“Pormal nang inanunsiyo ng mayor ng San Catalia na si Mayor Ludwick Dargan ang kaniyang pagtakbo bilang mayor sa ikatlong pagkakataon sa nasabing lugar. Kung papalarin, ito ang kaniyang magiging huling termino bilang alkalde.” Habang nagsasalita ang reporter, nagfla-flash sa likod nito ang larawan ni Ludwick na may hawak na tropeyo. “Matatandaang gumawa ng ingay ang pangalan ng mayor nang tanging ang lugar lamang nito ang nakatanggap ng Seal of Good Local Governance sa rehiyon nila. Maliban dito, simula nang umupo ito, hindi na nawala listahan ng mga mayayamang siyudad ang San Catalia sa bansa."Pagkatapos magsasalita ng reporter, sinundan iyon ng isang clip kung saan si Ludwick naman ang nagsasalita."Yes, I will finish what I started. Isa pa, gusto ko rin talagang mas makilala pa ang San Catalia and the only way I know to make it happen is by running again as a mayor." Ngumiti ito at inayos ang kwelyo ng kaniyang gray short-sleeved polo. "If the stars align for me, my mission to ser
Terakhir Diperbarui : 2025-08-28 Baca selengkapnya