Everett’s POVBinuksan ko ang alimango, tinanggal ang shell at hinaluan ng konting white wine para mag-deglaze ng kawali. “When you cook crab, always take time sa pag-prepare ng stock. That’s where you get the richest flavor. But of course, for today, mabilisang version muna tayo.”Idinagdag ko ang tahong at hinintay na bumukas ito, sabay halo ng konting butter at chopped parsley para sa final touch. Nakita ko ang paggalaw ng tahong, unti-unti nang bumubuka ang mga shell nito, nagsisimula nang maglabas ng natural juices na magpapalasa sa dish.“Here comes the final touch,” sabi ko habang hinaluan ng lemon zest at isang pinch ng cayenne pepper. “Lemon gives brightness, cayenne adds a bit of heat. Perfect for a seafood dish like this.”Binuksan ko ang maliit na kaldero ng butter sauce na kanina ko pa niluluto sa mababang apoy. “And always serve it with garlic butter sauce on the side,” I said with a smirk, offering a spoonful to Misha for a quick taste test.“Tikman mo, babe. Sabihin mo
Misha’s POVMaganda ang sikat ng araw nang makarating kami sa swimming pool resort ko. Kasama ko sina Ate Ada at apat sa mga bodyguard ko, na malapit lang sa amin para siguruhing ligtas ako.Panay ang bati ng mga staff ko nang makita nila ako. May nagsasabi pa na na-miss daw nila ako.Pagkarating pa lang namin, agad kong naamoy ang halimuyak ng mga halaman at narinig ang malumanay na agos ng tubig sa pool dahil sa mga batang maagang naglalangoy sa tubig. Walang kasing-saya ang makabalik dito, sa kaisa-isang business na una kong naitayo.“Kumusta ka, Miss Misha?” bati ni Ate Ada habang naglalakad kami patungo sa malawak na swimming pool. “Mukhang ang saya mo na ulit nakabalik ka rito.”“Ang saya ko, Ate Ada,” sagot ko habang tumitig ako sa malinis at kumikislap na tubig ng pool. “Matagal ko na rin itong hindi nakita. Iba ang saya ko kapag naririto ako.”Tamang-tama ang pagbisita ko kasi may mga inayos akong papel. May mga event akong na-confirm na mangyayari rito at kung ano-ano pa.An
Misha’s POVPagdating ko sa farm, nadatnan ko na paalis na ang mga truck ng mga reseller ng mga gulay namin. Ang iba sa mga kilala na ako ay binati ako at nginitian. Marami-rami na naman ang kita namin dito for sure. Kaya kahit pa paano talaga ay nakakaahon na sa hirap sina mama at papa dahil nagiging maayos na ulit ang lahat.Pero kahit na nasasaksihan ko ang mga magagandang nangyayari sa paligid ko, hindi ko magawang maalis sa isipan ko ang sinabi ni Tita Maloi kanina. Para akong binuhusan ng malamig na tubig—isang takot na hindi ko inasahan, isang banta na bumalot sa akin ng mabigat.Naupo ako sa isang lumang bangko sa tabi ng mga tanim naming ubas. Habang hinahagod ko ang noo ko, napatingin ako sa malayo, sa mga gumagapang na ulap sa langit. Dapat nga ba akong matakot? Nakakatakot kasi talaga ang banta niya. Paano kung totohanin niya?“Huy, Misha! Anong iniisip mo diyan?” isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan.Napalingon ako at nakita kong papalapit si Conrad. Tulad n
Misha’s POV“Hindi mo puwedeng palagpasin ito, Misha,” mariing sabi ni Conrad pagkatapos ng ilang minuto. “This is serious. Alam mo ba kung gaano kalaking bagay ang pananakot na ‘yan? Hindi lang ito tungkol sa pera o yaman, ito na ang mismong seguridad mo. Puwede ka niyang idamay sa gulo ng pamilya nila at hindi mo dapat hayaan ‘yun.”“Tama ka, pero…” nagsimula akong magsalita, pero mabilis akong pinutol ni Conrad.“Pero ano?” tanong niya habang sumeryoso ang mukha. “You can’t just let this slide, Misha. You have to tell Everett. Kung hindi mo siya sasabihan, paano niya mapoprotektahan ang sarili niya at ikaw? At isa pa, this is his family—he needs to know what’s going on.”Napaisip ako sa sinabi ni Conrad. Alam kong tama siya, pero sa loob-loob ko, baka makagawa ng naman ng hindi maganda si Everett. Baka awayin na naman niya ng husto ang mga iyon. Ayoko kasing napapaaway si Everett.“Alam ko… alam ko dapat kong sabihin sa kanya,” mahinang sagot ko. “Pero paano kung mas lumala pa ang
Everett’s POVPagkarating ko sa bahay nila Tita Maloi, ramdam ko agad ang pagtitimpi sa loob ng dibdib ko. Pinili kong kumalma habang umaakyat sa hagdan, hindi ako makapaniwala na siya pa ang gagawa nito para takutin ang syota kong buntis. Ang kapal lang ng mukha, oh baka utos din ng demonyong tito ko. Halatang-halata na uhaw sila sa yaman ko. Halatang-halata sila na ayaw nilang makuha ko pa ang yaman ko.Binuksan ko ang pinto at nakita ko agad si Tita Maloi na nakaupo sa may sofa, nag-aayos ng mga gamit sa lamesa. Hindi man lang siya nagulat sa bigla kong pagdating, pero sa likod ng mapagbalatkayong ngiti niya, alam kong nararamdaman niya ang tensyon na dala ko.“Everett,” bati niya nang walang kagatol-gatol, “what brings you here so suddenly?”Hindi ko sinayang ang oras sa mga pleasantries. Diretso akong lumapit sa kaniya, hindi ko ininda ang kabog sa dibdib ko. “I know what you’ve been doing, Tita.”Napakunot ang noo niya. Tumigil siya sa ginagawa at tumayo, tila nagpapanggap na in
Misha’s POVNagmamadali akong bumangon mula sa kinahihigaan ko nang marinig ko ang kaluskos sa labas ng kuwarto. Tumayo ako at sumilip sa bintana—nandiyan ang mga bodyguard ni Everett, tahimik na nakatayo sa labas ng bahay kubo ko dito sa farm. Agad akong napakunot-noo. Hindi naman araw ng pagbisita ni Everett ngayon. Bakit kaya may mga tao siyang pinadala?Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Ate Ada. Nakangiti siya, pero may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata. Parang eng-eng, hindi naman siya ganito sa umaga.“Misha, kailangan mong mag-ayos ng maganda. May sorpresa si Sir Everett para sa’yo,” sabi niya habang itinutulak niya ako pabalik sa kuwarto.“Sorpresa? Ano na naman ‘to?” tanong ko habang sinusundan siya ng tingin.Hindi siya sumagot at inabot sa akin ang isang malaking kahon na may kulay gintong laso. Takang-taka ako habang pinagmamasdan ko ang kahon—hindi ito pangkaraniwang regalo. Para namang baliw si Everett. Parang nung isang araw lang ay muntik na siyang magalit
Misha’s POVLahat ng mata ay napunta sa akin. Parang biglang nawala ang lahat ng tunog—ang tanging naririnig ko ay ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o kung anong gagawin ko. Para akong napako sa kinatatayuan ko.Ilang sandali pa, may nakita akong pamilyar na pigura sa harap ng entablado. Si Everett. Suot niya ang itim na tuxedo na nagpapatingkad ng kaniyang postura at tindig. Nakangiti siya habang lumalapit sa akin. Nang makita ko siya, parang gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit may kung anong malalim na emosyon ang bakas sa mga mata niya.“Misha,” bulong ni Everett nang magkatapat kami. Hinawakan niya ang kamay ko at parang natunaw ang lahat ng kaba sa dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman na tila ba may napakaespesyal na mangyayari ngayong gabi.“Everett, ano ‘to? Ano ang nangyayari?” tanong ko habang nararamdaman ko ang bahagyang panginginig ng kamay ko.Ngumiti siya, pero halata ang kaba sa kaniyang mga mata. Bago pa siya makapagsalita, bumalik sa mikropono an
Misha’s POVKinabukasan, pagkatapos ng engagement party namin ni Everett, bumangon ako nang may ngiti sa aking labi. Ramdam ko pa rin ang kilig mula sa gabing iyon, na parang nasa hangin pa rin ang mga salita na malapit na akong ikasal, malapit na akong maging Misha Tani.Paglabas ko ng kuwarto, naroon siya—nakangiti, nakaayos na parang may mahalagang lakad. Masaya ito, nakadalawang round kami kagabi, sarap na sarap na naman siya sa nangyari. “Good morning, love,” bati niya sa akin sabay halik sa noo ko. “May sorpresa ako para sa’yo. Magbihis ka. Lalabas tayo.”Napakunot ako ng noo habang siya naman ay parang nang-aasar ang ngiti, hindi pa pala siya tapos sa mga sopresa niya. “Sorpresa na naman? Hindi ka pa ba napapagod sa kakasorpresa?”“Hindi pa. At hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapasaya araw-araw,” sagot niya sabay kindat.Nagmadali akong mag-ayos. Pagkatapos ng ilang minuto, handa na agad ako, mabuti at pagkagising ko kanina, naligo na agad ako. Suot ko ang isang simple
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac
Samira POVWala pa man ang gulong magiging dala ni Vic, pero ang balita tungkol sa pagbabalik niya ay sapat na para yanigin ang katahimikan ng lahat. Ngunit kahit na natatakot ang lahat, hindi kami puwedeng manatiling walang ginagawa. Walang nakakaalam kung ano ang mga kaya niyang gawin kaya halos parang nanganga pa kami.Sa totoo lang, hindi kami nahirapang pabagsakin si Don Vito, walang masyadong labanan na nangyari, kasi dito pala kami mapapasabak ng husto kay Vic. Pero sana, gaya nang pagbabagsak namin kay Don Vito, ganoon din kadali ang kay Vic.Kaya ngayon, dinala ko sina Mama Ada at Ahva sa garden ng mansiyon para simulan ang isang bagay na mahalaga naming gawin ngayon, at ito ay ang matuto na rin silang lumaban.“Okay, start with your stance,” sabi ko habang pinaposisyon ko si Ahva at Mama Ada. “Feet shoulder-width apart. Arms up. Chin down.”“Like this?” tanong ni Mama Ada, na medyo nag-aalangan habang tinaas ang dalawang kamay.“Yes, ganiyan nga. Pero relax lang po, Mama. Hi
Samira POVPawisan at halos humihingal kaming dalawa ni Miro matapas ang umaatikabong pagse-sëx. Galing si Miro sa isang event at tipsy ito nung umuwi. Pagpasok niya rito sa kuwarto namin, bigla na lang naglambing. Hanggang sa magtanggal na kami ng saplot at wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya na lang.Matutulog na dapat ako, pero biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa may nightstand. Mabilis ko iyong kinuha, akala ko ay notification lang mula sa social media, pero natigilan ako nang makita ang pangalan na naka-flash sa screen.Si Ramil, tumatawag. Nung una, inisip ko na baka ibang tao, baka may nakakuha lang ng phone niya. Pero nang sagutin ko ang tawag niya, doon na ako lalong nagulat.Buhay pa nga si Ramil.“Ramil?” mahinang tawag ko sa kaniya na halos pabulong lang.“Samira,” bulong rin niya mula sa kabilang linya at agad kong naramdaman ang takot sa boses niya. “Walang oras para magpaliwanag, pero nakatakas ako nung dakpin ako ng mga tauhan ni Don Vito nun. Nung hinahabol