To Myloves: Myloves..

To Myloves: Huy!

To Myloves: Ay hindi mo na naman ako nirereplyan? 

To Myloves: Suplado! keri mo naman ako mareplyan gamit isa mo kamay kung gugustuhin mo 'e,

To Myloves: Haist, kainis ka naman 'e, akala ko naman rereplyan mo na ako.

Napanguso ako ng hindi man lang ako nireplyan ni Myloves, Nag-suplado na naman. May topak  siguro. Humanda ka sa'kin mamaya, sisiguraduhin kong hindi mo ako makikita.

LUNCH BREAK 

"So tuloy ka talaga mamaya sa Gym?" Napatingin ako kay Beshie ng bigla itong mag-salita, Kasabay ko siya mag-lunch ngayon, Wala daw kase silang klase kaya naisipan na lang niyang puntahan ako dito sa Cafeteria. Binaba ko ang burger na kinakain, Uminom muna ako ng juice bago sinagot ang tanong niya.

"Yeah, Mas magandang matuloy ako doon beshie para hindi mag-duda si Myloves, Tsaka para mapatunayan sa kanya na hindi niya ako basta basta makikita." Tumango tango naman ito.

"Sabagay, pero beshie hanggang kailan mo ba talaga balak mag-tago?"

"I don't know, Lakas ng loob ang kulang sa'kin, alam mo yun, hindi pa ako handa sa magiging sagot ni myloves, Hindi pa ako handa masaktan at ma-broken no!" 

"Ako naman 'yung natatakot para sating dalawa! Pati kaya ako malalagot kay kuya kapag-nalaman niya na kasabwat ako."  Napanguso ito, ako naman ay napangisi.

"Okey lang 'yan beshie, Hindi ka naman matitiis ng kambal mo 'e, Dapat ako lang 'yung matakot dahil baka pag-layuin tayo ng kapatid mo! Sabihin no'n Bad influence ako."

"Wag kang ganyan beshie, Hindi naman siguro gagawin ni kuya 'yun, Baka ikaw lang ang layuan niya. Haha" ako naman ang napanguso dahil sa sinabi nito, sabagay hindi no'n idadamay ang pag-kakaibigan namin ni Kisha. 

"Ay nako 'wag na muna natin pag-usapan 'yan, Focus ako sa goal ko kay myloves, kapag- naging ok edi papakilala na ako."

"Goodluck nalang talaga sa'yo, Tapusin na nga natin 'tong kinakain natin, para makapunta kana sa gym at makita mo ano ginagawa ng kuya ko doon, Balitaan mo nalang ako."

"Don't worry ako bahala sa suplado mong kambal."

**

"So paano beshie una na ako ah? Puntahan ko na 'yung kambal mo sa Gym. Sure ka bang ok ka lang dito?" Tumango naman ito bilang sagot, iiwan ko kase siya dito sa cafeteria 'e.

"Wag mo ako isipin, pupuntahan ako dito ni Kyle, Sige na umalis kana, mag-ingat ka ha. Pauwiin mo na din 'yung magaling kong kambal para makapag-pahinga. Tadtadrin mo ng text."

"Haha parang susunod sa'kin ang lalaking 'yon? Hindi nga ako nirereplyan, Sumunod pa kaya sa'kin?"

"Aba malay mo naman beshie."

"Ay nako 'dyan kana nga. hintayin mo nalang ang kyle mo dyan." Tumayo ako at nilapitan siya para mag-beso. 

"Bye."

Tumalikod na ako at nag-lakad palabas ng cafeteria, Ngayon ay iniisip ko kung saan ako dadaan pag-pasok sa Gym? Tatlo ang pinto doon, Saan kaya naka-pwesto ang Myloves ko?

Pinili kong dumaan sa left side kung nasaan ang isang pinto malapit sa CR ng Girls. Gagawin ko ay kunware naiihi na ako, pero sisimple ako ng tingin sa paligid, Hinanda ko ang sarili ko at pumasok na sa loob.

Mabilis kong pinag-masdan ang buong Gym, marami nang tao, Napangisi ako ng makita ko agad si Myloves, Naka-pwesto siya sa Pinaka taas ng bleacher malapit sa main entrance ng Gym. Nag-tago ako sa gilid habang tinitignan siya. Good thing na dito ako dumaan dahil hindi niya ako napansin at naka focus siya sa main entrance, Maganda din ang pwesto ko para pag-masdan at itext siya. Sorry Myloves hindi pa ito ang tamang panahon,

Nilabas ko ang phone ko para itext siya, Napansin ko na nag-prapractice na rin pala ang Team niya, Himala maaga ah? Oh baka sinadya niya na pag-laruin ang mga ito ng maaga. Muli akong napangisi, Magaling Myloves, Kung sakaling hindi ako na-inform ni Beshie baka nga nahuli na ako nito. Sa main entrance kase talaga ako nadaan 'e. Hindi ko din maiisip na may nag-hihintay na pala sa'kin.

To My Loves: Hi Myloves! Good boy ka naman pala, akala ko pinilit mo pa rin mag-laro kahit ganyan ang lagay ng kamay mo 'e.

Matapos ko ma-send ang text ko sa kanya ay binalingan ko ulit ito ng tingin, Hawak niya ang phone niya kaya nakita niya agad na nag-text ako. Napangiti ako ng bigla itong tumayo at pinag-masdan ang buong paligid. Muli ko siyang tinext.

To Myloves: Oh bakit tumayo ka? Bakit tinitignan mo ang buong Gym? May hinahanap ka ba?

To Myloves: Hoy! Ano ba 'yang itsura mo, Tingin sa crowd then sa phone, crowd then phone, anyare sa'yo? 

To Myloves: Don't tell me ako ang hinahanap mo?

To Myloves: Ayon ako nga ang hinahanap, ma-upo kana nga ulit baka malag-lag ka pa dyan sa ginagawa mo. Stop na Myloves, Hindi mo ako makikita, Hindi pa ako handa mag-pakita sa'yo. Sorry..

Malungkot akong ngumiti, hindi pa rin talaga 'to, tumitigil sa mag-mamasid sa paligid, Kahit nag-kakanda hirap na siya wala siyang pakealam.

"Ganyan mona ba kagusto na makilala ako Myloves? Bakit? Sorry Myloves hindi pa ako handa, Natatakot pa akong harapin ang katotohanan." Bulong ko sa sarili ko,

Nang hindi ito nakatingin sa gawi ko ay mabilis akong lumabas ng gym, unti-unti ko na nga nakukuha ang atensyon ni Myloves, pero bakit ganito? Bakit imbes na maging masaya ako ay nalulungkot ako? Kaya ko pa ba ipag-patuloy 'to? Geez, Eizel ano susuko kana lang? ilang taon kang nag-effort sa pag-mamahal mo kay Ivan, Huminga ako ng malalim. Pumikit ako at pinakalma ang sarili. pag-dilat ko ay ngumisi ako.

"Well bahala na kung anong kalabasan ng lahat,  Katulad ng sinabi ko noon tatanggapin ko lahat ng consequences ng ginawa kong 'to. Kung masasaktan ako, edi masasaktan. Ayon na din ang magiging hudyat ko para kalimutan si Myloves. Doon kona puputulin ang lahat, pero kung tatanggapin naman niya ako edi ok, ako na pinaka masayang babae sa buong University." Para akong t*nga kinakausap ko ang sarili ko. Makapunta na nga sa klase ko. Mamaya ko na lang itetext si Beshie. Gusto ko muna mag-focus sa klase ngayon.

*****

Kinagabihan ay doon ko lang naisipan itext si Beshie, for sure na naka-uwi na sila ni Myloves. Kinuha ko ang phone sa sofa at tinext si Beshie.

ME: Hi beshie. sorry ngayon lang ako nakapag-text. Kamusta si Myloves?

Hindi ko pa nalalapag ang phone ko ng Mag-reply ito agad, Mukhang hinihintay nito ang text ko.

Beshie Kisha: Anong nang-yare?

Luh, hindi naman siya excited malaman ang nang-yare kanina no?

ME: Hi beshie! wala ka man lang Hello, Hi, Staight to the point agad-agad. So ayun, Nakagawa ako ng paraan para hindi ako makita ni Myloves, At Ayon nga talagang naka-abang siya sa'kin, Habang tinetext ko siya kanina, Pinag-mamasdan niya ang paligid. Hindi naman ako nag-tagal doon, Umalis din ako agad noong hindi pa din siya tumitigil sa kakahanap sa'kin.

Beshie Kisha: Oh, kaya pala.

Napakunot noo ako sa reply ni beshie. 

ME: Ha? Anong kaya pala?

Beshie Kisha: Badtrip si kuya mula kanina pa, Jusko Beshie ano bang ginawa mo sa kambal ko at nag-kakaganito?

Oww, Nagalit siguro kase hindi niya ako nakita. Hindi niya ako nahuli.

ME: Sinabi ko kase sa kanya kanina hindi pa ako handa na mag-pakita sa kanya. Nagalit siguro? Asan si myloves?

Beshie Kisha: Oh kaya naman pala, Hindi din siguro matanggap na naisahan mo siya. nandoon sa sala kanina pa nakabusangot ang mukha, nako beshie gustong gusto kana niya makilala, Tsk, Nacurious na, tagal mo na kase nag-tetext sa kanya 'e,

ME: Excited naman masyado si Myloves, Gusto niya agad makita ang dyosang stalker niya? Baka pag-nakilala niya ako tumakbo siya sa gulat?

Beshie Kisha: Hahaha loka loka! Baka kamo ikaw ang tumakbo! Umasa siguro 'to si kuya na makikita ka niya, Tsk. 

ME: Hahaha wala 'e, Hindi pa talaga 'to ang araw para makilala niya ako kase gumawa pa ng way para malaman ko 'e, Nakagawa tuloy ako ng paraan para hindi mahuli.

Beshie Kisha: Tama! Try mo kaya itext beshie? Baka sakaling mawala ang pag-kainis.

ME: Ano lalambingin ko? hahaha baka pag-tinext ko 'yun lalo ma-badtrip?

Beshie Kisha: Malay mo naman hindi 'diba? Sige na itext mo na para mawala na badtrip no'n lambingin mo hahaha

ME: hahaha sige na nga beshie, itetext ko na si Myloves, Mhua!

Matapos ko makausap si Beshie ay kay Myloves naman ako nag-text. 

Me To Myloves: Hi Myloves! Ok na ba 'yung kamay mo? sorry pala kung hindi ako nag-pakita sa'yo kanina ah? Hindi pa talaga ako handa, Sana maintindihan mo 'yun.  Kumain kana ba?

Ilang minuto ako nag-hintay kaso walang reply. Grabehan talaga ang lalaking 'yon. Maitext nga ulit.

Me to Myloves: Bakit hindi mo na naman ako nirereplyan? Galit ka ba? Akala ko nung nireplyan mo ako, tuloy tuloy kanang mag-rereply sa chat ko.

Me to Myloves: Okay, mukhang ayaw mo nga ako kausapin, Sorry ulit. Goodnight Myloves. Sweetdreams. :*

Siguro nga masama ang loob dahil umasa na makikilala niya ako, kaya ngayon hindi ako pinapansin.  Dahil medjo maaga pa naman at hindi pa ako inaantok, Tumambay muna ako sa Dummy account ko, Nag Status na rin ako. 

Francine Barcelon

'Why am I so afraid to lose you, when you not even mine' 

Hindi ko akalain na marami din palang mag-aadd sa'kin dito sa Dummy account ko. May mga likers din ako. Lumipas ang 20 minutes ay wala akong ibang ginawa kung hindi mag-tingin tingin mga video. 

Habang nag-titingin tingin napansin kong naka-online si Myloves. Oh, gising pa pala siya? Ma-ichat nga. 

*Chat Convo*

Francine Barcelon:  Hey, Bakit naka-open ka pa? Hindi ka makatulog?

Seen. 

Seen na naman? Hindi talaga marunong mag-reply. 

Francine Barcelon: Sorry na oh, Galit ka ba? Replyan muna ako. Bati na tayo please?

Seen. 

Ok ayaw talaga niya ako makausap. Nag-tampo na nga. 

Francine Barcelon: Hays, Ok. Goodnight Myloves. 

Malungkot tuloy akong matutulog ngayon. Grabe naman kase mag-tampo si Myloves. Makatulog na nga, Sana bukas maging maayos na ang lahat..Sana replyan na din ako ni Myloves. 

********

Hi beshie's favor naman po, Pwede pong mag-iwan kayo ng comment or  Ireview niyo po ang story ko na 'to? 🥺☺️  Thank you in advance! Malaking tulong po sa'kin ang inyong Review. Enjoy Reading! 

F*: Seera Mei

Comments (64)
goodnovel comment avatar
Haisley Ada
Wow ganda nman ng story nila haha. Nakaka excite nman.
goodnovel comment avatar
Cherry Marcos
nakakakilig sobra
goodnovel comment avatar
Princes Rheanna Dulce
Nkaka excite
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status