Share

Chapter 3

Hindi ko kinibo si Lino--ni tiningnan man lang hanggang matapos ang breakfast namin. Dumiretso rin ako sa office niya para matapos ko na ang dapat kong gawin bago pa siya dumating pero bago pa man ako matapos, narinig ko nang nagsasalita si Señor Magnus sa labas ng mismong office ni Lino kung nasaan ang table ko.

Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nila.

"Alam mo ba kung bakit nais kong malaman ngayon din mismo kung sino ang dalagang iyong iniibig?" kalmadong tanong ni Señor Magnus. Mukhang seryoso na siya sa kanyang tono kaya mas nilakasan ko rin ang pandinig ko dahil curious din ako. "Sapagkat napag-alaman kong natitipuhan ka ni Manuel para sa kanyang anak na si Miranda lalo pa't kumakalat din ang balitang may namamagitan sa inyo."

"Kung gayon, lalayo na lamang po ako sa kanila," ani Lino na seryoso rin.

"Hindi iyon ang nais kong ipabatid sa iyo, Lino," kalmadong sabi ni Señor Magnus. "Mabait na tao si Miranda. Para sa akin, nais ko siya para sa iyo. Ngunit batid kong may ibang nagpapa-ibig sa iyo rito at hindi siya iyon. Akala ko'y si Miranda ngunit hindi pala." Bahagya siyang natawa at hindi rin naman kumibo si Lino. "Bueno, isasama pa rin kita mamaya upang maging pormal ang lahat."

"Anong nais ninyong sabihin?" naguguluhang tanong ni Lino. Same here, dude. Gosh, ang tsismosa ko.

"Nais kong makilala ang taong nagpabago sa aking pasaway na anak. Kung kaya't nais ko ring maging klaro kay Manuel na hindi namin itutuloy ang kanyang nais."

"Bakit hindi niyo na lamang po ako diretsuhin?" mukhang pikon na 'tong si Lino. Same here again, dude. Ang daming paligoy-ligoy ng tatay mo.

Natawa si Señor Magnus. "Nais sana naming kayo ang magkatuluyan dahil nakikita naming nagkakasundo rin kayo at nahahalata ko rin naman ang mga tingin ni Miranda sa iyo. Pansin ko rin na maliban sa kanya'y wala ng ibang babae rito sa San Adolfo ang iyong pinapansin maliban sa iyong mga tagapagsilbi na pansin kong kaibigan lamang ang tingin mo sa kanila."

"Bakit kailangan niyo pong pagplanuhan ang aming buhay? Matanda na po kami. Kaya na naming pumili ng taong para sa amin," pikon na sabi ni Lino pero pinakakalma niya pa rin ang sarili niya. Pikon talaga 'to si Lino lalo pa't wala siyang matinong tulog. Magagalitin. Walang pinipili, pati Ama niya, inaattitudan niya. "Hayaan niyo po, ako mismo ang magsasabi kay Señor Manuel na may iba akong iniibig at hindi iyon si Miranda."

"Hindi mo na iyon kailangang gawin. Nais ko lamang ipaalala sa iyo na iba ang mga dalagang Filipina kumpara sa mga dalagang Kastila. Mag-iingat ka sa iyong mga gawi at pananalita. Ngayon... nais kong malaman, sino ang taong nagpaibig sa isang mailap na binata?"

I heard them chuckled. "Isang kakaibang Binibining bigla na lamang sumulpot sa aking harapan," natatawang sabi ni Lino at narinig ko na ang mga yabag nila papasok dito.

Agad akong naghanap ng pagtataguan kaso too late, wala akong makita kaya naabutan nila akong nasa bintana, inaayos ang kurtina kahit hindi naman ito magulo. Muntanga tuloy ako. Nagitla pa sila nang makita ako.

"Mon," sambit ni Lino na nanlalaki pa ang mga mata. Kinakabahan ba siya kasi baka narinig ko lahat ng pinag-usapan nila ng tatay niya?

"Tapos na rin ako rito," sabi ko at agad na nagpasintabi. Lumabas agad ako ng pinto hanggang sa makarating ako sa sala at naabutan ko roon si Maria na nagpupunas ng mga upuan, mesa at kung anu-ano pa. "Narinig mo rin?" I asked. Ngumiti lang siya at tumango.

"Hindi ko mawari kung bakit ang Binibining iyon ay hindi nahuhulog kay Doktor Fuentes," pasaring na sabi niya habang nagpupunas ng mesa.

Tumaas ang kilay ko. "Siguro ay hindi niya nais papasukin sa kanyang buhay ang isang doktor na pasaway at makulit," inis na sabi ko. Baka gawin niya pa akong isa sa mga collections niya. Hell no! I don't have time for his playtime.

"Mon," rinig kong tawag sa'kin ni Lino kaya gulat akong mapatingin sa kanya.

"Natatae ako," sambit ko kaya napaawang ang bibig niya. Agad akong tumakbo papunta sa palikuran pero nasa kusina pa lang ako ay naabot na agad ni Lino ang braso ko at hinila niya ako palabas ng bahay kaya nandito kami sa likod ng bahay. Kaming dalawa lang. "Gusto mo bang dito ako matae?" poker face na tanong ko.

"Nais mo lamang akong iwasan," seryosong sabi niya pa.

"Bakit ko naman gagawin 'yun? Magkatrabaho tayo. Hindi ko pinagsasabay ang mga personal na bagay sa trabaho." agad kong kinabig ang braso ko pero hindi niya talaga ako binibitawan.

"Nais ko lamang magpaliwanag," pagsamo niya.

"Wala akong hinihingi." seryoso pa rin ang mukha ko. Hindi ako nakikipagbiruan. I don't need explanation talaga. Wala naman akong right for that.

"Ngunit nais ko pa ring ibigay. Wala akong ibang naging kasintahan sa Espanya at kahit dito sa Pilipinas. Oo, binibigyan ko ng pansin ang ilang kababaihang lumalapit sa akin kahit alam kong may pagtingin sila sa akin ngunit hanggang doon lamang iyon at noon 'yun, Liwan. Hindi na ako ganun ngayon." pilit niyang pinaiintindi sa'kin ang sitwasyon kahit naiintindihan ko naman.

Tumaas ang isang kilay ko. "Mukhang proud ka pa," ngisi ko na kinakunot ng noo niya. "Papaibigin mo sila tapos aalis ka at iiwan silang umaasa? Paasa ka pala?" ngisi ko pa.

"Hindi iyon ang aking intensyon."

"Alam ko," sabi ko sabay agaw ng braso ko kaya nabitawan niya na ako. Hahawakan niya pa sana ako pero agad akong umatras at umiwas. "Huwag mo na kasi akong hawakan. Natatae na talaga ako," inis na sabi ko sabay takbo sa CR. Akala niya yata, nag-jojoke ako. Paglabas ko, nandito pa rin siya kaya automatic na tumaas ang kilay ko. I like this. Bumabalik na si Lemon na ma-attitude.

"Hindi ka ba galit sa akin?" mahinahong tanong niya.

Umiling ako at huminga nang malalim. "Hindi ako idealistic na tao. Hindi rin ako ganun kasensitive." si Liwanag iyon, hindi si Lemon. "Kung ano ang ginagawa mo noon, labas na ako dun. Buhay mo iyan--wala akong kinalaman diyan. At ngayon, wala namang namamagitan sa atin. Gawin mo ang nais mong gawin sa iyong buhay. Ngunit kung nais mo akong ligawan, siguraduhin mo na wala kang ibang nagugustuhan dahil ayoko ng pinaglalaruan at ayoko ng may kasabay. Gusto ko, ako lang ang gusto. At!" agad na sabi ko sabay taas ng kamay ko para pigilan siya sa balak niyang pagsasalita. Uunahan niya na naman ako. Huwag ganun. "Kung nais mong makipaglaro, sabihin mo lang para masabayan kita." Kayang-kaya kong makipaglaro--kahit ano pa 'yan.

"Liwan, hindi ako nagbibiro. Hindi ako nakikipaglaro rito." Mukha na siyang napipikon.

"Buti 'yan," nakataas-kilay na sabi ko at naghalukipkip pa ako habang naka-chin up.

"Ibig sabihin, hindi mo na ako ipagtutulakan palayo kung ako'y seryoso sa iyo?" maingat na tanong niya pero hindi ako nakasagot. Ngumisi siya. "Patutunayan ko na lamang. Tila bumabalik na ang Liwanag na unang nakilala ko."

"Hindi iyon si Liwanag," sabi ko sabay lakad palayo sa kanya pero sinundan niya pa rin ako. Si Lemon ang una niyang nakilala. Iyong babaeng parang manhid kasi masyadong insensitive. 'Yung Lemon na muntik nang sumuko but she gained her fighting spirit again. Ni hindi ko na nga maalala kung bakit ako naging ganun. Siguro, mas pinili kong patayin ang emotion ko para hindi ako basta-basta masaktan sa maliliit na bagay. Nagiging emotional lang ako minsan dahil naghahalo ang ugali ni Lemon at ni Liwan.

"Kung gayon, sino siya?" mukhang nakangisi pa rin siya.

"Ito," sabi ko nang makadaan kami sa kusina at nakita ko ang isang kalamansi. "Kung ano ang Ingles nito, iyon ang aking tunay na ngalan." sabi ko habang nakatingin sa lemon.

"Ibig sabihin, hindi Liwanag ang iyong tunay na pangalan?" pagtataka niya. Tiningnan ko siya at ngumiti na kinakunot ng noo niya. "Sabihin mo, ano iyon?"

Nagkibit-balikat ako. "Hulaan mo." agad akong naglakad papasok hanggang sa makarinig na ako ng mga nagsasalita sa sala. Mukhang nandito na ang mga magpapagamot. Ngumiti ako nang matanaw ko na ang mga tao pero natigilan ako nang makita kong kulay brown ang mga soot nila. Gusto ko sanang umatras at tumakbo palayo kaso nakita na nila ako rito at nasa likod ko naman si Lino. Nagtama ang tingin namin ni Padre Gadon at ganun na lang ang kaba ko dahil sa ngisi niya sa'kin. Nakilala niya ba ako?

Oh well, ako si Lemon. Hindi ako basta-basta umaatras at natatakot sa kung sinu-sino. Kapag pinahuli niya ako rito at nagkagulo, gagawin ko ang lahat, masira lang ang buo niyang pagkatao. Kapag pinapatay niya agad ako rito, gagawin ko rin ang lahat, maisama lang siya sa hukay. At kapag tumahimik siya at hinayaan ako sa pagpapanggap, kokomprontahin ko na siya nang kaming dalawa lang. Pero kapag hindi niya ako nahalata, tuloy ang plano ko sa Salvacion.

Alin kaya ang gagawin ko?

Nakadepende ang lahat sa gagawin niya ngayon. Para akong naglalaro ng chess.

"Pumanhik ka sa iyong silid," bulong ni Lino sabay hatak sa'kin papunta sa likod niya.

Bakit iba ang tumira?

To be continued...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status