Share

Kabanata 46

Umagang-umaga palang ay mainit na ang ulo ni Tajana, halata sa kanyang hitsura na wala siyang gana.

"Bakit ka nakasimangot?" nagtatakang tanong ni Alicia sa anak.

"Ang aga-aga ganyan mo na sinalubong ang araw mo." dagdag pa nito.

"Wala naman po. Pagod lang sa trabaho." humigop ng kape si Tajana sa kanyang tasa at nabitawan niya ang tasa dahil sa pagkapaso niya dito.

"Aray!" Mas lalong nag-init ang kanyang ulo sa nangyari, pakiramdam niya ay wala ng magandang mangyayari sa kanyang araw.

"Ano ba naman 'to!" inis nitong sabi sabay pulot sa ilang nabasag na piraso ng tasa.

"Ako na diyan anak, magpahinga ka na lang sa loob." Kumuha ng dustpan si Alicia at tinulungan niya si Tajana na linisin ang nabasag na tasa.

"Ako na dito Ma."

"Kaya ko naman 'to anak, sige na at magpahinga ka na lang."

Bumuntong hininga si Tajana, tila ubos na rin ang lakas niya na makipagtalo kaya sinunod na lang ang kanyang ina.

Si Terrence ay madalas kasama ngayon ni Elisse simula ng maospital ang ama nito. Dinadama
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status