Share

Kabanata 13

Pinangarap ni Lera na magkaroon ng magandang buhay at kompletong pamilya si Arim, subalit hindi niya inaasahan na ang tunay nitong ama ang magtutupad ng kan'yang pangarap.

Inilibot niya ang mga mata sa napakalawak na bungad ng mansyon. Hindi lamang mataas na bakod ang kan'yang nakikita kun'di ang mga halamang bago sa kan'yang paningin. Kilala si Ginang Juana sa pangongolekta ng mga halaman, sa wari niya'y nagmula pa ang mga ito sa ibang bansa.

"Ako na po." Maagap niyang kinuha sa katulong ang isang maleta na naglalaman ng damit nila ni Arim. Subalit hindi ito ibinigay sa kan'ya.

"Let her, Lera." Napatigil siya sa pakikipag-agawan sa katulong nang magsalita si Lucas. Sumunod siya dito sa pag-akyat sa ilang baitang na hagdan patungo sa malaking pintuan ng mansyon.

Napatingin siya sa anak, na nakayakap sa leeg ni Lucas. Hindi inaalis ng bata ang tingin sa kan'ya, animo'y natatakot na iwanan niya ito.

Nginitian niya ang anak at masuyong inayos ang pagk

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dimple
love it...thanks author...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status