Share

Purchased by the Boss - Chapter 7

Purchased by the Boss - Chapter 7

Tumango agad si Rosario. Kahit na hindi niya gaanong naintindihan ang idinahilan ni Gringo. Pagpapahingahin daw siya ngayong araw na ito.

Hanggang gabi kaya?

Para namang naging mind-reader ang lalaki. "Tonight, it's gonna be another exciting, satisfying night for both of us," pangako nito habang ngumingiti nang papilyo sa kanya.

Nakaligtas naman si Rosario na magkumento dahil may kumatok sa pinto.

"Si Neneng na siguro 'yan," pahayag ni Gringo habang tumitindig. "Magpaasikaso ka sa kanya. Kahit na ano'ng nais niyang gawin sa iyo para ma-relax ka, pumayag ka lang. Kapag tumutol ka, ako mismo ang mag-aasikaso sa 'yo, okey?"

Kinindatan siya ng asawa nang makita ang pagba-blush niya.

May tulak na wheeled trolley ang katulong. Nakangiti ito sa among lalaki nang pagbuksan ng pinto.

"Gising na po ba si ma'am?" tanong nito bago siya namataan na nakaupo sa malapit sa malalaking bintana, kungsaan nak

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status