Share

Kabanata 2

Penulis: Rina
last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-08 18:40:39

"Kumusta ang pag-aaral mo sa America, Lucas?" Lihim na napairap si Lucas Valle sa tanong ng kan'yang ina na si Ginang Juana Valle.

Nasa hapag sila at pinagsasaluhan ang ipinalutong kakanin ng ginang sa mga katulong.

Alas-tres pa lamang ng hapon kaya wala pa ang isa niyang kuya na si Dominic, na siyang abala sa pamamahala sa kanilang sakahan at mga lupain sa Sta. Ignacia. Ang panganay naman sa mga Valle na si Alexis ay mayroon ng asawa at sa ibayong lungsod na naninirahan upang hawakan ang negosyong iniwan ng kanilang ama doon, kasama ang isa pa nilang kapatid na lalaki na si Zeus.

Itinabi niya ang platong naglalaman ng malagkit na suman.

"Could you please just give me tuna salad? or perhaps cookies? Anything except this one. I don't like it," aniya sa katulong na napangiwi nang marinig ang pag-i-ingles niya.

Hindi niya gusto ang mga putaheng ipinapahain ng ina. Sa loob ng anim na taon na pananatili sa Amerika ay nasanay na ang dila niya sa banyagang pagkain.

"Ito ang ipapahanda ko sa nalalapit na fiesta.  Mabuti nang sanayin mo ang sarili na kumain ng mga pagkaing ito dahil dito ka na magpapatuloy ng pag-aaral."

Napabaling si Lucas sa ina nang marinig ang sinabi nito.

Kasalukuyan na siyang nasa ikatlong taon sa kolehiyo. Noon pa man ay tutol na ang kan'yang ina na sa ibang bansa siya mag-aral, subalit sa tulong ng kan'yang ama, na sinusuportahan bawat kagustuhan niya, ay nakalabas siya ng bansa.

Apat na taon na ang lumipas nang mamatay ang kan'yang ama, at simula noon ay naging mahigpit na ang ina sa kan'ya.

"No, mom. I'll finish my studies abroad." Inaalala niya ang nobyang si Maica. Kasama niya itong mag-aral sa America at ayaw niyang mapalayo dito.

Ngayon pa nga lang na umuwi siya sa Pilipinas, dahil sa kagustuhan ng ina, ay nagtalo na sila ng nobya. Sigurado siyang makikipaghiwalay ito sa kan'ya kung iiwanan niya ito doon.

"Lucas! Ayokong sinusuway ako. Dito ka magtatapos ng pag-aaral. Kailangan ngayon pa lang ay sanayin mo na ang sarili sa paghawak ng ating negosyo." Tumaas na ang boses ng kan'yang ina.

Subalit sa halip na matakot ay tumayo siya at pagak na tumawa. Sa kanilang apat na magkakapatid ay siya lang ang bukod tanging may kakayahang sumuway sa ina.

Ang kan'yang tatlong kuya ay dito sa Pilipinas nag-aral at nang makapagtapos ay nanilbihan sa kanilang mga negosyo nang walang pagrereklamo. Sa tingin niya'y kagustuhan din ng mga ito iyon, ngunit hindi siya. Alam niya kung ano ang kan'yang nais at iyon ang kan'yang gagawin.

"Mom, I am already twenty years old! Stop controlling my life." Tumalikod na siya at bumalik sa kwarto.

Sinundan siya ng ina ngunit hindi niya ito pinansin. Inabala niya ang sarili sa paghahanap ng kan'yang telepono at susi ng kotse.

"Manang! Where's my phone and car key?" sigaw niya sa mga katulong, na hindi magawang lumapit sa kan'ya, natatakot na mabulyawan ni Ginang Juana.

"At saan ka pupunta?" Alam niyang nangangalaiti na ang ina sa galit kahit pa nanatiling kalmado ang mukha nito.

"I am going back to U.S," sagot ni Lucas at nilagpasan ito.

Muli niyang hinanap ang susi at telepono sa mga kasambahay ngunit pag-iling lamang ang isinagot ng mga ito.

"Nasa akin. You're grounded." Napatingin siya sa ina nang magsalita ito.

Hindi siya makapaniwalang gusto pa rin na manipulahin ng sariling ina ang buhay niya, ito'y kahit pa nasa wastong gulang na siya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit gusto niyang tumira sa malayo. Mayroon siyang kalayaan sa America na hindi niya makukuha dito sa Sta. Ignacia.

Masama ang loob niyang lumabas sa kanilang mansyon. Naglakad siya palayo dito, hindi alam kung saan pupunta. 

Sa Sta. Ignacia siya lumaki, ngunit marami nang nagbago sa lugar katulad ng mga taong naroon na hindi na pamilyar sa kan'ya.

Hindi siya kilala ng mga taga-roon kaya bawat taong daraanan niya ay pinapasadahan siya ng tingin.

"Boy! Boy!" Napatigil siya sa paglalakad nang tawagin ng isang grupo ng mga manginginom sa isang tindahan.

Pagod niyang nilapitan ito. Hinahanap ng kan'yang dila ang alak, lalo pa ngayong kakatapos niya pa lamang makipagtalo sa ina. Kahit papaano'y inuusig siya ng konsyensya sa pagsagot-sagot dito, ngunit iyon lamang ang tanging paraan upang ipahayag niya ang kan'yang saloobin.

"Tagay!" Tinanggap niya ang nag-iisang baso na tinatagayan ng apat na lalaking tumawag sa kan'ya.

Hindi niya alam ang tawag sa walang kulay na likidong alak na laman ng baso ngunit nang mainom niya ay kakaibang init ang naidulot nito sa kan'yang lalamunan.

Nangiwi pa siya sa tapang nito.

Tumayo ang isang lalaki at inakbayan siya. Pinaupo siya nito sa bakanteng upuan at muli ay pinatagay.

"Bago ka ba dito?" tanong ng isa.

Tumango siya. Wala siyang balak na magpakilala sa mga ito bilang isang Valle.

Gusto niya lang uminom ngayon at magpakalasing. Kahit pa napilitan lamang siyang umuwi sa Pilipinas ay may parte pa din ng puso niyang nasasabik na makita ang ina at mga kapatid, ngunit hindi niya inaasahan na wala pa din pagbabago sa ugali ng ina. Ang negosyo pa din nila ang prayoridad nito.

Maingay ang mga kainuman niya at halos lahat ng dumaraan ay inaayang tumagay. Kung nasa tamang wisyo pa siya ay aalis na siya, ngunit kinakain na ng alak ang kan'yang sistema. 

Ito ang unang beses na nakita at natikman niya ang mga alak na nasa kanilang lamesa. Palibhasa'y sanay siya sa mga mamahaling alak sa mga bar at club sa America na pinupuntahan niya upang magpalipas ng oras. Hindi kagaya ngayon na sa tabi siya ng daan naglalasing.

"Pautang pa kami ng isang bilog, magandang binibini." Narinig niyang sabi ng kainuman sa tindera ng tindahan.

Napailing siya at binunot ang mamahaling pitaka sa kan'yang bulsa. Kumuha siya ng tatlong libo at iniabot sa tindera. Hindi na siya nag-abala pa'ng kunin ang sobra.

Narinig niya ang pagkagulat ng mga kainuman sa dami ng kan'yang pera. Kung tutuusin ay barya lamang iyon sa kan'ya at kahit magdamag pa silang uminom ay hindi iyon mauubos.

Nang sumapit ang gabi ay nagsiuwian na ang mga hindi niya kakilalang kainuman.

Tumayo na din siya at pasuray-suray na naglakad, taliwas sa direksyon pauwi sa kanilang mansyon.

Dala ng matinding kalasingan ay napilitan siyang pumasok sa isang maliit na kubo upang doon magpalipas ng gabi.

Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatulog nang maalimpungatan sa isang bagay na nakadagan sa kan'yang katawan.  Dahil lango pa sa alak ay binalewala niya iyon, ngunit hindi ang malambot na bagay na dumampi sa kan'yang mga labi. 

Unti-unti niyang minulat ang mata subalit hindi niya ito maaninag dahil sa kadiliman.

Wala pa siya sa sariling katinuan kaya nang maramdaman niyang umalis ito ay kinabig niya pabalik sa kan'yang d****b.

Narinig niyang bumulong ito. Pinilit niyang umaninag sa dilim upang makita ang itsura nang taong nasa kan'yang ibabaw. Naramdaman niya ang mahaba nitong buhok na tumama sa kan'yang mukha.

Ngumiti siya. Kilala niya ang haba at bawat hibla ng buhok ni Maica. 

Hindi siya nagdalawang isip na halikan ang babae. Sa una'y tumututol ito at nagpupumiglas, ngunit nang maibabawan niya ito at masuyong halikan sa labi at leeg ay narinig niya ang mahinang halinghing nito.

Nagpaubaya ang babae sa gusto niyang mangyari.

Nagawa na nila ni Maica ang bagay na iyon ng ilang beses na, ngunit ang gabing ito ay natatangi para kay Lucas. Tila ba ipinaramdam sa kan'ya ng kaniig na siya ang pinakamatipunong lalaki sa buong mundo.

"Ahh!" hiyaw ng babae matapos nilang sabay na mailabas ang init ng sandaling pinagsaluhan nila.

"I love you, Maica," bulong niya dito bago mawalan ng malay.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Seducing My Baby's Father    Epilogue

    Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 83

    Ang maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 82

    Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon."Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto ang

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 81

    Ang katahimikan ng gabi ay hindi napapansin ni Lera dahil ang kan'yang isipan ay ukopado nang naging pag-uusap nila kahapon ng kan'yang mag-ama. Partikular na ang katanungan ng mga ito sa kan'ya. Kung hindi lamang siguro pumasok sa loob ng silid ang kan'yang Nanay Nora ay baka napatango na siya. Subalit, ano pa ba ang bumabagabag sa kan'yang isipan? Si Ginang Juana ba? Malayo na si Ginang Juana at kung magtitiwala lamang siya kay Lucas ay madali para sa kanila na magkaroon ng isang buong pamilya. "Tulog na si Arim?" Ang pagpasok ni Lucas sa silid ay hindi niya napansin. Mabilis siyang napabangon sa higaan at kinapa ang noo ng bata. Mayroon itong sinat kaninang umaga. "Nakatulog na din. Mamaya kapag tumaas pa ang lagnat ay gigisingin ko para uminom ng gamot." Hindi niya naiwasan ang humikab matapos sabihin iyon. Umupo si Lucas sa paanan ng kama. "Ako na ang magbabantay sa kan'ya. Matulog ka na sa kwarto mo," anito. Umiling siya. H

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 80

    Mula sa terasa ng kwarto ay nakangiting pinagmamasdan ni Lera ang kan'yang mag-ama at si Mikoy na maglaro ng basketball. Gumawa ng maliit na basketball court sa likod bahay si Lucas nang isang araw.Narinig niya ang halakhakan ng mga ito nang pumalya si Mikoy sa pag-shoot ng bola.Ang kan'yang malawak na ngiti ay naglaho nang tumuon sa kan'ya ang tingin ni Lucas. Itinuro siya nito na animo'y sinasabing para sa kan'ya ang pagtira nito ng bola sa ring.Narinig niya pa ang kantyawan ni Arim at Mikoy sa kanila. Hindi niya alam kung kailan naging close ang dalawa dahil simula nang bumalik siya ay parang ito na ang magkapatid.Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagtawa nang mag-bounce lang pabalik ang bola. Humalukipkip siya at mataray na pinasadahan ng tingin si Lucas."Sira 'yong ring! Aayusin ko ito mamaya," sigaw nito nang tumalikod siya.Walang pasok kung kaya sabay-sabay silang kumain ng tanghalian sa bakuran. Sariwa ang ha

  • Seducing My Baby's Father    Kabanata 79

    Ika nga sa sikat na kasabihan, action speaks louder than words. Ikinaiinis ito ni Lera. Bakit ba siya nakatulog sa tabi ni Lucas? Nakayakap pa siya dito. Hindi tuloy mawala ang ngiti sa labi ng lalaki kinabukasan. "Nakasuot ka pa ng pajama," pang-aasar nito sa kan'ya habang nagsasalo sila ng agahan sa hapag. Sinamaan niya ito ng tingin habang walang habas na hinihiwa ang bacon sa kan'yang plato. Tumigil lang ito sa pang-aasar nang tumunog ang telepono. "Yes anak, nandito ang mama po. I think she's worried to me last night kaya nakarating dito." Nagkakamali pala siya dahil nagpatuloy pa din ito sa pang-aasar. Mabilis na tumayo si Lera at sapilitan na inagaw ang telepono kay Lucas. Lihim na napatawa ang mga katulong na pinagmamasdan sila mula sa isang tabi. "Parang mga teenagers na nag-iibigan," komento ng mga ito. Kinausap ni Lera ang anak. Kasama ito ng kan'yang Tito Mikoy. Ipapasyal daw. Mabuti iyon para malibang ang bata.

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status