Share

Kabanata 24

Matapos ang paglabas ng mga sikreto na pilit itinatago ni Tajana sa lahat ay tuluyan ng nawalan ng pakialam sa kanya si Don Ismael. Ni-hindi niya kinausap ang kanyang apo ng harapan. Hindi na din nadinig pa ni Tajana ang boses nito kahit na alam niyang galit ito sa kanya.

Nakahanda na ang ilang gamit ng dalaga para sa kanyang pag-alis. Nag-uunahan pa rin ang paglabas ng kanyang mga luha. Kahit na pilit niyang pinipigilan ang kanyang nararamdaman ay patuloy pa rin niya itong napapakita. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Gusto niyang maging maayos ang lahat. Pero alam din niyang wala na siyang babalikan pang pamilya ngayon.

Tatlong beses na kumatok si Tajana habang tinatawag si Don Ismael sa kwarto. Pero hindi pa rin lumabas ang matanda.

"Lo... Humihingi po ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko. Alam ko po na... Sobra ko kayong nasaktan." Unti-unti ng humihina ang boses ni Tajana habang siya ay nagsasalita sa tapat ng pinto ng kwarto ng kanyang lolo.

"Mahal na mahal ko po kayo lolo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status