Share

Kabanata 3

Isa sa mga mahahalagang bilin kay Lera ng kan'yang ina ay panatilihin ang kabirhenan hanggang sa mahanap niya ang lalaking magbibigay ng tunay na pag-ibig sa kan'ya.

Iyon ang kan'yang nasa isipan habang nagpupumiglas sa lalaking sinisiil siya ng h***k.

Pilit siyang kumakawala sa higpit ng yakap nito subalit higit na malakas ang lalaki at nagawa pa nitong pumaibabaw sa kan'ya.

Matindi ang pangangamoy ng alak sa bibig ng estranghero kaya pakiramdam niya'y ganoon na rin ang amoy ng kan'yang katawan nang masimula itong h*****k sa bawat parte.

Buong lakas niya itong itinulak ngunit hindi ito ininda ng lalaki at sa halip ay inipit pa ang ilang hibla ng kan'yang buhok sa likod ng tainga bago siya gawaran ng h***k, na ngayon ay masuyo na at puno ng pag-iingat.

Ang banayad na paghalik nito sa kan'yang mga labi ay tila gamot na unti-unting nagpakalma sa kan'ya.

Ito ang unang pagkakataon na n*******n siya, hindi niya man aminin ay nagugustuhan niya na ito.

Gumalaw ang lalaki sa ibabaw niya. Kung kanina lamang ay ito ang nilalabanan niya, ngayon nama'y ang sarili na ang pilit niyang pinupukaw. Nadadala na siya sa bago at kakaibang sensasyon na ipinapadama nito sa kan'ya.

Sa huli'y nagpaubaya siya at hinayaan ang katawan na magpadala sa agos kung saan siya tinatangay ng kaniig.

Akala niya'y puro sarap na lamang, ngunit napaungol siya nang maramdaman ang hapdi sa kan'yang ibaba. 

Ito ang kan'yang una.

Hindi naglaon ay nawala ang sakit hanggang sa napalitan ito ng init ng sandali.

"Ahh," hiyaw niya nang maabot ang r***k.

Tanging mabibigat na paghangos na lamang nila ang naririnig sa apat na sulok ng kubo.

Nang mga sandaling iyon ay hindi niya naramdamdaman na mayroong nawala sa kan'ya bagkus ay nabuo siya.

Pumikit siya nang umalis ang lalaki sa kan'yang ibabaw. Humiga ito sa kan'yang tabi at muli siyang niyakap kasabay ng masuyong paghalik sa kan'yang pisngi.

"I love you, Maica." Narinig niyang sabi nito bago siya tuluyang hilahin ng antok.

Ang mahapding pakiramdam sa kan'yang ibaba ang nagpamulat sa mga mata niya.

Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga sa papag nang maalala kung ano ang nangyari sa kan'ya at sa estrangherong nakayakap sa kan'yang tiyan.

Maliwanag na sa labas ng kubo kaya malaya niya nang makita ang itsura ng lalaki maging ang h***d nitong katawan kagaya ng sa kan'ya.

Inalis niya ang braso ng lalaki na bumabalot sa kan'ya at tuluyan nang tumayo sa papag. Kinuha niya ang mga damit na nagkalat sa sahig at isinuot iyon. 

Pinagmasdan niya ang itsura ng lalaking nakakuha ng kan'yang kabirhenan. Ngayon niya pa lamang ito nakita at masasabi niyang gwapo ito kumpara sa mga kalalakihang nagkakagusto sa kan'ya sa Sta. Ignacia.

Hindi niya maiwasang purihin ang makapal na kilay at pilikmata nito. Ang matangos na ilong na taglay ng lalaki ay mas lalong nagpatunay kung paano siya nagawang perpekto ng Maylikha. 

Napailing siya. Hindi niya maaaring gustuhin ang lalaking sapilitang umangkin sa kan'ya. Pinakakaingatan niya ang sarili para sa taong kan'yang mamahalin, ngunit nakuha lamang ito ng isang estranghero. 

Hindi ba't ginusto niya rin ang nangyari kagabi? Aminado siyang nagpadala siya sa kakaibang pakiramdam na hatid ng mga h***k at haplos nito. At hindi niya mawari kung bakit wala siyang nararamdaman na pagsisisi sa nangyari.

Sinubukan niyang gisingin ang lalaki ngunit bumaling lamang ito patalikod sa kan'ya. Lasing ito kagabi kaya inaasahan niya nang mahihirapan siyang gisingin ito. Ang masaklap pa'y baka hindi rin nito maalala ang nangyari sa kanila.

Tumingin siya sa apat na sulok ng kubo upang maghanap ng pagkakakilanlan nito nang makakita siya ng mga damit pambabae at panlalaki na nakasampay sa alambreng nakatali sa dalawang poste ng bahay.

Binalot siya ng kaba at pinagmasdan ang h***d na likod ng lalaki.

Unti-unting pumasok sa isipan niya na maaaring isang kamalian ang nagawa niya.

Una, naabutan niya ang lalaking ito sa loob ng kubo, ibig sabihin ay doon ito nakatira. Pangalawa, tinawag siya sa pangalang 'Maica' kagabi. Posibleng iniisip nito na ang babaeng iyon ang kasama niya sa papag. Panghuli, maaaring ang Maica na iyon ang nagmamay-ari ng mga pangbabaeng damit na nakasampay sa loob ng kubo. Ibig sabihin lamang nito ay nakipag-siping siya sa lalaking mayroon ng asawa.

Sa takot na maabutan ng misis ng lalaki ay walang pag-aalinlangan siyang kumaripas ng takbo palabas ng kubo. 

Nang makalayo ay tumigil siya at paika-ika nang naglakad na animo'y walang kahit anumang nangyari dahil marami na siyang nakakasalubong na mga tao.

Nanatili siyang nakayuko. Iniisip niyang baka nasa paligid lamang ang dalawang lalaking humabol sa kan'ya kagabi.

Mariin siyang napapikit. Ito pala ang kapalit ng pagsuway niya sa magulang. Sana'y hindi na lang siya naglayas kagabi.

"Lera!" Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang boses ni Maris. Lulan ito ng isang tricycle, na mayroong dalawang maletang nakatali sa bubong.

"Maris," mahina ang boses na pagtawag niya dito pabalik.

Bumaba ito ng tricycle at nilapitan siya.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Pinaghahanap ka na nina Manong Leroy," nag-aalala nitong sabi habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Pumunta ba sainyo sina itay?" Sa galit ng kan'yang ama kahapon ay hindi niya na inisip na hahanapin o susundan pa siya nito.

"Hindi. Ako dapat ang pupunta doon sainyo kaninang madaling araw, para tanungin kung makakasama ka ba patungong Japan, pero nakita ko ang bag at mga damit mo sa daan kaya binalot ako ng kaba. Sinabihan ko kaagad ang itay at inay mo. Nasa estasyon sila ng pulis ngayon para humingi ng tulong."

Dumoble ang kaba ni Lera sa balitang iyon ng kaibigan. Ang daming nangyari dahil lamang sa paglalayas niya. Sigurado siyang hindi na lamang sama ng loob ang nararamdaman ng mga magulang sa kan'ya kun'di pag-aalala na din.

"Ano ba'ng nangyari sa'yo? Bakit puno ng galos ang tuhod mo?" Nakuha niya ang galos na iyon mula sa pagkakadapa kagabi nang habulin siya ng dalawang lalaki ngunit wala na siyang panahon pa upang ikwento iyon kay Maris.

"At saka bakit paika-ika ka maglakad at baliktad pa ang pagkakasuot mo ng bestida?" Sa dami ng tanong nito ay doon lamang siya pinamulahan ng pisngi. Hindi niya maaaring sabihin sa kaibigan na mayroon na siyang karanasan.

"Saka ko na lang ikwekwento. Kailangan ko'ng puntahan sina inay at itay."

Bakas sa mukha ni Maris ang pag-aalala sa kaibigan at tila ayaw pa itong bitiwan.

"Maris! Ano ba? Tara na mahuhuli na tayo sa byahe!" Napatingin si Lera sa tiyahin ni Maris nang sumigaw ito.

"Lera, hindi ka na ba sasama?" nagmamadaling tanong ng kaibigan sa kan'ya.

Malungkot na umiling si Lera. Hindi niya maaaring iwanan ang mga magulang nang nag-aalala sa kan'ya. Natatakot din siyang madagdagan ang kamalasan na pinagdaanan niya ngayon dahil sa pagsuway sa mga ito.

Marahil sa ibang paraan ay makakaahon din sila sa hirap.

Nang makapagpaalam sa kaibigan ay dali-dali siyang nagtungo sa himpilan ng pulis. Doon ay naabutan niyang nakikipagtalo ang ama.

"Hindi pa nga po bente-kwatro oras na nawawala ang anak n'yo. Baka po nagtanan lang iyon, alam n'yo naman ang mga kabataan ngayon," sabi ng isang pulis na napapakamot na lamang ng ulo sa pangungulit ng kan'yang ama.

"Tay!" Nakayuko siyang lumapit dito.

Sinalubong siya ng ina nang mahigpit na yakap habang ang kan'yang ama nama'y tila nahimasmasan nang makita siya.

"Patawarin n'yo po ako." Paghingi niya ng tawad sa mga magulang.

Nakakaintinding ngumiti ito at inakay siya palabas matapos magpaumanhin sa kinauukulan.

"Nora! Sandali." Bago pa man sila tuluyang makalabas ay isang babaeng mayroong magandang pananamit ang tumawag sa kan'yang ina.

Mayroon itong akay-akay na babaeng kasing-edad niya.

Nakasuot ito ng jacket at mayroong benda ang kaliwang bahagi ang noo at namamaga ang gilid ng labi at pisngi nito.

"Diyos ko! Madam Luisa ano po ang nangyari sa anak n'yo?" nanghihilakbot na tanong ng kan'yang ina dito.

Nakatuon sa kan'ya ang tingin ng anak ni Madam Luisa at ganoon din siya. Namumukhaan niya ang babae.

"Mahabang kwento Nora, pero nais ko sana'ng makausap ang anak mo." Napaawang ang kan'yang labi. Hindi niya ito kilala kaya nakakapagtaka na kakausapin siya nito.

Gayunpaman, hinayaan siya ng ina na sumama dito.

Pumasok sila sa opisina ng hepe ng pulis. Alam niya na kaagad na mataas ang antas ng pamumuhay ng babae para doon sila mag-usap.

Tama nga siya dahil si Madam Luisa ay pinsan ng alkalde, kaya din ito kilala ng kan'yang ina. Kakauwi lamang nila nang isang araw mula sa ibang bansa kung kaya ngayon niya lamang ito nakita pati ang anak na babae nito na nakilala niyang si Haya.

"Ikaw ang itinuturo ng aking anak na nakasaksi sa tangkang pananamantala sa kan'ya," ani Madam Luisa.

Dito niya napagtantong si Haya ang babaeng nakita niya sa talahiban at pinagtatangkaang gahasain ng dalawang lalaking humabol sa kan'ya.

Hindi siya nagdalawang isip na magbigay ng pahayag tungkol sa kan'yang nasaksihan.

Naging mahaba ang pag-uusap nila at natigil lamang iyon ng pumasok si Ginang Juana Valle. 

Magara at kumikinang ang alahas na suot nito ngunit hindi iyon ang nakakakuha ng atensyon ng mga nakapaligid sa kan'ya, kun'di ang walang emosyon nitong mukha at kapangyarihang taglay ng matalim nitong mga tingin. Ito ang dahilan kung bakit kahit nasa loob na sila ng opisina ni hepe ay naririnig niya pa rin ang kaguluhan ng ilang tao sa labas.

Marahil ay nagtataka sila kung sino ang ipapakulong ng pinakamayamang ginang sa Sta. Ignacia.

"Hanapin n'yo ang aking bunsong anak na si Lucas. Naglayas siya kahapon," maotoridad nitong utos sa hepe, na walang pag-aatubiling tumango.

"Sige po Ginang Juana. Kailangan lang po namin ng larawan niya," aniya hepe.

Natulala si Lera sa marangyang postura ng ginang, ngunit ang nakakuha ng kan'yang atensyon ay ang larawang iniabot nito sa hepe ng pulisya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status