Share

Chapter 4

Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko na lang si Lino. Siguro dahil nataranta na rin ako lalo na nang magsalita si Padre Gadon at binati si Lino. Nakatunganga ako sa bintana habang nagwowonder sa nangyayari sa baba hanggang sa kumatok si Berto sa pinto ko. "Bakit?" I asked when I opened the door. He looks so worried. "May nangyari ba sa baba?" ang alam ko, maraming Guardia Civil sa labas ng bahay, nakapalibot.

"Tila hindi ka palalabasin ni Lino hangga't nandito si Padre Gadon sa San Adolfo," nag-aalalang wika niya kaya bahagya akong tumango. Expected ko na 'yun kasi masyado siyang overprotective. "Hindi ba't nakita ka ni Padre Gadon kasama si Lino?" tumango ako. "Tila hindi ka niya nakilala lalo pa't malabo na ang kanyang mga mata. Ngunit nakatitiyak akong naparito siya para sa iyo." kumunot ang noo ko at napaawang ang bibig. "Tiyak na may hinala siyang buhay ka, Mon. Kasalanan ko, hindi ako nag-ingat kaya ako nasundan." namamasa na ang mga mata niya at may guilt doon kaya umiling ako at pilit na ngumiti.

"Hinala pa lang ang mayroon siya, Berto. Hindi magkakagulo rito, pinapangako ko 'yan." hindi rin naman ako sigurado pero wala namang magagawa ang takot. Papahinain lang ang loob ko nito so better be brave.

"Hindi naman iyon ang aking inaalala. Iyong kaligtasan ninyo ni Lino."

Bahagya akong natawa. "Hayaan mo na. Doon din naman ang punta nating lahat," tugon ko kaya kumunot ang noo niya pero hindi na lang ako nagsalita at pinabalik na siya sa silid niya.

Hinala lang ang meron si Padre Gadon. Buong akala niya'y patay na ako. Naghinala lang siya kung buhay ako dahil sa pangangalap ng impormasyon ni Berto tungkol sa'kin. Baka may nakapagsabi kay Padre Gadon tungkol sa pinanggagagawa ni Berto sa Salvacion.

Ilang minuto ang lumipas sa'kin, naghihintay ng mangyayari pero tila wala sa pinagpipilian ko ang gagawin ni Padre Gadon.

"Kamusta ka, Liwan?" tanong sa akin ni Lino nang buksan ko ang pinto ng k'warto ko.

"Depende sa kung ano ang nangyari sa baba," sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niyang kinakabahan.

Huminga siya nang malalim. "Huwag kang mag-alala, hindi ka niya nakilala. Pansin ko na medyo namumuti ang gitna ng mga mata ng Prayle. Malabo na ang kanyang paningin. Naparito lamang siya sapagkat napag-alaman niyang nandito si Señor Galicia." kumunot ang noo ko kaya bahagya siyang napangiti. "Malapit sa Prayle ang may-bahay ni Señor Galicia sapagkat taga-Salvacion din ito noon kung kaya't nakilala rin ni Padre Gadon ang aking Ninong na nakikita naman nating palakaibigang tao kung kaya't napalapit na rin sa kanya ang Prayle."

Nakahinga ako nang maluwag at bahagyang napangiti. "Anong oras siya aalis dito sa San Adolfo?" tanong ko.

"Pagkatapos ng tanghalian sa tahanan ng Valencia," sagot niya na mukhang hindi gusto ang mangyayari. "Ayokong sumama, Liwan."

"Bakit? Aalis na sina Señor Magnus---sumama ka. Sulitin mo ang araw kasama sila," pangungumbinsi ko.

"Ngunit hindi ko kayang kumain kasama ang Prayleng iyon sa iisang mesa," poker face na sabi niya kaya bahagya akong natawa.

"Huwag mo na lang tingnan."

"Bakit nakakatawa ka pa gayong napakalapit ng taong nais pumatay sa iyo?"

"Kasi alam kong ligtas ang San Adolfo. Ligtas kayo at hindi dito magkakagulo. Sapat na rason na 'yun para maging masaya ako." sa Salvacion nagsimula gulo kaya doon ko rin ito tatapusin.

Labag man sa kalooban ni Lino, itunuloy pa rin nila ang lunch with Family Valencia. Halatang pinalalawak ni Señor Manuel ang kanyang connection pero sana, hindi sila madawit sa gulong ito lalo pa't malapit din naman sa'kin sina Miranda at Agustino.

"Mon," rinig kong tawag sa'kin ni Josefa at naupo naman siya sa tabi ko. Katatapos lang naming mag-lunch, kaming tatlo ni Maria. Wala rin kasi si Berto, hinatid sina Lino kina Miranda. "Ano ang iyong tinutugtog?" she asked. Napangiti ako at natigil sa pag-tugtog ng gitara. I just need music to calm whatever inside of me. Parang anytime kasi, gagawa ako ng bagay na ikasisira ng plano ko. Parang ayoko nang paalisin dito si Padre Gadon. Gusto ko na siyang pagbayarin dito pero hindi p'wede. Baka may patayan na namang mangyari.

"Hindi ko rin alam," natatawang sabi ko kaya napangiti siya.

"Mabuti na lamang at hindi ka nakilala ni Padre Gadon."

Tumango ako. "Kalimutan na natin siya," I said. Ayoko na siyang pag-usapan. Ayokong sa kanya umikot ang mga pinag-uusapan namin kasi b****a siya, hindi dapat siya dumadaan man lang sa bibig at utak namin. "May tanong pala ako total isa ka ring babae at malapit ka pa kay Catalina," sabi ko na lang kaya umayos siya ng upo at tumango. "Ano ba ang gusto niya sa isang lalaki?" kunot-noong tanong ko.

Natawa siya at nagtakip ng bibig. "Ang alam ko lamang ay hindi iyon si Señorito Agustino."

Natawa ako. "Ang sama mo kay Agustino. Pero seryoso, hindi ko kasi masabi kay Miranda na babae ako kaya mas mabuti nang mabaling sa iba ang atensyon niya."

Tumango siya at huminga nang malalim. "Tiyak na pagagalitan ako ni Señorita Catalina nito. Nais niya sa lalaki iyong maginoo, may plano sa buhay, matapang, mabait, kaya siyang ipaglaban at higit sa lahat, mayaman." natawa kami sa huli niyang sinabi pero seryoso pala talaga siya. LMAO. Masyado yatang idealistic si Miranda.

"Napakalayo ko pala sa pamantayan niya," tawa ko.

"Iyon din ang hindi ko mawari, Mon. Tila nagbago si Señorita Catalina."

Napatango ako at hindi na lang nagsalita. May iba talaga kay Catalina, hindi ko lang magets kung ano pero ewan. Baka napapalapit lang siya sa'kin kasi babae ako by heart kahit mukha akong lalaki.

Nang umuwi sina Lino, mukhang maayos naman silang tingnan pero nang pumasok sila sa bahay, parang may hindi sila napagkakaunawaan. "Sinasabi ko na nga ba, sila'y magagalit," ani Señor Magnus habang napapailing. Napatingin ako kay Lino na nakapoker face lang na nakatingin sa'kin kaya agad akong lumabas at nagtago sa gilid ng pintuan. "Sa lahat naman kasi ng kababaihan, Lino, anak pa talaga ng aking Amigo?"

Napatingin sa kanya si Lino. "Akala ko po ba'y alam ninyo at ni Señor Manuel na kami ay magkaibigan lamang? Bakit kailangan niyong bigyan iyon ng ibang kahulugan?" kalmadong sagot naman ni Lino.

Huminga nang malalim si Señor Magnus habang si Señor Galicia ay nakatayo lang sa gilid, mukhang nag-iisip ng solution. Gusto kong itanong kung anong nangyayari pero baka masigawan pa ako rito. Wala ako sa lugar para makialam. "Nadawit ang ngalan ng kanyang anak. Natural, hindi nanaisin ng kahit na sinong Ama na isipin ng mga tao na ang kanyang anak na babae ay kung kani-kaninong lalaki lamang nakikipagkaibigan. Sinabi ko na sa iyo, iba ang dalagang Pilipina kumpara sa mga dalagang Kastila. Hindi dito normal ang normal para sa iyo."

"Kung anuman po ang inyong iniisip, hinding-hindi po iyon mangyayari, Ama." straight face lang ang mukha ni Lino na para bang hindi niya Tatay ang kaharap niya. Siguro kasi may hindi siya gusto na nais ipagawa sa kanya ng tatay niya. Kahit naman siguro ako, maiinis kapag ganun. Kasi anak nila ako pero hindi nila ako kagamitan. May sarili akong buhay na gusto ko ring patakbuhin gamit ang sarili kong pag-iisip.

"Lino," suway ni Señor Galicia. "Hindi ka dapat ganyan sumagot sa iyong Ama."

"Pinayagan pa naman kitang pumunta sa Pilipinas nang mag-isa sapagkat nakikita kong tila nagbabago ka na. Ngunit ako'y nagkamali. Matigas pa rin ang iyong ulo. Puro kalokohan pa rin ang iyong nasa isip. Hindi lahat ng nanaisin mo'y makukuha mo, Lino. Minsan, kailangan mong magsakrepisyo."

"Hindi po pinipilit ang pagsasakrepisyo. At bakit hindi po kayo ang gumawa niyan? Nais niyo lamang ang kasal na ito sapagkat gusto niyong pagtibayin ang inyong pagkakaibigan. Ngunit paano naman po kami ni Miranda?"

"Iniibig ka ni Miranda. Hindi ba't dapat ay matuwa ka roon?"

Hindi kaaga nakasagot si Lino. "Matuwa? Naaawa po ako kay Miranda sapagkat hindi na siya makakahanap ng taong totoong magmamahal sa kanya kung ako ang kanyang pakakasalan."

"Natututunan naman ang pag-ibig." sagot ni Señor Galicia. "Alam mong ganun ako sa aking asawa, Lino."

"Kung gayon, ni minsan, bakit hindi po ako natututo? Marahil ay iba po kayo kumpara sa akin, Ninong. May iniibig na akong iba. At hindi iyon si Miranda."

Nakarinig ako ng mga yabag. "Lino!" tawag ni Señor Magnus then nakita ko si Lino na mabilis na naglakad palabas ng bahay. Hindi siya lumingon nang tawagin siya ni Señor Magnus kaya hindi niya rin ako nakita rito sa gilid ng pintuan. Ang bilis niyang maglakad. Hindi ko na rin siya hinabol. Mukhang kailangan niyang mapag-isa e.

Napahawak ako sa d****b ko kasi ang lakas na naman ng kabog nito. Grabe! Pinaglaban niya talaga ang pagmamahal niya para sa akin? Hindi ko ginusto ang pagsagot-sagot niya sa Ama niya pero kung hindi siya sasagot, paano siya mauunawaan nito? Hindi naman bastos ang pagkakasagot niya e.

"Ipinaglalaban niya ang Binibining hindi siya kayang ipaglaban," sambit ni Maria na nasa tabi ko na pala kaya napalingon ako sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya at saka naglakad palayo sa'kin. Ano ba 'yan! Nakonsensya pa ako.

Mukhang nag-lunch sila doon para pag-usapan ang tungkol kina Lino at Miranda. Mukhang hindi rin payag si Señor Manuel na madedehado sila lalo pa't usap-usapan na rin sa bayan na may pag-ibig sa pagitan nina Lino at Miranda dagdag pa na anak ng Alcalde Mayor ang babae. Bakit ba naman kasi napakamalisyoso ng mga tao rito? Kawawa naman 'yung dalawa.

"Ikaw ba'y galit sa mga halaman?" tanong ni Agustino na naabutan ako rito sa gilid ng sapa, naglalakad-lakad habang hinahampas ng patpat ang mga damong nadadaanan ko. Dito nga pala siya tumatambay. Nagpunta lang naman ako rito para makapag-isip nang maayos. Tsaka umalis na rin ang Prayle at hindi pa rin umuuwi si Lino. "Ganyan na ganyan din ang ginagawa ni Lucio nang makita ko siya bago ako umalis ng bahay. Pare-pareho kayong tatlo ni Berto," natatawang sabi niya nang makalapit siya sa'kin. "Bakit ka nandito?" tanong niya.

"Tiyak na pareho lamang tayo ng dahilan," sagot ko kaya napangiti siya at tumango.

"Nasasaktan ako para kay Miranda ngunit parte ito ng pag-ibig, ang masaktan. Kailangan niya itong malampasan." napatango ako at muli kaming natahimik. Mukhang malalim ang iniisip niya. "Mahal ka ni Lino, Mon."

Napatingin ako sa kanya kaya bahagya siyang ngumiti. "Pero paano si Miranda?"

"Nais mong magpaubaya?" hindi ako nakasagot. "Kitang-kita na pare-pareho lamang kayong nahihirapan dito. Kayo-kayo lamang ang nagpapahirap sa sitwasyon."

"Bago ko pa kayo makilala, dati nang mahirap ang sitwasyon," natatawang sabi ko.

"Ngunit ikaw rin itong nagpapahirap ng sitwasyon mo rito. Napakahilig mong gawing komplekado ang mga bagay-bagay."

"Dati naman na kasing komplekado. Ayoko lang mandamay."

"Ngunit mas nakasasakit ka lamang. Kahit anong gawin mo, may madadamay. Kung pipilitin mong kontrolin lahat, mas makakasakit ka lamang." natahimik ako sa sinabi niya. Kinokontrol ko ba? Pero hindi ko naman hawak ang mga mangyayari pa lang. "Mahal ka ni Lino. Hindi ba't kahit anong tulak ang gawin mo sa kanya'y hindi mo siya mapalayo?"

Bahagya akong natawa at tumango. "Ang kulit niya. Kahit sinasaktan ko siya, sige pa rin siya. Sana nga tumigil na lang siya. Iwan niya na lang ako kasi mas kaya ko 'yun kaysa idamay siya sa gulo ko." bumuntong-hininga ako at tumingala sa kalangitan. "Hindi niya yata pansin na nasasaktan din ako sa tuwing sinasaktan ko siya," mahinang sabi ko.

"Ang buhay ay hindi madali. Ikaw man si Binibining Liwanag o hindi, marami pa ring pagsubok na darating sa atin. Bawat tao, may pagsubok sa buhay. Ngunit may pagpipilian tayo kung sino ang nais nating karamay sa pagsubok ng buhay na ito. Ikaw lang naman itong nananakit sa iyong sarili, sinisi mo pa si Lino."

Napatingin ako kay Agustino kasi tama siya. Palagi kong pinagtutulakan si Lino pero lapit pa rin siya nang lapit. Pinagtanggol niya pa ako sa tatay niya. Siguro dapat, ako naman ang lumaban para sa kanya.

"Pero paano naman si Miranda?"

To be continued...

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status