Samira POVPagdating namin sa mansiyon ni Miro, inalalayan namin sina Miro at Amira na sugatan. Nakakangilo silang makita, lalo na nang makita ko ang duguang balikat ni Amira. Si Miro naman ay may mga gasgas at sugat sa braso, ngunit mas matindi ang galit na bumabalot sa paligid kaysa sa sakit na nararamdaman nila.“What the hell were you thinking, Miro?!” Sigaw ni Tito Zuko habang ang boses niya ay umaalingawngaw sa buong manisyon.“You went ahead with this plan without telling us?” Dugtong ni Tito Sorin habang nanlilisik ang mga mata.“You could’ve gotten yourself killed! And Amira too!” Halos sumabog sa galit si Tito Eryx habang nakaturo kay Amira, na hindi na halos makatayo sa sakit.Walang imik si Miro. Tahimik niyang pinapanood ang mga doktor at nurse na nagmamadaling lumapit upang gamutin si Amira. Halos hindi na niya alintana ang sarili niyang mga sugat. Ako man ay hindi makapaniwala sa ginawa niya. Hindi siya nag-iisip. Walang planong ganito ang dapat niyang isinagawa nang hi
Third Person POVSa loob ng malaki at magandang office, napabuntong-hininga si Don Vito habang nakatitig sa maliit na sobre sa ibabaw ng mesa. Isang simpleng bagay, pero ang laman nito ay mahalaga, isang gantimpala, isang tanda ng tiwala para sa kanyang bagong spy.“You did well,” seryoso niyang sabi habang nakahilig siya sa kaniyang upuan at magkadikit ang mga daliri sa harap ng mukha. “Dahil sa ’yo, buhay pa ako. At dahil sa ’yo, alam ko na kung sino talaga ang mga kalaban ko.”Sa harapan niya, naroon ang isang taong nakayuko. Hindi ito nagsasalita, hindi gumagalaw, tahimik pero maganda ang ngiti habang nakatingin kay Don Vito. Alam ni Don Vito na may bago siyang galamay. Bagong spy na malaki ang magiging ambag sa kaniya.Iniabot niya ang sobre habang nakangiti. “Kunin mo. Hindi matutumbasan ng pera ang katapatan mo, pero para sa ngayon, ito na muna ang pasasalamat ko sa iyo.”Dahan-dahang lumapit ang spy at kinuha ang sobre. Alam niyang may malaking halaga sa loob nito, pero higit
Samira POVHindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko matapos kong mabalitaan ang masamang balita na ‘yon.“Answer the phone... please, answer the phone…” paulit-ulit kong bulong habang nanginginig ang kamay ko sa pagpindot ng number ni Manang Cora. Ilang beses ko nang sinubukan, pero puro voicemail lang ang bumabalik sa akin.Wala na sila roon. Wala na silang lahat sa hacienda.Nagngitngit sa galit si Miro. “What the fuck is happening?!” Napahawak siya sa buhok niya na halatang hindi alam kung paano tatanggapin ang balita. “How the hell did they disappear just like that?!”Wala akong masagot. Nangangatog ang katawan ko habang pilit kong iniisip ang posibleng nangyari. Hindi puwedeng natunton na sila ni Don Vito. Hindi puwedeng... nawala na sila ng tuluyan.Mabilis akong lumingon kay Miro na tahimik na lang bigla habang nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang tensyon sa mga mata niya. Alam kong iniisip niya ang parehong bagay na posibleng nangyari—saan dinala ang mga Manang?
Miro POV Tahimik kaming nagmi-meeting ng mga tito ko sa isang kuwarto rito sa manisyon ko. Seryoso akon nakatingin sa kanila habang sinusuri ko ang mukha ng tatlong lalaking nasa harapan ko. Si Tito Zuko, Tito Sorin, at Tito Eryx.Kailangan kong malaman ang katotohanan. “Tell me,” malamig kong sabi habang tinapik ang daliri sa ibabaw ng mesa. “Who do you think is the spy?”Nagkatinginan sila. Si Tito Zuko ang unang sumagot. “I have no idea,” aniya at umaatras sa kanyang upuan. “There’s no solid proof. We can’t accuse anyone without evidence.”Sumandal ako sa upuan ko, hindi natuwa sa sagot niya. Ang gusto ko kasi ay malaman agad-agad ang lintik na spy, kung may spy nga talaga sa imperyo ko. Kakaumpisa palang pero ganito na agad. Kung nabubuhay si mama, tiyak na hindi siya matutuwa kasi hindi ako magaling. Bukod sa palpak na ang unang subok nang pagpatay namin kay Don Vito, palpak agad. Tapos malaman-laman ko na may spy pa ngayon. Lintek talaga, hindi ako natutuwa ngayon.“Well, I hav
Samira POVNapatingin ako kay Amira habang tahimik na nakikinig sa pulong-pulong dito sa manisyon ni Miro.Si Miro ay abala naman sa pagbibigay ng utos sa mga tauhan niya tungkol sa mga negosyo niya. Hindi man halata, pero alam kong nakikiramdam din siya. Lalo na tuwing may kinakausap siyang tauhan, panay ang sulyap niya kay Amira na parang sinusuri ang bawat kilos nito.Minsan, napapansin kong inilalabas ni Amira ang cellphone niya. Hindi ko alam kung nagte-text siya o may tinitignan lang, pero tuwing lalapit ako, agad niyang itinatago ang cellphone niya sa ilalim ng mesa. Isang beses, inabutan ko siyang nagbabasa ng isang bagay sa screen niya. Dahan-dahan akong yumuko, kunwari ay may kinuha sa sahig, pero bago ko pa masilip kung ano ang nasa phone niya, mabilis niya itong inilagay sa bulsa niya. Tumaas tuloy ang kilay ko nun. Hindi ko gustong magbintang, pero bakit parang may itinatago siya?Nang matapos ang meeting, nagpaiwan si Amira sa loob ng opisina ni Miro. Hindi ko alam kung m
Miro POVMay masamang balitang dumating sa akin habang nasa opisina ako at nakatingin sa malawak na bintana ng mansiyon ko. Si Tito Zuko ang tumawag sa akin na siyang dahilan kung bakit ang stress ko ay lalong lumala.“Miro, may nanloob sa bahay nina Papa Mishon at Lolo Everett mo.”Napatayo tuloy ako mula sa kinauupuan ko. Hindi ko na hinayaang tapusin pa ni Tito Zuko ang sasabihin niya. Pinutol ko agad ang tawag niya at nagmamadaling lumabas ng opisina.Sa hallway, nasalubong ko si Samira na may hawak pang papel, sure akong galing sa isang report iyon ng business ko.“Miro, what happened?” tanong niya nang makita niya akong wala sa wisyon, pero hindi ko siya sinagot. Dumiretso akong lumabas ng mansiyon at mabilis na sumakay ng sasakyan. Mabilis ko itong pinapunta sa bahay nila Papa Mishon.Pagdating ko roon, sira ang gate, may bakas ng dugo sa harap at may ilang pulis na kasalukuyang kinakausap ang mga tauhan ng pamilya ko. Ang buong paligid ay amoy pulbura at dugo. Takot na takot ak
Samira POVPagkatapos ng halikan naming iyon sa terrace ng manisyon, hindi na ako nagdalawang-isip nang hawakan ako ni Miro sa kamay ko at hinila papasok sa kanyang bedroom. Tahimik lang kami habang papunta doon, pero ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko.Nang maisara niya ang pinto, hindi ko na napigilan ang sarili ko, niyakap ko siya nang mahigpit.Ngayon na lang ako makakaranas ng ganito. Hindi ko na rin kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko. Lalong tumatagal na nakakasama ko si Miro, lalo ring lumilinaw na gusto ko siya at gusto ko siyang mahalin.Kanina, nung makita ko kung gaano siya kalungkot, gustong-gusto ko talaga siyang ma-comport. Nabanggit na rin kasi ng mga tito namin ang nangyari kaya alam ko na ang dahilan kung bakit malungkot siya. At para sa akin, dapat lang na ma-comport siya.Kaya kanina, tinabi ko na talaga ang pagiging mahiyain ko, lumapit na ako sa kaniya at nilakasan ko ang loob ko na yakapin siya.“I’ve been holding this back for so long,” bulong niya sa
Samira POVPaglabas namin ni Miro sa kuwarto, nagkaniya na kami ng kilos, pero dapat sumunod ako sa kaniya kasi personal bodyguard niya pa rin ako, pero dahil napansin kong pumasok si Amira sa kuwarto niya, siya ang sinundan ko kaysa kay Miro. Nagtatakbo siya papunta sa kuwarto niya na para bang iba ang kinikilos. Malakas na ang kutob ko na may something sa kaniya kaya magkakaalaman na ngayong.Maingat akong lumapit sa pintuan ng kuwarto niya habang bahagyang nakabukas kaya hindi ko na kinailangang gumawa ng ingay. Sumilip ako at nakita kong hawak niya ang cellphone niya, kausap ang kung sino man sa kabilang linya. Dahan-dahan kong inilabas ang sarili kong cellphone at ini-on ang camera, at palihim siyang kinuhanan ng video bilang ebidensya ko.“He’s alone. This is the perfect time. I’ll handle it,” malamig na sabi ni Amira sa kausap niya sa telepono.Napangisi ako sa narinig ko habang pilit inuunawa ang mga narinig ko. Sino ang kausap niya? Halos manginig tuloy ang kamay ko nang mas
Samira POVPagkatapos kong linisin at gamutin ang sugat ni Ahva, hinawakan ko ang kamay niya saglit. “Dito muna kayo ni Mama Ada, okay? Don’t worry, we’ll be back soon,” sabi ko. Tumango lang siya, hawak pa rin ang tela sa sugat niya habang si Mama Ada ay umupo na sa tabi niya, kita sa mukha nito ang pagod at pati na rin ang takot dahil sa nangyaring pag-atake ng mga tauhan ni Vic.“Let’s go,” sabi ni Miro nang masiguro naming sapat na ang mga soldiers niya na maiiwan dito kina Mama Ada at Ahva.Paglabas namin, agad kaming sumakay sa sasakyan. Pinatakbo ito ng driver ni Miro sa pinakamabilis na paraang kaya niya para mabilis kaming makarating sa kinaroroonan nila Ramil.Pero sure akong hindi sila pababayaan ng mga tito namin kahit ma-late kami. Pero para ma-sure, kailangan pa rin naming pumunta dahil baka marami silang sumugod doon.Habang umaandar ang sasakyan, tumahimik muna kaming dalawa ni Miro. Pero, siyempre, dapat alisto pa rin, parehong matatalas ang mga mata namin, nakaabang
Miro POVIto ‘yung ayoko, stress na may kasamang gigil at takot. Pagdating namin sa tapat ng mansiyon kung saan naroon sina Mama Ada at ang kapatid kong si Ahva, halos sabay kaming bumaba ni Samira sa van. Kasunod din ang iba kong mga soldiers.“No more warnings,” mariing sabi ko habang tinitingnan ang paligid. “Take them all down.”Tumango si Samira. “Let’s end this quickly.”Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Bago pa man makalapit sa pintuan ng mansiyon, sumalubong na sa amin ang mga putok ng baril. Ang mga tauhan ni Vic, halatang sanay at mabagsik. Pero mas sanay kami, iyon ang dapat kong isipin. Mas determinado dapat kami kaya nag-focus akong mabuti sa mga naging training ko sa kamay ng mga tito ko.Nag-slide kapagdaka si Samira sa likod ng isang sementadong harang habang binunot ang dalawang baril mula sa thigh holsters niya. Sabay niyang pinutukan ang dalawang kalaban na sumisilip mula sa likod ng van.Bang! Bang!Tumama ang bala sa helmet ng isa, sapul ang mukha. ‘Yung isa, sa d
Samira POVPagkatapos ng putukan, halos hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Habang sakay kami sa bulletproof van, mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Manang Cora habang nakahiga siya sa stretcher. May mga balot na ng gasa ang balikat niya pero kitang-kita pa rin ang patak ng dugo na hindi mapigil. Ang mga mata niya, nakapikit at masyado nang maputla. Tahimik lang siya, humihinga ng mababaw. Sa tabi niya, nakaupo si Miro, hawak ang cellphone at panay ang utos sa mga tauhan niya.Nandito na rin sina Tito Zuko, Tito Sorin at Tito Eryz, sila na ang nasa harap ng van, isa sa kanila ang driver.“Make sure the area is clear. Double the guards until further notice,” utos ni Miro habang seryoso ang ekspresyon ng mukha.Habang umaandar ang van papuntang ospital, tinignan ko ang iba pang mga manang na kasama namin sa loob. Tahimik lang silang lahat. Si Manang Luz, nakapikit at tila nagdarasal. Si Manang Luciana, panay ang himas sa palad ni Manang Percy na hindi pa rin makapaniwalang ga
Miro POVKanina pa ako nakatanggap ng report mula sa isa kong soldier. Tumawag siya direkta sa secure line, at sa tono pa lang ng boses niya, alam ko nang hindi ito simpleng ulat lang.“Boss, may dalawang motor at isang van na pabalik-balik sa harap ng mansion. Same plate numbers, same route. Parang minamanmanan ang mansiyon ng mga manang,” sabi niya habang ang boses at klarong nasa ilalim ng tumutubong tensyon. Sila, hindi basta-basta magre-report kung hindi sila siguradong banta ito sa buhay ng mga manang.Hindi na ako nag-aksaya ng oras.“Send reinforcement. Double the guards. I want snipers on the roof and checkpoints within a kilometer radius. Now.”Kaagad akong tumayo mula sa leather chair ko sa opisina. Tinawagan ko rin agad si Samira.“Something’s wrong,” sabi ko ng diretsyo sa kaniya. Bawal maglihim, magagalit siya kaya kahit mag-panic siya, mas okay kasi ang mahalaga, alam niya agad ang nangyayari. “We need to go there. Now.”Hindi na ako nagtaka sa sagot niya.“I’m coming w
Samira POVIsang malakas na katok sa pinto ang gumising sa akin.“Samira! Samira!” boses iyon ni Miro na kanina pa pala gising kasi ako na lang ang natira dito sa kuwarto namin.Napabangon tuloy agad ako. Sa boses pa lang kung paano niya ako tawagin, kinabahan na rin talaga ako. Binuksan ko ang pinto at sinalubong ako ng seryosong tingin ni Miro.“Two of the manangs are missing,” mabilis niyang sabi. “Manang Percy and Manang Cora. They’re gone.”Nanlaki ang mga mata ko. “What do you mean gone?” tanong ko habang mabilis na sinusundan siya pababa ng hagdan.“This morning, hindi sila nakita sa kuwarto nila. Manang Luciana said they were last seen last night, pero ngayong umaga ay nawala na sila sa mansiyon.”Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko. Dalawang matatanda pa talaga ang nalawa. Hindi pa naman sila puwedeng lumabas ng mansiyon dahil delikado.Mabilis kaming sumakay sa sasakyan ni Miro at saka tumuloy sa lumang mansiyon kung saan pansamantalang nakatira ang mga manang.**Pa
Samira POVPagbalik namin ni Ramil sa loob ng mansiyon, napansin kong lalong tumindi ang seguridad. May mga bagong CCTV cameras na naka-install sa bawat sulok, mga guard na may earpiece at mga patrol vehicles na umiikot sa perimeter.Sinulyapan ako ni Ramil at ngumiti ng payapa.“I see Miro’s already tightening the defenses,” sabi niya.“He’s taking no chances,” sagot ko, proud sa fiance ko.Tumayo kami sa malawak na hallway, sa ilalim ng grand chandelier. Ang saya sana kung ang pinaghahandaan ngayon ay ang kasal namin ni Miro, hindi ang nalalapit o darating na malaking labanan na naman.“You need to be ready for anything,” Ramil said.“I am,” sagot ko habang ramdam ko ang apoy sa loob ng puso at katawan ko.He chuckled slightly. “You sound like a soldier.”I smiled. “Maybe I am now.” una palang naman kasi ay parang sundalo na ako. Sa mga nangyaring training ko kina Tito Sorin, Tito Zuko at Tito Eryx, para na akong sundalong atat na atat maging malakas.Humakbang siya palapit sa akin
Samira POVMainit na ang sikat ng araw nang lumabas ako ng mansiyon. Kasalukuyan akong may hawak na malamig na lemonade habang pinagmamasdan si Ramil na naglalakad sa hardin. Malayo na talaga ang narating niya mula noong iligtas siya nila Miro mula sa pagtatago sa masukal na gubat na iyon. Ngayon, nagkakalaman na ang pisngi niya at kahit medyo mabagal pa ang kilos niya, ramdam mo ang unti-unting pagbabalik ng lakas sa kaniyang katawan.Lumapit ako sa kaniya, sabay abot ng isang tuwalya para pamunas ng pawis niya.“You’re doing great,” sabi ko.Ngumiti si Ramil, kinuha ang tuwalya at pinunasan ang leeg niya. “Thank you, Samira!” sagot niya na medyo paos pa rin ang boses. Nitong nagdaang araw kasi ay nilagnat pa siya.Naglakad kami ng mabagal sa gilid ng hardin, kung saan may mga anino ng puno na nagbibigay ng kaunting lamig sa paligid. Habang naglalakad kami, napansin ko ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Ramil.“Is something bothering you?” tanong ko.Huminto siya sandali, tumingin
Samira POVTahimik ang gabing iyon. Pero hindi pa ako makatulog.Nakahiga na rin si Miro sa kama, nakapikit pero alam kong gising pa siya. Marahan akong bumangon mula sa kama at naupo sa gilid. Nakita kong napadilat siya nang maramdaman ako“Bakit bumangon ka pa?” mahinang tanong ni Miro.Huminga ako nang malalim bago lumingon sa kaniya. “Miro,” bulong ko, “can we talk?”Umupo siya na parang nag-aalala. “Of course. What’s wrong?”Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya, siniguradong mararamdaman niya kung gaano kaseryoso ang sasabihin ko sa kaniya.“I want to build a secret hideout,” sabi ko na halos bulong ulit. “Underground. Just for the manangs. A place only we know about. Somewhere safe… in case Vic targets them.”Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako habang tahimik na nag-iisip. Ilang saglit pa, ngumiti siya at walang alinlangang tumango.‘Let’s do it,” sagot niya. “Whatever you need, love. I’ll make it happen.”Nang marinig ko ‘yon, para
Samira POVNasa loob ako ng kuwarto ni Ramil ngayon. Busy sina Miro ngayon, kami lang nila Mama Ada at Ahva ang naiwan dito sa manisyon. Naisip ko naman na puntahan si Ramil kaya dinalhan ko siya ng pagkain—isang tray na may sinigang na baboy, kanin, at manggang hilaw na may bagoong.“You need to eat more,” sabi ko habang iniaabot ko sa kaniya ang tray. “You need strength, Ramil. Hindi ka puwedeng injury na lang habang buhay. Ikaw na ang nagsabi, kailangan nating maghanda kaya magpalakas ka rin.”Ngumiti lang siya sa akin. “Salamat, Samira. Huwag kang mag-alala, ito na, nagpapagaling at nagpapalakas na ako. Baka sa susunod na linggo, makalakad na ulit ako.”Habang kumakain na siya, pinagmamasdan ko lang siya, napansin ko, tila may gusto siyang itanong pero hindi niya agad masabi. Hanggang sa maya-maya'y nagsalita rin siya.“Ang mga manang pala, kumusta na sila?” tanong niya habang nakasandal sa mga unan.Napatingin ako sa kaniya. Biglang lumabas ang ngiti sa mga labi ko. Hindi pa nga