Czedric’s POVNapabalikwas ako ng bangon mula sa kama nang marinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa ibaba ng mansiyon. Halos tumalon ako mula sa kama, mabilis na isinuot ang aking tsinelas at nagmadaling bumaba. Bumilis ang tibok ng puso ko, iniisip ko kung ano na naman ang kaguluhan ang nagaganap.Pagdating ko sa sala sa ibaba, bumungad sa akin ang isang lalaki—matangkad, matipuno at mayabang ang tindig. Hindi ko siya kilala, pero malinaw sa kanyang kilos at tingin na hindi siya naroroon para makipag-usap ng maayos.“Hoy, sino ka at anong ginagawa mo dito?” singhal ko habang bumaba ng hagdan nang may galit sa boses.Hindi siya sumagot. Ngumisi lang siya nang bahagya, tila hindi natitinag sa tanong ko. “Ako? Ako dapat ang magtanong sa’yo, boy. Anong ginagawa mo sa mansiyon namin?”Mansiyon namin? Sino ba itong lalaking ito? Pinili kong huwag siyang sagutin. Sa halip, sinugod ko siya, tinatakbo ang pagitan namin habang handang gamitin ang mga natutunan ko mula kay Tito Everett at
Everisha’s POVAlas kuwatro palang ng madaling-araw na gising na ako. Kanina pa ako nakaabang sa labas ng mansiyon namin, hinahaplos ng malamig na hangin ang aking braso habang pinagmamasdan ang labas ng gate. Ilang beses ko nang sinilip ang oras sa relo ko, at ilang beses ko ring pinigilan ang sarili kong tawagan si Mishon para tanungin kung nasaan na siya. Ayoko namang magmukhang atat, pero kailangan kong kausapin ang bunso kong kapatid bago siya makapasok sa mansiyon.Hindi puwedeng malaman nina Mama Misha at Papa Everett na alam ko na ang tungkol kay Czedric. At higit sa lahat, hindi rin dapat malaman ni Mishon ang anumang detalye na puwedeng ikagalit ng mga magulang namin. Ngayong alam na ni Mishon ang lahat—dahil sa pagiging madaldal ni Czedric—hindi ko maalis ang kaba ko. Paano kung mabanggit niya iyon sa kanila?Habang wala pa, nagpatimpla muna ako ng kape sa kasambahay namin para mainitan naman ang sikmura ko, nagpakuha din ako sa kaniya ng slice bread na may palaman na peanu
Everisha’s POVNapatitig ako sa mga mata ni Czedric matapos ang aksidenteng paghalik namin. Ramdam ko ang init ng hininga niya na tila bumalot sa aking balat, nagpapatigil sa tibok ng puso ko at nagpapabilis naman ng bawat paghinga ko. Nang akma akong tatayo para magpaliwanag o kahit paano’y mabawasan ang awkwardness, bigla niyang hinawakan ang braso ko, pinigilan niya ang aking pagtayo.“Wait,” aniya na pabulong ngunit mariin, habang nakatitig pa rin sa akin.Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako pabalik at muling hinawakan ang aking mukha. Nagulat ako nang dumikit ulit ang labi niya sa labi ko—pero ngayon, hindi na ito aksidente. Hindi na ito padalos-dalos.Ang mga labi niya ay gumagalaw nang marahan ngunit puno ng init. Ramdam ko ang bawat haplos ng paghalik niya—banayad sa una, ngunit habang tumatagal ay tila may halong panggigigil na parang matagal nang itinatago.Ano ba 'to? tanong ko sa sarili ko, habang unti-unting nara
Everisha’s POVNasa gitna ako ng pag-aayos ng mga papeles sa office room ko nang biglang bumukas ang pinto nang walang paalam. Halos mahulog ang hawak kong folder nang makita kong si Mishon pala ang pumasok, mukhang excited na naman sa kung anong pakulo niya.“Mishon! Ano ba? Kumakatok naman dapat,” sabi ko habang inaayos ang sarili ko, pilit na binabawi ang nawalang composure.Ngumisi lang siya na may halong pilyo sa mga mata. “Ate, tara. Bonding tayo.”Napataas ang kilay ko. “Ha? Bonding agad? Ano na namang trip mo?”“Ay naku, huwag ka nang tanong nang tanong. Tara na. Sumama ka na lang, wala nang tanggihan pa,” sagot niya na para bang wala akong ibang choice. Tipikal na Mishon—demanding at may pagka-bossy.Nagbuntong-hininga ako. Alam ko naman na hindi siya titigil hangga’t hindi ko siya sinasamahan. Ganito na talaga kami dati, kahit gaano ako ka-seryoso sa trabaho, si Mishon ang laging nagpapaalala sa akin na kailangan ko ring mag-relax.“Fine,” sabi ko habang tinatanggal ang sala
Everisha POVTahimik akong nakaupo sa gilid ng swimming pool, hawak pa rin ang baso ng champagne habang iniisip ang sinabi ni Czedric. Nakatingin siya sa akin mula sa kabilang dulo, seryosong-seryoso ang mukha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko—sobrang saya, kaba, o pagkalito.“Czedric,” simula ko habang pilit na binabawi ang boses kong nanginginig. “Are you serious about what you said? Or baka naman lasing ka lang?”Umiling siya, at may kung anong determinasyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. “I’m serious, Everisha. I’ve never been more serious in my life.”Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang binitiwan niya. Parang ang hirap paniwalaan, pero alam kong totoo ang naririnig ko.“But…” Napatingin ako sa baso ko, hindi makatingin nang diretso sa kanya. “Why now? Why tell me now?”Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. Umupo siya sa tabi ko, hindi inaalis ang tingin sa akin. “Because I couldn’t keep it to myself anymore. And because you deserve to kn
Czedric’ POVAng bigat ng hangin sa pagitan namin ni Everisha habang nakatitig siya sa akin matapos ang tawag ni Tita Marie. Ramdam ko ang kaba at takot sa mukha niya, pero hindi siya nagpapahalata ng kahinaan. Kilala ko siya—hindi siya sumusuko sa ganitong klaseng sitwasyon.“Czedric, let’s go. Now,” matigas ang boses niya habang nag-aayos ng bag.Umiling ako. “You’re not coming with me, Everisha. It’s too dangerous.”“Do you think I care about that? Tita Marie is in trouble! Hindi ako puwedeng magpaiwan.”Napabuntong-hininga ako. Alam kong walang saysay ang pagtatalo naming dalawa. Sa huli, siya rin ang magwawagi. “Fine, but stay close to me. Don’t wander around. Got it?”Tumango siya, pero alam kong ang determinasyon niya ay parang bakal na hindi basta-basta mapipilipit.Sa kalsada pa lang, ramdam ko na ang bigat ng sitwasyon. Halos hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa dami ng iniisip ko. Si Raegan—ang impostor ko—ang unang pumasok sa isip ko. Kung siya ang nasa hideout,
Czedric POVAng bigat ng pakiramdam ko habang nakaupo sa isang sulok ng ospital. Ang mga ilaw sa paligid ay malamlam, at ang amoy ng disinfectant ay mas lalong nagpapalala ng tensyon sa bawat hakbang ng mga tao sa pasilyo. Kahit pa tahimik ang paligid, ramdam ko ang ingay sa loob ng ulo ko—mga alaala, takot, at galit na paulit-ulit na bumabalik.Bawat segundo ay parang oras habang hinihintay ko ang mga resulta ng ginawang operasyon kay Tita Marie. Bantay-sarado siya ngayon ng mga bodyguard na ipinadala ni Tito Everett, at si Marco naman, tahimik na nakatayo sa malapit sa pinto. Hindi ko pa rin matukoy kung hanggang saan ang katapatan ni Marco, pero sa ngayon, wala akong ibang magagawa kundi magtiwala sa plano namin.“Czedric,” basag ni Tito Everett sa katahimikan habang papalapit siya sa akin. Ang titig niya ay matalim, puno ng galit at pagkadismaya. “How long have you been hiding this from me?”Hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Alam kong may kasalanan ako, pero hindi
Everisha POVMaga ang mga mata ko habang nakatanaw sa malawak na tanawin mula sa bintana ng silid ko sa mansiyon namin dito sa South Korea. Napakaganda ng lugar—ang hardin na puno ng cherry blossoms, ang malalaking fountains na parang sa mga pelikula, at ang mismong mansiyon na tila galing sa fairytale. Pero sa kabila ng ganda ng lahat, ramdam ko ang bigat sa puso ko.Nami-miss ko na si Czedric.Wala na akong ginawa kundi ang magtago ng mukha ko sa unan habang umiiyak. Ang hirap tanggapin na malayo ako sa kanya, lalo na’t alam kong nasa panganib siya. Paulit-ulit kong sinubukan siyang tawagan, pero hindi ko na makontak ang phone number niya."Bakit, Mama?"Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya dumiretso ako sa opisina ng mama ko, si Mama Misha. Nakatayo siya sa harap ng malaking mesa, hawak ang ilang dokumento. Mukha siyang abala, pero hindi ko na iniisip kung istorbohin ko siya o hindi.“Why can’t I call him, Mama?” tanong ko nang diretsahan.Tumingin siya sa akin, pero wala akong
Miro POVWala akong ibang inisip kundi ang gantihan si Vic. Kung akala niya ay kami lang ang puwedeng guluhin niya, nagkakamali siya. Hindi ko hahayaang makalampas lang ang ginawa niyang pananakit kay Manang Cora at ang tangkang pag-atake sa pamilya ko. Kaya ngayon, kami naman ang gagawa ng gulo sa lahat ng alam naming mansiyon, negosyo, at hideout nila. Tang-ina, ipapatikim ko rin sa kaniya kung paano ako magalit.“Deploy everyone. I want ten teams, each with ten soldiers. We hit every known property tonight,” utos ko kay Tito Eryx.“Okay. Coordinates locked. Ready in fifteen minutes,” sagot naman niya.Tumango lang ako at nilingon si Samira na nasa likuran ko. May hawak siyang tablet kung saan kita ang mga security feeds at mapa ng mga target naming lugar. Nakatingin siya sa akin, seryoso ang mukha, pero alam kong kapwa namin gustong tapusin na ang lintik na labanang ito. Pero, kasi, wala pa kaming idea kung nasaan si Vic. Nasa Pinas na ba o nasa ibang bansa pa rin?“You sure you wa
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para