Share

Chapter 2

"Gusto mo ng totoo?" I asked and he nodded as if he's ready to my answers. Napangiti ako at tumango nang mabagal. "Sige, paano ako makapagsisimula ng bagong buhay gayong alam kong may hindi pa ako tapos gawin? Nais kong bumalik dito, makita muli kayo kapag natapos ko na ang gulo ko sa Salvacion. Ngunit paano ako makasisigurong may babalikan ako rito kung idadamay ko kayo?" huminga ulit ako nang malalim. "Napunta si Liwanag sa Pilipinas nang mag-isa. Hinarap niya ang mga pagsubok nang mag-isa. Tiyak na kaya ko rin itong harapin nang mag-isa. Ayokong may mamatay na naman nang dahil sa akin. Tulad ng isang pamilyang nagligtas sa 'kin para lang makatakas ako sa Salvacion."

Hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Dalawang pamilya ang nadamay para lang mailigtas ako at hindi ko iyon sasayangin.

"Ibabasura mo ang kanilang sakripisyo sa oras na ika'y bumalik doon," seryosong sabi niya.

Umiling ako, "hindi, Lino. Bibigyan ko sila ng katarungan. Hindi ko hahayaan na hanggang doon na lang ang kanilang kamatayan. May kinuhang buhay ang pamahalaang ito. Kailangan ko lamang silang singilin."

"Ngunit babalik ka?" Para siyang maiiyak sa tanong niya kaya bahagya akong natawa.

"Huwag ka na maghintay. Hindi rin naman sigurado. Isa pa, kailangan mong bumalik sa Espanya. Nandun ang iyong buhay. Kailangan mong magpakadalubhasa sa medisina nang marami ka pang matulungan."

"Ngunit ang kaisa-isang Binibining nais kong matulungan ay ayaw tanggapin ang aking tulong," natatawang sabi niya sabay iwas ng tingin. Nagtatampo talaga siya.

"Nais mo ng kasunduan?" tanong ko kaya napatingin ulit siya sa 'kin. Nilapag ko ang gitara sa gilid at nag-injan seat paharap sa kanya at ginawa niya rin iyon so magkaharap na kami ngayon. "Ganito na lang." Nagbilang ako sa daliri ko hanggang anim. "Anim na taon. Sa loob ng anim na taon, gagawin ko ang dapat kong gawin at babalik ka rin sa Espanya para mag-aral. Pagkatapos ng anim na taon, kung wala ka pa ring ibang iniibig, bumalik ka rito mismo sa kinauupuan natin. Maghihintay ako. Ngunit kung hindi kita matatagpuan dito, ibig sabihin, tuluyan mo na akong nakalimutan."

Nalungkot na naman siya. "Paano kung ikaw ang wala rito?"

Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Ibig sabihin... patay na ako," sabay kibit-balikat.

"Liwan!" saway niya kaya natawa ako. "Tila hindi ko kaya ang iyong kasunduan. Masyadong mahaba ang anim na taon."

"Maikli lang 'yun. Malay mo, makahanap ka pa ng iba. Makakalimutan mo rin ako. Maraming maaaring magbago sa loob ng anim na taon."

"Ayoko."

"Para kang bata," inis na sabi ko.

"Ngunit ayoko, Liwanag. Maaari bang sumama ka na lamang sa akin sa Espanya? Mas ligtas ka roon."

"Ayoko rin." Umiling ako sabay strum na naman sa gitara.

Kaya siguro ako napadpad dito para kay Liwanag, para linisin ang pangalan niya. Namatay ako sa 2020 nang hindi ko maalala kung paano at bakit but Liwan gave me another chance to live with the exchange of giving her the justice she deserves. This will be like a pro bono, anyway. Walang bayad.

"Bakit hindi mo na lang bigyan ng chance si Miranda? Magkasundo naman kayo tsaka gusto ka nun." Natigilan ako sa pagsasalita nang marealize ko ang sinabi ko. Wtf. Sinabi ko talaga 'yun?

"Anong sabi mo?" kunot-noong tanong ni Lino. "Gusto ako ni Miranda?"

Okay, hindi naman na ako makakapagsinungaling so tumango na lang ako. "Huwag mong saktan, ha. Hintayin mong umamin."

"Ngunit ako itong patuloy mong sinasaktan," nakangising sumbat niya. "At hindi nauunang umamin ang Binibini sa panahong ito. Iiwas na lamang ako---"

"What!" gulat na tanong ko. "Huwag kang umiwas. Masasaktan 'yun lalo pa't naging kaibigan ka na rin niya."

Mas napangisi siya at umiwas ng tingin. Humiga siya sa damuhan at ginawang unan ang mga braso. Ngayon ko lang napagtanto na gabi na nga, may mga bituin na sa kalangitan. ]

"Hindi naman ako naghahanap ng Binibining iibigin. Nagpunta ako rito upang manggamot, hindi ang umibig kaya bakit ko pag-aaralang ibigin ang taong hindi naman parte ng aking plano?"

"Bakit ako?"

Tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Dahil pasaway ka. Bigla ka na lamang pumasok sa aking buhay. Paano ba 'yan, kailangan mo akong panagutan," tawa niya kaya hinampas ko ang tiyan niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit at hinimas ang tiyan. "Bakit?" hirap ang boses niya. Lol.

"Buntis ka ba para panagutan ko?" inis na tanong ko. "Tsaka dumating ako para magtrabaho. Aalis ako kaya mas mabuti pang maghanap ka na ng bagong asistente."

"Ibig sabihin, hindi ka lilisan hangga't wala akong bagong asistente?"

"Oo kasi mahirap iyong trabaho mo, e. Kailangan mo ng papalit sa 'kin."

Ngumiti siya nang malawak at muling binalik sa kalangitan ang tingin. "Hindi na lamang ako maghahanap ng bago," bulong niya. "Nais ko iyong luma," tawa niya kaya hinampas ko naman ang braso niya. "Mapanakit pala si Binibining Liwanag," naiiling na sabi niya habang natatawa.

"Oo. Bugbugin pa kiya diyan, e. Seryoso ako, Lino. Kailangan mong maghanap ng bago."

"Opo, Binibining Liwanag. Maghahanap ako ng bago. Makakalimutan din kita," mahinang sabi niya nang hindi ako tinitingnan kaya natahimik na ako.

I don't know kung seryoso siya o inaasar niya lang ako pero nalungkot ako dun. Bigla kong namiss ang trabaho ko sa kanya. 'Yung mga taong kahit may dinaramdam na sakit ay nakangiti pa rin. Wala talagang kasiguraduhan sa mundo. Anytime, p'wedeng magbago ang lahat in just a flip of your fingers.

***

"Saan ba kayo nagpunta ni Lino kahapon? Bigla na lamang kayong nawala," ani Berto na nagkakape ngayon.

May kape rin ako at nandito kami sa kwadra. Binibista niya raw ang mga kabayo at pinakakain. Nandito pa rin sa bahay sina Señor Magnus at Señor Galicia. Bumalik na rin sina Maria at Josefa kaninang madaling araw pero naunahan namin sila ni Lino. Mga hating-gabi kami umuwi kasi baka magkasakit pa roon si Lino. Mukha pa naman siyang rich kid na hindi sanay mahamugan.

"Bumili ng gitara para sa panliligaw ni Agustino kay Catalina," I lied.

Natawa si Berto at napailing. "Bakit hindi mo na lamang sabihing nais niyong mag-solong dalawa? Gagamitin mo pa si Agustino."

"Solo pero dalawa? Baka doble." Kumunot ang noo niya. "Charot. Pero umalis lang kami kasi 'di ba, nandun si Padre Gadon?" bulong ko kaya napaawang ang bibig niya at dahan-dahang tumango. Mukhang nakita niya rin. Of course, alam niyang si Padre Gadon ang nagpapatay kay Liwanag kasi pina-imbistigahan ako ni Lino kay Berto. Tss! "Umalis na ba sila?"

"Ayon sa aking narinig ay ngayong araw ang kanilang byahe pabalik sa Salvacion," ani Berto. Bahagya akong napatango. "Itutuloy mo pa rin ang iyong plano? Ang pagbabalik sa Salvacion?"

Ngumiti lang ako at tinapik ang ulo ni Berto na parang aso kaya lalong kumunot ang noo niya. Bago pa siya magsalita ay tumalikod na ako para umalis kaso natigilan din ako nang makita si Lino na nakatayo sa harapan ko habang nakapamulsa. Ang seryoso na naman ng mukha niya. Palagi na lang siyang ganyan kapag puyat siya.

"Napakaaga ng iyong gising," Lino said.

"Ikaw rin naman," sabi ko sabay inom ng kape.

"Bigla na lamang kayong nawala kahapon. Humanda kayo sa mga itatanong sa inyo ni Señor Magnus at Señor Galicia. Ang sabi ko sa kanila ay natulog na kayo nang maaga dahil kailangan niyo pang magpahinga para ngayong araw," seryosong sabi naman ni Berto.

"Anong meron ngayong araw?" kunot-noong tanong ko.

"Pagpapatuloy ng ating trabaho. Tapos na ang kasiyahan–balik na tayo sa dati nating pamumuhay," ngumiti si Berto at tatapikin din sana ang tuktok ng ulo ko pero agad nahawakan ni Lino ang kamay niya.

"At ano sa tingin mo ang iyong ginagawa, Berto?" seryosong tanong ni Lino sabay bitaw sa kamay ni Berto.

Palihim akong natawa pero agad akong umiwas nang tingnan ako ni Lino. I cleared my throat before leaving them. I even heard Lino saying na siya lang ang p'wede tumapik ng ulo ko. I mean, duh? Aso ba ako? Masyado siyang territorial.

During breakfast ay tahimik lang ako as usual. Tulad ng sabi ni Berto, nagtanong nga sina Señor Magnus kung bakit bigla kaming nawala ni Lino kahapon kaya sinabi namin ni Lino ang sinabi ni Berto sa kanila.

"Mamayang tanghalian, magtutungo tayo sa tahanan ng Valencia," ani Señor Magnus kay Lino. "Kailangan na rin naming magpaalam sa ngayon. Babalik ako sa Maynila upang ayusin ang ilang bagay doon at pagka'y magtutungo na sa Espanya," sabi niya naman sa'ming mga kaharap niya rito. "Nawa'y magkita-kita pa tayo." Ngumiti siya kaya nagsitanguan din kami habang nakangiti. "At Lino, huwag kang magtatagal dito. Nananabik na ang iyong ina at kapatid na makita ka," dagdag nito.

"Kamusta po ang pag-aaral ni Gavino?" tanong ni Lino. Iyon siguro ang name ng kapatid niya.

"Malapit na rin siyang magtapos ng abogasya. Sa aking palagay ay nais niya na rin pakasalan ang kanyang nobya," nakangiting sabi ni Señor Magnus. "Kaya mas makabubuting makauwi ka na rin sa lalong madaling panahon."

"Akala ko po'y hindi rin sila magtatagal," natatawang sabi ni Lino habang napapailing.

Natawa si Señor Magnus at Señor Galicia. "Ikaw lang naman itong tila naglalaro sa pag-ibig, Lino," tawa ni Señor Magnus kaya napatingin kaming lahat kay Lino. Nabulunan si Lino at agad niyang ininom ang tubig sa tapat niya. "Kaya pumayag na rin akong bumalik siya sa Pilipinas nang maging isang tunay na maginoo. Hindi na siya tumulad sa kanyang kapatid na marunong makontento sa isa," sabi niya sa 'min.

Napaawang ang bibig ko sabay tingin kay Lino na nakatingin din sa 'kin at namumutla. Pinanliitan ko siya ng mata kaya napaiwas siya sa 'kin at napalunok ng laway. Kinakabahan ba siya? Aba, dapat lang. Ayoko sa lahat, fuckboy! Ayoko rin sa mga malalandi at kung sinu-sino ang nilalandi!

"Ngunit nakikita naman natin ang kanyang pagbabago. Tila naging maganda ang Pilipinas para kay Lino," nakangiting sabi ni Señor Galicia.

So nagbago na pala si Lino? Ang dami ko pang hindi alam tungkol sa kanya. Ganun din naman siya sa'kin.

"Ganun siguro kapag umiibig na nang tunay," panunukso ni Señor Magnus.

Gustong umikot ng mga mata ko pero pinigilan ko kasi baka makita nila ang pagtataray ko kaso malakas talaga ang hatak. Napa-irap ko bigla.

"Ganun po siguro talaga, Ama. Nagbabago po ang tao lalo pa't nakikita ko siya sa aking hinaharap. Na makakasama kong bumuo ng sariling pamilya at tumanda nang magkasama," ngisi ni Lino kaya napangiti ang mga taong kaharap ko maliban sa 'kin na kinikilabutan. Pinagtatakpan niya lang ang pagiging babaero niya, e.

Huwag kang kikiligin, Mon!

"Sino ba ang Binibining ito? Nais ko siyang makilala bago ako umalis," ani Señor Magnus sabay tingin kay Berto. "Sino ba iyon, Berto?"

Biglang kinabahan si Berto at hindi na siya mapakali sa kinauupuan niya dahilan para matawa na naman si Señor Magnus.

"Makikilala niyo po siya sa tamang panahon. Dadalhin ko po siya sa Espanya," sagot ni Lino habang nakangiti.

"Bakit kailangan mo pang patagalin?" tanong ni Señor Galicia.

"Sapagkat hindi ko nais na takutin siya dahil hindi ko pa po siya kasintahan ngunit hindi po ako susuko hangga't hindi siya napapasaakin," ani Lino na hindi ko tinitingnan pero parang namumula na ako dahil sa init ng mukha ko plus sina Maria at Josefa kasi ay kilig na kilig pa.

Gosh!

To be continued...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status