LOGINLumi POVDahan-dahan akong nagkaroon ng malay-tao. Sa una ay malabo ang lahat. Parang may manipis na kurtinang nakatakip sa mga mata ko. Napakurap ako nang ilang beses. At saka ko unti-unting nakilala ang kisame sa itaas ko. Napakunot-noo ako. Nasa mansion na ako, pero ang natatandaan ko ay nasa garden kami kanina?Dahan-dahan kong ibinaling ang ulo ko sa gilid. Doon ko nakita si Sorin, nakatayo malapit sa sofa habang nakatingin sa akin. May hawak siyang isang baso ng tubig. Nung tignan niya ako ay seryoso ang mukha niya. Hindi iyong normal na kalmadong seryoso, kundi ‘yung tipong may ikinababahala.Napaisip ulit ako. Tama, oo, nasa garden nga pala kami kanina ay nagwo-walking.At may pa-challenge siyang ten thousand steps at ang unang mananalo ay may libreng ticket sa Japan.Tapos doon na ako nahilo at nahimatay.Nanlaki ang mga mata ko. Napabangon ako agad. Biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko.“Easy.” Agad akong inalalayan ni Sorin sa balikat. “Don’t stand up too
Lumi POVPaglabas namin ni Sorin sa garden ng mansion, agad kong napagtanto na napakalaki pala talaga nito. Ilang beses ko na itong nakita, pero hindi ko naman kasi madalas nililibot.Ngayong naglalakad kami sa malawak na pathway na paikot sa iba’t ibang bahagi ng hardin, mas lalo kong nakita kung gaano ito kalawak.May mga fountain. May mga puno. May mga flower beds. May mga gazebo. May mga stone pathways.At higit sa lahat, may napakahabang ruta para sa walking. Mukhang pinag-isipan talaga ito ni Sorin. Mukhang matagal na niyang pinaplano ang kalokohang challenge na ito. Kapag nasa bahay lang siya, naku, ang dami niya rin talagang naiisip na kalokohan.Nang magsimula ang timer sa relo namin, sabay kaming naglakad. Hindi nga lang ordinaryong lakad.Pabilisan. Mahaba ang hakbang ni Sorin. Mahaba rin ang mga paa niya.Napakagat ako ng labi. Unfair. Napaka-unfair.Parang isang hakbang niya ay dalawang hakbang ko. Pero hindi ako nagpatalo. Binilisan ko rin ang lakad ko. Kahit pakiramdam
Lumi POVPagod ngunit masaya akong bumaba mula sa sasakyan pagdating ko sa mansion. Sulit ang buong maghapon dahil natapos na namin ni Imelda Collarga ang final design para sa main branch ng Sorin Spa.Pahikat-hikat pa ako ng katawan kasi parang inaantok ako at gusto kong magpahinga.Habang naglalakad ako papasok ng mansion, iniisip ko pa rin ang mga renderings na ipinakita ni Imelda.Excited na talaga akong makita ang actual renovation. Pakiramdam ko ay magiging napakaganda ng kalalabasan nito.Pagpasok ko sa loob ng mansion ay agad kong napansin ang isang pamilyar na tao sa living area.Nakatayo si Sorin malapit sa sofa habang may hawak na tablet.Nang makita niya ako ay agad siyang tumingin sa direksyon ko.“Lumi.”Nagulat pa ako. Hindi ko inaasahang tatawagin niya agad ako.“Yes?”“Come here.”Agad akong lumapit. Akala ko kung anong emergency. Baka may problema sa ibang spa o baka may bagong business meeting.Pero nang makalapit ako ay agad akong napahinto at napanganga.“Ano ‘to?
Lumi POVNapangiti ako habang pinagmamasdan si Imelda Collarga na maayos na nilalagdaan ang kontrata sa ibabaw ng lamesa sa opisina ko.Sa wakas. Isa ito sa pinakamahalagang bahagi ng project para sa Sorin Spa. Kapag natapos ang renovation ng main branch, malaking pagbabago ang mangyayari sa negosyo namin. At kung may taong pinagkakatiwalaan akong humawak sa kabuuang disenyo nito, si Imelda iyon. Dahil gusto kong maging maganda ang magiging commercial shoot nitong Sorin Spa.Matapos niyang pirmahan ang huling pahina, inilapag niya ang ballpen at ngumiti sa akin.“Congratulations, Miss Lumi.”Napangiti rin ako. “Congratulations din sa atin.”Bakas na bakas din ang tuwa sa mukha ni Imelda. “I’m honestly excited to start working on this project.”Mas lalo akong natuwa sa narinig ko. Kitang-kita ko sa kilos niya na hindi lang ito basta trabaho para sa kanya. Mukhang interesado talaga siya sa direksyon na gusto kong tahakin para sa Sorin Spa.“Mabuti po,” sagot ko. “Because I’m excited too
Lumi POVPagdating ko sa bahay nang gabing iyon, diretso agad ako sa opisina sa second floor. Bitbit ko pa rin ang folder na naglalaman ng mga plano para sa renovation ng main branch ng Sorin Spa.Pakiramdam ko ay napakarami ko pang kailangang asikasuhin. Inspection pa lang kanina kasama si Imelda Collarga, pero pakiramdam ko ay nagsisimula pa lang talaga ang totoong trabaho.At isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan kong ihanda ay ang kontrata. Hindi puwedeng basta usapan lang. Kailangan maayos ang lahat.Legal. Organized. Professional.Kaya naman pagkabukas ko pa lang ng pinto ng opisina, agad ko nang nakita ang taong makakatulong sa akin.Ay ito ay si Sorin. Nakaupo siya sa harap ng laptop habang may binabasang dokumento.“Perfect.”Napatingin siya sa akin.“Bakit?”Lumapit ako habang nakangiti. “May kailangan akong tulong sa iyo ulit.”Agad siyang napasandal sa upuan. “Kapag ganiyan ang ngiti mo, pakiramdam ko may malalang istorbo na naman ‘yan.”Napatawa ako. “Meron nga.”“Sa
Lumi POVHapon na nang makarating ako sa main branch ng Sorin Spa. Pagkatapos kasi kong makipag-meeting kay Imelda Collarga ay dumaan ako sa mall para doon na mag-lunch at bumili na rin ng mga bagong damit. Wala lang, feeling ko lang ay gusto kong mamili ng bagong damit kaya sinulit ko na ang pagdaan sa mall.Pagdating ko sa Sorin Spa main branch ay napatitig ako sa buong paligid. Matagal ko nang iniisip ang renovation na ito. Natagalan lang ang aksyon dahil nagkasugat ang paa ko at ang tagal kong nanahimik sa bahay.Ngayon, mukhang mangyayari na talaga iyon. Kailangan ko nang magmadali at ipakita kay Sorin na kaya kong paasensuhin ng bongga ang Spa niya na pinagkatiwala sa akin. Nang sa ganoon, tuluyan na rin niyang tuparin ang napag-usapan namin.Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob.Sa loob, busy Sina Bidang, Cheche, Rirang, Nikay, Binus, Menda at iba pang mga staff ko rito sa main branch.Lahat sila ay nakatayo nang maayos habang tila kinakabahan. Napangiti ako.“Mukhang
Czedric POV Tahimik akong nakatingin sa malayo habang papalapit kami sa private resort. Ang tension sa loob ng sasakyan ay sobrang bigat, parang humihigpit ang paligid sa bawat segundo. Nakita ko ang kamay ni Everisha na bahagyang nanginginig habang hawak ang baril. Si Marco naman ay nakatitig sa m
Everisha POVNakatanaw ako sa malawak na tanawin ng South Korea mula sa isang maliit na burol. Ang hangin ay malamig at malinis tulad ng dati, puno ng sariwang amoy ng mga puno at damo. Kasama ko si Edric, ang kapatid ni Czedric, na ngayo’y tumuturo sa maliliit na kabahayan sa paanan ng burol.“Th
Everisha POVPaglapag ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport, ramdam ko agad ang tensyon sa paligid. Kahit nasa loob pa lang kami ng airport, alam kong bawat galaw namin ay kailangang maingat. Masyadong mataas ang panganib na makita kami ng mga tauhan ni Raegan o ng mga koneksyon niya. H
Czedric’s POV“Alam mo, Mark Joseph, nakaka-miss ang ganitonh bonding natin. Ngayon na lang ulit tayo nakapag-usap na ganitong katagal,” sabi ko sa kaniya habang iniinom ang pomelo juice ko.“Napansin mo rin pala,” sagot niya habang nagyoyosi, “ikaw pa naman ‘yung tao na hindi na mahilig makipagkuwent







