Hindi pa mag-iisang oras simula nang magkaayos si Sadie at Ludwick ngunit kanina pa hindi mapakali si Ludwick dahil inuulan na ng messages at missed calls ang cellphone niya. Hindi lang ito alam ni Sadie dahil naka-vibrate mode lamang ang cellphone ng nobyo.
"I know this fits on me perfectly." Abot tainga ang ngiti ni Sadie habang pinapakita kay Ludwick ang singsing na ibinalik nito sa kaniya. "Anyway, nag-order ka na ba ng pagkain for our lunch? If not, ako na lang since ilang beses na akong nagpa-deliver ng pagkain dito." Umusog si Ludwick palapit kay Sadie. Pareho silang nakaupo sa napakalaking king-sized maroon-colored bed. "Uhm . . . Sadie." Napahinto si Ludwick. Nag-aalangan siya kung ipagpapatuloy ba niya ang pagsasalita. Ganoon pa man, kung mananatili lang siya rito hindi lang siya ang manganganib sa kaniyang ama, manganganib ang buong pamilya nila—ang apelyidong pinakaiingat-ingatan nila. Naghihintay ng tiyempo si Ludwick ngunit kung gagawin niya iyon, baka mamaya pa siya makapagpaalam sa kasintahan. Awtomatiko siyang napatayo nang mag-vibrate muli ang kaniyang cellphone. "I'm really sorry," saad nito saka hinalikan sa noo si Sadie. "I have to go. There's an emergency." Niyakap muna nito si Sadie saka nagmdaling lumabas. Hindi nito hinitay na makapagsalita si Sadie. Labag sa kalooban niya ang kaniyang ginawa pero wala siyang oras na dapat sayangin. Kinuha niya ang kaniyang cellphone saka sinagot ang tawag. "What the hell are you doing and where are you?! May mga nakumpiskang mga baril ang mga pulis! Akala ko ba kontrolado mo ang mga pulis na iyan. Such a disappointment!" "Fuck!" iyon na lamang ang nasabi ni Ludwick at napakagat siya ng kaniyang labi dahil sa kaba. "That chief of police is such a headache. Akala ko pa naman ay mapapaamo ko siya," dagdag pa nito at dali-daling lumabas. Pinaharurot nito ang kaniyang sasakyan patungo sa city hall at kaagad na nagtungo sa police station upang makapag-isip na siya ng kung ano ang magiging aksyon niya. "Mayor, ano ang atin?" iyon ang bumungad sa kaniyang tanong galing sa isang lalaking naka-uniporme at may matikas na tindig. Parang nakahanda naman ang mga kamay nito dahil sa nakahawak ito sa kaniyang holster. Ludwick's facing the new chief of police of San Catalia. Tapos na rin si Ludwick sa pag-background checking rito at wala siyang nakitang anumalya sa serbisyo ng bagong chief of police. Marami rin itong nahuling mga nagtutulak ng droga at marijuana noong nagseserbisyo pa ito sa dating lugar kung saan ito nadestino. Nagsisisi siya kung bakit nakinig siya sa desisyon ng konseho na i-appoint ang lalaking ito. Hindi naman tumutol ang Police Commission na i-apoint ang chief of police na ito. Ganoon pa man, wala pa ring magagawa si Ludwick sakaling hindi nagkasundo ang desisyon nila at ng municipal council, nasa Police Commission pa rin ang huling desisyon. Ludwick smirked and acted as if he's not bothered with the chief of police's aura. Hindi natatakot si Ludwick sa pulis na ito. Ganoon pa man, hindi niya kayang magpakakampante dahil walang kinikilala ang pulis na ito. Lahat ng lumalabag sa batas ay binabangga. Mapa-kapuwa pulis man, sibilyan, o mayor na tulad niya. "I heard na may mga nakumpiska kayong mga baril. . ." Bago pa man matapos ni Ludwick ang dapat niyang sasabihin, the chief of police cut him off. "And so?" Ludwick clenched his jaw because of the police's response. He then looked at the police's eyes and they both exchanged sharp glares. "I'm the mayor of this place." Ludwick kept moving his head, more like he was nodding. It was also his way of showing how confident he was. "I have the power to supervise and control the PNP units under my jurisdiction." Hindi nagpatinag ang pulis. Malakas lang itong tumawa at tinitigan si Ludwick. "Yes. Ikaw ang mayor at labas ka na rito." Parang may bumubulong kay Ludwick na pinagsususpetsahan siya ng pulis, bagay na ayaw niyang mangyari. Kailangan mayroon siyang gawin bago pa malayo ang marating ng pulis na ito sakaling mayroon itong ginagawang imbestigasyon sa kaniya. "Labas? The local government is entrusted with the funding and your salaries. I wanted to know the details for me to make a plan on how to stop this. In case you don't know, a mayor and someone like you should be working as one for the peace and order of this place. Who knows, baka may nag-o-operate rito sa San Catalia. As a mayor, my people's welfare is all that I care about." Napailing ang pulis at napangisi ito. "Mayor, sa pagkakaalam ko ay may limitasyon ang trabaho mo. Focus on how you can generate a good revenue in this place. Isa pa, you already gave a detailed plan on how to maintain peace and order and we, the policemen, agreed. Puwede bang dito, huwag ka munang makialam?" Inakbayan siya ng pulis na para bang matalik silang magkaibigan. "And to tell you, may plano na ako tungkol dito at alam ko na kung saan magsisimula." Napasulyap si Ludwick sa kamay ng pulis na nakahawak sa kaniyang balikat. Gusto niya iyong baliin at pinuin ang mga buto nito. Tinanggal ni Ludwick ang pagkakaakbay ng pulis at maging siya ay napangisi sa pulis. Kung wala sana siyang imahe na pinoprotektahan, baka nga ay sinuntok na niya ito. "Are you trying to say that crime-related issues are out of my responsibility? Is that what you are trying to imply?" "No, Mayor." Nakangiti pa rin ang pulis. "What I'm trying to say is . . . matuto kang huwag lumampas sa linya mo. Hindi dahil ikaw ang mayor, ikaw na ang masusunod sa lahat. Sakop mo ang buong San Catalia pero hindi mo sakop ang pag-iisip ng ibang nakapaloob sa bayan mo." "Is. . ." Hindi na naman nakatapos sa pagsasalita si Ludwick dahil sinapawan siya ng pulis. "Huwag kang mag-alala, Mayor. Loose firearms ang nakumpiska namin at lahat ng iyon ay hindi rehistrado. Wala rin kaming nahuling may-ari noon dahil nang pasukin namin ang isang bahay, walang tao roon." Tumango lang si Ludwick habang iniisiip kung bakit nagkaroon ng operation ang mga pulis nang hindi niya nalalaman. Hindi niya rin maiwasang mamangha na naisipan ng pulis na ito na umaga gawin ang operation para hindi makapaghanda ang papasukin nila. Mabuti na lang talaga at walang nahuli. "At paalala lang, Mayor Ludwick," dagdag pa ng pulis dahilan para malayo ang utak niya sa iniisip niya kanina. "Wala kang dapat ikabahala sa magiging future operations. Wala ka naman sigurong pinoprotektahan, 'di ba?" Hindi nakasagot si Ludwick. Umiiling habang napapangiting umalis sa kaniyang harap ang pulis. Gusto niyang tanggalin ang chief of police na ito ngunit wala siyang mahanap na rason para i-suspend ito. His records were clean and terminating him might cause public chaos. Nagbunyi ang mga taga-San Catalia nang ma-assign as chief of police ito kaya kung matatanggal ito, baka magkagulo at pati siya ay kuwestyunin."Ang pangit mo, gago" mahinang sabi ni Leopoldo kay Ludwick, saka pinasunod ito sa kaniya. Nasa tapat sila ng isang internet cafe, Indulge Hub ang pangalan. "Alam mo naman na pasikot-sikot dito pero sana, umakto kang baguhan."Ludwick was wearing a suit. His white polo was covered with an unbuttoned black coat. He was also wearing a black slacks and shoes. Pero hindi ang suot niya ang agaw pansin. Iyon ay ang maskarang suot niya. He wanted some part of his face covered. Para iwas na rin sa issue at baka may makakita sa kaniya rito makilala siya. Then again, mayor siya ng San Catalia.Ang aakalain mong isang simpleng internet cafe ay selda pala ng mga lulong sa pagsusugal. Lahat ng uri ng pagsusugal ay narito. Kahit ano, basta puwedeng pagpustahan makikita rito."Kung gusto mong makaisa, punta ka sa taas. Maraming babae roon," biro pa ni Leopoldo na tulad ni Ludwick ay maayos din ang suot. Kaunti na lang ay pareho na sila, wala nga lang coat, at maskara si Leopoldo. "Arrête de me harc
Kanina pa katok nang katok si Ludwick sa kuwarto ni Leopoldo. Nagtanong na rin siya sa mga katulong kung lumabas ba itong kapatid niya ngunit walang alam ang mga ito."Fifth! Open the door, now!" sigaw ni Ludwick nang mapagod na siya kakakatok. Sinubukan niya ring pihitin ang busol ng kuwarto ngunit naka-lock. "Ano ba? I have an important thing to ask. Buksan mo!" Nakapamaywang na lang sa inis si Ludwick. Hindi nagtagal, muli niyang naisipang idikit ang kaniyang tainga sa pinto para pakinggan kung sakaling may ginagawa ang kapatid. Mayamaya pa, bigla na lang siyang napalundag sa gulat nang may magsalita mula sa likod niya. "Mayor ka ba talaga o tsismoso? Umalis ka nga riyan." Si Leopoldo iyon at may hawak iyong isang makapal na libro. Maayos din ang suot nito at mukhang may nilakad ito. Seryosong-seryoso ang datingan nito."Hell! Saan ka ba nagpupunta?" tanong ni Ludwick at hindi na maiguhit ang kaniyang mukha dahil sa inis."Ulol! Puwede bang tigilan mo ang katatanong?” Inis nitong
"Mayor, nagkakagulo po sa labas!" Kaagad na itinabi ni Ludwick ang papel na kanina niya pa binabasa para sana pirmahan at aprubahan ang isang proyekto. "Bakit? Ano'ng mayro'n?" tanong nito sa isa LGU worker na siyang nagsabi sa kung ano ang nangyayari sa labas. Kaagad niyang binutones ang kuwelyo ng kaniyang polo at tinupi hanggang siko ang sleeves nito, habang naglalakad palabas.Kinuha niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa pagitan ng kuwelyo niya nang tumama sa kaniyang mga mata ang sinag ng araw. Alas diyes na kasi ng umaga at walang patawad kung magbigay ng init ang haring araw. "Mayor, tulungan niyo po kami.""Ikaw na lang ang maasahan namin.""Wala na kaming ibang malalapitan pa.""Maawa po kayo sa amin. Tulungan niyo po kami."Ilan lang iyon sa bumungad na hinaing kay Ludwick. Hindi bababa sa sampu ang naroon sa may gate at umiiyak ang mga ito. May mga papel din silang hawak at ang iba ay nakalukot na. "Bakit? Ano'ng problema natin? Anong tulong ang maaari kong maibiga
The water dripped down to every sculpted part of Ludwick's body. His perfectly chiseled chest was overly exposed as sunlight struck over it, so as his rock-hard abs. Katatapos niya lang maligo sa swimming pool at kasalukuyan niya ngayong pinupunasan ang katawan ng kulay puting tiwala na may golden "LD" embroidery. He was just wearing shorts and because he was wet, his asset that strains through his shorts has nowhere to hide. Bakat na bakat!"Kuya!" naalerto si Ludwick sa sigaw ng kapatid lalo na nang may ihagis ito sa kaniya. Kaagad naman niyang nasalo ang hinagis nito at isa iyong susi.Tinitigan ni Ludwick ang susi at napatingin siya sa kapatid nang mapagtantong susi iyon ng sasakyan."Para saan ito, Fifth?" Napasinghal si Leopoldo saka natawa. "Of course, para sa 'yo. Ihahagis ko ba 'yan sa 'yo kung para kay dad' yan?""I never asked for one,” buwelta naman ni Ludwick."Can't you just accept it?" iritadong tanong ni Leopoldo.Napailing si Ludwick saka ipinulupot ang tuwalya sa k
Nakauwi na sa kanilang bahay si Ludwick matapos ang naging insidente kagabi. Wala naman siyang malalim na sugat maliban sa sugat sa kaniyang pisngi kung kaya hindi na niya kinailangan pang magtagal sa loob ng hospital. Hindi naman ganoon kalalim ang ginawa niyang sugat kung kaya'y mapapadali lang ang paghilom nito. May medical band-aid na rin sa sugat niya. Isa pa, kung mangailangan man siya ng tulong medikal, madali lang iyong masusolusyunan lalo na at doktor ang kapatid nitong sumunod sa kaniya, si Lewis. Her mom was so worried about him. Halos maglumpasay ito sa hospital dahil sa pangamba na baka natamaan talaga ang anak. Except for Lewis, none of his siblings knew about what happened. His brothers were probably busy feeding their sinful desires. Hindi pa nga umuuwi ang mga ito simula kagabi. Lewis, on the other hand, made sure that his brother had the best treatment especially the cleaning of wounds. He was also worried and tried to talk to Ludwick but Ludwick just said he want
Hindi lubos akalain ni Ludwick na magsasama sila ng chief of pulis sa iisang sasakyan. Hindi niya ginamit ang sasakyan niya at lulan siya ng sasakyan ng chief of police ng San Catalia. Para rin naman daw iyon sa seguridad niya kaya pumayag na lang siya. Naisip din ni Ludwick na gamitin ang pagkakataong iyon upang makausap ang pulis. Mayamaya pa, kinuha niya ang kaniyang cellphone at may tinipa. Kalaunan, s-in-end niya iyon sa hindi nakapangalang number. Pareho silang tahimik ngunit nagpapalitan ng mga tingin sa salamin. Nasisigurado na ni Ludwick na sinususpetsahan siya ng chief of police na ito. Ilang minuto na ang lumipas at kasalukuyan na silang nasa bahagi ng Dalaganan kung saan mailap ang kabahayan. May mga balitang nagsasabing dito naglalabas-masok ang mga rebelde dahil masukal ang bahagi na ito. May mga tao namang natatakot dumaan dito dahil madalas daw magpakita rito ang mga kung ano-anong klase ng kababalaghan. "Natatakot ka ba, Mayor?" may bahid ng pang-iinsulto ang tono