Ada POVPagkapasok namin sa loob ng mansiyon, halos hindi pa ako makapaniwala sa nangyayari ay hinila na ako ng isa sa mga staff papunta sa isang malaking makeup room kung saan naghihintay na ang glam team na mag-aayos sa akin. Napanganga ako sa dami ng taong nandoon, bawat isa abala sa kani-kanilang gawain. May mga nag-aayos ng gown, may naghahanda ng makeup at hair tools, at may ilang naghihintay lang ng cue para simulang bihisan ako. Halatang lahat ay planado at organisado. Now, gets ko na kung bakit kahapon, panay ang hawak ni Mishon sa phone niya at sa tuwing may tatawagan siya sa phone ay lumalayo siya sa akin.“Miss Ada, let’s make you even more beautiful,” bungad ng lead makeup artist na si Camille habang sinisimulan niyang ayusin ang aking buhok.Bago pa man ako makapagsalita, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mishon, may dalang tray ng pagkain. Napakunot ang noo ko. Siya mismo ang nagdala ng pagkain ko? Hindi ba dapat busy siya sa labas? Pero nang makita ko ang ekspres
Ada POVSa loob ng mansiyon, habang patuloy ang kasiyahan sa labas, nakaupo ako sa sala kasama sina Raya, Miro, at Everisha.Naiingayan ay naliliyo na ako sa labas sa dami ng taong lumalapit at nagpapa-picture sa akin kaya inaya na ako ni Everisha na pumasok dito sa loob. Nagsabi na rin siya na huwag nang magpapasok ng fans kasi talagang pagod na ako.Mula rito sa loob, dinig namin na kumakanta sa stage ang asawa ni Everisha na si Czedric. Nagsisigawan ang lahat kasi ang dami talagang fans ni Czedric. Tiyak na kasama sa nagsisigawan sina Yanna at Verena na nakiki-party doon.Si Miro ay nakaupo sa tabi ko, nakasandal ng bahagya sa akin. Cute na cute talaga siya at ramdam kong gusto rin niya ako. Isang bagay na hindi ko inasahan, pero ikinatutuwa ko.Si Raya naman ay tahimik lang, nakangiti habang pinagmamasdan kami. Dito ko napagtanto na mabait siya at hindi siya magiging problema sa amin ni Mishon."So, Ada," biglang tanong ni Everisha habang seryosong nakatingin sa akin. "If you give
Mishon POVMasakit ang ulo ko nang magising ako kinaumagahan, marahil dahil sa alak na nainom ko kagabi sa engagement party namin ni Ada. Pero kahit may hangover, pinilit kong bumangon ng maaga dahil pinangako ko sa kanya na sabay-sabay kaming mag-aalmusal kasama ang buong pamilya namin.Habang bumababa ako sa hagdan, naamoy ko agad ang halimuyak ng lutong bahay na pagkain. Napangiti ako. Iba talaga ang pakiramdam ng nasa Pilipinas, lalo na kapag may ganitong pagsasama-sama.Pagdating ko sa dining area, halos mapuno ang napakalaking lamesa. Naroon ang mga magulang ko, pati na rin ang mga magulang ni Ada. Nasa magkabilang gilid sina Everisha, Czedrick, Czeverick at Edric. Naroon din sina Marco, Verena, at Yanna. Syempre, hindi mawawala si Miro, na nakaupo sa tabi ni Ada habang naglalaro ng kutsara.“Good morning, everyone!” bati ko sa kanila.“Good morning, Mishon!” sagot naman ni Mama habang iniaabot sa akin ang isang tasa ng mainit na kape.“I see we’re having a Filipino breakfast to
Mishon POVSa loob ng lumang kotse, tahimik lang kaming nagmamasid nila Marco at Edric. Hindi ko pa rin lubos maisip na umabot kami sa ganitong sitwasyon, na kailangang mag-spy sa mama ng panganay kong anak na si Miro.Pagkatapos kong nalaman ang tungkol kay Raya, wala kaming ibang magagawa kundi alamin ang totoo. Ayokong ipagsapalaran ang kaligtasan ni Miro.At sa oras na malaman ko na delikado ang trabahong mayroon siya, gagawa ako ng paraan para hindi na mapunta sa kaniya si Miro. Ayokong pati ang bata ay madamay."We can't let Ada know about this," sabi ko habang pinapanood ang bahay ni Raya mula sa windshield. "She doesn't need this kind of stress right now."Marco nodded. "I agree. Kaya mainam nang sinabi mo sa kaniya kanina na sa grape farm mo tayo pupunta."Hindi nagtagal, isang puting van ang huminto sa tapat ng bahay ni Raya. Ilang segundo lang, lumabas siya ng bahay na may dalang maliit na bag. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang itsura niya, hindi na mahaba at kulot
Mishon POVKahit ramdam ko pa ang bigat ng katawan ko mula sa ilang oras ng pagbabantay, hindi na ako nagdalawang-isip na gumawa ng eksena para hindi matuloy ang binabalak ng lalaking iyon kay Raya.Kailangan na naming kumilos. Tumango sa akin si Marco, tanda ng pagsang-ayon niya sa akin. Hindi na namin hahayaan pang may mangyari kay Raya sa loob ng kuwartong iyon.Hindi magandang isipin na magpapakasasa ang dalawang pangit ng lalaking iyon sa katawan ni Raya. Kawawa lang si Raya sa kanila."Tara na," bulong ko sabay hawak sa door handle.Nang buksan ko ang pinto, agad kaming sumugod ni Marco. Mabilis na sinigurado ni Marco na ma-lock ang pinto sa loob, kaya wala nang makakatakas. Agad naming narinig ang nagulat na mga boses mula sa loob."Who the hell are you?!" sabay na sigaw ng dalawang lalaking kasama ni Raya.Nakatayo sila malapit sa kama, halatang hindi inaasahan ang biglang pagpasok namin. Si Raya naman, nanlaki ang mata sa pagkabigla. Bigla niyang binalik ang suot niyang bra n
Ada POVNapakunot ang noo ko nang makita kong dumating si Raya sa mansiyon na tila stress na stress. Nakasakay siya sa taxi na pinapasok pa niya hanggang dito sa garden ng mansiyon namin.Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at mabilis niyang kinuha si Miro, ni hindi man lang ako kinausap o nginitian.“Raya, anong nangyayari?” tanong ko habang lumalapit sa kanila. Pero hindi man lang siya sumagot. Dali-dali niyang pinaupo si Miro sa loob ng sasakyan at agad na sumakay. Bago pa ako makalapit nang husto, pinaandar na nung driver ang kotse at saka umalis.“Hey, Raya! Anong nangyayari?!” pati si Ate Everisha ay napasigaw na rin pero walang nangyari, tuloy lang sa pag-alis si Raya kasama si Miro.Napatingin ako kay Ate Everisha, na halatang naguguluhan din sa nangyari. “Ano kayang problema nun? Bakit parang nagmamadali?”Umiling ako. “Wala akong idea. Baka may emergency.”Hindi na namin pinag-isipan nang husto ang nangyari at imbes ay inaya na lang ako ni Ate Everisha na mag-swimming kasama
Mishon POVPinakiramdaman ko ang paligid habang papalapit kami sa bahay ni Raya. Tahimik ang kalye, tila walang anumang nangyari, ngunit sa sandaling kumatok kami sa pinto, isang kapitbahay ang lumapit sa amin."Hinahanap niyo si Raya?" tanong ng isang matandang babae na mukhang tsismosa sa lugar na iyon."Opo, alam niyo po ba kung nasaan siya?" sagot ko habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Umaasa kasi akong makukuha ko si Miro ngayong araw. Para mapanatag na ang loob ko."Kahapon pa sila umalis. Ang dami nilang bitbit na gamit, parang hindi na babalik." Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ko alam kung paano ko ipoproseso ang narinig ko. Doon palang, alam kong mahihirapan akong makuha lalo si Miro."May kasama ba sila? May mga lalaking bumisita ba sa kanila?" singit ni Marco."Meron, pero hindi niya ata mga kaibigan. May mga armadong lalaki na pumasok sa bahay nila. Galit na galit, pinagsisira ang gamit sa loob. Pagkatapos noon, hindi na namin nakita si Raya at ang an
Mishon POVSa gitna ng lahat ng kaguluhan, napansin kong tila lalong na-stress ang fiance kong si Ada. Hindi ko siya masisisi, buntis siya at sa kabila ng kaniyang kondisyon, hindi niya maiwasang mag-alala para kay Miro. Alam kong mahal na rin niya ang bata, kahit pa hindi niya ito tunay na kadugo o anak. Ako man, kahit hindi ko nagawang panindigan noon si Raya at ang anak namin, hindi ko rin kayang balewalain si Miro ngayon. Mahal ko siya. Gusto kong protektahan siya. At kahit na lang alam kong gumawa ng mali si Raya, guso ko rin naman na maligtas siya.Pero, hindi ko maalis sa isip ko ang paninisi ni Raya. Na kung hindi sana ako nangialam ay hindi sana magkakagulo. Kung hindi ko ginawa iyon, maayos pa sana kaya ang lahat?Nakahawak si Ada sa tiyan niya habang nakaupo sa sofa. Hindi siya nagsasalita, pero alam kong malalim ang iniisip niya. Lumapit ako at hinawakan ang kamay niya. “Ada, please. You need to take it easy. You’re carrying our child. I promise, we’ll find Miro.”Nag-anga
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d