Share

Chapter 76

May mga bagay na akala natin, nagtapos na. Iyon pala'y panibagong simula na naman ang kahaharapin natin. Minsan, nakakapagod na rin ang paulit-ulit pero may pagpipilian naman tayo kung gusto nating ituloy, baguhin o tapusin ang bagay na iyon.

Habol hininga ako nang tuluyan akong magising. Pakiramdam ko, sobrang tagal kong hindi huminga. Napaubo pa ako at gusto ko man maupo, hindi ko magawa dahil sobrang nanghihina ang buong katawan ko. Parang ngayon lang ako nagkaroon ulit ng buhay matapos ang napakahabang pagkakahimlay.

"Miss Lemon!" sambit ng isang babae na hindi ko na napagmasdan nang maayos kasi nanlalabo pa rin ang paningin ko at muli na naman akong nakatulog.

Nang magising ulit ako, kalmado na ang heartbeat ko, parang maayos na ulit. Wala na iyong maiingay na tunog kanina na nagmumula yata sa mga makina.

"Lemon," sambit na naman ng isang babae. Matagal ko siyang tinitigan kasi nanlalabo pa ang paningin ko. "My God, you're now finally awake," nag-aal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status