Share

One Night with the Boss - Chapter 16

One Night with the Boss - Chapter 16

TUMUPAD naman sa pangako si Liam. Naging maginoo na ang pakikitungo kay Abigail sa halos lahat ng oras na magkasama sila.

Kung pababayaan siguro niya ang sarili na mangarap nang gising at maniwala sa mga panaginip na nagkakatutoo, baka isipin na niyang nanliligaw ang lalaki sa kanya.

Pero ang iba ang babaeng minamahal ni Liam…

Bumuntonghininga si Abigail habang kinakapa ang kuwintas sa leeg. Nitong mga huling araw, ginawa na niyang ‘tagagising’ ang kuwintas ni Mia para hindi siya matuluyang mahibang.

Ang utak na lang kasi ang narerendahan ng tamang katwiran, hindi ang kanyang puso.

“Hello, Miss Dreamer.” Kumaway pa ang nakangiting si Winnie bago ipinakita ang dalang folder.

“H-ha? Ikaw pala, Winnie. Pasensiya na. Hindi kita agad napansin.”

“Narito na ang mga pay checks natin. Nandiyan ba

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status