Share

Kabanata 48

Nakasunod si Alicia sa paglalakad ni Doc Via patungo sa office nito. Hindi niya alam kung gugustuhin niya bang tanungin ang doktor. Hindi niya alam kung tama ang naiisip niyang mga tanong. Pero isa lang ang alam niya, iba ang pakiramdam niya kay Tajana ngayon.

"Upo po kayo." malumanay na sabi ni Doc Via. Kahit na hindi pa gaanong kilala ng doktor si Alicia ay may kutob na siyang mukhang may nahahalata ito sa kanyang anak.

"Pasenya na sa abala Doc." nahihiyang sabi ni Alicia.

"Ayos lang po 'yon, Mrs. Canizales. Tingin ko naman po, hindi kayo pupunta dito kung hindi importante ang gusto niyong itanong."

Hinawakan ni Alicia ang kanang kamay niya para mapigilan ang panginginig nito.

"Salamat sa pagiging maunawain niyo Doc."

"Welcome po kayo lagi." Nagbigay ng ngiti si Doc Via kay Alicia para makampante ito sa kanya.

"Gusto ko lang malaman..." Huminga ng malalim si Alicia bago ipinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"Kung ano ang pinag-usapan niyo ni Tajana ng bumisita ka sa bahay?"

Sa unang t
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status