Share

Chapter 5

Author: Rhod Selda
last update Last Updated: 2024-10-23 13:09:00

HININTAY ni Yana makaupo sa harap ng lamesa nito si Alexis. Tumayo lang siya sa tapat nito.

“Talk,” sabi nito.

Bumuntonghininga pa siya. “Tungkol kay Ms. Karen. Siya ang OIC ko at ako ang magsasabi ng totoo na sa lahat ng opisyales na nasa production department, siya lang ang pinakamatino at mabait. Maaring marami na siyang pagkakamali pero naniniwala ako na hindi lahat ng kapalpakan ay ginusto niya o sinadya. Ang insidente sa beef patties, obvious naman na may sumabutahe. Ang layo ng raw materials sa proccessing area, at saka nasusukat na lahat ng sangkap bago ilagay sa machine na magproseso. Dapat nag-imbestiga muna kayo. May nagbuhos ng asin sa mixture ng patties kasi ang naunang portion na nasa packaging na, sakto naman ang timpla, eh iisang mixture lang ang pinagmulan. Iyong huling portion lang ang umalat nang husto,” walang preno niyang paliwanag.

“We are investigating the incident, but Karen's mistakes were repeated. She admitted that sometimes she lost focus because of tiredness and lack of sleep. Those are not examples. I don’t need employees who can’t adjust to my company’s routine and make mistakes repeatedly. She should find another job that fits her capabilities,” ani Alexis.

Uminit na ang bunbunan niya. “Naintindihan ko, pero marami kayong company, hindi ba puwedeng bigyan n’yo ng chance ‘yong tao? Sa napapansin ko, mas maayos pa nga mag-handle ng tao si Ms. Karen kumpara sa iba. Oo, lutang siya madalas, pero kapag hindi na niya kaya, humihingi siya ng tulong sa amin. Bakit hindi mo muna silipin ang maliliit na detalye sa bawat sulok ng kumpanya mo bago ka maniwala sa sulsol ng ibang empleyado? Ang daming utak talangka rito sa totoo lang. Nakikita ko na ang dark side nitong kumpanya n’yo.”

Tumalim ang titig sa kan’ya ni Alexis. “Are you questioning my ability to manage the manpower of my company, Yana?” namumurong saad nito.

“Oo, aaminin ko. Kasi naman, maraming mali, eh. Iyang paghihigpit mo sa tao, na-adapt ng ibang opisyales pero inaabuso nila ang posisyon nila. At saka--”

“Enough!” singhal in Alexis. Napatayo na ito at nanlilisik ang mga mata sa kan’ya. “Don’t talk to me like you have the right to point out my mistakes, Yana! I have reason to be strict with my employees, and no one can change the rules!” giit nito.

Hindi siya nagpatinag at nakipagsukatan ng titig kay Alexis. “Hindi ko pakikialaman ang rules mo. Ang sa akin lang, maging patas kayo pagdating sa paghatol sa empleyadong nagkasala.”

“And what do you want, huh?”

“Hindi ako papayag na tanggalin mo si Ms. Karen,” matatag niyang wika.

Umigting na ang panga ng binata sa gigil. Dinuro na siya nito. “Who are you to command me, lady?”

Taas-noo siyang tumitig kay Alexis. Namaywang pa siya. “I challenge you, Alexis. Imbestigahan mo maigi lahat ng mga palpak na trabaho ni Ms. Karen. Hanapin mo ang CCTV footage na hindi manipulado. Malakas ang kutob ko na pinagkakaisahan ng mga may utak talangka si Ms. Karen. Once tinanggal mo bigla si Ms. Karen, hindi kita pakakasalan! Sasabihin ko kay Lolo na maghanap siya ng ibang lalaki na pakakasalan ko!” buwelta niya.

Hindi natuloy ang pagduro sa kan’ya ni Alexis at umurong bigla ang galit nito. Umalon ang dibdib nito at naging uneasy.

“Fine! I will give Karen a chance, but I will continue the investigation first,” pagkuwan ay sabi nito.

Kumalma rin ang kaniyang sistema at lihim na nagdiwang ang kaniyang puso. Nakahanap siya ng bala laban kay Alexis para mabawasan ang kalupitan nito.

“Salamat. Umaasa ako na magiging patas ang imbestigasyon,” aniya. Tumalikod na siya at sana’y lilisan.

“Wait!” pigil ni Alexis.

Pumihit naman siya paharap dito ulit. Hinintay niya itong magsalita.

“Promise me that you will not tell anyone about our relationship, especially to Jeo. Our marriage should be safe and secret. Only us, my mother, and our grandfathers should know it. Understand?” maotoridad pa ring sabi nito kahit nakikiusap.

Tumawa siya nang pagak. “Ayos, ah. Ikaw na nga ang nakikisuyo, ikaw pa ang matapang. Pero sige, hindi ko ipagsasabi kahit kanino ang sikreto mo, pero once may hindi ako nagustuhan sa trato mo sa empleyadong matino, sorry na lang. Kahit pa kasal na tayo, hihiwalayan kita,” aniya, tinakot pa ang binata.

Hindi naman apektado si Alexis, pinukol pa siya ng mahayap na titig. Wala na itong imik kaya iniwan niya.

Pangiti-ngiti si Yana habang pabalik sa production department building. Pagdating sa locker room ay nadatnan niya roon si Karen na nagsisilid ng gamit sa bag. Dagli niya itong nilapitan. Maaring tanggap na nito na matatanggal na ito sa trabaho.

“Ms. Karen, ano’ng ginagawa n’yo?” tanong niya sa babae.

Pansin niya na mugto na ang mga mata nito, halatang katatapos lang umiyak.

“Hindi ka ba aware? Last day ko na rito. Natanggal na ako sa trabaho,” gumaralgal ang tinig na turan nito.

Pinigil niya ito sa kanang braso. “Huwag kang aalis! Iniimbestigahan pa ang mga pagkakamali mo. Dinig ko ay bibigyan ka ng CEO ng chance na patunayan ang sarili mo. Hintayin natin ang result ng imbestigasyon,” aniya.

Matiim na tumitig sa kan’ya si Karen, tila nabuhayan ng pag-asa. “S-Sigurado ka ba, Yana?”

“Opo. Huwag ka muna aalis. Hintayin natin ang utos ng CEO.”

Mayamaya ay may staff mula sa HR department na pumasok at tinawag si Karen. Mabilisang ibinalik ni Karen sa locker ang gamit nito at sumunod sa HR staff.

Malapad siyang ngumiti dahil umaksiyon kaagad si Alexis upang ma-cancel ang pagpaalis kay Karen. Bumalik na siya sa trabaho na puno ng motibasyon at enerhiya. Ganado siyang kumilos at dedma ang mga tsismosa sa paligid.

Habang naglalagay ng sangkap sa malaking mixing bowl para sa giniling ay nilapitan siya ni Salina. Siniko siya nito sa tagiliran.

“Bakit masaya ka? May nangyari ba?” tanong nito. Hawak pa nito ang food coloring na nasa malaking garapon.

“Hm, kasi sure na ako na hindi matatanggal si Ms. Karen,” aniya.

“Paano mo nasabi?”

“Malalaman mo mamaya.”

Mayamaya ay namataan niya si Karen na bumalik sa processing area, nakasuot na ulit ng uniform at ibang proteksiyon sa katawan. Napangiti siya nang maisip na babalik na ito sa trabaho. Maaliwalas na ang mukha nito.

“Uy, bumalik si Ms. Karen!” bulalas ni Salina.

“Sabi ko sa ‘yo, eh,” aniya.

Napansin niya ang ibang opisyales na masama ang tingin kay Karen. Obvious na sa kan’ya kung sinu-sino ang may galit kay Karen.

Matapos niyang matimplahan ang sampung kilong giniling na baka ay ipinasok na niya ito sa machine na magpuproseso patungo sa packaging area. May pagkakataon na siyang makapagpahinga saglit habang hinihintay ang susunod na batch ng giniling.

Bumalik na rin sa trabaho nito si Salina pero si Karen naman ang lumapit sa kan’ya. Kunwari ay tiningnan nito ang trabaho niya.

“Hindi ko alam kung may ambag ka rito, Yana, pero salamat dahil binawi na ng CEO ang desisyon niya na tanggalin ako,” sabi nito.

Lumapad ang kaniyang ngiti. “Wala naman po akong ambag. Sinabi ko lang sa CEO na imbestigahan muna nila ang nangyari bago ka hatulan. Nagbigay lang ako ng opinyon ko,” aniya.

Manghang tumitig sa kan’ya si Karen. “Talaga? Nakausap mo ang CEO?” untag nito.

“Hm, nagkataon lang na nakita ko siya kaya naglakas-loob akong kausapin siya.”

Mangiyak-ngiyak na tumitig sa kan’ya si Karen. “Salamat talaga, Yana. Hindi nga ako nagkamali sa unang kita ko sa ‘yo. May mabuti kang puso.”

“Walang anuman po. Basta alam ko na walang ginagawang mali ang isang tao, kakampihan ko.”

“Huwag kang mag-alala, pagbubutihan ko ang trabaho at titiyakin na hindi na ako maaapi.”

“Susuportahan po kita!”

Ngumiti lang ang babae. Pagkuwan ay sumabak na sila sa trabaho.

Alas singko na ng hapon nakalabas ng production department building si Yana dahil tinapos niya ang huling batch ng karne. Nakiusap kasi siya kay Karen na siya ang tututok sa pagtimpla ng mga karne para tiyak na hindi masabutahe. Talagang binantayan niya ang buong proseso.

Nasa main building ang locker nila kaya kailangan niyang dumaan doon bago uuwi. Iniwan na siya ng ibang mga kasama kaya mag-isa siyang nag-check-out. Tamang-tama paglabas niya ng locker room ay labasan na rin ng mga office staff. Inabutan siya ng mga ito sa lobby. Nagmamadali siyang lumabas ngunit may humabol sa kan’ya.

“Yana!” tinig ni Jeo.

Magkukunwari pa sana siya na hindi ito narinig at tuloy lang ang kaniyang lakad pero naabutan siya nito sa labas. Napilitan siyang huminto at harapin ang binata.

“Hello, sir!” magalang niyang bati.

“I haven’t seen you for a few days. Hindi ka ata lumalabas ng production building,” anito.

“Eh, kasi sobrang busy namin.”

“Anyway, may sasakyan ka ba?”

“May scooter po ako.”

“Please, huwag mo naman akong pinu-po,” amuse na sabi ni Jeo.

Matabang siyang ngumiti. “Hindi ko na alam,” wala sa loob niyang sabi.

Biglang natawa si Jeo. “Maaga pa naman, baka nagugutom ka. Mag-snack muna tayo, sagot ko,” hirit nito.

Umawang ang kaniyang bibig ngunit hindi nakapagsalita nang mapansin niya si Alexis na kalalabas ng main door ng gusali. Awtomatikong nahagip siya ng paningin nito at tila natitigilan.

Kumislot pa siya nang tapikin siya ni Jeo sa kanang balikat. Nabaling dito ang kaniyang atenisyon.

“What do you think, huh?” tanong ni Jeo.

“Uh…. ano hapon na at malapit na ang hapunan. Hindi ako sanay mag-snack ng ganitong oras,” alibi niya.

“Mag-dinner na lang tayo.”

Muli niyang sinipat si Alexis na patungo na sa garahe at madadaanan sila. Nang malapit na ito sa kanila ay pinagdilatan siya nito ng mga mata, sumenyas pa na tanggihan niya ang alok ni Jeo at umalis. Iyon ang pagkaintindi niya.

Aliw na aliw siya sa ekspresyon ng mukha ni Alexis kaya naisip niyang asarin ito. Kunwari ay hindi niya susundin ang gusto nito. Lumapit pa siya kay Jeo at mahinang kinausap.

“Sorry, may dinner pala kami ng lolo ko. Birthday kasi niya ngayon,” palusot niya.

“Ahh, gano’n ba? Next time na lang pala,” ani Jeo.

“Pero baka puwedeng makisakay sa kotse mo. Naubusan ng gasolina ang schooter ko. Bibili muna ako ng gasolina.”

“No problem. Let’s go!”

Sumunod kaagad siya kay Jeo. Nang makasakay sa kotse ni Jeo ay sinilip niya sa bintana si Alexis. Hindi pa ito nakasakay ng kotse at pasimpleng nakatingin sa kanila. Patago siyang humagikgik.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
ang tagal nmn nang update
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
hahaha maldita talaga itong si Yana
goodnovel comment avatar
Lance Jorduela
ano ba Yan isang chapter lang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 68 (Final)

    ALAS DOS na ng madaling araw pero wala pa si Alexis. Patikim-tikim lang sa pagkain ang ginawa ni Yana dahil gusto niyang makasabay sa hapunan ang mister. Napatulog na niya ang kanilang anak at inaantok na rin siya pero pilit niyang pinipigil. Humiga na siya sa couch. Kung kailan nakaidlip na siya ay may mga kamay na bumuhat sa kan’ya pero naipangko siya at isinandal sa dingding. “Hoy!” singhal niya ngunit hindi siya nakapalag nang siilin siya nito ng pangahas na halik sa mga labi. Magpuprotesta pa sana siya ngunit nang makilala ang lalaki ay hinayaan niya ito. Si Alexis lang pala, pero nasamyo niya ang amoy alak nitong hininga. Wala ito sa wisyo at pinagbabaklas ang kan’yang damit, walang pakialam kung masasaktan siya. Tinamaan ito ng kalasingan. Nagulat siya sa ginagawa nito pero kalaunan ay nagugustuhan na rin ang marahas nitong kilos. Mabilis nitong napukaw ang init sa kan’yang katawan na nagtaboy sa kan’yang antok. Napaliyad siya nang bumaba na ang bibig ng kan’yang asawa sa le

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 67

    TATLONG araw pagkatapos ng proposal ni Alexis ay nagpasya rin silang bumalik ng Maynila. Sinundo sila ng jet ng lolo ni Yana. Dumiretso na sila sa mansion lalo’t hapon na. Kararating lang din ng lolo niya mula opisina.“Na-miss kita, Apo. Kumusta na?” ani Orlando nang magsalubong sila sa lobby.Nagyakap sila nito. “Heto, nagsisimula na akong maglihi, Lo. Naasikaso naman namin ni Alexis ang isa’t isa,” excited niyang batid.Nabaling naman ang atensiyon ng ginoo kay Alexis. Niyaya sila nitong umupo sa couch.“Alexis, forgive me for my reckless decision. I know you suffered a lot,” wika ng ginoo. Nakaupo ito sa tapat nila.“I didn’t blame you, sir. From the start of our deal, I know my decision will cause trouble in your family, and please accept my apology,” sabi naman ni Alexis.“Please, don’t say that. Kung may mali man sa nangyari, hindi ko isisisi sa ‘yo lahat ‘yon dahil alam ko na ang main goal mo. I admire you for being a hardworking guy with principles. Kaya ako pumayag sa marria

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 66

    NAPAWI ang kaba ni Yana nang haplusin ni Alexis ang kan’yang pisngi. Nakangiti ito.“Bakit ka malungkot?” tanong nito.“Natatakot ako baka kasi hindi na tayo puwedeng magpakasal.”Ngumisi si Alexis, may sarkasmo. “Walang magagawa ang ibang tao kung gusto nating magpakasal ulit. Huwag kang matakot. Nagulo kasi ang records natin dahil sa rush annulment. Hindi madaling mag-process ng annulment unlike sa divorce. Ang iba nga, inaabot ng taon bago maaprobahan, depende sa sitwasyon. Kung mapera ka, mas mabilis ang proseso.”“Kung sa bagay. Puwede naman tayong magsama kahit hindi na kasal ‘di ba?”“Oo naman. Maiintindihan din tayo ng conservative mong lolo. He allowed you to stay with me, meaning, hindi na siya makikialam sa desisyon mo.”“Oo, pumayag si Lolo. Wala rin naman siyang magagawa lalo’t buntis na ako. Hindi naman ganoon kakitid ang utak ni Lolo para pairalin ang pride niya. Wala na tayong problema sa kan’ya. Pero paano pala ang lolo mo?”Muli niyang sinubuan ng pagkain si Alexis,

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 65

    DUMATING din ang nurse at dalawang bodyguards ni Yana. Isinugod nila sa malapit na ospital si Alexis. Tinawagan din niya ang mommy nito para ma-contact si Clarice. Ipinasok nila sa emergency room si Alexis at inasikaso ng doktor. Dumating naman sa ospital si Clarice. “Ano’ng nangyari?” natatarantang tanong nito. “Biglang nawalan ng malay si Alexis. Iniwan ko lang siya sandali habang kumakain,” aniya. “Hay! Hindi na naman siguro siya nakatulog kagabi. Sobrang baba ng BP niya kahapon ‘tapos hindi pa siya kumain.” Nang lumabas ang doktor ay kaagad niyang nilapitan. “Kumusta po ang asawa ko?” balisang tanong niya. “Okay na siya. Kailangan lang niyang makabawi ng tulog at maiwasan ang stress. His blood sugar has dropped, the reason why he passed out. It’s also a complication of severe anxiety. Ilang araw bang hindi kumain ang pasyente?” sabi ng doktor. Nagkatinginan sila ni Clarice. Ito na ang sumagot. “Since last week, hindi po niya kinakain ang pagkaing dala ko. He might eat someth

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 64

    AALIS na sana si Yana ngunit biglang may babaeng nagsalita.“Sino ka? Why are you sneaking around here?” sabi nito.Napakislot pa siya malapit na sa kan’ya ang babae, rehas na bakod lang ang pagitan. Kumabog sa kaba ang kan’yang puso at hindi na makahakbang.“Clarice? Who’s that?” tanong ni Alexis sa babae.Nataranta na siya ngunit nang makitang palapit na rin sa kanila si Alexis ay ginupo naman siya ng pananabik.“Alexis!” tawag niya. Nagpuyos naman ang damdamin niya nang mapansin ang pangayayat ng kaniyang asawa.“Y-Yana?” gilalas na sambit nito. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kan’ya. “B-Bakit ka narito?” tanong nito.“Gusto kitang makausap. Nabasa ko ang message mo. Puwede ba akong pumasok?”“I will open the gate.” Patakbo itong nagtungo sa maliit na gate kaya lumipat din siya roon.Nang mabuksan nito ang gate ay kaagad niya itong sinugod at niyakap. Naghari na ang emosyon sa kan’yang sistema at napahagulgol.“S-Sorry,” tanging nawika niya.“Calm down. Let’s get inside firs

  • Secretly Married To A Heartless CEO   Chapter 63

    TATLONG araw ang nakalipas bago nalaman ni Yana na nasa Baler nga si Alexis. Ang problema, lumala ang morning sickness niya at ayaw siyang payagan ng lolo niya na bumiyahe sa malayo.“Malayo ang Baler at mahihilo ka sa daan,” sabi ni Orlando nang muli niya itong kulitin habang naghahapunan sila.“Pero, Lo, lalo akong mahihirapan kung hindi ko makakausap si Alexis,” aniya.“Tawagan mo na lang siya para siya na ang pupunta rito.”“Hindi nga po makontak ang numero niya. Hindi rin siya sumasagot sa tawag ng mommy niya. Iyong taong pinapunta ng mommy niya sa Baler, itinaboy niya. Please, Lo, hayaan n’yo akong bumiyahe. Baka mas may madaling paraan kayong alam para mabilis akong makarating sa Baler.”Panay ang buga ng hangin ng ginoo, napapasintido. “Ilang araw ka na hindi kumakain nang maayos kakaisip kay Alexis. Isipin mo rin ang sarili mo at ang baby mo, Apo.”“Hindi ko po mapigilang isipin si Alexis. Kung magtatagal pa ‘to, baka lalo akong magkasakit.”“Hay! Huwag naman, Apo. Ganito na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status