Nanlulumong napaluhod si Tajana para tingnan mabuti ang mga litratong nakakalat sa sahig. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Malinaw ang nasa kanyang harapan. Lahat ng mga bagay na salungat sa kagustuhan ng ni Don Ismael ay kitang-kita na ginawa ni Tajana. Sa mga oras na iyon ay tila hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin.
Kung magsasalita ba ko, makikinig ba sila?
Kung magpapaliwanag ba ko, maiintindihan ba nila?
May bumabalot na kirot sa puso ni Tajana habang si Don Ismael ay patuloy na sumisigaw at nagsasalita ng mga panlalait sa kanyang apo. Tuluyan ng pumatak ang luha ni Tajana dahil hindi siya makapaniwala na kung kailan niya inaayos ang kanyang buhay ay saka pa malalaman ng kanyang lolo ang tungkol sa nakaraan niya.
"Isa pa, akala mo bang hindi ko alam na hinahanap mo ang iyong ina?"
Umangat ang tingin ni Tajana kay Don Ismael dahil hindi rin siya makapaniwala na pati iyon ay nalaman ng matanda.
Matapos ang paglabas ng mga sikreto na pilit itinatago ni Tajana sa lahat ay tuluyan ng nawalan ng pakialam sa kanya si Don Ismael. Ni-hindi niya kinausap ang kanyang apo ng harapan. Hindi na din nadinig pa ni Tajana ang boses nito kahit na alam niyang galit ito sa kanya.Nakahanda na ang ilang gamit ng dalaga para sa kanyang pag-alis. Nag-uunahan pa rin ang paglabas ng kanyang mga luha. Kahit na pilit niyang pinipigilan ang kanyang nararamdaman ay patuloy pa rin niya itong napapakita. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang maging maayos ang lahat. Pero alam din niyang wala na siyang babalikan pang pamilya ngayon.Tatlong beses na kumatok si Tajana habang tinatawag si Don Ismael sa kwarto. Pero hindi pa rin lumabas ang matanda."Lo... Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Alam ko po na... Sobra ko kayong nasaktan." Unti-unti ng humihina ang boses ni Tajana habang siya ay nagsasalita sa tapat ng pinto ng kwarto ng kanyang lolo."Mahal na mahal ko po kayo lolo.
Halos hindi nakatulog si Tajana sa buong magdamag. Ngayon ay kasalukuyan siyang nakatingin sa salamin. Pinagmamasdan niya ang kanyang sarili habang inaalala ang lahat ng nangyari. Ngayon ay wala ng natira sa kanya. Wala ng nagmamahal sa'kin. Iniwan na nila kong lahat. Tuloy ang paghikbi ng dalaga habang bumabalik sa isipan niya ang mga masasakit na narinig niya sa kanyang pamilya pati na rin kay Calvin. Iniisip ko kung anong mali sa'kin. Bakit ako iniiwan palagi? Ang mga magulang ko. Hindi nila ko hinanap pa. Wala silang pakialam sa'kin. Pero ako ito at umaasa na makita sila. Napapagod na ko sa buhay ko. Bakit kailangan 'tong mangyari? Pati si Calvin ay wala na sa'kin. Hindi ko na alam ang gagawin ko... "Saan ka pupunta?" tanong ni Simon ng makita ang papaalis na si Calvin. Tumigil ang binata sa paglalakad pero hindi ito humarap sa kanyang ama. "May lalakarin lang po." "Pupuntahan mo ba si Tajana?" Hindi nakaimik si Calvin sa tanong ng kanyang ama. "Ano bang tumatakbo sa isip m
Tuloy pa rin ang pagmamasid ni Tajana sa mga magagandang damit habang sila ay naglalakad ni Zoe. Nagpasama sa kanya ito para mamili sa mall."Zoe, hindi na kailangan.""Huwag ka ng mahiya. Pumili ka ng mga damit na gusto mo. Ako ang bahala sa lahat.""Okey lang talaga ko. Meron naman akong maaayos na damit." Tiningnan ni Zoe ang buong kasuotan ni Tajana."Alam mo hanggang ngayon sinasanay ko pa rin ang sarili ko na makita ka sa ganyang klaseng damit. Pati iyong pagtawag ko sayo ng Tajana. Okey lang ba na Jana pa rin ang itawag ko sayo?""Ikaw ang bahala.""Good. Let's go Jana."Kahit na ayaw pumayag ni Tajana ay bumili pa rin ng mga damit si Zoe para sa kanya."How about we go to a party tonight?" masiglang tanong ni Zoe."Zoe, naglibot na tayo buong maghapon. Saka maaga pa kong maghahanap ng trabaho bukas.""Ako na ang bahala do'n. I'll make sure na magkakatrabaho ka bukas. Kaya please samahan mo na ko sa party.""Sa totoo lang Zoe ayoko ng pumunta sa mga club. Alam mo naman na isa '
Matapos ang nangyari sa club ay nagdalawang-isip na si Tajana na sumama pa kay Zoe. Kitang-kita niya sa mga mata nito na sasaktan siya nito. Ayaw niyang dagdagan pa ang problema niya. Kaya naman hindi na muna siya nakipag-usap pa kay Zoe. Tinatawagan din siya nito pero hindi niya sinasagot. Nagsend lang siya ng message na nagsasabing hayaan muna siya nito dahil gusto mo na niyang ayusin ang buhay niya."Tajana!"Mabilis na naglakad si Tajana ng makita niya ang babaeng tumawag sa kabilang kalye ay si Zoe.Mabilis din naman siyang naabutan ni Zoe at hinawakan sa braso niya para mapatigil sa paglalakad. Huminto na rin naman sa paglalakad si Tajana."Ano 'yon? Umiiwas ka ba sa'kin? Galit ka pa rin ba?" tarantang tanong ni Zoe."Hindi naman sa gano'n. Sinabi ko na sayo 'di ba? Magiging abala ako sa mga susunod na araw kasi inaayos ko iyong buhay ko dito sa syudad.""Pwede naman kitang tulungan tungkol diyan. Wala kang pamilya dito at kaibigan.""Zoe, gusto kong maging responsable at subuka
Nanlamig ang buong katawan ni Tajana ng makita niya ang nakangiting si Zoe. "A-Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?!" Puno ng takot at galit ang nararamdaman ngayon ng dalaga. "Wala man lang bang good morning diyan? Saka bakit ka sumisigaw? May masama ka bang napaginipan?" sabay hawak nito ng dahan-dahan sa mukha ni Tajana.Agad na lumayo si Tajana kay Zoe ng hawakan siya nito."Paano ka nakapasok dito?""Ano pa nga ba? Syempre alam ko ang passcode mo. Sabi ko nga sayo hahanapin kita palagi. Hindi ko hahayaan na mag-isa ka.""Zoe naman, tigilan mo na ko please lang. Madami ng nangyayari sa buhay ko. Umalis ka na." pagmamakaawa ni Tajana habang nanggigilid na ang luha nito."Sssh. Ano ka ba Jana. Ayokong nakikita kang umiiyak saka alam kong madami kang pinagdadaanan. Papasayahin kita okey?"Mabilis na pumunta si Tajana pabalik ng kanyang kwarto at hinanap ang kanyang cellphone.Lumapit lang naman si Zoe sa pintuan nito saka sumandal doon.Tumawa ito."Jana, don't make things s
Paulit-ulit tiningnan ni Terrence ang pangalan ng aplikante sa papel. Tajana Canizales. Gulong-gulo ang isip niya ngayon. Unti-unti ng nawawala sa isip niya si Tajana. Pero ito at mababasa niya ang pangalan ng babaeng gusto na niyang kalimutan ng tuluyan.Nagkataon lang ba? O si Tajana talaga 'to?Binalita sa kanya ng empleyado na hindi sumasagot ang isang natanggap na aplikante kaya naman kailangan ng pumili ng kapalit."Itong Tajana Canizales. Hindi ba 'to nakapasa?""Ahh si Ms. Canizales po iyong aplikante na isa sa mga napili. Pero hindi po niya sinasagot ang tawag sa kanya kahapon pa."Agad na napatayo si Terrence ng marinig niya iyon. Hindi siya sigurado kung si Tajana ang babaeng tinutukoy pero nakaramdam siya ng pag-aalala."Anong ibig mong sabihin? Try to call her again." utos ni Terrence."Pero sir, sinubukan ko na po kanina. Kaya lang mukhang nakapatay ang cellphone.""I said try to call her again." may diin niyang utos kaya naman mabilis na tinawagan muli ng empleyado si
"Huh?" nagtatakang tumingin ang binata.Tumawa ng malakas si Tajana dahil sa naging reaksyon ni Terrence. "Binibiro lang kita. Ang seryoso mo naman." Kahit na nasa trabaho na si Terrence ay tuloy pa rin ang pag-alala niya sa tanong ni Tajana. Hindi siya makapaniwala na magbibiro ng gano'n ang dalaga. Pero binaliwala na lang niya ito. Para sa kanya ay mas maganda na makita niyang nakakangiti si Tajana kesa makita niya muli itong nakatulala lamang sa kawalan. "Nandito na ko." imik ni Terrence ng makauwi siya. Inaasahan niya na lalabas si Tajana para salubungin siya pero hindi niya ito nakita. Kaya naman nagtuloy lang siya sa paglakad papasok. "Tajana?" tawag niya sa pangalan ng dalaga pero tila walang sumasagot. Nakailang tawag pa si Terrence pero hindi niya nakita ang anino ni Tajana. Dahil dito ay hinanap na niya ito sa kwarto. Pero pagpunta niya do'n ay wala ang dalaga. Nabalot ng pag-aalala si Terrence. Kinuha agad niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang dalaga.
Hanggang sa makauwi sila ay hindi maiwasan ni Terrence na hindi tingnan si Tajana. Hindi naiwasan ng dalaga na magtanong ng mapansin niya ito."May gusto ka bang sabihin?""Huh?""Nakatingin ka kasi sa'kin parang may gusto kang sabihin.""Wala naman. Mabuti na lang at wala namang masyadong nangyari sayo dahil kay Zoe. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magpunta ka muna sa isang lugar ng hindi ako kasama.""Tapos naman na. Huwag mo na kong sermonan. Please. Masyadong naging panget ang gabi ko.""Gusto mo bang kumain?""Hindi na. Wala akong gana.""Baka sumakit ang tiyan mo.""Okey lang ako Terrence. Papasok na ko sa kwarto ko."Nang sumapit ang bagong araw ay nakita ni Terrence ang ilang mga pulis na nasa labas ng kanilang bahay. Alam na niyang mangyayari ito dahil sa pangyayari kagabi."Good morning po sir." bati ng isang pulis ng bumukas ang pintuan at nakita nila ang binata."Good morning din. Ang aga niyo naman yatang napabisita.""Ah kasi po nautusan lang kami na ayusin na ang rep