Misha’s POVIsang linggo lang ang nakalipas mula nang sumabog at masunod ang swimming pool sa resort namin. Isang linggo lang... Pero para bang ang dami nang nagbago. Halos hindi pa nga ako nakakabalik sa normal na routine ko, pero heto na naman. Isa na namang trahedya ang nangyari. This time, farm naman ng mga magulang ko ang nadamay.Nandito ako ngayon sa gilid ng kalsada, nakatingin sa mga abo at uling na iniwan ng sunog. Ang farm na dati ay kulay luntian at buhay na buhay, ngayon ay wala na. Mga hayop... mga tanim... lahat nawala. Wala namang nasaktan, walang namatay. Pero hindi ko maiwasan ang pakiramdam na parang unti-unti kaming inuubos. Parang isa-isa, lahat ng mahalaga sa akin ay ginagawan nila ng problema.Humigpit ang hawak ko sa mga braso ko habang pilit pinipigil ang panginginig ng katawan ko. “Hindi ‘to coincidence,” bulong ko sa sarili ko. Hindi ko na alam kung sino ang dapat sisihin, pero ang pakiramdam ko, ako ang target. “Parang may gustong magpabagsak sa akin, paran
Misha’s POVSa mga nakaraang linggo, tila isang masalimuot na mundo ang nabuo sa paligid naming pamilya. Ang bawat araw ay puno ng takot at pag-aalala, kaya’t napagdesisyunan namin ni Everett na si Everisha ay mag-home school na lang. Mahirap na ang labas, lalo na’t kasabay na rin ang takot na dulot ng mga insidente sa paligid. Kahit ako, hindi na ako lumalabas nang wala ang limang bodyguard na kasama. Maging si Everett, ay ganoon din. Laging may kasamang mga bodyguard, para sa kaligtasan.Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, patuloy pa rin ang pagdating ng mga masasamang balita, isa kasi sa mga staff ko sa Tani Luxury Hotel ay wala na. Kaninang umaga, naisip kong parang hindi na matatapos ang mga pagsubok na ito. Ang executive assistant ko na si Trixie ay nabangga kagabi at nahulog sa bangin. Napakasipag at napakabait pa naman ni Trixie. Ang hirap niyang palitan kasi talaga namang alam na alam na niya ang mga gagawin.Pero kailangan kong magpalit na kasi kailangan ko talaga. Kaag
Misha’s POVNgayong araw, hindi maalis sa isip ko ang isang plano para mas mapalakas pa ang kita ng Tani Luxury Hotels. Bilang CEO, responsibilidad kong tiyakin na ang bawat hakbang namin ay magdadala ng tagumpay at lalo pang magpapalawak ng aming pangalan sa industriya. Ngunit sa panahon ngayon, iba na ang laro. Hindi lang serbisyo ang bumebenta, kundi ang imahe—ang tatak na kayang magbigay ng kakaibang karanasan.Habang tinitingnan ko ang mga financial reports na ipinasa ng marketing department, hindi ko maiwasang mapaisip ng mas malalim. Hindi sapat ang mga tradisyonal na paraan ng pag-aanunsyo para makuha ang atensyon ng bagong henerasyon ng mga travelers. Kailangan ng bago—kailangan ng isang mukha, isang pangalan na kakatawan sa kagandahan at karangyaan ng Tani Luxury Hotels.Isang tao lang ang nasa isip ko: si Cassian Monteverde. Ang pinakasikat na fashion model ngayon hindi lang sa Pinas kundi pati na rin sa ibang bansa. Halos lahat ng gala, fashion week, at exclusive na event a
Misha’s POVHabang hinihintay ko ang pagdating ni Cassian, sinimulan kong pag-isipan ang magiging daloy ng aming pag-uusap. Alam ko na hindi ako puwede maging agresibo—kailangan kong ipakita ang halaga ng aming alok, ngunit kailangan ding ipakita ang respeto sa kaniyang kalagayan sa industriya. Mahalaga na makuha ko ang kaniyang tiwala at interes, hindi lang bilang isang professional model, kundi bilang isang tao.Ilang sandali pa, narinig kong bumukas ang pinto ng conference room at tumayo ako mula sa aking upuan. Si Belladonna ang unang pumasok, sumenyas na dumating na si Cassian.Biglang kumabog ang dibdib ko. CEO ako pero feeling ko parang ako ang mag-a-apply ng trabaho. Aba naman, si Cassian kasi ito. Nahihiya kasi ako at natatakot na baka hindi niya tanggapin ang alok ko.Kasunod niya ni Belladonna na pumasok si Cassian Monteverde, at parang bumagal ang oras sa pagdating niya. Matangkad, matipuno, at puno ng kumpiyansa ang bawat galaw. Parang isinilang talaga siya para sa spotli
Misha’s POVMatapos sabihin ni Cassian na mukhang nasa parehong direksyon ang mga plano namin, nakahinga ako nang maluwag. Ngunit alam kong hindi pa tapos ang laban. Marami pang kailangang ayusin at tiyakin bago kami makapag-finalize ng lahat.“Thank you, Cassian. We’ll make sure to coordinate with your team and move things along smoothly,” sagot ko habang sinisikap na manatiling professional, kahit sa loob-loob ko’y tuwang-tuwa na ako. Ang pagkakaroon ng Cassian Monteverde bilang mukha ng aming hotel chain ay isang malaking hakbang para sa aming brand.Bago kami maghiwalay, nagkapalitan pa kami ng ilang mga detalyadong usapan. Siya ay magpapadala ng kaniyang legal team para suriin ang kontrata at magbigay ng feedback kung may mga bagay na gusto nilang baguhin. Sinasabi niyang malaki ang tiwala niya sa aming kampanya, at alam niyang mayroong malaking potensyal ang proyektong ito, ngunit mahalaga pa ring malinaw sa lahat ang mga legal na aspeto.Pagkalabas ni Cassian sa opisina ko, agad
Everett’s POV“Sir Everett,” ang mahinahong boses ng aking sekretarya, si Isabel, ay tumawag sa telepono.“Yes, Isabel? Is there something you need?” tinanong ko, habang tinatapos ko ang report na isusumite ko sa aking mga investors sa New York.Huminga siya nang malalim. “I need to speak with you in person. It’s urgent.”Agad kong naramdaman ang kaba. Si Isabel ay hindi kilala sa pagiging mapilit o dramatiko, kaya alam kong may seryosong dahilan ang paghingi niya ng oras ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at tinungo ang kaniyang opisina, kung saan nakita ko siyang nakaupo sa kaniyang lamesa, mukhang matamlay at pagod.“Isabel, what’s wrong?” tanong ko agad habang sinusuri ang tensyon sa kaniyang mga mata.“I’m afraid... I need to resign, Sir Everett,” sinabi niya habang diretsong tumingin sa akin, bagama’t halata ang pamumuo ng mga luha sa kaniyang mga mata.Halos hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Si Isabel ay isa sa mga pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Sa loob ng ilang taon b
Everett’s POVIsang linggo matapos ang biglaang pagre-resign ni Isabel, ang mga trabaho sa opisina ay unti-unting nakakaapekto na sa akin. Hindi ko maaaring palitan si Isabel nang basta-basta—isang kakulangan ng secretary ang maaaring magdala ng kapahamakan sa mga proyekto at meeting na nakaplano para sa mga darating na buwan. Kinakailangan kong gumawa ng agarang aksyon.I announced the vacancy of the secretary position immediately, and the applications began pouring in. Pero sa dami ng aplikante, kakaunti ang tunay na kwalipikado. Ang ilan ay tila hindi alam ang kalakaran ng isang korporasyon tulad ng Tani Luxury Cars. Karamihan ay hindi sapat ang karanasan o hindi tugma sa aking pangangailangan.Hanggang isang araw, pumasok sa opisina ang aking HR manager na si Carla, dala ang resume ng isang aplikante.“Sir, we’ve had many applicants, but none seem to fit. However, we have one applicant who stands out.”Tiningnan ko ang resume na inabot niya sa akin. “Gillius. Hmm, lalaki?” napansi
Misha’s POVPagpasok namin sa mall, ramdam ko agad ang kasiyahan ni Everisha kasi alam niyang makakagala na naman siya. Pangako ko kasi sa kaniya na oras na gumaling siya sa sakit niya ay igagala ko ulit siya sa mall. Kaya ngayong magaling na siya, tutuparin ko na ang pangako ko sa kaniya. Kasama ko si Belladonna, suot niya ang kaniyang simple ngunit eleganteng puting dress, habang ako naman ay naka maong at blouse—tipikal na pang-araw-araw na suot ko kapag kasama si Everisha. Hindi naman kami magtatagal, ilang mga kailangan lang para sa anak ko ang bibilhin ko, at gusto ko rin bigyan si Belladonna ng pagkakataong maging mas malapit kay Everisha.Mabuti nga at puwede ngayong araw si Belladonna kahit ang dapat ay mamahinga na lang siya sa bahay kasi walang pasok.Si Everisha naman, nakahawak sa aking kamay, ay parang nahihiya o mailap kay Belladonna. Napansin ko ang mga tingin niyang patago kay Belladonna, na parang may kung anong iniisip na hindi ko magawang hulaan. Pansin ko na iyon
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga