Share

0105: Breaking News

last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-07 14:41:27

Misha’s POV

Parang isang panaginip ang lahat. Hindi pa rin ako makapaniwala. Naging viral na ang engagement party namin ni Everett at hindi ko mapigilan ang kilig at hiya sa atensyong natatanggap ko ngayon. Gusto ko mang magtago, hindi ko maikakaila na tuwang-tuwa rin ako. Sino ba naman ako, si Misha Merdz, para magpakilala sa buong mundo bilang mapapangasawa ng isang Everett Tani?

Nang bumangon ako at abutin ang cellphone sa gilid ng kama, agad akong sinalubong ng mga notifications mula sa social media. Bawat post, bawat comment—puro tungkol sa amin. Hindi ko pa natatagalan ang pag-scroll nang makita ko ang isang video clip ng isang news anchor:

“Breaking news! The engagement of billionaire Everett Tani to Misha del Rosario has taken social media by storm. Dubbed as the luckiest woman in the Philippines, Misha has captured the heart of one of the country’s wealthiest men.”

Napakagat ako sa labi. Grabe, pati sa balita? Hindi ko akalain na aabot kami sa ganito. Pindot dito, pindot doon
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
goodnovel comment avatar
Beverly Sumondong-Brigole
thank you for the update author more updates
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0817: Season 5 (Chapter 100)

    Eryx POVBoring daw ang girlfriend ko, kaya naisip ko siyang isama sa pa-challenge ng school sa kaiigan niyang si Nyra. Siguro, para na rin makita niya mismo kung gaano kalakas ang mga kaibigan niya.“Halika,” sabi ko kay Ahva habang magkahawak-kamay kaming lumabas ng mansiyon ko. Hindi na siya napirme sa big dorm nila kasi panay na ang uwi niya, o kung minsan, sinusurpresa ako sa manisyon ko, bigla na lang siyang dumarating. “May laban na magaganap ngayong gabi. Ikaw at ako lang ang pupunta.”Nagtaas siya ng kilay, halatang curious din. “Laban? Kanino? Para kanino?”“Para kay Nyra,” diretso kong sagot. “Naka-set-up na ang mangyayaru. Ang ini-utos sa kaniya ng school ay kunin ang isang armas mula sa isang lumang basketball court. Pero ang totoo, iyon ang magiging challenge niya.”Tahimik lang siyang tumango, halatang gusto niya ring sumama at makita ang magiging challenge kay Nyra.“Magme-message muna ako kay Penumbra. Sasabihin kong hindi ako uuwi sa BD ngayon. Baka kasi hintayin nil

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0816: Season 5 (Chapter 99)

    Ahva POVMadaling-araw palang ay nakarating na kami ni Eryx sa school. Doon na lang niya ako binaba sa may coffee shop malapit sa school para walang makakita sa amin. Tamang-tama, bumili na rin ako ng mainit na kape para may dahilan talaga ang pagbaba ko roon. Pagkatapos, tinawagan ko si Amon para magpasundo saglit. Alas sais na ng umaga, alam kong gising na siya.Nag-abang lang ako ng ilang minuto, maya maya lang ay dumating na siya. Bagong ligo siyang bumaba sa kotse niya.“Bakit wala kang dalang car?” unang tanong niya.“Hindi ba puwedeng good morning muna?” natatawa kong sagot.“fine, good morning” sagot niya, habang natatawa sa akin. “So, bakit nga wala kang car?”“Uhm, galing kasi ako sa condo ng isang friend ko, doon ako nag-stay kagabi, so nag-taxi na lang ako papunta rito sa malapit na coffee shop. Alam mo naman, hindi pinapahintulutan ng school natin na magpahatid tayo sa taxi or kahit ano pang rent car ‘yan.”Napaniwala ko naman siya. “Ah, okay. Anyway, si Penumbra nga pala

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0815: Season 5 (Chapter 98)

    Ahva POVNapatingin ako sa bintana ng kuwarto ni Eryx. Ang kulay ng langit sa labas ng bintana ay parang pinaghalong kulay abo at ginto, senyales na unti-unti nang bumababa ang araw. At sa parehong oras na iyon, napansin ko rin na tila gumagaan na ang pakiramdam ng boyfriend ko. Hindi na ganoon kabigat ang paghinga niya, hindi na rin gaanong mapula ang pisngi, at higit sa lahat, nakakaya na niyang tumayo at umupo.Parang may mainit na kung anong dumaloy sa puso ko. Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Totoo pala talaga ‘yong pakiramdam na kapag mahal mo ang isang tao, ramdam mong kahit sa simpleng pag-aalaga mo, nagdudulot iyon ng ginhawa sa kaniya. Hindi ko man sabihin nang direkta, ramdam kong ako ang dahilan kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya. At dahil doon, pakiramdam ko, handang-handa na rin akong maging asawa niya, kasi kaya ko na siyang alagaan kapag may sakit siya.Pero siyempre, hindi pa tapos. Hindi pa lubos na magaling ang boyfriend ko. Kailangan k

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0814: Season 5 (Chapter 97)

    Ahva POVTumayo ako at naghanap ng bimpo. Mabuti na lang at may nakahandang malinis sa bedside table. Binasa ko ito ng malamig na tubig mula sa pitcher at banayad kong piniga para lang may maiwang basa pa rin. Pagbalik ko, nakatingin lang siya sa akin. Parang masaya siya na inaalagaan ko siya ngayon.“Stop looking at me like that,”Pilit akong umiiwas ng tingin habang pinupunasan ko ang pawis niya sa noo at pisngi.“Like what?” tanong niya.“Like… you’re seeing me for the first time.” Napatawa tuloy ako, habang pilit na tinatago ang kilig. Kahit may sakit, nakakaya pa niyang ngumiti sa akin. Kahit may sakit din, aba, pogi at parang ang sarap nitong gawin sa kaniya. Gusto kong alagaan siya. Ngayon ko lang mararanasang mag-alaga ng boyfriend na may sakit.“Eh kasi…” huminto siya saglit at hinawakan ang kamay kong may hawak sa bimpo. “Ganito pala ang feeling kapag inaalagaan ka ng girlfriend mo. Pakiramdam ko, mabilis akong gagaling.”Napangiti tuloy ako. Pareho kami nang napi-feel. Ako,

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0813: Season 5 (Chapter 96)

    Ahva POVPagpasok ko ng school kinabukasan, isa lang ang nasa isip ko agad, siyempre si Eryx. Kahit puyat, go, nauna na nga akong umalis sa manisyon, sila, iniwan ko, nandoon naman ang driver ko, saka ang tatagal kasi gumayak. Gustong-gusto ko na kasing magkinabukasan, para makita at makausap na ang boyfriend kong tila nagtampo.Hindi pa man ako nakakaabot sa main building, hinahanap na agad siya ng mga mata ko. Wala pang masyadong student dahil maaga pa, e, kapag ganitong oras, madalas din ay maaga siyang nagigising at nagja-jogging dito sa school.Pero wala, puro ‘yung mga student lang na nagja-jogging ang nakita ko.Naglakad ako papunta sa opisina niya, medyo nakayuko pa ako habang tinitingnan ang mga estudyanteng nakaupo sa gilid, nag-uusap at nagtatawanan. Sa loob-loob ko, sana naroon si Eryx, kahit abala sa mga papeles o meeting. At least, makikita ko siya.Pagdating ko sa harap ng office, huminto ako sandali. Huminga ako ng malalim at nag-isip ng paraan para makausap siya, kuny

  • Seducing My Hot Ninong Everett   0812: Season 5 (Chapter 95)

    Ahva POVAlas-sais pa lang, dumating na si Dasuri. Naka-dress siya na kulay pastel pink, at pagpasok niya ay agad siyang napasigaw.“Putek, Ahva girl! Buffet pala talaga? Ang yaman mo talaga!”Natawa ako at niyakap siya. “Kalma lang, girl. Wala pang tao, ikaw agad ang maingay, grabe ka!”Sunod na dumating sina Hugo at Zaira, nag-aasaran pa rin tungkol sa kung sino ang late. At siyempre, sila pa rin ang parehong duo na hindi nauubusan ng banter.“Buffet agad? Hindi ba dapat nagsabi ka ng dress code?” reklamo ni Zaira habang nakapamaywang.“Wala nang dress code, dress code. Aarte ninyo, ang mahalaga ay may suot na damit,” sagot ko.“Oh, nasaan na ang sinasabi mong iba mo pang circle of friends?” atat na tanong ni Hugo. Ang sabihin niya, inaabangan niya ang mga gwapings kong bagong kaibigan.“Maghintay ka, maglalaway ka sa dalawang poging parating,” sagot ko naman, kaya lalong na-excite ang baklang maharot.Eksaktong 7:15 pm nang dumating sina Nyra, Cael, at Penumbra. Naka-casual outfit

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status