Mishon POVDala ang lumang sasakyan na inarkila namin ulit, tinahak namin ang hindi pamilyar na daan patungo sa lugar na sinabi ng pulis. Ilang oras na kaming nagmamaneho, sinusuyod ang bawat kalsadang dinaanan ng puting van na nakita sa CCTV footage.Halos inabot na nga kami ng dilim sa daan. Pinangako naming hindi kami uuwi ng hindi kasama ang dalawa kaya pinanindigan namin ito.Sa loob ng sasakyan, tahimik kaming tatlo, ako, si Edric at si Marco. Alam kong pare-pareho kaming kinakabahan, pero hindi namin pinapahalata sa isa’t isa. Mas lalo akong nag-aalala kay Miro. Bata pa siya. Hindi niya deserve ‘to.“You think they’re okay?” tanong ni Marco na nakatingin sa akin mula sa passenger seat.I swallowed hard. “They have to be.”Pagkatapos ng tanong na iyon ay tahimik ulit kami. Ang tanging maririnig lang ay ang tunog ng makina ng sasakyan at ang madalang na paghinga namin.Nang makarating kami sa isang makipot na kalsada, napansin namin na paliko-liko na ito at papasok sa isang masuk
Ada POVNakatayo ako sa terrace ng mansiyon ng bahay namin dito sa Pilipinas, nakatingin sa madilim na langit na punung-puno ng mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin, pero hindi iyon sapat para palamigin ang nag-aalab kong kaba sa dibdib ko.Ilang oras na ang lumipas, pero wala pa ring balita tungkol kina Mishon, Edric at Marco. Alam kong delikado ang misyon nila ngayong gabi, pero wala akong magawa kundi maghintay at magdasal.Pero sana kasi nagsama sila ng mga pulis para mapanatag ako, kaya lang ang alam ko, lumakad sila ng sarili nila.Simula kaninang hapon ay nandito na ako sa kuwarto namin ni Mishon, hindi na ako bumaba kasi nahihilo ako sa tuwing naiisip kong nasa panganib sina Mishon at Miro. Ina-anxiety ako, para akong masusuka palagi. Natatakot din ako na baka kung anong mangyari sa baby namin ni Mishon kaya nanatili na lang ako dito sa kuwarto ko. Uminom na rin ako ng gamot para mawala ang nararamdaman kong ito. Gamot ito na puwede sa akin na binigay ng Ob-gyn ko.Narinig
Mishon POVSa sandaling makapasok kami sa loob ng villa, mas matinding panganib ang sumalubong sa amin doon. Hindi lang lima o sampu ang mga kalaban, higit pa sa bente ata. Lahat sila ay armado, may dalang matataas na kalibre ng baril. Wala kaming ibang magagawa kundi maghiwa-hiwalay para mapababa ang tiyansa ng agarang pagkalagas. Agad kaming tumakbo sa magkakaibang direksyon, gamit ang anino at paligid bilang pananggalang.Si Edric ang unang sumabak sa matinding bakbakan. Pumasok siya sa isang silid na tila opisina, pero doon nag-aabang ang tatlong kalaban. Wala siyang dalang armas kundi ang kutsilyong nakuha niya sa isa sa mga napatay naming bantay kanina.Nanuod lang muna ako, para sakaling kailangan niya ng back up ay saka ako tatakbo palapit sa kaniya.“Come at me,” malamig niyang sabi na hindi man lang nababahala.Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga kalaban. Isa sa kanila ang bumunot ng baril at pinaputukan si Edric, pero nagpagulong siya sa sahig, mabilis na iniwasan ang bala. Sa
Mishon POVPagkapasok namin sa loob ng villa, tinignan ko ang mga kasama kong sina Marco at Edric. Mga sugatan na, madungis, pawisan at duguan. Gusto ko sanang ayain na silang umatras na muna, kaya lang ayaw nung dalawa, nasa loob na raw kami kaya bakit pa aatras?Ang tatapang nila, tapang na nawala sa akin kasi sila lang naman ang iniisip ko. Sa dami ng kalaban namin, tapos tatlo lang kami, naisip kong mamamatay kami rito ng walang laban.Pagdating doon, agad kaming sinalubong ng hindi bababa sa sampung malalaking lalaki na armado na may hawak pang tig-dadalawang baril. Mabilis akong napalingon kina Marco at Edric, kapwa sugatan ngunit matibay pa rin ang tindig. Pero sa sitwasyong ito, ramdam ko ang tensyon sa ere. Kung susumahin, malabo kaming makalabas ng buhay.“Sabi na e, dapat umatras na muna tayo,” bulong ko sa dalawang kasama ko.“Shit!” tanging nasabi nalang ni Marco.“Mukhang hindi ka na ata maikakasal pa,” sabi naman ni Edric na nakuha pang magbiro.“Ang titigas kasi ng mga
Mishon POVUmiiyak ang impostor, nagmamakaawa sa aming dalawa ni Raya na sana ay pakawalan na lang siya o ipakulong kaysa patayin. Marami pa raw siyang gusto gawin sa buhay niya kaya sana ay buhayin siya. Kitang-kita sa mata nito ang luha na halos bumabaha sa pisngi niya.“What do you want me to do with her, Mishon?” tanong niya na bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin sa akin.Napatingin ako sa impostor—sa babaeng halos niloko ako nang buong-buo. Dapat siguro galit ako, dapat nasisiyahan akong makitang siya naman ang nasa alanganin, pero ang totoo, wala akong nararamdaman kundi awa na lang. Kasi ang pera sa akin ay balewala lang, pero ang buhay, hindi ito matutumbasan ng kahit anong halaga ng pera.Huminga ako nang malalim bago sumagot. “Let her go. Put her in jail. Do whatever you want, just let her live. She’s still human, after all.”Saglit na katahimikan ang nangyari sa buong villa. Tapos, biglang tumawa nang malakas si Raya. Pero hindi ito tawa ng tuwa—kundi tawa ng pang
Ada POVHalos alas dos na ng madaling-araw nang makita kong umaandar papasok ng mansyon ang lumang sasakyang inarkila nila Mishon para sa paghahanap kay Miro at Raya. Sa sandaling iyon, nakalimutan ko ang antok at pagod. Tumakbo agad ako palabas at hindi na inalintana ang lamig ng gabi, para salubungin sila.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, unang lumabas si Mishon. Pagod na pagod ang itsura niya, may ilang galos at sugat sa braso, pero buhay. Buhay siya. Buhay silang lahat. Kaya maluha-luha ako sa tuwa.“Miro’s okay,” bulong niya sa akin gaya lalo nang gumaan ang mabigat na nararamdaman ko sa dibdib ko, pero ramdam ko ang bigat ng pinagdaanan niya. Napaluha ako sa tuwa.“Thank God…” Pumatak ang mga luha ko kahit hindi ko gusto. Hinawakan ko ang mukha niya, tinignan ko kung may malalang pinsala, pero ang mga mata niya ang unang nakahuli ng atensyon ko. Pagod, halos maiyak ako lalo kasi ang dungis niya at mukhang nasaktan pa rin siya sa naging labanan nila. Masakit makita sa ganitong istu
Ada POVMalalim na ang gabi nang lapitan ako ni Mama Franceska sa veranda ng aming mansiyon. Tahimik siyang umupo sa tabi ko, hawak ang isang tasang mainit na tsaa. Ilang sandali siyang hindi nagsalita, tanging ang malamig na hangin lamang ang naririnig ko kasama ang paglagaslas ng fountain sa may garden sa ibaba.“Ada, anak,” malumanay niyang simula habang seryosong nakatingin sa akin. “Gusto kong ako ang gumawa ng bouquet mo sa kasal mo.”Nagulat ako sa sinabi niya pero agad akong napangiti kasi alam kong magaling siya sa pag-aayos ng mga bulaklak. “Talaga, Mama? Gusto mo?” tanong ko habang nakangiti ng husto sa kaniya.Tumango siya. “Oo, anak. Gusto kong ako mismo ang mag-arrange ng mga bulaklak na hahawakan mo sa araw ng kasal mo. Gusto kong makita sa araw ng mismong kasal mo na ako ang gumawa ng bulaklak na dala-dala mo sa altar.”Napakasaya talaga ng mayroong ganitong mama. Simula talaga nung malaman kong siya ang tunay kong mama, walang araw na hindi niya pinaparamdam sa akin n
Ada POVMaaga akong nagising ngayon kasi excited ako sa mangyayaring bonding namin ng mama ko. Tumingin ako sa tabi ko, wala na si Mishon, mukhang maaga siyang umalis kasi narinig ko na parang magpapasama si Papa Ronan sa kaniya sa kung saan dito sa Baguio. Bumangon na ako at naglakad papunta sa bintana, sumilip ako sa labas, makapal ang fog, tapos ang malamig na hangin dito sa Baguio ay tila humahaplos sa aking balat na nagsasabi na masarap uminom ng mainit na kape ngayong umaga.Tahimik ang buong bahay at agad kong napansin na wala na sina Verena, Yanna, Marco at Edric. Maaga silang umalis para maglibot sa Baguio, samantalang sina Mishon at Papa Ronan naman ay pumunta pala sa strawberry farm sabi ng isa sa mga kasambahay na na-hire namin kagabi lang para may tagaluto manlang kami kapag ayaw naming lumabas ng villa.Ngayong solo namin ni Mama Franceska ang villa, ito na ang tamang oras para sa aming bonding sa pagpa-practice ng paggawa ng flower bouquet para sa kasal ko.Nang bumaba a
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga
Miro POVPagkapasok namin sa mansiyon, agad kong tinapik ang balikat ni Ramil bilang hudyat na sa wakas ay nandito na kami, tuluyan na namin siyang nauwi. May lumabas na bahagyang ngiti sa labi niya, pero habang naglalakad at inaalalaya siya ng mga tito ko, hindi niya maitago ang pagngiwi ng mukha, halatang nasasaktan siya.Lumapit agad si Ahva at Mama Ada para salubungin siya. Lahat kami, may saya sa pagdating niya, pero may bigat din sa dibdib naming makita siyang halos ‘di na makalakad ng maayos.“Prepare his room,” utos ko sa isa sa mga tauhan. “Make sure it’s comfortable. Ramil needs full rest.”Nagkatinginan kami ni Samira. Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. Alam naming hindi madali ang pinagdaanan ni Ramil. Kaya naman agad kong tinawagan si Dr. Elson, ang private doctor namin.“Ramil, the doctor will be here in ten minutes,” sabi ko sa kaniya habang inaakay siya papunta sa inihandang kuwarto para sa kaniya.“Thanks, Miro. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung ‘d
Miro POVOras na para bumawi kay Ramil. Nanghingi siya ng tulong sa amin na kung maaari ay i-rescue na siya kasi nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya ngayon.Ako mismo ang nagmaneho ng sasakyan habang tahimik kami sa loob. Kasama ko sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryx. Dapat, nagbabakasyon sila ngayon sa Palawan kasi matagal na nila itong na-book. Pero dahil nakatanggap kami ng problema, hindi ko na muna sila pinatuloy kasi baka maging maaga ang paggalaw ni Vic. Ayaw ko naman na wala sila kapag lumaban na ulit kami, parang kulang na kasi ako kapag wala sila. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos kapag wala ang mga tito ko. Oo, may Samira akong matapang at matalino, pero iba pa rin talaga kapag may nakakatanda na nangangasiwa sa amin.Tanggap ko nang parang hindi ako mafia boss, oo, mas babagay ito kay Samira, pero wala na akong pakelam ngayon sa posisyon na iyon. Ang gusto ko na lang sa ngayon ay matapos ang gulo, wala ng problema at dapat puro kasiyahan na lang.“We finally trac