Share

Chapter 7

Kyoko POV

“Well and good. That’s what I want you to do,” matipid na saad ni Ninong Augustus. Mahina pa rin siya at mabuti na lang at hindi naapektuhan ang speech niya dahil sa mild stroke.

“Ninong, relax. Huwag na kayo mag-isip kung ano, okay? Paano na lang kung ganyan ka kahina? Hindi mo mahahabol ang mga apo mo sa tuhod.”

Sa sinabi kong iyon, namilog ang mata ni Rafael. Pinandilatan ko siya at tila inutusan na mag-follow up sa sinabi kong iyon. Ngunit ang hudyo ay hindi nakuha ang pinapahiwatig ko.

“Hindi ba, Paeng? Gagawa na tayo ng bata para naman hindi ma-bored si Ninong sa hacienda?” tanong ko rito. Ngani-ngani ko siyang batuhin ng laptop sa pagiging clueless nito. Sinipa ko na ang kanyang tuhod kaya napatango na lang siya.

“See? Kaya magpagaling ka, Ninong. Sige ka, baka solohin na lang ni Lola Mercedes at Nanay Celina ang pagbabantay sa apo mo sa tuhod,” pananakot ko sa kanya.

“Mabuti naman hija. Kung ganyan ba naman eh ay baka gumaling kaagad ako.”
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status