"Alam ko na kung ano ang gagawin ko. I already planned it!"
Iyon ang kaagad na sinabi ni Ludwick sa kaniyang ama. Alam niya kasi ang sasabihin nito sa kaniya. Kung gaano siya kawalang kuwentang anak. "You are in that position to protect our family. To protect our business pero ano ang ginagawa mo? Nagpapabaya ka, Uno! May aaasahan pa ba ako sa 'yo? You're the eldest but it seems like that your knowledge is hundred years delayed from your other siblings!" Dali-daling umalis mula sa paningin ng kaniyang ama si Ludwick saka umakyat patungo sa kaniyang kuwarto. Pero bago iyon, inutusan niya muna ang isa sa mga katulong na dalhan siya ng kape sa taas. Habang umaakyat ito patungo sa kaniyang kuwarto, naiisip niya pa rin kung paano ipamukha sa kaniya ng ama kung gaano siya ka walang kuwentang anak. Na kahit ano'ng gawin niya at kahit anong papuri ang matanggap niya, puro mali pa rin niya ang makikita ng ama. Nakaupo ngayon sa harap ng salamin si Ludwick habang pinupunas-punasan ang pistol na hawak. Masiyadong malawak ang sariling kuwarto ni Ludwick. Para na itong isang apartment at puwede nga itong tirahan ng isang pamilya. May mini-living room ang kuwarto niya, sariling banyo, at may terrace din. Malaki rin masiyado ang higaan nito. Kulay puti at purong kahoy lang ang headboard nito. Mayroon ding bookshelves sa loob dahil bukod sa pagbaba-basketball, pagbabasa ang kinahihiligan ni Ludwick. Habang hinihintay na dumating ang pinahanda niyang kape sa isa sa mga katulong, nagtungo siya sa isang shelf na katabi ng bookshelves niya. Nakapatong sa shelf na iyon ang mga tropeyong nakuha niya noong nag-aaral pa siya. Kasama sa mga tropeyo ay ang mga napanalunan niya sa mga academic contests at maging sa sport. Nakadikit naman sa dingding ang mga medalya niyang pinagkasya na lang sa isang frame dahil nga masiyado iyong marami. Ibinaba muna ni Ludwick ang napakakintab niyang pistol at hinawakan ang tropeyo niyang nakuha niya dahil siya ang naging most valuable player noong nagkaroon ng athletic meet no'ng high school siya. Tulad ng imahe na may nakahawak na bola, sabik na sabik na rin siyang maglaro ng basketball. Ganoon pa man, hindi na siya ngayon makapaglaro dahil matagal na siyang pinagbabawalan ng daddy niya simula nang mag-college siya. Ayon kay Don Leandro, hindi basketball ang nababagay na laro para Ludwick kung hindi golf. Ibinalik ni Ludwick ang kaniyang tropeyo at kaagad na itinago sa likod nito ang pistol nang makarinig ng tatlong katok. Kahit wala siyang rason para mapangiti, pinilit nito ang sarili na ngumiti saka binuksan ang pinto. "Sir, andito na po ang kape niyo," saad ng katulong na may katandaan na. "Naghugas din pala ako ng mansanas at nilagay iyon sa isang tray at katabi noon ay ang asin sa platito. Baka kasi gusto niyong kumain no'n. Balikan ko na lang mamaya sa baba kung gusto niyong kumain no'n." Napasinghal si Ludwick saka tinanggap ang platito kung saan nakapatong ang basong may kape. "Huwag na kayong mag-abala pang kunin iyon, Manang. Ako na lang ang kukuha noon para hindi ka na magpabalik-balik pa." Tumango ang katulong at hindi na nag-abala pang magtagal sa loob. Alam na alam ng katulong kung ano ang mga paborito ni Ludwick dahil ito ang naging bantay niya simula nang bata pa siya. Hindi rin naman nais pa ni Ludwick na magpabalik-balik ang katulong dahil baka maging sanhi lang ito para matagalan siya sa kaniyang gagawin. Pinainit muna ni Ludwick ang sarili sa pamamagitan ng pag-inom ng kape. Pagkatapos noon ay kinuha na niya ang kaniyang pistol. He locked his room and closed the tinted doors that lead to the balcony. May kinuha rin siyang papel at may nakasulat doon. Dala iyon at ang pistol niya, binuksan ni Ludwick ang isa sa mga pintuan sa loob ng kuwarto niya na siya lamang ay may hawak ng susi. His brothers knew that he has a room inside his room but none of them knew what's inside the secret room. Bumulaga kay Ludwick ang kulay pulang ilaw na umaangkin sa maliit na silid. Sa loob ay naroon ang iba't ibang klase ng baril mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki. Ngunit hindi iyon ang pakay niya. Nagtungo siya sa isang napakalaking painting na ilang pulgada ang haba kaysa sa kaniya saka kinuha iyon. Magaan lang ang painting dahil hindi naman talaga mamahaling kahoy o tunay na kahoy ang ginamit na frame kahit na may kalakihan iyon. Sinadya rin iyon ni Ludwick dahil pantabing lang talaga ang purpose ng painting na iyon. Lalaking nakamaskara at may nakabukang pakpak ang nasa painting. May hawak din itong baril at nakatutok sa kung sino man ang titingin dito. Nang matanggal na ang painting, bumungad ang isa pang pinto. Isa talaga itong malaking kuwarto noon at hinati lang ni Ludwick to serve different purposes. Pagkabukas niya ng pinto ay tumambad ang mga nagkakalat na papel at may mga butas iyon, ang iba ay napino. Tulad ng hawak niya ngayong papel may mga nakasulat doon ngunit hindi na mabasa gawa ng pagkasira nito. Walang kibong naglakad patungo sa isang standee si Ludwick saka idinikit sa gitnang bahagi, sa bandang dibdib ang papel. "Dominador Escalante." Iyon ang pangalan ng chief of police ng San Catalia. Bakit idinikit ni Ludwick ang pangalan nito doon? Napangisi si Ludwick. Parang kakaibang Ludwick iyon. Parang hindi iyon ang Ludwick na biglang tumatahamik kapag napapagalitan ng ama. Sobrang itim ng aura na bumabalot sa kaniya ngayon. Umatras nang umatras si Ludwick hanggang sa marating niya ang isang upuan. May upuan pala roon na katapat lang ng standee. Mayroon din itong arm rest at nakapatong roon ang isang apple. Bakit? Muling napangisi si Ludwick at napasandal sa upuan habang naka-lady cross ang mga paa. Mayamaya pa ay kinuha niya sa kaniyang bulsa ang isang eye mask. Hindi nagtagal, itinutok niya ang kaniyang baril sa isang standee. Kinontrol niya ang kaniyang braso para hindi gumalaw nang gumalaw. Nang masiguro niyang tantiyado na niya ang lahat, isang putok ang umalingawngaw sa loob. Putok na siya lang ang makakarinig dahil sound proof ang kuwartong ito at pinasadya niyang lagyang ng kung ano-ano ang silid para maging soundproof ito at para hindi rin makatagos ang bala. Tinanggal niya ang kaniyang eye mask saka hinipan ang usok na nanggagaling sa baril. Napasulyap siya sa kaniyang gilid at nakita ang apple. Ipinunas niya iyon sa kaniyang damit. Napatingin siya sa papel at asintadong-asintado niya ang pinakagitna nito. Napangisi siya at pagkaraan ay kinagat ang apple. "You're next," saad nito at muling nagpaputok dahilan para tuluyan nang matumba ang standee kung saan nakalagay ang pangalan ng chief of police kanina. "You have your plans? I already have mine.""Ang pangit mo, gago" mahinang sabi ni Leopoldo kay Ludwick, saka pinasunod ito sa kaniya. Nasa tapat sila ng isang internet cafe, Indulge Hub ang pangalan. "Alam mo naman na pasikot-sikot dito pero sana, umakto kang baguhan."Ludwick was wearing a suit. His white polo was covered with an unbuttoned black coat. He was also wearing a black slacks and shoes. Pero hindi ang suot niya ang agaw pansin. Iyon ay ang maskarang suot niya. He wanted some part of his face covered. Para iwas na rin sa issue at baka may makakita sa kaniya rito makilala siya. Then again, mayor siya ng San Catalia.Ang aakalain mong isang simpleng internet cafe ay selda pala ng mga lulong sa pagsusugal. Lahat ng uri ng pagsusugal ay narito. Kahit ano, basta puwedeng pagpustahan makikita rito."Kung gusto mong makaisa, punta ka sa taas. Maraming babae roon," biro pa ni Leopoldo na tulad ni Ludwick ay maayos din ang suot. Kaunti na lang ay pareho na sila, wala nga lang coat, at maskara si Leopoldo. "Arrête de me harc
Kanina pa katok nang katok si Ludwick sa kuwarto ni Leopoldo. Nagtanong na rin siya sa mga katulong kung lumabas ba itong kapatid niya ngunit walang alam ang mga ito."Fifth! Open the door, now!" sigaw ni Ludwick nang mapagod na siya kakakatok. Sinubukan niya ring pihitin ang busol ng kuwarto ngunit naka-lock. "Ano ba? I have an important thing to ask. Buksan mo!" Nakapamaywang na lang sa inis si Ludwick. Hindi nagtagal, muli niyang naisipang idikit ang kaniyang tainga sa pinto para pakinggan kung sakaling may ginagawa ang kapatid. Mayamaya pa, bigla na lang siyang napalundag sa gulat nang may magsalita mula sa likod niya. "Mayor ka ba talaga o tsismoso? Umalis ka nga riyan." Si Leopoldo iyon at may hawak iyong isang makapal na libro. Maayos din ang suot nito at mukhang may nilakad ito. Seryosong-seryoso ang datingan nito."Hell! Saan ka ba nagpupunta?" tanong ni Ludwick at hindi na maiguhit ang kaniyang mukha dahil sa inis."Ulol! Puwede bang tigilan mo ang katatanong?” Inis nitong
"Mayor, nagkakagulo po sa labas!" Kaagad na itinabi ni Ludwick ang papel na kanina niya pa binabasa para sana pirmahan at aprubahan ang isang proyekto. "Bakit? Ano'ng mayro'n?" tanong nito sa isa LGU worker na siyang nagsabi sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kaagad niyang binutones ang kuwelyo ng kaniyang polo at tinupi hanggang siko ang sleeves nito, habang naglalakad palabas.Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa pagitan ng kuwelyo niya nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw. Alas diyes na kasi ng umaga at walang patawad kung magbigay ng init ang haring araw. "Mayor, tulungan niyo po kami.""Ikaw na lang ang maasahan namin.""Wala na kaming ibang malalapitan pa.""Maawa po kayo sa amin. Tulungan niyo po kami."Ilan lang iyon sa bumungad na hinaing kay Ludwick. Hindi bababa sa sampu ang naroon sa may gate at umiiyak ang mga ito. May mga papel din silang hawak at ang iba ay nakalukot na. "Bakit? Ano'ng problema natin? Anong tulong ang maaari kong maibiga
The water dripped down to every sculpted part of Ludwick's body. His perfectly chiseled chest was overly exposed as sunlight struck over it, so as his rock-hard abs. Katatapos niya lang maligo sa swimming pool at kasalukuyan niya ngayong pinupunasan ang katawan ng kulay puting tiwala na may golden "LD" embroidery. He was just wearing shorts and because he was wet, his asset that strains through his shorts has nowhere to hide. Bakat na bakat!"Kuya!" naalerto si Ludwick sa sigaw ng kapatid lalo na nang may ihagis ito sa kaniya. Kaagad naman niyang nasalo ang hinagis nito at isa iyong susi.Tinitigan ni Ludwick ang susi at napatingin siya sa kapatid nang mapagtantong susi iyon ng sasakyan."Para saan ito, Fifth?" Napasinghal si Leopoldo saka natawa. "Of course, para sa 'yo. Ihahagis ko ba 'yan sa 'yo kung para kay dad' yan?""I never asked for one,” buwelta naman ni Ludwick."Can't you just accept it?" iritadong tanong ni Leopoldo.Napailing si Ludwick saka ipinulupot ang tuwalya sa k
Nakauwi na sa kanilang bahay si Ludwick matapos ang naging insidente kagabi. Wala naman siyang malalim na sugat maliban sa sugat sa kaniyang pisngi kung kaya hindi na niya kinailangan pang magtagal sa loob ng hospital. Hindi naman ganoon kalalim ang ginawa niyang sugat kung kaya'y mapapadali lang ang paghilom nito. May medical band-aid na rin sa sugat niya. Isa pa, kung mangailangan man siya ng tulong medikal, madali lang iyong masusolusyunan lalo na at doktor ang kapatid nitong sumunod sa kaniya, si Lewis. Her mom was so worried about him. Halos maglumpasay ito sa hospital dahil sa pangamba na baka natamaan talaga ang anak. Except for Lewis, none of his siblings knew about what happened. His brothers were probably busy feeding their sinful desires. Hindi pa nga umuuwi ang mga ito simula kagabi. Lewis, on the other hand, made sure that his brother had the best treatment especially the cleaning of wounds. He was also worried and tried to talk to Ludwick but Ludwick just said he want
Hindi lubos akalain ni Ludwick na magsasama sila ng chief of pulis sa iisang sasakyan. Hindi niya ginamit ang sasakyan niya at lulan siya ng sasakyan ng chief of police ng San Catalia. Para rin naman daw iyon sa seguridad niya kaya pumayag na lang siya. Naisip din ni Ludwick na gamitin ang pagkakataong iyon upang makausap ang pulis. Mayamaya pa, kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinipa. Kalaunan, s-in-end niya iyon sa hindi nakapangalang number. Pareho silang tahimik ngunit nagpapalitan ng mga tingin sa salamin. Nasisigurado na ni Ludwick na sinususpetsahan siya ng chief of police na ito. Ilang minuto na ang lumipas at kasalukuyan na silang nasa bahagi ng Dalaganan kung saan mailap ang kabahayan. May mga balitang nagsasabing dito naglalabas-masok ang mga rebelde dahil masukal ang bahagi na ito. May mga tao namang natatakot dumaan dito dahil madalas daw magpakita rito ang mga kung ano-anong klase ng kababalaghan. "Natatakot ka ba, Mayor?" may bahid ng pang-iinsulto ang tono