Share

SLY: Chapter 6

  Nakadapa siya habang nag-tatype ng message sa kaibigan, Gusto niyang ipaalam muna dito ang nang-yare bago siya matulog. 

Eizel: Beshie oh my gosh! 

Beshie Kisha: Oh bakit beshie? 

Eizel: Beshie sheteng gala! Nireplyan ako ni Myloves, Nag-kausap kami thru Chat!

Beshie Kisha: Talaga?!

Eizel: Mag-ka chat kami kanina, kinikilig ako hahaha tapos tinanong niya ako bakit hindi ako nanood ng practice kanina.

Beshie Kisha: Tapos? dali kwento mo. haha isang himala na nag-reply sa'yo si kuya.

Eizel: Ayun pag-katapos ko ipaliwanag kung bakit, sineen nalang ako. 

Beshie Kisha: Aysus! ang abnormal talaga ni kuya, 

Eizel: Hindi ko alam kung makakatulog ako nito haha, nakakaloka man isipin pero injured kamay ni myloves tapos doon lang siya nag-reply sa'kin. Ang lakas ng topak no?

Beshie Eizel: Oo nga no, haha pero atleast nag-bunga ang kalokohan mo 'di ba? Nagawa mo na siyang mapag-reply sa chat mo.

Eizel: sana nga tuloy tuloy na 'e, maiba tayo papasok ba si Myloves bukas?

Beshie Kisha: Sana nga talaga, Hindi pinag-papahinga muna siya kase nga ilang araw na daw kase wala sa wisyo si kuya, Baka na-iistress na daw, Tsaka 'yung kamay niya need ipahinga din.

Eizel: Yeah, tama nga naman baka kailangan ni Myloves ng pahinga.

Beshie Kisha: oh siya tama na ang chikahan, Bukas nalang tayo mag-usap inaantok na ako 'e.

Eizel: Sige sige, sana makatulog ako nito hahaha.

Beshie Kisha: loka ka talaga. sige na goodnight.

Eizel: Goodnight mhua!

Sana talaga mag-tuloy tuloy na 'to, Bago matulog ay nag text muna siya kay Ivan.

To myloves: Goodnight, sleep tight, I will be dreaming of you with all might, Pagaling ka po, mhua!

***********

KINABUKASAN

Magaan ang pakiramdam ni eizel ng magising, Naging masarap ang tulog niya dahil sa nang-yare kagabi, Kinuha niya ang phone sa bed side table para itext si Ivan. 

To Myloves: May you begin this day and every day with a smile on your face. Good Morning myloves! kamusta ang kamay mo?

To Myloves: Love is not how much you say I love you, But how much you can prove that it's true.

To Myloves: Iwant to be in your arms, where you hold me tight and never let me go.

To Myloves: You're my inspiration, There's no hesitation, You're everything to me.

Sa sobrang ganda ng umaga niya ay tinadtad niya ng magagandang quotes si Ivan. 

Matapos niyang matext si Ivan, tumayo na siya para mag-asikaso pumasok, Hindi papasok si Ivan ngayon, Bawal matagtag ang kamay nito dahil malapit na ang Game. Kailangan gumaling ito agad.

*********

EIZEL 

  Naglalakad na ako papasok sa school, Hindi ko na naman nakasabay si Beshie dahil sinundo ni Papa sky, hindi na ako masyado sumasama sa kanila dahil gusto ko mag-karoon silang dalawa ng oras sa isa't-isa, kaya kahit malungkot ang mag-isa ay keribels lang. Ako pa ba? Si Eizel Francine Evangelista? Yakang-yaka ko 'to. Kontig tiis nalang darating din, mag-kakaroon ako ng makakasama pag-papasok.

 Maka-punta na nga muna ng Cafeteria, nauuhaw ako. 

Pag-pasok ko sa cafeteria ay marami-rami ng tao, siguro hindi mga nag-almusal ang mga 'to or trip lang talaga tumambay dito. Bumili lang ako ng isang bote ng Ice tea, tapos ay lumabas na ako ng cafeteria, Habang nag-lalakad ay ininom ko ng binili kong ice tea, nasa ganoong akong tagpo ng may mahagip ang mga mata ko, Muntikan pa akong masamid.

"Bakit nandito si Myloves? Alam ko hindi siya papasok ah?" Gulat na sambit ko sa sarili, Tinakpan kona ang iniinom at dali-daling tinext ito. Kasama nito ang ibang teamates niya. 

Me To Myloves: Hey, Bakit pumasok ka? hindi ba dapat ipahinga mo muna 'yang kamay mo? Hindi ka lang pala masungit, Matigas din ulo mo.

Naiiling ko siyang binalingan ng tingin, kinuha nito ang phone sa bulsa gamit ang isang kamay, Binasa ang text ko, Nag-angat ng tingin at nag-masid sa paligid, hinahanap na naman niya ako. 

Ilang araw ko lang siyang hindi nakita pero masasabi kong may nag-bago sa itsura niya, na-iistress ba talaga siya? Saan? dahil sa nalalapit na Game? Gusto ko pa sana pag-masdan si Myloves kaso malapit na ang unang klase ko, Hindi ako pwede malate dahil terror pa naman ang prof namin.

Pag-pasok ko sa room ay umupo agad ako, kinuha ko ulit ang phone ko para itext naman si beshie. 

ME: Beshie?

Beshie Kisha: Yes Beshie?

ME: Bakit pumasok si Myloves? Hindi ba dapat nag-papahinga siya? 

Beshie: Hay nako beshie, Sinabihan ko 'yon na 'wag muna pumasok kase kailangan niya ng pahinga lalo na 'yung kamay niya bawal matagtag. Wala 'e, matigas din ang ulo ni kuya.

ME: Hays, anong gagawin niya sa room nila tumunganga lang? hind din naman siya makakapag sulat dahil 'yung nain-jured na kamay ang gamit niya pang-sulat.

Beshie Kisha: Kaya nga, Bilin pa naman na pag-pahingahin muna si kuya dahil sobra na rin siya sa practice, kaso ayaw daw niya lalo lang daw siya manghihina kapag nasa bahay.

Beshie Kisha: Nag-kasagutan nga kami kanina bago ako pumasok, Nainis kase ako ang kulit-kulit, Ewan ko ba bakit gustong gusto pumasok no'n.

ME: Nako, 'wag niyang sabihin na mag-lalaro pa rin siya mamaya kahit injured?

Beshie Kisha: Hindi ko alam beshie, hayaan mo itetext ko siya.

ME: Sige beshie, mamaya dadaan din ako ng gym tignan ko kung mag-lalaro ang lalaking 'yun.

Beshie Kisha: Ok Beshie, text ko lang si kuya.

Matapos ko makausap si beshie ay binalik kona ang phone sa bag ko, sakto din na dumating na ang prof namin. Sana lang talaga hindi maging pasaway si Myloves, Nag-aalala ako sa lagay niya.

*****

MARKISHA POV

 Napabuntong hininga ako at napahawak sa sintido ko. kanina pa ako na-iistress kay kuya. Katatapos ko lang maka-usap si Beshie, Alam kong nag-aalala ito sa kambal ko. Kahit naman ako nag-aalala kaso hindi ko alam kung bakit ang kulit at gusto pumasok.

Nag-type na ako ng sasabihin kay kuya. hindi naging maganda ang umaga namin parehas kanina.

ME: Kuya?

Kuya Ivan: Oh?

ME: Bakit ka ba talaga pumasok? Bakit hindi kana lang umuwi at mag-pahinga?

Kuya Ivan: Wala, gusto ko lang. ayoko nakatengga sa bahay.

ME: Tsk, baka naman kase mag-lalaro ka pa rin kahit ganyan lagay ng kamay mo?

Kuya Ivan: Hindi ah! Hindi ko kaya mag-laro ng ganito ang lagay ng kamay ko. 

ME: Kung gano'n naman pala umuwi kana lang at magpahinga kuya.

Kuya Ivan: Ayoko.

ME: Hay nako kuya, para ka namang bata 'e.

Kuya Ivan: Wtf?! Ako bata? Ikaw kisha kanina ka pa sa bahay ah.

ME: Para din naman kase sa'yo 'yun kuya. Nag-aalala din ako sa'yo, Umuwi kana kuya, bukas kana lang pumasok o sa susunod na araw. Kailangan mo ipahinga 'yan, para makabalik ka agad sa laro. Remember ilang weeks nalang Laban niyo na.

Kuya Ivan: Ayoko.

Napairap nalang ako sa kawalan, bakit ang tigas ng ulong kambal ko ngayon? Parang-isip bata 'e.

ME: Hay nako kuya, bahala ka nga, basta ako sinabihan kita ah. Anyway nasaan kaba?

Kuya Ivan: Dito sa Gym.

ME: Oh, anong ginagawa mo d'yan? mamaya pa practice ng team mo ah?

Kuya Ivan: May ina-abangan lang ako.

ME: Sino naman?

Kuya Ivan: Basta.

ME: anong basta sino ba kase ang inaabangan mo d'yan?

Kuya Ivan: 'yung stalker ko, 'yung nag-tetext sakin araw-araw. 'yung nakwento ko sa'yo dati. ok na?

Namilog ang mata ko sa nabasa, Oh my gosh, Inaabangan ni kuya si beshie! So nag-kakaroon na ng interest ang kambal ko kay beshie. sandali kailangan kong machika 'to si kuya.

ME: What? nag-tetext pa din sa'yo?

Kuya Ivan: Yes kisha, araw-araw siyang nag-tetext sa'kin walang palya.

ME: Oh gosh, ang tagal na no'n kuya ah! tapos hanggang ngayon nag-tetext pa din sa'yo? 

Kuya Ivan: Kaya nga nacucurious na ako sa babaeng 'yun. Kilalang kilala ako. Tinalo pa ata si Damiene sa pagiging Stalker. Araw-araw pa 'yun nanonood ng practice ko, Binibigyan din ako ng gatorade.

ME: Wow! mukhang malakas ang tama sa'yo kuya.

Kuya Ivan: Baliw nga ata 'yon.

ME: Baliw kamo sa'yo. Anyway kaya ka ba nandyan para kilalanin ang Stalker mo?

Kuya Ivan: Yeah, eto ang reason ko kaya ako pumasok ngayon, Gusto ko makilala ang babaeng matagal ng nag-tetext sakin. 

ME: Whoa, alam mo ba ang name niya?

Kuya Ivan: Francine Barcelon daw,

ME: Barcelon? Ka-apelyido natin?

Kuya Ivan: Yeah.

ME: Baka naman kamag-anak natin 'yan?

Kuya Ivan: No, Ginamit lang niya ang Barcelon, Baliw nga kase ang babaeng 'yon.

ME: Ganoon? oh siya kuya, maya nalang ulit, Basta mag-pahinga ka ok? Bye!

Gosh, hindi ako makapaniwala, mukhang unti-unti nang nakukuha ni beshie ang atensyon ni kuya. pero kailangan ko siya balaan ngayon. Balak pa naman niya puntahan si kuya mamaya. Baka mahuli na siya! Tama kailangan ko siyang itext ngayon.

ME to Beshie Eizel: Beshie! asap!

Beshie Eizel: Oh bakit beshie?

ME: H'wag kang pupunta ng Gym mamaya, wag na wag jusko! 

Beshie Eizel: Ha? Bakit?

ME: Si kuya! kaya pala pumasok siya ngayon kase gusto ka niya makilala na, Nandoon siya ngayon sa gym, inaabangan ka.

Beshie Eizel: What?! 

ME: Hindi ko alam kung anong gagawin niya para makilala ka, pero beshie mukhang desidido na ang kambal ko.

Beshie Eizel: Oh my gosh beshie, hindi pa ako handa, baka pag-nakilala niya ako, Lumayo na siya ng tuluyan sa'kin. 

ME: Kung ganoon 'wag kana muna talaga pumunta ng Gym.

Beshie Eizel: Kaso beshie baka makahalata siya? Ikaw palang ata pinag-sabihan niya about doon 'e,

ME: Oo nga no? matalino pa naman 'yon si kuya.

Beshie Eizel: Pupunta ako beshie.

ME: Ha? sigurado ka ba d'yan?

Beshie Eizel: Ako ng bahala, kailangan hindi makahalata 'yun si Myloves, Baka pag-dudahan ka no'n 'e.

ME: Sige, ikaw ang bahala. Basta mag-ingat ka ok? silent mo phone mo incase na tawagan ka niya, Tapos 'wag ka mag-papahalata kilala ka niya dahil BFF kita.

Beshie Eizel: Akong bahala beshie, Thanks sa info. mhua!

ME: Welcome Beshie, alam ko naman na hindi ka pa ready 'e.

Beshie Eizel: yeah, sige na baka mahuli ako ni prof, malalagot ako bye! 

Napasandal ako sa upuan ko, hooo ano ba talaga ang magiging lagay ni beshie at ni kuya? Hanggang kailan kaya mag-tatago ang Bestfriend ko? Sana talaga in the end maganda ang kalabasan ng lahat. Nakakaawa din si beshie kung sakaling malaman ni kuya ang lahat tapos ireject siya. Sobrang masasaktan 'yun si beshie, walang ibang minahal o nagustuhan 'yun 'e, si kuya lang talaga.

Sana maging ok ang lahat. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana nga maging ok si francine at ivan ng hindi na sila nag iisip kung ano pa ang dapat nilang gawin para lang makilala ang bawat isa
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status