Misha’s POVKinabukasan, pagkatapos ng engagement party namin ni Everett, bumangon ako nang may ngiti sa aking labi. Ramdam ko pa rin ang kilig mula sa gabing iyon, na parang nasa hangin pa rin ang mga salita na malapit na akong ikasal, malapit na akong maging Misha Tani.Paglabas ko ng kuwarto, naroon siya—nakangiti, nakaayos na parang may mahalagang lakad. Masaya ito, nakadalawang round kami kagabi, sarap na sarap na naman siya sa nangyari. “Good morning, love,” bati niya sa akin sabay halik sa noo ko. “May sorpresa ako para sa’yo. Magbihis ka. Lalabas tayo.”Napakunot ako ng noo habang siya naman ay parang nang-aasar ang ngiti, hindi pa pala siya tapos sa mga sopresa niya. “Sorpresa na naman? Hindi ka pa ba napapagod sa kakasorpresa?”“Hindi pa. At hindi ako titigil hangga’t hindi kita napapasaya araw-araw,” sagot niya sabay kindat.Nagmadali akong mag-ayos. Pagkatapos ng ilang minuto, handa na agad ako, mabuti at pagkagising ko kanina, naligo na agad ako. Suot ko ang isang simple
Misha’s POVHuminto kami sa isang malawak na lupain na tila walang hangganan ang laki. Naglakad kami palabas ng sasakyan at pumasok kami sa bakanteng lote. Walang mga bahay, walang mga tao—kundi puro lupa, mga damo at mga punong halos hindi mo matanaw ang dulo.Napakunot ang aking noo. “Ano to? Lupa?”Ngumiti si Everett at hinawakan ang kamay ko, dinala ako sa gitna ng lugar. “Oo, lupa ito. Pero hindi basta-bastang lupa lang.”Napatingin ako sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?”Huminga siya ng malalim at hinaplos ang aking pisngi. “Binili ko ang lupang ito para sa atin. Dito itatayo ang magiging bahay natin, ang magiging tahanan ng magiging pamilya natin.”Halos hindi ko mapaniwalaan ang narinig ko. Nanatili akong tahimik, hindi alam kung ano ang sasabihin. Tinitigan ko ang malawak na espasyong nasa harapan ko, sinusubukang isipin kung paano ito magiging bahay namin. Grabe, iyon lang ang una kong nasabi. Mall ba ang ipapatayo niya rito at ganito kalaki?“Everett… seryoso ka?” tanong ko
Misha’s POVParang isang panaginip ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Naging viral na ang engagement party namin ni Everett at hindi ko mapigilan ang kilig at hiya sa atensyong natatanggap ko ngayon. Gusto ko mang magtago, hindi ko maikakaila na tuwang-tuwa rin ako. Sino ba naman ako, si Misha Merdz, para magpakilala sa buong mundo bilang mapapangasawa ng isang Everett Tani?Nang bumangon ako at abutin ang cellphone sa gilid ng kama, agad akong sinalubong ng mga notifications mula sa social media. Bawat post, bawat comment—puro tungkol sa amin. Hindi ko pa natatagalan ang pag-scroll nang makita ko ang isang video clip ng isang news anchor:“Breaking news! The engagement of billionaire Everett Tani to Misha del Rosario has taken social media by storm. Dubbed as the luckiest woman in the Philippines, Misha has captured the heart of one of the country’s wealthiest men.”Napakagat ako sa labi. Grabe, pati sa balita? Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Pindot dito, pindot doon
Misha’s POVAt ngayon, heto na ako, nakaupo sa gitna ng aking kuwarto, binabalikan ang bawat sandali na parang pelikula. Hindi ko inasahan na magiging ganito kasaya ang wakas ng plano nina Mama at Papa. Hindi ko rin inakalang magiging tunay ang pagmamahal namin ni Everett sa isa’t isa.Tumunog muli ang cellphone ko—this time, it was Everett.“Hey, how are you feeling? I saw the news. We’re all over it.”Nakangiti akong sumagot. “Yeah, I saw it too. I can’t believe it’s real. It feels… surreal.”“Don’t worry. I’ll take care of everything. I know the attention can be overwhelming, but I’m here for you. Always.”Muling napangiti ang puso ko. Kung noon ay may alinlangan pa akong nararamdaman, ngayon ay alam ko nang nasa tamang landas ako.Nang ibaba ko ang tawag, bumalik ako sa pagbabasa ng mga comment sa social media.“Grabe! Ang suwerte ni Misha!”“Pinaka-suwerteng babae sa buong Pilipinas!” “Sana all may Everett Tani.”Napangiti ako, pero sa loob-loob ko, hindi lang ito tungkol sa pag
Misha’s POV Ginala ako ni Jaye dito sa farm. Hindi na busy ang gaga. Isa pa, panay ang selfie niya sa amin at saka niya pino-post sa social media niya. Palibhasa't nag-viral kami ni Everett, heto, gustong-gusto niyang maki-spotlight. "Bakit hindi mo kinakain ang dala kong pizza?" tanong niya habang nasa loob kami ng kubo ko. "Hindi ko trip," mabilis kong sagot. "Dapat sinabi mo para hindi nasayang," reklamo niya. "Dapat din kasi nagsabi ka na parating ka, hindi 'yong bara-bara ang dating mo," sagot ko at saka ako umirap. "Sige, ano bang gusto mo? Sige, baka kaya kong gawan ng paraan? Ayaw ko kasi na hindi mo manlang tinikman ang dala ko? Anong bet mong kainin?" tanong niya kaya napataas ang isang kilay ko at saka ako ngumisi sa kaniya. "Kahit ano?" tanong ko pa kaya tumango siya. "Sige, spaghetti, nagke-crave ako sa spaghetti ngayon." "Gusto mo bang mag-order ako?" tanong pa niya kaya mas lalo akong ngumisi. "Hindi 'yung spaghetti na nabibili sa labas ang gusto ko. Iba ang tri
Misha’s POV Lumabas ako ng kubo. Naupo ako sa bagong terrace na ginawa rito. Para kapag umaga, tanghali o hapunan, puwede akong kumain dito kung gusto ko. Pumunta ako rito kasi naisip kong tawagan na agad si Everett. ”Salamat naman at hindi ka busy," bungad ko nang sagutin agad ni Everett ang tawag ko. "Bakit, may problema ba diyan?" dama ko sa tono nang pananalita niya ang pag-aalala niya agad sa akin. "Wala naman. Si mama kasi, kakatawag lang sa akin ngayon," sabi ko at saka ko na sinabi sa kaniya ang lahat-lahat nang sinabi ni mama. Pati na rin ang mga eksena ni Teff. Nagulat si Everett. Humingi pa siyang tawad sa akin kasi nakalimutan daw niyang bigyan ng bodyguard sina mama at papa sa bahay namin. Huwag na raw akong mag-alala kasi agad-agad siyang magpapadala ng mga bodyguard doon. "Sa kanilang tatlong magkakapatid, si Teff ‘yung matalino at mabangis. Nagbabait-baitan lang ito, pero sure akong may pinaplano na siya. Sa kaniya hanga ang mama at papa niya kasi malinis magtraba
Misha’s POV Wala akong magawa. Habang nagluluto sina Conrad at Jaye, naisip kong subukan gawin ang mga gawain ng mga staff namin sa farm para nakakapag-papawis naman ako. Sa wakas, tapos na rin ang lahat ng mga ginawa ko rito sa farm. Nakapulot na ako ng itlog mula sa mga manok, napakain ko na ang mga kambing, at ngayon, ready na akong umupo’t magpahinga. Pero higit sa lahat, ready na akong tikman ang nilutong seafood spaghetti nina Jaye at Conrad! Hindi ko inaasahang ang biro-biro ko lang kanina kay Jaye ay tototohanin niya. Lumabas ako sa terrace ng maliit naming kubo at naamoy ko agad ang halimuyak ng bawang, kamatis, at… hmmm, sariwang hipon? Oh wow, parang ang bango pa lang, solve na ako! Sa ‘di kalayuan, nakikita ko sina Jaye at Conrad sa ilalim ng puno ng mangga, naghahanda ng mesa. Ang set-up? Para kaming mag-pi-picnic. Nakapatong lang sa kahoy na mesa ang malaking bandehado ng spaghetti, may ilang prutas na nakaayos din sa gilid. “Hoy Misha, halika na! Huwag kang magpapahul
Everett’s POVPagdating ko sa coffee shop, agad kong hinanap si Teff. Nakaupo siya sa isang sulok, nagkakape at abalang nakatutok sa cellphone niya. Kapag nakikita ko siya, nag-iinit ang dugo ko. Kailangan kong harapin ang isa ‘to at hindi ko puwedeng palampasin ang pinaggagagawa niya. Hindi siya basta-basta naglalalapit sa isang tao, lalo na kung wala siyang kailangan. Lalo na kay Misha at sa mama niya. Hindi siya ganoon kaya alam kong may something sa gagong ‘to.“Teff,” tawag ko habang papalapit sa kaniya. Tumayo siya ng dahan-dahan, parang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Pagtingin niya sa akin, wala akong nakitang gulat sa kaniyang mukha. Mukha siyang kalmado, pero alam kong may mas malalim na dahilan sa likod ng ngiti niya.“Everett,” sagot niya na parang wala lang. Umupo ako sa tapat niya, pinipilit ko ang sarili na huwag mairita.“So, what’s your deal with Misha and her mom?” tanong ko, hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kailangan kong malaman kung ano talaga ang gusto n
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga