Miro POVPambihira, kasal ko na pala talaga ngayon.First time kong magising na walang kayakap sa umaga. May mga nalalaman pa kasi silang pamahiin. Hindi ko tuloy nakatabi si Samira sa pagtulog kagabi, kulang ang gabi kapag hindi ko siya kayakap.Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil kailangan kasi kung tatanghaliin ako, aba, baka mahuli ako sa kasal namin ng mahal ko.Tangina, ngayon lang ako kinabahan nang ganito. Hindi noong unang pumatay ako ng kalaban. Hindi noong sinugod kami ng rival gang. Alam ko namang wala nang mangyayaring masama, tapos na e, pero legit ang lintik na kaba.Nasa isang private suite ako sa loob ng mansyon. Sadyang pinaghanda ‘to ng glam team ko na si Mama Ada ko ang may pakana at hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatawa kasi parang ako ang bride sa dami ng kailangang umasikaso sa akin. Ang katwiran naman ng kapatid kong si Ahva, ganoon daw talaga. Dapat, maging poging-pogi at ayos na ayos ako sa kasal ko.May sarili kasi akong stylist,
Samira POVThis is it! Umaga na. Kasal na namin ni Miro ngayong araw.Pero hindi pa man ako naka-wedding gown, hindi pa man ako humaharap sa altar, ramdam ko na agad ang kabog ng dibdib ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil… hindi ko rin alam, siguro ganito talaga. Wala ka namang dapat ikakaba pero kakabahan ka talaga siguro kapag ikakasal ka na. Ang weird lang.Maaga akong nagising. Wala si Miro sa tabi ko. Kahit sobrang nasanay na akong may kayakap sa tuwing umaga, pinili naming sundin ang kasabihan na bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal. Sabi nila, malas daw. Kahit hindi kami naniniwala sa pamahiin, gusto pa rin naming sundin ang mga maliliit na tradisyong Pinoy na may sentimental value.Nasa private bridal suite ako ng mansion. Ang buong silid ay napapalibutan ng puting rosas, peonies, at soft pink tulips. May sheer drapes na ginagalaw ng hangin mula sa terrace. Nasa harapan ko ang isang floor-to-ceiling mirror. At nakaupo ako sa isang plush velvet na upuan, habang hin
Miro POVHanda na ang lahat. Araw na lang ng kasal namin ang hihintayin. Pero ngayong gabi, sa wakas, may pagkakataon na rin akong huminga nang maluwag. Sa totoo lang, never ko pa palang na-try makipag-inuman sa mga tito ko, naiinom naman na ako dati pero dahil busy sa pakikipagbakbakan, never ko pang na-try makipag-inuman ng walwalan night. Kaya naisip kong mag-set-up, bago manlang ako mawala sa pagiging binata.Sa mismong mansion, sa rooftop lounge na overlooking ang city lights, pina-setup ko ang inuman namin. May mga leather couches, ambient lights at whiskey bar na pinuno ng pinakamatitinding alak mula pa sa private collection ni Tito Eryx. May naglulutong chef sa tabi para kung may mag-crave ng pulutan, ready agad. Mahangin ang gabi, sakto para sa isang relaks at maingay na boys night namin.Hindi lang ang mga tito ko ang nandito, sa wakas kasi ay makakasama ko na rin ang mga bestfriend ko sa school na matagal-tagal ko ring hindi nakasama.“Hoy, Miro! Where’s the groom-to-be?” s
Samira POVPagkatapos ng nakakapagod na araw kahapon kasama ang mga manang, ngayong araw ay tila mas may nakakapagod na namang mangyayari. Ngayong araw naman kasi magaganap ang pre-wedding shoot namin ni Miro.Sa loob ng isang private luxury estate, may isang bonggang hardin na dinisenyo na parang Amalfi Coast. Dito, bawat details ay tila magaling at bonggang pinag-isipan, mula sa marble fountains, lemon trees sa mga paso at kung ano-ano pa na para sa akin, perfect talaga para sa shoot namin.Nakasuot na ako ng blush silk gown na gawa pa na isang sikat na designer sa Milan. Si Miro, ayaw talaga ng hindi gagastos.Nasa tabi ko si Miro na naka-linen suit na off-white, na lalong nagpatingkad sa kayumanggi niyang balat at matatalim niyang mata. May stylist na nakatutok sa buhok ko, at may makeup artist din nna nagre-retouch sa akin bawat sampung minuto. Isang team ng mga cinematographer ang nasa paligid namin, may dalang RED cameras at lumilipad na drone sa itaas, kinukunan ang bawat ekse
Samira POV“Good morning, mahal,” bulong niya habang inaabot ang buhok kong nakalatag sa pisngi ko. Napakasaya sa pakiramdam na gigising ka na mukha ng mapapangasawa mo ang makikita mo. Lalo nang masarap gumising sa umaga kapag alam mong wala nang problema.“Good morning,” sagot ko naman habang nangiti ko sabay halik sa noo niya. “Ready ka na ba today?”Tumango siya habang hinihila ako palapit sa kaniya. “Kasal natin ‘to, Samira. Hindi ito pwedeng maging basta-basta lang.”“Kung ganoon, tama na ang hilata, bumangon na tayo at maligo dahil marami-rami tayong dapat asikasuhin,” sabi ko sa kaniya. Ako naman ang nanghila sa kaniya para tumayo na kami.Palagi na kaming sabay naliligo. Siya ang nagsasabon sa akin, ako naman ang nagsasabon sa kaniya.Pagkagayak namin, nag-almusal na kami. Ngayong umaga, siya ang naka-schedule na magluluto ng almusal kaya nakaupo lang ako sa lamesa at patingin-tingin ng mga idea about sa kasal namin.**Nagpunta kami sa isang exclusive na events planning firm
Miro POVMula pagkagising ko ngayong umaga, kakaibang katahimikan ang bumalot sa dibdib ko. Hindi ito tulad ng katahimikang may kasunod na panganib, kundi ‘yung uri ng katahimikan na parang paanyaya sa panibagong simula ng buhay ko kasama si Samira. Nakatitig ako sa kawalan habang iniisip kung ikakahiya kaya ako ng mama ko kung ayaw ko nang maging ganito? Wala na siya, pero naiisip ko pa rin siya. Naiisip ko na baka kapag ginawa ko ang desisyon kong ito ay madismaya siya. Kung ganoon man, wala na akong magagawa kasi magkaiba kami. Hindi ko na gusto ng matagalang gulo, matagalang paghawak sa impyeryong ito na hindi ko naman talaga gusto simula pa nung una. Tinanggap ko lang dahil kailangan, pero ngayong tapos na at wala ng gulo, dapat ko na rin itong tapusin o sabihin na lang natin na iiwan ko na.At ngayong malapit na ang kasal namin ni Samira, hindi ko na kayang isugal pa ang kinabukasan namin para lang manatili sa posisyong ayaw ko na rin palang panindigan.Ayoko na.“Magluluto b